< Hosea 9 >
1 Huwag kang magalak, Oh Israel sa katuwaan, na gaya ng mga bayan; sapagka't ikaw ay nagpatutot na humihiwalay sa iyong Dios; iyong inibig ang upa sa bawa't giikan.
Israel, glæd dig ikke med Folkenes Jubel, ved Hor veg du bort fra din Gud, paa hver en Tærskeplads elsker du Skøgens Løn.
2 Ang giikan at ang pisaan ng ubas ay hindi magpapakain sa kanila, at ang bagong alak ay magkukulang sa kaniya.
Tærskeplads og Perse skal ej kendes ved dem, og Mosten slaar fejl for dem.
3 Sila'y hindi magsisitahan sa lupain ng Panginoon; kundi ang Ephraim ay babalik sa Egipto, at sila'y magsisikain ng maruming pagkain sa Asiria.
Ej skal de blive i HERRENS Land; til Ægypten skal Efraim tilbage, spise uren Føde i Assur.
4 Hindi nila ipagbubuhos ng alak ang Panginoon, ni makalulugod man sa kaniya: ang kanilang mga hain ay magiging sa kanila'y parang tinapay ng nangagluksa; lahat ng magsikain niyaon ay mangapapahamak; sapagka't ang kanilang tinapay ay parang sa kanilang ipagkakagana; hindi papasok sa bahay ng Panginoon.
Ej skal de udgyde Vin for HERREN, ej heller gøre Slagtoffer rede. Som Sørgebrød er deres Brød, det gør hver, som spiser det, uren; thi Hungeren kræver alt Brødet, i HERRENS Hus kommer intet.
5 Ano ang inyong gagawin sa kaarawan ng takdang kapulungan, at sa kaarawan ng kapistahan ng Panginoon?
Hvad gør I paa Højtidsdagen, paa HERRENS Festdag?
6 Sapagka't, narito, sila'y nagsialis sa kagibaan, gayon ma'y pipisanin sila ng Egipto, sila'y ililibing ng Memphis; ang kanilang maligayang mga bagay na pilak ay aariin ng dawag; mga tinik ang sasa kanilang mga tolda.
Slipper de bort fra Vold, skal Ægypten sanke dem op og Memfis jorde dem; deres kostbare Sølvtøj skal Tidsler arve, Nælder skal bo i deres Telte.
7 Ang mga kaarawan ng pagdalaw ay dumating, ang mga kaarawan ng kagantihan ay dumating; malalaman ng Israel: ang propeta ay mangmang, ang lalake na may espiritu ay ulol, dahil sa karamihan ng iyong kasamaan, at sapagka't ang poot ay malaki.
Hjemsøgelsens Dage kommer, Gengældelsens Dage, det skal Israel mærke. »Afsindig er Profeten, forrykt den af Aanden grebne« — fordi din Brøde er stor og Fjendskabet stort!
8 Ang Ephraim ay bantay na kasama ng aking Dios: tungkol sa propeta, ay silo ng manghuhuli sa lahat ng kaniyang lansangan, at pagkakaalit ay nasa bahay ng kaniyang Dios.
I sin Guds Hus lurer Efraim paa Profeten; der er Snarer paa alle hans Veje, man gør Faldgruben dyb.
9 Sila'y nangagpapahamak na mainam, na gaya ng mga kaarawan ng Gabaa: kaniyang aalalahanin ang kanilang kasamaan, kaniyang dadalawin ang kanilang mga kasalanan.
Det er som i Gibeas Dage, han mindes deres Skyld og straffer deres Synder.
10 Aking nasumpungan ang Israel na parang ubas sa ilang; aking nakita ang inyong mga magulang na parang unang bunga sa puno ng higos sa kaniyang unang kapanahunan: nguni't sila'y nagsiparoon kay Baalpeor, at nangagsitalaga sa mahalay na bagay, at naging kasuklamsuklam na gaya ng kanilang iniibig.
Som Druer i Ørkenen fandt jeg Israel, som tidligmodne Figner paa Træet saa jeg eders Fædre. De kom til Ba'al-Peor, til Skændselen viede de sig, som Efraims Elskere blev de en væmmelig Hob.
11 Tungkol sa Ephraim, ang kanilang kaluwalhatian ay lilipad na parang ibon; mawawalan ng panganganak, at walang magdadalang tao, at walang paglilihi.
Deres Herlighed flyver som Fugle, Fødsel, Svangerskab, Undfangelse — forbi!
12 Bagaman kanilang pinalalaki ang kanilang mga anak, gayon ma'y aking babawaan sila, na walang tao; oo, sa aba nila pagka ako'y humiwalay sa kanila!
Ja, selv om de opfostrer Sønner, jeg lader dem dø ud uden Børn. Ja, ve ogsaa dem, naar jeg viger fra dem!
13 Ang Ephraim, gaya ng aking makita ang Tiro, ay natatanim sa isang masayang dako: nguni't ilalabas ng Ephraim ang kaniyang mga anak sa tagapatay.
Efraim saa jeg som en Mand, der gør Jagt paa sine Børn; thi Efraim selv fører Sønnerne ud til Bøddelen.
14 Bigyan mo sila, Oh Panginoon-anong iyong ibibigay? bigyan mo sila ng mga bahay-batang maaagasan at mga tuyong suso.
Giv dem, HERRE — ja hvad skal du give? Du give dem barnløst Skød og golde Bryster!
15 Lahat nilang kasamaan ay nasa Gilgal; sapagka't doo'y kinapootan ko sila; dahil sa kasamaan ng kanilang mga gawa, akin silang palalayasin sa aking bahay; hindi ko na sila iibigin; lahat nilang prinsipe ay mapagsalangsang.
I Gilgal er al deres Ondskab, der fik jeg Had til dem; for deres onde Gerninger driver jeg dem ud af mit Hus; jeg elsker dem ikke mer, genstridige er alle deres Fyrster.
16 Ang Ephraim ay nasaktan, ang kaniyang ugat ay natuyo, sila'y hindi mangagbubunga: oo, bagaman sila'y nanganak, gayon ma'y aking papatayin ang minamahal na bunga ng kanilang bahay-bata.
Efraim er ramt, dets Rod er vissen, de bærer slet ingen Frugt; og faar de end Børn, jeg dræber den dyre Livsfrugt.
17 Itatakuwil sila ng aking Dios, sapagka't hindi nila dininig siya; at sila'y magiging mga gala sa gitna ng mga bansa.
Deres Gud vil forkaste dem, fordi de ej adlød ham; hjemløse bliver de blandt Folkene.