< Hosea 7 >
1 Nang aking pagagalingin ang Israel, ang kasamaan nga ng Ephraim ay lumitaw, at ang kasamaan ng Samaria; sapagka't sila'y nagsinungaling; at ang magnanakaw ay pumapasok, at ang pulutong ng mga tulisan ay nananamsam sa labas.
“When I give healing to Israel, Then the iniquity of Ephraim is revealed, And the wickedness of Samaria, For they have worked falsehood, And a thief comes in, A troop has stripped off in the street,
2 At hindi nila ginugunita sa kanilang mga puso na aking inaalaala ang lahat nilang kasamaan: ngayo'y kinukulong sila sa palibot ng kanilang sariling mga gawa; sila'y nangasa harap ko.
And they do not say to their heart, [That] I have remembered all their evil, Now their doings have surrounded them, They have been before My face.
3 Kanilang pinasasaya ng kanilang kasamaan ang hari, at ng kanilang pagsisinungaling ang mga prinsipe.
With their wickedness they make a king glad, And with their lies—princes.
4 Silang lahat ay mga mangangalunya; sila'y parang hurnong iniinit ng magtitinapay; siya'y tumitigil na magsulong ng apoy, mula sa paggawa ng masa hanggang sa umaasim.
All of them [are] adulterers, Like a burning oven of a baker, He ceases from stirring up after kneading the dough, until its leavening.
5 Nang kaarawan ng ating hari ang mga prinsipe ay nagpakasakit sa pamamagitan ng tapang ng alak; kaniyang iniuunat ang kaniyang kamay sa mga mangduduwahagi.
A day of our king! Princes have defiled themselves [with] the poison of wine, He has drawn out his hand with scorners.
6 Sapagka't kanilang inihanda ang kanilang puso na parang hurno, samantalang sila'y nangagaabang: ang kanilang magtitinapay ay natutulog magdamag; sa kinaumagaha'y nagniningas na parang liyab na apoy.
For they have drawn near, Their heart [is] as an oven In their lying in wait—their baker sleeps all night, Morning! He is burning as a flaming fire.
7 Silang lahat ay nangagiinit na parang hurno, at nilalamon ang kanilang mga hukom; lahat nilang hari ay nangabuwal: wala sa kanila na tumawag sa akin.
All of them are warm as an oven, And they have devoured their judges, All their kings have fallen, There is none calling to Me among them.
8 Ang Ephraim, nakikisalamuha sa mga bayan; ang Ephraim ay isang tinapay na hindi binalik.
Ephraim! He mixes himself among peoples, Ephraim has been an unturned cake.
9 Nilamon ng mga taga ibang lupa ang kaniyang yaman, at hindi niya nalalaman: oo, mga uban ay nasasabog sa kaniya, at hindi niya nalalaman.
Strangers have devoured his power, And he has not known, Also old age has sprinkled [itself] on him, And he has not known.
10 At ang kapalaluan ng Israel ay nagpapatotoo sa kaniyang mukha: gayon ma'y hindi sila nanumbalik sa Panginoon nilang Dios, ni hinanap man siya nila, dahil sa lahat na ito.
And the excellence of Israel has been humbled to his face, And they have not turned back to their God YHWH, Nor have they sought Him for all this.
11 At ang Ephraim ay parang isang mangmang na kalapati, na walang unawa sila'y nagsitawag sa Egipto, sila'y nagsiparoon sa Asiria.
And Ephraim is as a simple dove without heart, Egypt they called on—[to] Asshur they have gone.
12 Pagka sila'y magsisiyaon, ay aking ilaladlad ang aking lambat sa kanila; akin silang ibabagsak na parang mga ibon sa himpapawid; aking parurusahan sila, gaya ng narinig sa kanilang kapisanan.
When they go I spread over them My net, As the bird of the heavens I bring them down, I discipline them as their congregation has heard.
13 Sa aba nila! sapagka't sila'y nagsilayas sa akin; kagibaa'y suma kanila! sapagka't sila'y nagsisalangsang laban sa akin: bagaman sila'y aking tinubos, gayon ma'y nangagsalita ng kasinungalingan sila laban sa akin.
Woe to them, for they wandered from Me, Destruction to them, for they transgressed against Me, And I ransom them, and they have spoken lies against Me,
14 At sila'y hindi nagsidaing sa akin ng kanilang puso, kundi sila'y nagsiangal sa kanilang mga higaan: sila'y nagpupulong dahil sa trigo at alak; sila'y nanganghimagsik laban sa akin.
And have not cried to Me with their heart, but howl on their beds; They assemble themselves for grain and new wine, They turn aside against Me.
15 Bagaman aking tinuruan at pinalakas ang kanilang mga bisig, gayon ma'y nangagisip sila ng kalikuan laban sa akin.
And I instructed—I strengthened their arms, And concerning Me they think evil!
16 Sila'y nanganunumbalik, nguni't hindi sa kaniya na nasa kaitaasan: sila'y parang magdarayang busog: ang kanilang mga prinsipe ay mangabubuwal sa pamamagitan ng tabak dahil sa poot ng kanilang dila: ito ang magiging katuyaan sa kanila sa lupain ng Egipto.
They turn back—not to the Most High, They have been as a deceitful bow, Their princes fall by sword, From the insolence of their tongue, This [is] their derision in the land of Egypt!”