< Isaias 29 >
1 Hoy Ariel, Ariel, na bayang hinantungan ni David! magdagdag kayo ng taon sa taon; magdiwang sila ng mga kapistahan:
Тешко Арилу, Арилу, граду где је стајао Давид. Додајте годину на годину, нека кољу жртве празничне.
2 Akin ngang pahihirapan ang Ariel, at magsisitangis at mananaghoy: at siya'y magiging gaya ng Ariel sa akin.
Али ћу притеснити Арила, и биће жалост и туга, јер ће ми бити као Арил.
3 At ako'y magtatayo ng kampamento laban sa iyo sa palibot, at kukubkubin kita ng mga kuta, at ako'y magbabangon ng mga pangkubkob laban sa iyo.
Јер ћу те опколити војском, и стегнућу те опкопима и подигнућу супрот теби куле.
4 At ikaw ay mabababa, at magsasalita mula sa lupa, at ang iyong salita ay magiging mababa na mula sa alabok: at ang iyong tinig ay magiging gaya ng isang nakikipagsanggunian sa masamang espiritu, mula sa lupa, at ang iyong pananalita ay bubulong mula sa alabok.
Те ћеш оборен говорити са земље и из праха ћеш муцати, и глас ће ти бити са земље као у бајача и из праха ћеш шапћући говорити.
5 Nguni't ang karamihan ng iyong mga kaaway ay magiging gaya ng munting alabok, at ang karamihan ng mga kakilakilabot ay gaya ng ipang inililipad ng hangin: oo, magiging sa biglang sandali.
А мноштво непријатеља твојих биће као ситан прах и мноштво насилника као плева кад се размеће; и то ће бити зачас, изненада.
6 Siya'y dadalawin ng Panginoon ng mga hukbo sa pamamagitan ng kulog, at ng lindol, at ng malaking kaingay, ng ipoipo at bagyo, at ng liyab ng mamumugnaw na apoy.
Господ над војскама походиће га громом и трусом и хуком великом, вихором и буром и пламеном огњеним који прождире.
7 At ang karamihan ng lahat na bansa na nagsisilaban sa Ariel, lahat na nagsisilaban sa kaniya at sa kaniyang kuta, at ang nagpapahirap sa kaniya, ay magiging gaya ng panaginip na isang pangitain sa gabi.
И мноштво свих народа који војују на Арил и сви који ударају на њ и на зидове његове и који га притешњују, биће као утвара ноћна у сну.
8 At mangyayari, na gaya ng kung ang isang gutom ay nananaginip, at, narito, siya'y kumakain; nguni't siya'y nagigising, at ang kaniyang kaluluwa ay walang anoman: o gaya ng kung ang isang uhaw ay nananaginip, at, narito, siya'y umiinom; nguni't siya'y nagigising, at, narito, siya'y malata, at ang kaniyang kaluluwa ay uhaw: gayon ang mangyayari sa karamihan ng lahat na bansa, na nagsisilaban sa bundok ng Sion.
Биће као кад гладан сни да једе, па кад се пробуди а душа му празна; или кад сни жедан да пије, па кад се пробуди, а он изнемогао и душа му жедна; тако ће бити мноштво свих народа што војују на гору сионску.
9 Kayo'y mangatigilan at manganggilalas; kayo'y mangalugod at mangabulag: sila'y lango, nguni't hindi sa alak; sila'y gumigiray, nguni't hindi sa matapang na alak.
Станите и чудите се; вапијте и вичите: Пијани су, али не од вина; посрћу, али не од силовитог пића.
10 Sapagka't inihulog ng Panginoon sa inyo ang diwa ng mahimbing na pagkakatulog, at ipinikit ang inyong mga mata, na mga propeta; at ang iyong mga pangulo, na mga tagakita, ay kaniyang tinakpan.
Јер је Господ излио на вас дух тврдог сна и затворио вам очи, ослепио пророке и видеоце, главаре ваше.
11 At ang lahat ng pangitain ay naging sa inyo'y gaya ng mga salita ng aklat na natatatakan, na ibinibigay ng mga tao sa isang marunong bumasa, na sinasabi, Iyong basahin ito, isinasamo ko sa iyo: at kaniyang sinasabi, Hindi ko mababasa, sapagka't natatatakan;
И свака утвара биће вам као речи у запечаћеној књизи, коју дају човеку који зна читати говорећи: Читај то; а он рече: Не могу, јер је запечаћено.
12 At ang aklat ay nabigay sa kaniya na hindi marunong, na sinasabi, Iyong basahin ito, isinasamo ko sa iyo: at kaniyang sinasabi, Ako'y hindi marunong bumasa.
Или да дају књигу оном који не зна читати говорећи: Читај то; а он рече: Не знам читати.
13 At sinabi ng Panginoon, Yamang ang bayang ito ay lumapit sa akin, at pinapupurihan ako ng kanilang bibig at ng kanilang mga labi, nguni't inilayo ang kanilang puso sa akin, at ang kanilang takot sa akin ay utos ng mga tao na itinuro sa kanila:
Зато рече Господ: Што се овај народ приближује устима својим и уснама својим поштује ме, а срце им далеко стоји од мене, и страх којим ме се боје заповест је људска којој су научени,
14 Dahil dito narito, pasisimulan kong gawin ang isang kagilagilalas na gawa sa gitna ng bayang ito, isang kagilagilalas na gawa at kamanghamangha: at ang karunungan ng kanilang mga pantas ay mapapawi, at ang unawa ng kanilang mga mabait ay malilingid.
Зато ћу ево још радити чудесно с тим народом, чудесно и дивно, и мудрост мудрих његових погинуће и разум разумних нестаће.
15 Sa aba nila, na nagsisihanap ng kalaliman upang ilingid sa Panginoon ang kanilang payo, at ang kanilang mga gawa ay nasa kadiliman, at kanilang sinasabi, Sinong nakakakita sa atin? at sinong nakakakilala sa atin?
Тешко онима који дубоко сакривају од Господа намеру, који раде у мраку и говоре: Ко нас види? И ко нас зна?
16 Kayo'y nangagbabaligtad ng mga bagay! Maibibilang bagang putik ang magpapalyok; upang sabihin ng bagay na yari sa may-gawa sa kaniya, Hindi niya ginawa ako; o sabihin ng bagay na may anyo tungkol sa naganyo, Siya'y walang unawa?
Наопаке мисли ваше нису ли као као лончарски? Говори ли дело за оног који га је начинио: Није ме начинио? И лонац говори ли за оног који га је начинио: Не разуме?
17 Hindi baga sangdaling-sangdali na lamang, at ang Libano ay magiging mainam na bukid, at ang mainam na bukid ay magiging pinakagubat?
Неће ли се доскора и Ливан претворити у поље, и поље се узимати за шуму?
18 At sa araw na yaon ay makikinig ang pipi ng mga salita ng aklat, at ang mga mata ng bulag ay makakakita mula sa kalabuan at sa kadiliman.
И у тај ће дан глуви чути речи у књизи, и из таме и мрака видеће очи слепих.
19 At mananagana naman sa kanilang kagalakan sa Panginoon, ang maamo, at ang dukha sa gitna ng mga tao ay magagalak sa Banal ng Israel.
И кротки ће се веома радовати у Господу, и ништи између људи веселиће се са Свеца Израиљевог.
20 Sapagka't ang kakilakilabot ay nauwi sa wala, at ang mangduduwahagi ay naglilikat, at ang lahat na nagbabanta ng kasamaan ay nangahiwalay:
Јер насилника неће бити, и нестаће подсмевача, и истребиће се сви који гледају да чине безакоње,
21 Yaong nakapagkasala sa tao sa isang usapin, at naglalagay ng silo doon sa sumasaway sa pintuang-bayan, at nagliligaw sa ganap na tao sa pamamagitan ng walang kabuluhan.
Који окривљују човека за реч, и мећу замку оном који кара на вратима, и обарају праведног лажју.
22 Kaya't ganito ang sabi ng Panginoon, na siyang tumubos kay Abraham, tungkol sa sangbahayan ni Jacob, Si Jacob nga ay hindi mapapahiya o mamumula pa man ang kaniyang mukha.
Зато Господ, који је откупио Аврама, овако говори за дом Јаковљев: Неће се више Јаков постидети, нити ће му лице побледети.
23 Nguni't pagka kaniyang nakikita ang kaniyang mga anak, ang gawa ng aking mga kamay, sa gitna niya, ay kanilang aariing banal ang aking pangalan; oo, kanilang aariing banal ang Banal ni Jacob, at magsisitayong may takot sa Dios ng Israel.
Јер кад види усред себе децу своју, дело руку мојих, тада ће они светити име моје, светиће Свеца Јаковљевог и бојаће се Бога Израиљевог.
24 Sila namang nangamamali sa diwa ay darating sa pagkaunawa, at silang mga mapag-upasala ay mangatututo ng aral.
И који лутају духом оразумиће се, и викачи ће примити науку.