< Isaias 57 >
1 Ang matuwid na namamatay, at walang taong nagdadamdam; at mga taong mahabagin ay pumapanaw, walang gumugunita na ang matuwid ay naalis sa kasamaan na darating.
The righteous has perished, And there is none laying [it] to heart, And men of kindness are gathered, Without any considering that from the face of evil The righteous one is gathered.
2 Siya'y nanasok sa kapayapaan; sila'y nagpapahinga sa kanilang mga higaan bawa't lumalakad sa kaniyang katuwiran.
He enters into peace, they rest on their beds, [Each] is going straightforward.
3 Nguni't magsilapit kayo rito, kayong mga anak ng babaing manghuhula, na lahi ng mangangalunya at ng patutot.
“And you, come near here, O sons of a sorceress, seed of an adulterer, Even you commit whoredom.
4 Laban kanino nakipagaglahian kayo? laban kanino nagluluwang kayo ng bibig, at naglalawit ng dila? hindi baga kayo mga anak ng pagsalangsang, lahing sinungaling,
Against whom do you sport yourselves? Against whom do you enlarge the mouth [And] prolong the tongue? Are you not children of transgression? A false seed?
5 Kayong mga nangagaalab sa inyong sarili sa gitna ng mga encina, sa ilalim ng bawa't sariwang punong kahoy; na pumapatay ng mga anak sa mga libis, sa mga bitak ng mga bato sa mga bangin?
Who are inflamed among oaks, under every green tree, Slaughtering the children in valleys, Under clefts of the rocks.
6 Nasa gitna ng mga makinis na bato sa libis ang iyong bahagi; sila, sila ang iyong bahagi; sa kanila ka nga nagbuhos ng inuming handog, ikaw ay naghandog ng alay. Matatahimik baga ako sa mga bagay na ito?
Your portion [is] among the smooth things of a brook, They [are] your lot, You have also poured out an oblation to them, You have caused a present to ascend, Am I comforted in these things?
7 Sa isang mataas at matayog na bundok ay inilagay mo ang iyong higaan; doon ka naman sumampa upang maghandog ng hain.
On a mountain, high and exalted, You have set your bed, You have also gone up there to make a sacrifice.
8 At sa likod ng mga pintuan at ng mga tukod ay itinaas mo ang iyong alaala: sapagka't ikaw ay nagpakahubad sa iba kay sa akin, at ikaw ay sumampa; iyong pinalaki ang iyong higaan, at nakipagtipan ka sa kanila: iyong inibig ang kanilang higaan saan mo man makita.
And behind the door, and the post, You have set up your memorial, For you have removed from Me, and go up, You have enlarged your bed, And cut [a covenant] with them, You have loved their bed, the station you saw,
9 At ikaw ay naparoon sa hari na may pahid na langis, at iyong pinarami ang iyong mga pabango, at iyong sinugo ang iyong mga sugo sa malayo, at ikaw ay nagpakababa hanggang sa Sheol. (Sheol )
And go joyfully to the king in ointment, And multiply your perfumes, And send your ambassadors far off, And humble yourself to Sheol. (Sheol )
10 Ikaw ay napagod sa kahabaan ng iyong lakad; gayon ma'y hindi mo sinabi, Walang kabuluhan: ikaw ay nakasumpong ng kabuhayan ng iyong lakas; kaya't hindi ka nanglupaypay.
You have labored in the greatness of your way, You have not said, It is desperate. You have found the life of your hand, Therefore you have not been sick.
11 At kanino ka nangilabot at natakot, na ikaw ay nagsisinungaling, at hindi mo ako inalaala, o dinamdam mo man? hindi baga ako tumahimik na malaong panahon, at hindi mo ako kinatatakutan.
And of whom have you been afraid, and fear, That you lie, and have not remembered Me? You have not laid [it] to your heart, Am I not silent, even from of old? And you do not fear Me?
12 Aking ipahahayag ang iyong katuwiran; at tungkol sa iyong mga gawa, ang mga yaong hindi makikinabang sa iyo.
I declare your righteousness, and your works, And they do not profit you.
13 Pagka ikaw ay humihiyaw, iligtas ka nila na iyong pinisan; nguni't tatangayin sila ng hangin, isang hinga ay tatangay sa kanila: nguni't siyang naglalagak ng kaniyang tiwala sa akin ay magaari ng lupain, at magmamana ng aking banal na bundok.
When you cry, let your gatherings deliver you, And wind carries all of them away, Vanity takes away, And whoever is trusting in Me inherits the land, And possesses My holy mountain.”
14 At kaniyang sasabihin, inyong patagin, inyong patagin, inyong ihanda ang lansangan, inyong alisin ang katitisuran sa lansangan ng aking bayan.
And He has said, “Raise up, raise up, prepare a way, Lift a stumbling-block out of the way of My people.”
15 Sapagka't ganito ang sabi ng Mataas at Matayog na tumatahan sa walang hanggan, na ang pangalan ay Banal; Ako'y tumatahan sa mataas at banal na dako na kasama rin niya na may pagsisisi at pagpapakumbabang-loob, upang bumuhay ng loob ng nagpapakumbaba, at upang bumuhay ng puso ng nagsisisi.
For thus said the high and exalted One, Inhabiting eternity, and His Name [is] holy: “I dwell in the high and holy place, And with the bruised and humble of spirit, To revive the spirit of the humble, And to revive the heart of bruised ones,
16 Sapagka't hindi ako makikipagtalo magpakailan man, o mapopoot man akong lagi; sapagka't ang diwa ay manglulupaypay sa harap ko, at ang mga kaluluwa na aking ginawa.
For I do not strive for all time, nor am I angry forever, For the spirit is feeble before Me, And the souls I have made.
17 Dahil sa kasamaan ng kaniyang kasakiman ay napoot ako, at sinaktan ko siya; aking ikinubli ang aking mukha at ako'y napoot; at siya'y yumaong nanghimagsik ng lakad ng kaniyang puso.
For the iniquity of his dishonest gain, I have been angry, and I strike him, Hiding—and am angry, And he goes on turning back in the way of his heart.
18 Aking nakita ang kaniyang mga lakad, at pagagalingin ko siya; akin ding papatnubayan siya, at bibigyan ko ng mga kaaliwan siya, at ang kaniyang nangananangis.
I have seen his ways, and I heal him, indeed, I lead him, And repay comforts to him and to his mourning ones.
19 Aking nililikha ang bunga ng mga labi: Kapayapaan, kapayapaan, sa kaniya na malayo at sa kaniya na malapit, sabi ng Panginoon; at aking pagagalingin siya.
Producing the fruit of the lips, Peace, peace, to the far off, and to the near, And I have healed him,” said YHWH.
20 Nguni't ang masama ay parang maunos na dagat; sapagka't hindi maaring humusay, at ang kaniyang tubig ay umaalimbukay ng burak at dumi.
And the wicked [are] as the driven out sea, For it is not able to rest, And its waters cast out filth and mire.
21 Walang kapayapaan, sabi ng aking Dios, sa mga masama.
“There is no peace,” said my God, “for the wicked!”