< Hosea 6 >

1 Magsiparito kayo, at tayo'y manumbalik sa Panginoon; sapagka't siya'y lumapa, at pagagalingin niya tayo; siya'y nanakit, at kaniyang tatapalan tayo.
« Venez! Revenons à Yahvé; car il nous a mis en pièces, et il nous guérira; il nous a blessés, et il pansera nos plaies.
2 Pagkatapos ng dalawang araw ay muling bubuhayin niya tayo: sa ikatlong araw ay ibabangon niya tayo, at tayo'y mangabubuhay sa harap niya.
Après deux jours, il nous fera revivre. Le troisième jour, il nous ressuscitera, et nous vivrons devant lui.
3 At ating kilalanin, tayo'y magpatuloy upang makilala ang Panginoon: ang kaniyang paglabas ay tunay na parang umaga; at siya'y paririto sa atin na parang ulan, na parang huling ulan na dumidilig ng lupa.
Reconnaissons Yahvé. Continuons à nous efforcer de connaître Yahvé. Aussi sûrement que le soleil se lève, Yahvé apparaîtra. Il viendra à nous comme la pluie, comme la pluie de printemps qui arrose la terre. »
4 Oh Ephraim, ano ang gagawin ko sa iyo? Oh Juda, ano ang gagawin ko sa iyo? sapagka't ang inyong kabutihan ay parang ulap sa umaga, at parang hamog na lumalabas na maaga.
« Ephraïm, que te ferai-je? Judah, que vais-je te faire? Car ton amour est comme un nuage du matin, et comme la rosée qui disparaît tôt.
5 Kaya't aking pinutol sila sa pamamagitan ng mga propeta; aking pinatay sila ng mga salita ng aking bibig; at ang iyong mga kahatulan ay parang liwanag na lumalabas.
C'est pourquoi je les ai taillés en pièces avec les prophètes; Je les ai tués avec les mots de ma bouche. Vos jugements sont comme un éclair.
6 Sapagka't ako'y nagnanasa ng kaawaan, at hindi hain; at ng pagkakilala sa Dios higit kay sa mga handog na susunugin.
Car je désire la miséricorde, et non les sacrifices; et la connaissance de Dieu plus que les holocaustes.
7 Nguni't sila gaya ni Adan ay sumalangsang sa tipan: doo'y nagsigawa silang may paglililo laban sa akin.
Mais eux, comme Adam, ont rompu l'alliance. Ils m'ont été infidèles là-bas.
8 Ang Galaad ay bayang gumagawa ng kasamaan; tigmak sa dugo.
Galaad est une ville de ceux qui commettent l'iniquité; elle est tachée de sang.
9 At kung paanong ang mga pulutong ng mga tulisan na nagsisiabang sa isang tao, ay gayon ang pulutong ng mga saserdote na nagsisipatay sa daan na dakong Sichem; Oo, sila'y gumawa ng kahalayan.
Comme des bandes de voleurs attendent pour tendre une embuscade à un homme, Ainsi, la troupe de prêtres assassine sur le chemin de Sichem, commettre des crimes honteux.
10 Sa sangbahayan ni Israel ay nakakita ako ng kakilakilabot na bagay: doo'y nagpatutot ang Ephraim, ang Israel ay napahamak.
Dans la maison d'Israël, j'ai vu une chose horrible. Il y a de la prostitution en Ephraïm. Israël est souillé.
11 Sa iyo man, Oh Juda, may takdang paggapas, pagka aking ibabalik ang nangabihag sa aking bayan.
« Et toi, Juda, une moisson t'est réservée, quand je restaurerai la fortune de mon peuple.

< Hosea 6 >