< Isaias 33 >
1 Sa aba mo na sumasamsam, at ikaw ay hindi nasamsaman; at gumagawa na may kataksilan, at sila'y hindi gumawang may kataksilan sa iyo! Pagka ikaw ay naglikat ng pagsamsam, ikaw ay sasamsaman; at pagka ikaw ay nakatapos ng paggawang may kataksilan, sila'y gagawang may kataksilan sa iyo.
Alas! thou plunderer when, thou, hadst not been plundered, And thou traitor when they had not betrayed thee: When thou hast ceased plundering, thou shalt be plundered, When thou hast left off betraying, they shall betray thee.
2 Oh Panginoon, magmahabagin ka sa amin; aming hinintay ka: ikaw ay maging kanilang bisig tuwing umaga; aming kaligtasan naman sa panahon ng kabagabagan.
O Yahweh! shew us favour, —For thee, have we waited, —Be thou their arm every morning, Yea our salvation in the time of distress.
3 Sa ingay ng kagulo ay nagsisitakas ang mga bayan; sa pagbangon mo ay nagsisipangalat ang mga bansa.
At the noise of a tumult, the peoples retreated, —When thou didst lift thyself up, nations were scattered.
4 At ang iyong samsam ay pipisanin na gaya ng pagpisan ng uod: kung paanong ang mga balang ay nagsisilukso ay gayon luluksuhan ng mga tao.
Then shall your spoil be gathered as the gathering of the caterpillar, —As the swift running of locusts, is he about to run upon them.
5 Ang Panginoon ay nahayag; sapagka't siya'y tumatahan sa mataas: kaniyang pinuno ang Sion ng kahatulan at katuwiran.
Exalted is Yahweh, for he inhabiteth a height, —He hath filled Zion with justice and righteousness.
6 At magkakaroon ng kapanatagan sa iyong mga panahon, kasaganaan ng kaligtasan, karunungan at kaalaman: ang pagkatakot sa Panginoon ay kaniyang kayamanan.
So shall a wealth of deliverances, wisdom and knowledge, become the stability of thy times, —the reverence of Yahweh, the same is his treasure.
7 Narito, ang kanilang mga matapang ay nagsisihiyaw sa labas; ang mga sugo ng kapayapaan ay nagsisiiyak na mainam.
Lo! their heroes, have cried out openly, —the messengers of peace, in bitterness, continue weeping [they say]:
8 Ang mga lansangan ay sira, ang palalakad na tao ay naglilikat: kaniyang sinira ang tipan, kaniyang hinamak ang mga bayan, hindi niya pinakukundanganan ang kapuwa tao.
The highways are deserted, The passer-by on the path, hath ceased, —He hath broken covenant, He hath despised cities, He hath made no account of men.
9 Ang lupain ay nananangis at nahahapis: ang Libano ay nahihiya at natutuyo: ang Saron ay gaya ng isang ilang; at ang Basan at ang Carmel ay napapaspas ang kanilang mga dahon.
The land mourneth, languisheth, Lebanon, displayeth shame, is withered, —Sharon, hath become, as the waste plain, And Bashan and Carmel are shaking off their leaves.
10 Ngayo'y babangon ako, sabi ng Panginoon; ngayo'y magpapakataas ako; ngayo'y magpapakadakila ako.
Now, will I arise, Saith Yahweh, Now, will I lift myself up, Now, will I be exalted!
11 Kayo'y mangaglilihi ng ipa, kayo'y manganganak ng dayami: ang inyong hinga ay apoy na pupugnaw sa inyo.
Ye shall conceive chaff Ye shall bring forth stubble, —Your own breath, like fire, shall devour you.
12 At ang mga bayan ay magiging gaya ng pagluluto ng apog: gaya ng mga putol na mga tinik, na mga nasusunog sa apoy.
So shall peoples, become, as the burnings of lime, —As thorns lopped off, with fire, shall they be burned.
13 Pakinggan ninyo, ninyong nangasa malayo, kung ano ang aking ginawa; at kilalanin ninyo, na nangasa malapit, ang aking kapangyarihan.
Hear—ye that are far off. what I have done, And know—ye that are near my might:
14 Ang mga makasalanan sa Sion ay nangatatakot; nanginginig ang mga masasama. Sino sa atin ang tatahan sa mamumugnaw na apoy? Sino sa atin ang tatahan sa walang hanggang ningas?
Terror-stricken in Zion, —are sinners, Shuddering hath seized the impious, —Who among us can sojourn with a fire that devoureth? Who among us can sojourn with burnings age-abiding?
15 Siyang lumalakad ng matuwid, at nagsasalita ng matuwid; siyang humahamak ng pakinabang sa mga kapighatian, na iniuurong ang kaniyang mga kamay sa paghawak ng mga suhol, na nagtatakip ng kaniyang mga tainga ng pagdinig ng tungkol sa dugo, at ipinipikit ang kaniyang mga mata sa pagtingin sa kasamaan;
He that walketh righteously, And speaketh uprightly, —He that refuseth the gain of exactions That shaketh his hands free from holding a bribe, That stoppeth his ear from hearkening to deeds of blood, And shutteth his eyes from giving countenance to wrong,
16 Siya'y tatahan sa mataas, ang kaniyang dakong sanggalangan ay ang mga katibayan na malalaking bato: ang kaniyang tinapay ay mabibigay sa kaniya; ang kaniyang tubig ay sagana.
He, the heights, shall inhabit, A stronghold of crags, shall be his refuge, —His bread, hath been delivered, His waters, have been made sure,
17 Makikita ng iyong mga mata ang hari sa kaniyang kagandahan: sila'y tatanaw sa isang lupaing malawak.
Of a king, in his beauty, shall thine eyes have vision: They shall see a land that stretcheth afar.
18 Ang inyong puso ay gugunita ng kakilabutan: saan nandoon siya na bumibilang, saan nandoon siya na tumitimbang ng buwis? saan nandoon siya na bumibilang ng mga moog?
Thy heart, may murmur in terror, —Where is the scribe? Where—the receiver? Where—he that maketh a list of the towers?
19 Hindi mo makikita ang mabagsik na bayan, ang bayan na may malalim na pananalita na hindi mo matatalastas, na may ibang wika na hindi mo mauunawa.
The fierce people, shalt thou not see, —The people of too deep a lip to be understood, of too barbarous a tongue for thee to comprehend.
20 Tumingin ka sa Sion, ang bayan ng ating mga takdang kapistahan: makikita ng iyong mga mata ang Jerusalem na tahimik na tahanan, isang tabernakulo na hindi makikilos, ang mga tulos niyao'y hindi mangabubunot kailan man, o mapapatid man ang alin man sa mga tali niyaon.
Look thou on Zion, the city of our appointed feast, —Thine own eyes, shall see Jerusalem—A home of comfort A tent which shall not be packed up—Whose pins shall not be pulled out, for ever, And none of, whose cords, shall be broken.
21 Kundi doon ay sasa atin ang Panginoon sa kamahalan, na dako ng mga maluwang na ilog at batis; na hindi daraanan ng mga daong na may mga gaod, o daraanan man ng magilas na sasakyang dagat.
But, there shall Yahweh be our majestic one, A place of rivers—streams broad on both hands, Wherein shall go no galley with oars, Neither shall majestic ship traverse it;
22 Sapagka't ang Panginoon ay ating hukom, ang Panginoon ay ating tagapaglagda ng kautusan, ang Panginoon ay ating hari; kaniyang ililigtas tayo.
For, Yahweh is our judge, Yahweh, is our lawgiver, —Yahweh, is our king, He will save us!
23 Ang iyong mga tali ay nangakalag: hindi nila mapatibay ang kanilang palo, hindi nila mailadlad ang layag: ang huli nga na malaking samsam ay binahagi; ang pilay ay kumuha ng huli.
Loosed are thy ropes, —They cannot strengthen the socket of their mast They have not unfurled a sail Now, can be apportioned spoil, in abundance, The lame, have captured prey!
24 At ang mamamayan ay hindi magsasabi, Ako'y may sakit: ang bayan na tumatahan doon ay patatawarin sa kanilang kasamaan.
Neither shall the inhabitant say. I am sick, —the people who dwell therein, have been forgiven iniquity.