< Isaias 59 >

1 Narito, ang kamay ng Panginoon ay hindi umiksi, na di makapagligtas; ni hindi man mahina ang kaniyang pakinig, na di makarinig.
Redzi, Tā Kunga roka nav paīsināta, palīdzēt, un Viņa auss nav bieza, dzirdēt.
2 Kundi pinapaghiwalay ng inyong mga kasamaan kayo at ang inyong Dios, at ang inyong mga kasalanan ay siyang nagpakubli ng kaniyang mukha sa inyo, upang siya'y huwag makinig.
Bet jūsu noziegumi jūs atšķir no jūsu Dieva, un jūsu grēki apslēpj Viņa vaigu no jums, ka Viņš neklausa.
3 Sapagka't ang inyong mga kamay ay nadumhan ng dugo, at ang inyong mga daliri ng kasamaan; ang inyong mga labi ay nangagsalita ng mga kasinungalingan, ang inyong dila ay nagsasalita ng kasamaan.
Jo jūsu rokas ir sagānītas ar asinīm un jūsu pirksti ar netaisnību, jūsu lūpas runā viltību, un jūsu mēle izdomā nepatiesību.
4 Walang dumadaing ng katuwiran at walang nanananggalang ng katotohanan: sila'y nagsisitiwala sa walang kabuluhan, at nangagsasalita ng mga kasinungalingan; sila'y nangaglilihi ng kalikuan, at nanganganak ng kasamaan.
Neviena nav, kas taisnību sludina, un neviena, kas uzticīgi tiesā; tie paļaujas uz tukšiem niekiem un runā viltu, tie nesās ar nelietību un dzemdē postu.
5 Sila'y pumipisa ng mga itlog ng ahas, at gumagawa ng bahay gagamba: ang kumakain ng kanilang itlog ay namamatay; at ang napipisa ay nilalabasan ng ulupong.
Tie perē čūsku pautus(olas) un auž zirnekļa tīklus. Kas no viņu pautiem ēd, tam jāmirst, un kad vienu samin, tad odze izlec.
6 Ang kanilang mga bahay gagamba ay hindi magiging mga kasuutan, o magsusuot man sila ng kanilang mga gawa: ang kanilang mga gawa ay mga gawa ng kasamaan, at ang kilos ng karahasan ay nasa kanilang mga kamay.
Viņu audumi neder drēbēm, un ar viņu darījumiem nevar apsegties, viņu darbi ir nelietīgi darbi, un varmācība ir viņu rokās.
7 Tinatakbo ng kanilang mga paa ang kasamaan, at sila'y nangagmamadaling magbubo ng walang salang dugo: ang kanilang mga pagiisip ay mga pagiisip ng kasamaan; kawasakan at kagibaan ay nasa kanilang mga landas.
Viņu kājas skrien uz ļaunumu un steidzās izliet nenoziedzīgas asinis, viņu domas ir nelietīgas domas, posts un nelaime ir uz viņu ceļiem.
8 Ang daan ng kapayapaan ay hindi nila nalalaman: at walang kahatulan sa kanilang mga lakad: sila'y nagsigawa para sa kanila ng mga likong landas; sinomang lumalakad doon ay hindi nakakaalam ng kapayapaan.
Miera ceļu tie nezin, un tiesa nav viņu gājumos, tie groza savus ceļus; neviens, kas pa tiem staigā, nezin mieru.
9 Kaya't ang kahatulan ay malayo sa amin, o umaabot man sa amin ang katuwiran: kami'y nagsisihanap ng liwanag, nguni't narito, kadiliman; ng kaliwanagan, nguni't nagsisilakad kami sa kadiliman.
Tādēļ tiesa ir tālu no mums, un taisnība mūs nepanāk, mēs gaidām uz gaismu, bet redzi, te ir tumsa, - uz spožumu, bet mēs staigājam krēslā.
10 Kami'y nagsisikapa sa bakod na parang bulag, oo, kami'y nagsisikapa na gaya nila na walang mga mata: kami'y nangatitisod sa katanghaliang tapat na gaya sa gabi; sa gitna ng mga malakas, kami'y parang mga patay.
Mēs grābstāmies gar sienām, kā akli, un kā kam acu nav, tā mēs grābstāmies; mēs piedauzamies dienas vidū tā kā krēslā, pašā zaļā dzīvībā esam kā miruši.
11 Kaming lahat ay nagsisiungol na parang mga oso, at lubhang dumadaing na parang mga kalapati: kami'y nagsisihanap ng kahatulan, nguni't wala; ng kaligtasan, nguni't malayo sa amin.
Mēs rūcam visi kā lāči, vaidam kā baloži, gaidām uz tiesu bet nav, uz pestīšanu, bet tā no mums tālu.
12 Sapagka't ang aming mga pagsalangsang ay dumami sa harap mo, at ang aming mga kasalanan ay nagpapatotoo laban sa amin; sapagka't ang aming mga pagsalangsang ay sumasaamin, at tungkol sa aming mga kasamaan ay nababatid namin.
Jo mūsu pārkāpumu ir daudz Tavā priekšā, un mūsu grēki dod pret mums liecību. Jo mūsu pārkāpumi ir mūsu priekšā, un mēs zinām savus noziegumus,
13 Pagsalangsang at pagsisinungaling sa Panginoon at sa pagtigil ng pagsunod sa aming Dios, sa pagsasalita ng pagpighati at panghihimagsik, sa pagaakala at paghango sa puso ng mga salitang kasinungalingan.
Mēs esam atkāpušies un To Kungu aizlieguši, nogriezušies no sava Dieva, runājam varmācību un bezdievību, sadomājam un izgāžam no sirds melu valodu.
14 At ang kahatulan ay tumatalikod, at ang katuwiran ay tumatayo sa malayo; sapagka't ang katotohanan ay nahulog sa lansangan, at ang karampatan ay hindi makapasok.
Tiesa ir atstumta nost, un taisnība stāv no tālienes, jo patiesība klūp uz ielas, un skaidrība netiek iekšā.
15 Oo, ang katotohanan ay nagkukulang, at siyang humihiwalay sa kasamaan ay nagiging sa kaniyang sarili na huli. At nakita ng Panginoon, at isinama ng kaniyang loob na walang kahatulan.
Tiešām, patiesība palikusi reta, un kas no ļauna atkāpjas, paliek par laupījumu. Tas Kungs to redzēja, un tas viņam nepatika, ka taisnības nav.
16 At kaniyang nakita na walang tao, at namangha na walang tagapamagitan: kaya't ang kaniyang sariling bisig ay nagdala ng kaligtasan sa kaniya; at ang kaniyang katuwiran ay umalalay sa kaniya.
Un Viņš redzēja, ka neviena nav, un brīnījās, ka aizstāvētāja nav. Un Viņam palīdzēja Viņa elkonis, un Viņa taisnība Viņu turēja.
17 At siya'y nagsuot ng katuwiran na wari sapyaw, at ng turbante ng kaligtasan sa kaniyang ulo at siya'y nagsuot ng mga bihisan ng panghihiganti na pinakadamit, at nagbihis ng sikap na wari balabal.
Un Viņš apvilka taisnību kā krūšu bruņas un lika galvā pestīšanas bruņu cepuri, un Viņš apvilka par apģērbu atriebšanas drēbes un apņēma karstu dusmību kā mēteli.
18 Ayon sa kanilang mga gawa, ay gayon niya gagantihin, pusok ng loob sa kaniyang mga kaaway, kagantihan sa kaniyang mga kaalit; sa mga pulo ay gaganti siya ng kagantihan.
Tā kā pelnījuši, tā Viņš atmaksās, bardzību Saviem pretiniekiem, atmaksu Saviem ienaidniekiem, salām Viņš atlīdzinās, kā pelnījušas.
19 Sa gayo'y katatakutan nila ang pangalan ng Panginoon mula sa kalunuran, at ang kaniyang kaluwalhatian ay mula sa sikatan ng araw sapagka't siya'y darating na parang bugso ng tubig na pinayaon ng hinga ng Panginoon.
Tad bīsies Tā Kunga vārdu no vakara puses un no saules uzlēkšanas Viņa godību; jo Viņš nāks kā uzplūdusi upe, ko Tā Kunga dvaša dzen.
20 At isang Manunubos ay paroroon sa Sion, at sa kanila, na nangaghihiwalay sa Jacob ng pagsalangsang, sabi ng Panginoon.
Un Pestītājs nāks Ciānai un tiem, kas iekš Jēkaba atgriežas no pārkāpšanas, saka Tas Kungs.
21 At tungkol sa akin, ito ang aking tipan sa kanila, sabi ng Panginoon: ang aking Espiritu na nasa iyo, at ang aking mga salita na inilagay ko sa iyong bibig, hindi hihiwalay sa iyong bibig, o sa bibig man ng iyong lahi, o sa bibig man ng angkan ng iyong lahi, sabi ng Panginoon, mula ngayon at magpakailan pa man.
“Šī ir Mana derība ar tiem,” saka Tas Kungs: “Mans Gars, kas uz tevi, un mani vārdi, ko esmu licis tavā mutē, tie neatstāsies no tavas mutes, nedz no tava dzimuma mutes, nedz no tavu bērnu bērnu mutes,” saka Tas Kungs, “no šī laika mūžīgi mūžam.

< Isaias 59 >