< Isaias 27 >
1 Sa araw na yaon ay parurusahan ng Panginoon, ng kaniyang matigas at malaki at matibay na tabak ang leviatan na maliksing ahas, at ang leviatan na lumilikaw na ahas, at kaniyang papatayin ang buwaya na nasa dagat.
Tai dienā Tas Kungs ar Savu cieto, lielo un stipro zobenu piemeklēs Levijatanu, to žiglo čūsku, un Levijatanu, to lunkano čūsku, un nokaus to lielo pūķi, kas jūrā.
2 Sa araw na yaon: Awitin ninyo sa kaniya ang tungkol sa isang ubasang pinagkunan ng alak.
Tai dienā būs jauks vīna dārzs, dziediet par to.
3 Akong Panginoon ang nagiingat; aking didiligin tuwituwina: baka saktan ng sinoman, aking iingatan gabi't araw.
Es, Tas Kungs, to pasargu, ik acumirkli Es to slacinu, lai neviens to neaiztiek, nakti un dienu Es to sargāju.
4 Kagalitan ay hindi sumasa akin: kung makipagbaka sana ang mga dawag at mga tinik laban sa akin! akin yaong yayapakan, aking susunuging magkakasama.
Dusmu Man vairs nav. - Ja būtu Manā priekšā ērkšķi un dadži, karā Es pret tiem celtos un tos visus sadedzinātu,
5 O manghawak sana siya sa aking lakas, upang siya'y makipagpayapaan sa akin; oo, makipagpayapaan siya sa akin.
Ja tie nemeklē Manu palīgu, un neder mieru ar Mani, mieru ja neder ar Mani.
6 Sa mga araw na darating ay maguugat ang Jacob; ang Israel ay mamumulaklak at magbubuko: at pupunuin nila ng bunga ang ibabaw ng sanglibutan.
Nākošā laikā Jēkabs iesakņosies, Israēls zaļos un ziedēs un zemes virsu pildīs ar augļiem.
7 Sinaktan baga niya siya na gaya ng pagsakit niya sa mga yaon, na nanakit sa kaniya? o pinatay siya ng ayon sa pagpatay nila, na napatay niya?
Vai Viņš to tā sitis, kā Viņš viņa sitējus sitis? Vai Viņš to tā kāvis, kā Viņš viņu kāvējus kāvis?
8 Sa sukat, pagka iyong pinayayaon siya, ikaw ay nakikipagtalo sa kaniya; kaniyang binago siya ng kaniyang pagispis na hihip sa kaarawan ng silanganang hangin.
Mēreni Tu viņu sodīji, kad to liki aizvest, to gauži vētīdams rīta vēja dienā.
9 Kaya't sa pamamagitan nito ay malilinis ang kasamaan ng Jacob, at ito ang buong bunga ng pagaalis ng kaniyang kasalanan: pagka kaniyang ginagawa ang mga bato ng dambana na gaya ng mga malambot na batong naluluray upang ang mga Asera at ang mga Iarawang araw ay hindi na matatayo.
Tādēļ Jēkaba noziegums caur to top salīdzināts, un kad viņa grēki atņemti, tad šie ir visi tie augļi, ka visus altāra akmeņus darīs par izkaisītiem gruvekļiem; Ašeras un saules stabi nepastāvēs.
10 Sapagka't ang bayang nakukutaan ay nagiisa, isang tahanang pinabayaan at iniwanan gaya ng ilang: doon manginginain ang guya, at doon hihiga, at kakainin ang mga sanga niyaon.
Jo tā stiprā pilsēta būs tukša, tās mājvietas taps pamestas un atstātas kā tuksnesis; tur teļi taps ganīti, un tur tie gulsies un noēdīs viņa krūmus.
11 Pagka ang mga sanga niyaon ay nangatuyo, babaliin; paroroonan ng mga babae at igagatong sa apoy: sapagka't bayan na walang unawa; kaya't ang gumawa sa kanila ay hindi magdadalang habag sa kanila, at ang naganyo sa kanila ay hindi magpapakita sa kanila ng lingap.
Kad viņa zari būs nokaltuši, tad tie taps nolauzti, un sievas nāks un ar tiem kurinās. Jo tie ir ļaudis, kam prāta nav, tādēļ viņu Radītājs par tiem neapžēlosies, un kas tos ir darījis, tas viņiem žēlastības neparādīs.
12 At mangyayari sa araw na yaon, na lalagasin ng Panginoon ang bunga niyaon mula sa agos ng ilog hanggang sa batis ng Egipto, at kayo'y mapipisang isa isa, Oh kayong mga anak ni Israel.
Un notiks tai dienā, tad Tas Kungs augļus sakrās no lielupes malas līdz Ēģiptes upei; un jūs visi līdz tapsiet salasīti, Israēla bērni.
13 At mangyayari sa araw na yaon, na ang malaking pakakak ay hihipan; at silang nangapapahamak sa lupain ng Asiria ay magsisiparito, at silang mga tapon sa lupain ng Egipto; at sila'y magsisisamba sa Panginoon sa banal na bundok ng Jerusalem.
Un tai dienā ar lielu bazūni taps bazūnēts, un tad nāks, kas pazuduši Asura zemē un kas izdzīti Ēģiptes zemē, un pielūgs To Kungu uz tā svētā kalna Jeruzālemē.