< Isaias 54 >

1 Umawit ka, Oh baog, ikaw na hindi nanganak; ikaw ay magbiglang umawit, at humiyaw ng malakas, ikaw na hindi nagdamdam ng panganganak: sapagka't higit ang mga anak ng binawaan kay sa mga anak ng may asawa, sabi ng Panginoon.
Syng med Fryd, du ufrugtbare, du, som ikke fødte! raab med Frydesang, ja, raab højt, du som ikke havde Fødselssmerte! thi den forladtes Børn ere flere end hendes Børn, som har sin Mand, siger Herren.
2 Iyong palakhin ang dako ng iyong tolda, at maladlad ang mga tabing ng iyong mga tahanan; huwag kang magurong: habaan mo ang iyong mga lubid, at patibayin mo ang iyong mga tulos.
Udvid Pladsen til dit Paulun, og lad dem udspænde din Boligs Tæpper, forhindre det ikke; stræk dine Teltsnore langt ud, og befæst dine Teltpæle!
3 Sapagka't ikaw ay lalago sa kanan at sa kaliwa; at ang iyong lahi ay magaari ng mga bansa, at patatahanan ang mga gibang bayan.
Thi du skal udbrede dig til højre og til venstre, og din Sæd skal arve Hedningerne, og den skal befolke de ødelagte Stæder.
4 Huwag kang matakot; sapagka't ikaw ay hindi mapapahiya: o malilito ka man; sapagka't hindi ka malalagay sa kahihiyan: sapagka't iyong kalilimutan ang kahihiyan ng iyong kabataan, at ang pula sa iyong pagkabao ay hindi mo maaalaala pa.
Frygt ikke, thi du skal ikke beskæmmes, og vær ikke skamfuld, thi du skal ikke komme til at blues; thi du skal glemme din Jomfrustands Skam og ikke ydermere ihukomme din Enkestands Forsmædelse.
5 Sapagka't ang May-lalang sa iyo ay iyong asawa; ang Panginoon ng mga hukbo ay kaniyang pangalan: at ang Banal ng Israel ay iyong Manunubos, ang Dios ng buong lupa tatawagin siya.
Thi din Skaber er din Ægtemand, Herren Zebaoth er hans Navn; og din Genløser er Israels Hellige, han kaldes al Jordens Gud.
6 Sapagka't tinawag ka ng Panginoon na parang asawang kinalimutan namamanglaw sa kalooban, parang asawa ng kabataan, pagka siya'y itinatakuwil, sabi ng iyong Dios.
Thi som en forladt og i Aanden bedrøvet Kvinde har Herren kaldet dig, ja, som en Ungdomshustru, der var forskudt, siger din Gud.
7 Sa sangdaling-sangdali ay kinalimutan kita; nguni't pipisanin kita sa pamamagitan ng mga malaking kaawaan.
Jeg har forladt dig et lidet Øjeblik, men jeg vil tage dig til mig med stor Barmhjertighed.
8 Sa kaunting pagiinit ay ikinubli ko ang aking mukha sa iyo sa isang sangdali; nguni't kinaawaan kita sa pamamagitan ng walang hanggang kagandahang-loob, sabi ng Panginoon, na iyong Manunubos.
Da jeg lod Vreden bryde frem, skjulte jeg mit Ansigt et Øjeblik for dig; men med evig Miskundhed har jeg forbarmet mig over dig, siger Herren, din Genløser.
9 Sapagka't ito ay parang tubig ng panahon ni Noe sa akin; sapagka't kung paanong ako'y sumumpa, na ang tubig ng panahon ni Noe ay hindi na aahon pa sa lupa, gayon ako'y sumumpa na hindi ako magiinit sa iyo, o sasaway sa iyo.
Thi dette er mig som ved Noas Vande, om hvilke jeg svor, at Noas Vande skulde ikke ydermere gaa over Jorden; saaledes har jeg svoret, at jeg ikke mere vil være vred paa dig eller skælde paa dig.
10 Sapagka't ang mga bundok ay mangapapaalis, at ang mga burol ay mangapapalipat; nguni't ang aking kagandahang-loob ay hindi hihiwalay sa iyo, o ang akin mang tipan ng kapayapaan ay maalis, sabi ng Panginoon na naaawa sa iyo.
Thi Bjergene skulle vige og Højene rokkes, men min Miskundhed skal ikke vige fra dig, og min Freds Pagt skal ikke rokkes, siger Herren, din Forbarmer.
11 Oh ikaw na nagdadalamhati, na pinapaspas ng bagyo, at hindi naaaliw, narito, aking ilalagay ang iyong mga bato na may magandang mga kulay, at ilalapag ko ang iyong mga patibayan na may mga zafiro.
Du elendige, af Stormen omtumlede! du, som ikke er trøstet, se, jeg vil lægge dine Stene i Blyglans og lægge din Grundvold med Safirer.
12 At gagawin kong mga rubi ang iyong mga dungawan, at mga karbungko ang iyong mga pintuang-bayan, at mga mahahalagang bato ang iyong lahat na hangganan.
Og jeg vil gøre dine Murtinder af Rubin og dine Porte af Karbunkelstene og hele din Ringmur af dyrebare Stene.
13 At lahat mong anak ay tuturuan ng Panginoon; at magiging malaki ang kapayapaan ng iyong mga anak.
Og alle dine Børn skulle være lærte af Herren, og dine Børn skulle have en stor Fred.
14 Sa katuwiran ay matatatag ka: ikaw ay malalayo sa kapighatian sapagka't yao'y hindi mo katatakutan; at sa kakilabutan, sapagka't hindi lalapit sa iyo.
Du skal befæstes ved Retfærdighed; du skal være langt fra Fortrykkelse, thi du skal intet have at flygte for, og langt fra Forfærdelse, thi den skal ikke komme dig nær.
15 Narito, sila'y magkakapisan, nguni't hindi sa pamamagitan ko: sinomang magpipisan laban sa iyo ay mabubuwal dahil sa iyo.
Se, naar nogen er fremmed, skal han dog ikke være fjern fra mig; hvo som er fremmed hos dig, skal tilfalde dig.
16 Narito, aking nilalang ang panday na humihihip sa mga baga, at naglalabas ng kasangkapan para sa kaniyang gawa; at aking nilalang ang manglilipol upang manglipol.
Se, jeg har skabt Smeden, som blæser en Kulild op og udfører et Redskab til dets Gerning, og jeg har skabt Ødelæggeren til at fordærve.
17 Walang almas na ginawa laban sa iyo ay pakikinabangan at bawa't dila na gagalaw laban sa iyo sa kahatulan ay iyong hahatulan. Ito ang mana ng mga lingkod ng Panginoon, at ang katuwiran nila ay sa akin, sabi ng Panginoon.
Intet Redskab, som er dannet imod dig, skal due, og hver Tunge, som staar op imod dig for Retten, skal du faa domfældt; dette er Herrens Tjeneres Arv, og deres Retfærdighed, som er fra mig, siger Herren.

< Isaias 54 >

A Dove is Sent Forth from the Ark
A Dove is Sent Forth from the Ark