< Isaias 34 >

1 Kayo'y magsilapit, kayong mga bansa, upang mangakinig; at dinggin ninyo, ninyong mga bayan: dinggin ng lupa at ng buong narito; ng sanglibutan, at ng lahat na bagay na nagsisilitaw rito.
Approchez, peuples, pour entendre, et vous, nations, écoutez! Que la terre écoute et tout ce qu'elle enserre, le monde et toutes ses productions!
2 Sapagka't ang Panginoon ay may galit laban sa lahat na bansa, at pusok ng loob laban sa lahat nilang hukbo: kaniyang lubos na nilipol sila, kaniyang ibinigay sila sa patayan.
Car l'Éternel est irrité contre toutes les nations, et courroucé contre toute leur armée; Il les dévoue et Il les livre au carnage.
3 Ang kanilang patay naman ay matatapon, at ang baho ng kanilang mga bangkay ay aalingasaw, at ang mga bundok ay tutunawin ng kanilang dugo.
Leurs morts sont jetés, et de leurs cadavres s'exhale la puanteur, et les montagnes ruissellent de leur sang.
4 At ang lahat na natatanaw sa langit ay malilipol, at ang langit ay mababalumbong parang isang ikid: at ang buo nilang hukbo ay mawawala na parang dahong nalalanta sa puno ng ubas, at gaya ng lantang dahon ng puno ng igos.
Toute l'armée des Cieux se dissout, et comme un volume les Cieux sont roulés, et toute leur armée tombe, comme du cep la feuille flétrie, comme du figuier la dépouille flétrie.
5 Sapagka't ang aking tabak ay nalango sa langit: narito, yao'y bababa sa Edom, at sa bayan ng aking sumpa, sa kahatulan.
Car mon épée s'est enivrée dans les Cieux: voici, elle va fondre sur Edom et sur le peuple que j'ai dévoué, pour le jugement.
6 Ang tabak ng Panginoon ay napuno ng dugo, tumaba ng katabaan, sa dugo ng mga kordero at ng mga kambing, sa taba ng mga bato ng mga lalaking tupa: sapagka't may hain sa Panginoon sa Bosra, at may malaking patayan sa lupain ng Edom.
L'épée de l'Éternel est pleine de sang, engraissée de la graisse du sang des agneaux et des boucs, de la graisse du dos des béliers. Car il y a en Botsra un sacrifice de l'Éternel, et une grande boucherie dans le pays d'Edom.
7 At ang mga mailap na baka ay magsisibabang kasama nila at ang mga baka na kasama ng mga toro, at ang kanilang lupain ay malalango ng dugo, at ang kanilang alabok ay tataba ng katabaan.
Et avec eux y tombent les buffles et les taureaux avec les bœufs, et leur pays s'abreuve de sang, et leur sol aura la graisse pour engrais.
8 Sapagka't kaarawan ng panghihiganti ng Panginoon, na taon ng kagantihan sa pagaaway sa Sion.
Car l'Éternel aura une journée de vengeance, une année de représailles pour venger Sion.
9 At ang mga batis niya ay magiging sahing, at ang alabok niya ay azufre, at ang lupain niya ay magiging nagniningas na sahing.
Et ses rivières seront changées en poix, et son sol en soufre, et son pays deviendra une poix brûlante:
10 Hindi mapapatay sa gabi o sa araw man; ang usok niyaon ay iilanglang magpakailan man: sa buong panahon ay malalagay na sira; walang daraan doon magpakailankailan man.
ni nuit ni jour elle ne s'éteindra, éternellement sa fumée montera; d'âge en âge elle sera désolée; jamais dans aucun temps il n'y aura de passants.
11 Kundi aariin ng ibong pelikano at ng hayop na erizo; at ang kuwago at ang uwak ay magsisitahan doon: at kaniyang iuunat doon ang panukat na pising panglito, at ang pabatong pangpawala ng tao.
Elle sera occupée par le pélican et le hérisson, le héron et le corbeau l'habiteront; on y étendra le cordeau du ravage et le niveau de la désolation.
12 Kanilang tatawagin ang mga mahal na tao niyaon sa kaharian, nguni't mawawalan doon; at lahat niyang mga pangulo ay magiging parang wala.
Ses grands! il n'y en a plus pour proclamer un roi, et c'en est fait de tous ses princes.
13 At mga tinikan ay tutubo sa kaniyang mga palacio, mga kilitis at mga lipay ay sa mga kuta niyaon: at magiging tahanan ng mga chakal, looban ng mga avestruz.
Et les épines grimpent dans ses palais, les orties et les ronces dans ses forts; et elle est un gîte pour les chacals, un parc pour les autruches:
14 At ang mga mailap na hayop sa ilang ay makikipagsalubong doon sa mga lobo, at ang lalaking kambing ay hihiyaw sa kaniyang kasama; oo, ang malaking kuwago ay tatahan doon, at makakasumpong siya ng dakong pahingahan.
c'est le rendez-vous des bêtes du désert et des loups, et les satyres y viennent au-devant l'un de l'autre, elle n'est le séjour que du spectre de la nuit qui y trouve son lieu de repos.
15 Doon maglulungga ang maliksing ahas, at mangingitlog, at mangapipisa, at aampunin sa ilalim ng kaniyang lilim; oo, doon magpipisan ang mga lawin, bawa't isa'y kasama ng kaniyang kasamahan.
Là niche le serpent-dard, et il y pond: il fait éclore et couve ses petits à son ombre; des vautours seuls s'y réunissent l'un avec l'autre.
16 Inyong saliksikin sa aklat ng Panginoon, at inyong basahin: kahit isa sa mga ito ay hindi magkukulang, walang mangangailangan ng kaniyang kasama; sapagka't iniutos ng aking bibig, at pinisan sila ng kaniyang Espiritu.
Cherchez dans le livre de l'Éternel et lisez! aucun d'eux n'y manquera, l'un ne regrettera point l'absence de l'autre; car c'est ma bouche qui l'ordonne et mon esprit qui les réunira.
17 At kaniyang pinagsapalaran, at binahagi ng kaniyang kamay sa kanila sa pamamagitan ng pising panukat: kanilang aariin magpakailan man, sa sali't saling lahi ay tatahan sila roon.
Et Il tire au sort pour eux, et sa main leur partage ce pays au cordeau; éternellement ils l'occuperont et d'âge en âge y feront leur séjour.

< Isaias 34 >