< Isaias 40 >
1 Inyong aliwin, inyong aliwin ang aking bayan, sabi ng inyong Dios.
你們的上帝說: 你們要安慰,安慰我的百姓。
2 Mangagsalita kayong may pagaliw sa Jerusalem; at sigawan ninyo siya, na ang kaniyang pakikipagdigma ay naganap, na ang kaniyang kasamaan ay ipinatawad, sapagka't siya'y tumanggap sa kamay ng Panginoon ng ibayong ukol sa kaniyang lahat na kasalanan.
要對耶路撒冷說安慰的話, 又向她宣告說, 她爭戰的日子已滿了; 她的罪孽赦免了; 她為自己的一切罪, 從耶和華手中加倍受罰。
3 Ang tinig ng isang sumisigaw, Ihanda ninyo sa ilang ang daan ng Panginoon pantayin ninyo sa ilang ang lansangan para sa ating Dios.
有人聲喊着說: 在曠野預備耶和華的路, 在沙漠地修平我們上帝的道。
4 Bawa't libis ay mataas, at bawa't bundok at burol ay mabababa; at ang mga bakobako ay matutuwid, at ang mga hindi pantay na dako ay mapapatag:
一切山窪都要填滿, 大小山岡都要削平; 高高低低的要改為平坦, 崎崎嶇嶇的必成為平原。
5 At ang kaluwalhatian ng Panginoon ay mahahayag, at makikitang magkakasama ng lahat na tao, sapagka't sinalita ng bibig ng Panginoon,
耶和華的榮耀必然顯現; 凡有血氣的必一同看見; 因為這是耶和華親口說的。
6 Ang tinig ng isang nagsasabi, Ikaw ay dumaing. At sinabi ng isa, Ano ang aking idadaing? Lahat ng laman ay damo, at ang buong kagandahan niyaon ay parang bulaklak ng parang.
有人聲說:你喊叫吧! 有一個說:我喊叫甚麼呢? 說:凡有血氣的盡都如草; 他的美容都像野地的花。
7 Ang damo ay natutuyo, at ang bulaklak ay nalalanta, sapagka't ang hinga ng Panginoon ay humihihip doon; tunay na ang bayan ay damo.
草必枯乾,花必凋殘, 因為耶和華的氣吹在其上; 百姓誠然是草。
8 Ang damo ay natutuyo, ang bulaklak ay nalalanta; nguni't ang salita ng ating Dios ay mamamalagi magpakailan man.
草必枯乾,花必凋殘, 惟有我們上帝的話必永遠立定。
9 Oh ikaw na nagsasabi ng mga mabuting balita sa Sion, sumampa ka sa mataas na bundok; Oh ikaw na nagsasabi ng mga mabuting balita sa Jerusalem, ilakas mo ang iyong tinig na may kalakasan; ilakas mo, huwag kang matakot; sabihin mo sa mga bayan ng Juda, Tingnan ang inyong Dios!
報好信息給錫安的啊, 你要登高山; 報好信息給耶路撒冷的啊, 你要極力揚聲。 揚聲不要懼怕, 對猶大的城邑說: 看哪,你們的上帝!
10 Narito, ang Panginoong Dios ay darating na gaya ng makapangyarihan, at ang kaniyang kamay ay magpupuno sa ganang kaniya: Narito, ang kaniyang ganting pala ay dala niya, at ang kaniyang ganti ay nasa harap niya.
主耶和華必像大能者臨到; 他的膀臂必為他掌權。 他的賞賜在他那裏; 他的報應在他面前。
11 Kaniyang papastulin ang kaniyang kawan, na gaya ng pastor, kaniyang pipisanin ang mga kordero sa kaniyang kamay, at dadalhin sila sa kaniyang sinapupunan, at papatnubayan na marahan yaong mga nagpapasuso.
他必像牧人牧養自己的羊群, 用膀臂聚集羊羔抱在懷中, 慢慢引導那乳養小羊的。
12 Sino ang tumakal ng tubig sa palad ng kaniyang kamay, at sumukat sa langit ng dangkal, at nagsilid ng alabok ng lupa sa isang takal, at tumimbang ng mga bundok sa mga panimbang, at ng mga burol sa timbangan?
誰曾用手心量諸水, 用手虎口量蒼天, 用升斗盛大地的塵土, 用秤稱山嶺, 用天平平岡陵呢?
13 Sinong pumatnubay ng Espiritu ng Panginoon, o parang kaniyang kasangguni ay nagturo sa kaniya?
誰曾測度耶和華的心, 或作他的謀士指教他呢?
14 Kanino siya kumuhang payo, at sinong nagsaysay sa kaniya, at nagturo sa kaniya sa landas ng kahatulan, at nagturo sa kaniya ng kaalaman, at nagpakilala sa kaniya ng daan ng unawa?
他與誰商議,誰教導他, 誰將公平的路指示他, 又將知識教訓他, 將通達的道指教他呢?
15 Narito, ang mga bansa ay parang isang patak ng tubig sa timba, inaari na parang munting alabok sa timbangan: narito, kaniyang itinataas ang mga pulo na parang napakaliit na bagay.
看哪,萬民都像水桶的一滴, 又算如天平上的微塵; 他舉起眾海島,好像極微之物。
16 At ang Libano ay hindi sukat upang sunugin, ni ang mga hayop niyaon ay sukat na pinakahandog na susunugin.
黎巴嫩的樹林不夠當柴燒; 其中的走獸也不夠作燔祭。
17 Lahat ng mga bansa ay parang walang anoman sa harap niya; nangabilang sa kaniya na kulang kay sa wala, at walang kabuluhan.
萬民在他面前好像虛無, 被他看為不及虛無,乃為虛空。
18 Kanino nga ninyo itutulad ang Dios? o anong wangis ang iwawangis ninyo sa kaniya?
你們究竟將誰比上帝, 用甚麼形像與上帝比較呢?
19 Ang larawang inanyuan na binubo ng mangbububo, at binabalot ng ginto ng platero, at binubuan ng mga pilak na kuwintas.
偶像是匠人鑄造, 銀匠用金包裹, 為它鑄造銀鍊。
20 Siyang napakadukha sa gayong alay ay pumipili ng isang punong kahoy na hindi malalapok; siya'y humahanap sa ganang kaniya ng isang bihasang manggagawa upang ihandang larawang inanyuan, na hindi makikilos.
窮乏獻不起這樣供物的, 就揀選不能朽壞的樹木, 為自己尋找巧匠, 立起不能搖動的偶像。
21 Hindi ba ninyo naalaman? hindi ba ninyo narinig? hindi ba nasaysay sa inyo mula ng una? hindi ba nasaysay sa inyo bago nalagay ang mga patibayan ng lupa?
你們豈不曾知道嗎? 你們豈不曾聽見嗎? 從起初豈沒有人告訴你們嗎? 自從立地的根基, 你們豈沒有明白嗎?
22 Siya ang nakaupo sa balantok ng lupa, at ang mga nananahan doon ay parang mga balang; siyang naglaladlad ng langit na parang tabing, at inilaladlad na parang tolda upang tahanan;
上帝坐在地球大圈之上; 地上的居民好像蝗蟲。 他鋪張穹蒼如幔子, 展開諸天如可住的帳棚。
23 Na iniuuwi sa wala ang mga pangulo; siyang umaaring tila walang kabuluhan sa mga hukom sa lupa.
他使君王歸於虛無, 使地上的審判官成為虛空。
24 Oo, sila'y hindi nangatanim; oo, sila'y hindi nangahasik; oo, ang kanilang puno ay hindi nagugat sa lupa: bukod dito'y humihihip siya sa kanila, at sila'y nangatutuyo, at tinatangay sila ng ipoipo na gaya ng dayami.
他們是剛才栽上, 剛才種上, 根也剛才扎在地裏, 他一吹在其上,便都枯乾; 旋風將他們吹去,像碎稭一樣。
25 Kanino nga ninyo itutulad ako, upang makaparis ako niya? sabi ng Banal.
那聖者說:你們將誰比我, 叫他與我相等呢?
26 Itingin ninyo ang inyong mga mata sa itaas, at tingnan ninyo kung sinong lumikha ng mga ito, na tinutuos ang kanilang hukbo ayon sa bilang; tinatawag niya sila sa pangalan; sa pamamagitan ng kadakilaan ng kaniyang kapangyarihan, at dahil sa siya'y malakas sa kapangyarihan ay walang nagkukulang.
你們向上舉目, 看誰創造這萬象, 按數目領出, 他一一稱其名; 因他的權能, 又因他的大能大力, 連一個都不缺。
27 Bakit sinasabi mo, Oh Jacob, at sinasalita mo, Oh Israel, Ang daan ko ay lingid sa Panginoon, at nilalagpasan ng aking Dios ang kahatulan ko?
雅各啊,你為何說, 我的道路向耶和華隱藏? 以色列啊,你為何言, 我的冤屈上帝並不查問?
28 Hindi mo baga naalaman? hindi mo baga narinig? ang walang hanggang Dios, ang Panginoon, ang Maylalang ng mga wakas ng lupa, hindi nanlalata, o napapagod man; walang makatarok ng kaniyang unawa.
你豈不曾知道嗎? 你豈不曾聽見嗎? 永在的上帝耶和華,創造地極的主, 並不疲乏,也不困倦; 他的智慧無法測度。
29 Siya'y nagbibigay ng lakas sa mahina; at ang walang kapangyarihan ay pinananagana niya sa kalakasan.
疲乏的,他賜能力; 軟弱的,他加力量。
30 Pati ng mga kabinataan ay manlalata at mapapagod, at ang mga binata ay lubos na mangabubuwal:
就是少年人也要疲乏困倦; 強壯的也必全然跌倒。
31 Nguni't silang nangaghihintay sa Panginoon ay mangagbabagong lakas; sila'y paiilanglang na may mga pakpak na parang mga aguila; sila'y magsisitakbo, at hindi mangapapagod; sila'y magsisilakad, at hindi manganghihina.
但那等候耶和華的必重新得力。 他們必如鷹展翅上騰; 他們奔跑卻不困倦, 行走卻不疲乏。