< Isaias 30 >

1 Sa aba ng mga mapanghimagsik na mga anak, sabi ng Panginoon, na nagsisisangguni, nguni't hindi sa akin; at nangagaalay ng alay, nguni't hindi sa aking Espiritu, upang makapagdagdag ng kasalanan sa kasalanan:
Ve de genstridige Børn — saa lyder det fra HERREN — som fuldbyrder Raad, der ej er fra mig, slutter Forbund, uden min Aand er med, for at dynge Synd paa Synd,
2 Ang nagsisilakad na nagsisilusong sa Egipto, at hindi nangagtanong sa aking bibig; upang mangagpakalakas sa lakas ni Faraon, at magsitiwala sa lilim ng Egipto!
de, som gaar ned til Ægypten uden at spørge min Mund for at værne sig ved Faraos Værn, søge Ly i Ægyptens Skygge!
3 Kaya't ang lakas ni Faraon ay magiging inyong kahihiyan, at ang pagtiwala sa lilim ng Egipto ay inyong pagkalito.
Faraos Værn skal blive jer til Skam og Lyet i Ægyptens Skygge til Skændsel.
4 Sapagka't ang kaniyang mga pangulo ay nangasa Zoan, at ang kanilang mga sugo ay nagsidating sa Hanes.
Thi er end hans Fyrster i Zoan, hans Sendebud naaet til Hanes,
5 Silang lahat ay mangapapahiya dahil sa bayan na hindi nila mapapakinabangan, na hindi tulong o pakinabang man, kundi kahihiyan, at kakutyaan din naman.
enhver skal faa Skam af et Folk, der ikke kan bringe dem Hjælp, ej være til Gavn eller Hjælp, men kun til Skam og Skændsel.
6 Ang hula tungkol sa mga hayop ng Timugan. Sa lupain ng kabagabagan at ng kahapisan, na pinanggagalingan ng leong babae at lalake, ng ulupong at ng lumilipad na makamandag na ahas, kanilang dinadala ang kanilang mga kayamanan sa mga gulugod ng mga batang asno, at ang kanilang mga kayamanan sa umbok ng gulugod ng mga kamelyo, sa isang bayan na hindi nila mapapakinabangan.
Et Udsagn om Sydlandets Dyr: Gennem Angstens og Trængselens Land, hvor Løvinde og Løve har hjemme, Giftsnog og vinget Slange, fører de paa Æslers Ryg deres Gods, paa Kamelers Pukkel deres Skatte til et Folk, der ikke kan hjælpe.
7 Sapagka't ang Egipto ay tumulong na walang kabuluhan, at walang kapararakan: kaya't aking tinawag siyang Rahab na nauupong walang kibo.
Ægyptens Hjælp er Vind og Luft. Derfor kalder jeg det »Rahab, der hytter sig.«
8 Ngayo'y yumaon ka, isulat mo sa harap nila sa isang tapyas na bato, at ititik mo sa isang aklat upang manatili sa panahong darating na walang hanggan.
Gaa nu hen og skriv det paa en Tavle i deres Paasyn og optegn det i en Bog, at det i kommende Tider kan staa som Vidnesbyrd evindelig.
9 Sapagka't mapanghimagsik na bayan, mga sinungaling na anak, mga anak na hindi didinig ng kautusan ng Panginoon:
Thi det er et stivsindet Folk, svigefulde Børn, Børn, der ikke vil høre HERRENS Lov,
10 Na nagsasabi sa mga tagakita, Huwag kayong kumita; at sa mga propeta, Huwag kayong manghula sa amin ng mga matuwid na bagay, magsalita kayo sa amin ng mga malubay na bagay, manghula kayo ng mga magdarayang bagay:
som siger til Seerne: »Se ingen Syner!« til fremsynte: »Skuer os ikke det rette! Tal Smiger til os, skuer os Blændværk,
11 Humiwalay kayo sa daan, lumihis kayo sa landas, papaglikatin ninyo ang Banal ng Israel sa harap namin.
vig bort fra Vejen, bøj af fra Stien, lad os være i Fred for Israels Hellige!«
12 Kaya't ganito ang sabi ng Banal ng Israel, Sapagka't inyong hinamak ang salitang ito, at nagsitiwala kayo sa kapighatian at kasuwailan, at yaon ay inyong inaasahan:
Derfor, saa siger Israels Hellige: Siden I ringeagter dette Ord og stoler paa krumt og kroget og støtter jer til det,
13 Kaya't ang kasamaang ito ay magiging sa inyo'y gaya ng batong sira na madaling mababagsak, na natatanggal sa isang matayog na pader, na biglang dumarating ang pagkasira sa isang sangdali.
derfor skal denne Brøde blive for eder som en truende, voksende Revne i en knejsende Mur, hvis Fald vil indtræffe brat, lige i et Nu;
14 At yao'y kaniyang babasagin na gaya ng pagbasag ng palyok ng magpapalyok, na nababasag na putolputol na walang matitira; na anopat walang masusumpungan na kapiraso sa mga putol niyaon, na maikukuha ng apoy mula sa apuyan, o maikakadlo ng tubig sa balon.
den sønderbrydes som Lerkar; der skaanselsløst knuses; blandt Stumperne finder man ikke et Skaar, hvori man kan hente en Glød fra Baalet eller øse Vand af Brønden.
15 Sapagka't ganito ang sabi ng Panginoong Dios, ng Banal ng Israel, Sa pagbabalik at sa pagpapahinga ay matitiwasay kayo; sa katahimikan at sa pagasa ay magiging ang inyong lakas. At hindi ninyo inibig.
Thi saaledes sagde den Herre HERREN, Israels Hellige: Ved Omvendelse og Stilhed skal I frelses, i Ro og Tillid er eders Styrke.
16 Kundi inyong sinabi, Hindi, sapagka't kami ay magsisitakas na mangangabayo: kaya kayo'y magsisitakas: at, Kami ay magsisisakay sa mga maliksi; kaya't silang magsisihabol sa inyo ay maliliksi.
Men I vilde ikke; I sagde: »Nej, vi jager paa Heste« — I skal derfor jages! »Vi rider paa Rapfod« — I skal derfor forfølges af rappe.
17 Isang libo ay tatakas sa saway ng isa; sa saway ng lima ay tatakas kayo: hanggang sa kayo'y maiwang parang isang palatandaan sa taluktok ng bundok, at gaya ng isang watawat sa isang burol.
Tusind skal fly for een, som truer; Flugten skal I tage for fem, som truer, til I kun er en Rest som Stangen paa Bjergets Tinde, som Banneret oppe paa Højen.
18 At dahil dito maghihintay ang Panginoon, upang siya'y maging mapagbiyaya sa inyo, at kaya't mabubunyi siya, na siya'y magdadalang habag sa inyo: sapagka't ang Panginoon ay Dios ng kahatulan; mapapalad yaong lahat na nangaghihintay sa kaniya.
Derfor længes HERREN efter at vise eder Naade, derfor staar han op for at forbarme sig over eder. Thi Rettens Gud er HERREN; salige alle, der længes efter ham!
19 Sapagka't ang bayan ay tatahan sa Sion sa Jerusalem: ikaw ay hindi na iiyak pa; siya'y tunay na magiging mapagbiyaya sa iyo sa tinig ng iyong daing; pagka kaniyang maririnig, sasagutin ka niya.
Ja, du Folk i Zion, du, som bor i Jerusalem, lad ikke Graaden overmande dig! Naadig vil han vise dig Naade, naar du raaber; saa snart han hører dig, svarer han.
20 At bagaman bigyan kayo ng Panginoon ng tinapay ng kasakunaan at ng tubig ng kadalamhatian, gayon may hindi na makukubli pa ang iyong mga tagapagturo, kundi makikita ng iyong mga mata ang iyong mga tagapagturo:
Herren skal give eder Trængselsbrød og Fængselsdrik; men saa skal din Vejleder ikke mere dølge sig, dine Øjne skal skue din Vejleder;
21 At ang iyong mga pakinig ay makakarinig ng salita sa likuran mo, na nagsasabi, Ito ang daan, lakaran ninyo; pagka kayo'y pumipihit sa kanan, at pagka kayo'y pumipihit sa kaliwa.
dine Ører skal høre det Ord bag ved dig: »Her er Vejen, I skal gaa!« hver Gang I er ved at vige til højre eller venstre.
22 At inyong lalapastanganin ang mga panakip ng inyong mga larawang pilak na inanyuan at ang pangbalot sa inyong mga larawang ginto na binubo: iyong ipaghahagis na gaya ng maruming bagay: iyong sasabihin, Humayo ka.
Da skal du holde dine Sølvbilleders Overtræk og dine Guldbilleders Klædning for urene; du skal slænge dem bort som Skarn. »Herud!« skal du sige til dem.
23 At Siya ay magbibigay ng ulan sa iyong binhi, na iyong hahasikan ang lupa; at ng pagkaing bunga ng lupa, at magiging mataba at sagana. Sa araw na yaon ay manginginain ang iyong mga hayop sa mga malaking pastulan.
Da giver han Regn til Sæden, du saar i din Jord; og Brødet, som din Jord bærer, skal være kraftigt og nærende. Paa hin Dag græsser dit Kvæg paa vide Vange;
24 Ang mga baka at gayon din ang mga guyang asno na bumubukid ng lupa ay magsisikain ng may lasang pagkain, na pinahanginan ng pala at hunkoy.
Okserne og Æslerne, der arbejder paa Marken, skal æde saltet Blandfoder, renset med Kasteskovl og Fork.
25 At magkakaroon ng mga ilog at mga balon ng tubig sa lahat na mataas na bundok, at sa lahat na matayog na burol, sa araw ng malaking patayan, pagka ang mga moog ay nabubuwal.
Paa hvert højt Bjerg og hver knejsende Banke skal Kilder vælde frem med rindende Vand paa det store Blodbads Dag, naar Taarne falder.
26 Bukod dito'y ang liwanag ng buwan ay magiging gaya ng liwanag ng araw, at ang liwanag ng araw ay magpipito, na gaya ng liwanag ng pitong araw, sa araw na talian ng Panginoon ang sugat ng kaniyang bayan, at pagalingin ang bugbog na kanilang sugat.
Maanens Lys skal blive som Solens, og Solens Lys skal blive syvfold stærkere, som syv Dages Lys, paa hin Dag da HERREN forbinder sit Folks Brud og læger dets slagne Saar.
27 Narito, ang pangalan ng Panginoon ay magmumula sa malayo, na nagniningas ng kaniyang galit, at nasa umiilanglang na salimuot na usok: ang kaniyang mga labi ay puno ng pagkagalit, at ang kaniyang dila ay gaya ng mamumugnaw na apoy:
Se, HERRENS Navn kommer langvejsfra i brændende Vrede, med tunge Skyer; hans Læber skummer af Vrede, fortærende Ild er hans Tunge,
28 At ang kaniyang hinga ay gaya ng umaapaw na ilog, na umaabot hanggang sa leeg, upang igigin ang mga bansa ng pangigig na pangsira; at isang paningkaw na nakapagpapaligaw ay malalagay sa mga panga ng mga bayan.
hans Aande som en rivende Strøm, der naar til Halsen. Folkene ryster han i Undergangens Sold, lægger Vildelsens Bidsel i Folkeslags Mund.
29 Kayo'y mangagkakaroon ng awit na gaya ng sa gabi pagka ang banal na kapistahan ay ipinagdidiwang; at kasayahan ng puso, na gaya ng yumayaon na may plauta upang masok sa bundok ng Panginoon, sa malaking Bato ng Israel.
Sang skal der være hos eder som i Natten, naar Højtid gaar ind, en Hjertens Glæde som en Vandring til Fløjte mod HERRENS Bjerg, mod Israels Klippe.
30 At iparirinig ng Panginoon ang kaniyang maluwalhating tinig, at ipakikilala ang pagbabaka ng kaniyang bisig, na may pagkagalit ng kaniyang galit, at ng liyab ng mamumugnaw na apoy, na may bugso ng ulan, at bagyo, at granizo,
HERREN lader høre sin Højheds Røst og viser sin Arm, der slaar ned med fnysende Vrede, ædende Lue, Skybrud, skyllende Regn og Hagl.
31 Sapagka't sa pamamagitan ng tinig ng Panginoon ay mangagkakawatakwatak ang taga Asiria, na nananakit ng pamalo.
For HERRENS Røst bliver Assur ræd, med Kæppen slaar han;
32 At bawa't hampas ng takdang tungkod, na ibabagsak ng Panginoon sa kaniya, mangyayaring may mga pandereta at may mga alpa; at sa mga pakikipagbakang may pagkayanig ay makikipaglaban siya sa kanila,
hvert et Slag af Tugtelsens Stok, som HERREN lader falde paa Assur, er til Paukers og Citres Klang; med Svingnings Kampe kæmper han mod det.
33 Sapagka't ang Topheth ay handa nang malaon; oo, sa ganang hari ay inihanda; kaniyang pinalalim at pinalaki: ang bunton niyaon ay apoy at maraming kahoy: ang hinga ng Panginoon na gaya ng bugso ng azufre, ay nagpapaningas ng apoy.
Thi for længst staar et Alter rede — mon det og er rejst for Molok? — han gjorde dets Ildfang dybt og bredt, bragte Ild og Ved i Mængde; HERRENS Aande sætter det i Brand som en Strøm af Svovl.

< Isaias 30 >