< Isaias 32 >

1 Narito, isang hari ay maghahari sa katuwiran, at mga pangulo ay magpupuno sa kahatulan.
Alors le roi régnera selon la justice, Et les princes gouverneront avec droiture.
2 At isang lalake ay magiging gaya ng isang kublihang dako sa hangin, at kanlungan sa bagyo, gaya ng mga ilog ng tubig sa tuyong dako, gaya ng lilim ng malaking bato sa kinapapagurang lupain.
Chacun sera comme un abri contre le vent, Et un refuge contre la tempête, Comme des courants d’eau dans un lieu desséché, Comme l’ombre d’un grand rocher dans une terre altérée.
3 At ang mga mata nila na nangakakakita ay hindi manganlalabo, at ang mga tainga nila na nangakikinig ay mangakikinig.
Les yeux de ceux qui voient ne seront plus bouchés, Et les oreilles de ceux qui entendent seront attentives.
4 Ang puso naman ng walang bahala ay makakaunawa ng kaalaman, at ang dila ng mga utal ay mangahahanda upang mangagsalita ng malinaw.
Le cœur des hommes légers sera intelligent pour comprendre, Et la langue de ceux qui balbutient parlera vite et nettement.
5 Ang taong mangmang ay hindi na tatawagin pang dakila o ang magdaraya man ay sasabihing magandang-loob.
On ne donnera plus à l’insensé le nom de noble, Ni au fourbe celui de magnanime.
6 Sapagka't ang taong mangmang ay magsasalita ng kasamaan, at ang kaniyang puso ay gagawa ng kasalanan, upang magsanay ng paglapastangan, at magsalita ng kamalian laban sa Panginoon, upang alisan ng makakain ang taong gutom, at upang papagkulangin ang inumin ng uhaw.
Car l’insensé profère des folies, Et son cœur s’adonne au mal, Pour commettre l’impiété, Et dire des faussetés contre l’Éternel, Pour laisser à vide l’âme de celui qui a faim, Et enlever le breuvage de celui qui a soif.
7 Ang mga kasangkapan din naman ng magdaraya ay masama: siya'y kumakatha ng mga masamang katha upang ibuwal ang mga maamo sa pamamagitan ng mga sinungaling na salita, pagka nga ang mapagkailangan ay nagsasalita ng matuwid.
Les armes du fourbe sont pernicieuses; Il forme de coupables desseins, Pour perdre les malheureux par des paroles mensongères, Même quand la cause du pauvre est juste.
8 Nguni't ang mapagbiyaya ay kumakatha ng mga bagay na pagbibiyaya; at sa mga bagay na pagbibiyaya ay mananatili siya.
Mais celui qui est noble forme de nobles desseins, Et il persévère dans ses nobles desseins.
9 Kayo'y magsibangon, kayong mga babaing tiwasay, at dinggin ninyo ang tinig ko; ninyong mga walang bahalang anak na babae, pakinggan ninyo ang aking pananalita.
Femmes insouciantes, Levez-vous, écoutez ma voix! Filles indolentes, Prêtez l’oreille à ma parole!
10 Sapagka't sa mga araw na sa dako pa roon ng isang taon ay mangababagabag kayo, kayong mga walang bahalang babae: sapagka't ang ani ng ubas ay magkukulang, ang pagaani ay hindi darating.
Dans un an et quelques jours, Vous tremblerez, indolentes; Car c’en est fait de la vendange, La récolte n’arrivera pas.
11 Kayo'y magsipanginig, kayong mga babaing tiwasay; kayo'y mangabagabag, kayong mga walang bahala; kayo'y magsipaghubo, at kayo'y magsipaghubad, at mangagbigkis kayo ng kayong magaspang sa inyong mga balakang.
Soyez dans l’effroi, insouciantes! Tremblez, indolentes! Déshabillez-vous, mettez-vous à nu Et ceignez vos reins!
12 Sila'y magsisidagok sa mga dibdib dahil sa mga maligayang parang, dahil sa mabungang puno ng ubas.
On se frappe le sein, Au souvenir de la beauté des champs Et de la fécondité des vignes.
13 Sa lupain ng aking bayan ay tutubo ang mga tinik at mga dawag; oo, sa lahat na bahay na kagalakan sa masayang bayan:
Sur la terre de mon peuple Croissent les épines et les ronces, Même dans toutes les maisons de plaisance De la cité joyeuse.
14 Sapagka't ang bahay-hari ay mapapabayaan; ang mataong bayan ay magiging ilang; ang burol at ang bantayang moog ay magiging mga pinaka yungib magpakailan man, kagalakan ng mga mailap na asno, pastulan ng mga kawan;
Le palais est abandonné, La ville bruyante est délaissée; La colline et la tour serviront à jamais de cavernes; Les ânes sauvages y joueront, les troupeaux y paîtront,
15 Hanggang sa mabuhos sa atin ang Espiritu na mula sa itaas, at ang ilang ay maging mabungang bukid, at ang mabungang bukid ay mabilang na pinakagubat.
Jusqu’à ce que l’esprit soit répandu d’en haut sur nous, Et que le désert se change en verger, Et que le verger soit considéré comme une forêt.
16 Kung magkagayo'y tatahan ang kahatulan sa ilang, at ang katuwiran ay titira sa mabungang bukid.
Alors la droiture habitera dans le désert, Et la justice aura sa demeure dans le verger.
17 At ang gawain ng katuwiran ay magiging kapayapaan; at ang bunga ng katuwiran ay katahimikan at pagkakatiwala kailan man.
L’œuvre de la justice sera la paix, Et le fruit de la justice le repos et la sécurité pour toujours.
18 At ang bayan ko ay tatahan sa payapang tahanan, at sa mga tiwasay na tahanan, at sa mga tahimik na dako na pahingahan.
Mon peuple demeurera dans le séjour de la paix, Dans des habitations sûres, Dans des asiles tranquilles.
19 Nguni't lalagpak ang granizo, sa ikasisira ng gubat; at ang bayan ay lubos na mawawasak.
Mais la forêt sera précipitée sous la grêle, Et la ville profondément abaissée.
20 Mapapalad kayo na nangaghahasik sa siping ng lahat na tubig, na nangagpapalakad ng mga paa ng baka at ng asno.
Heureux vous qui partout semez le long des eaux, Et qui laissez sans entraves le pied du bœuf et de l’âne!

< Isaias 32 >