< Hosea 5 >
1 Dinggin ninyo ito, Oh ninyong mga saserdote, at inyong pakinggan ninyong sangbahayan ni Israel, at inyong ulinigin, Oh sangbahayan ng hari, sapagka't sa inyo'y nauukol ang kahatulan; sapagka't kayo'y naging isang silo sa Mizpa, at isang panghuli na nalagay sa Tabor.
“Hear this, O priests, and attend, O house of Israel, And, O house of the king, give ear, For the judgment [is] for you, For you have been a snare on Mizpah, And a net spread out on Tabor.
2 At ang mga nagsipanghimagsik ay nangagpakapahamak na mainam; nguni't ako'y mananaway sa kanilang lahat.
And to slaughter sinners have gone deep, And I [am] a chain to them all.
3 Aking kilala ang Ephraim, at ang Israel na hindi lingid sa akin; sapagka't ngayon, Oh Ephraim, ikaw ay nagpatutot, ang Israel ay napahamak.
I have known Ephraim, And Israel has not been hid from Me, For now you have gone whoring, Ephraim, Israel is defiled.
4 Hindi sila titiisin ng kanilang mga gawain na manumbalik sa kanilang Dios; sapagka't ang pagpapatutot ay nasa loob nila, at hindi nila nakikilala ang Panginoon.
They do not give up their habitual doings, To turn back to their God, For a spirit of whoredoms [is] in their midst, And YHWH they have not known.
5 At ang kapalaluan ng Israel ay nagpapatotoo sa kaniyang mukha: kaya't ang Israel at ang Ephraim ay mangatitisod sa kanilang kasamaan; ang Juda'y matitisod ding kasama nila.
And humbled has been the excellence of Israel to his face, And Israel and Ephraim stumble by their iniquity, Judah has also stumbled with them.
6 Sila'y magsisiyaong kasama ng kanilang kawan at ng kanilang bakahan upang hanapin ang Panginoon; nguni't hindi nila masusumpungan siya: Siya'y umurong sa kanila.
With their flock and with their herd, They go to seek YHWH, and do not find, He has withdrawn from them.
7 Sila'y nagsigawa ng paglililo laban sa Panginoon; sapagka't sila'y naganak ng ibang mga anak: lalamunin nga sila ng bagong buwan sangpu ng kanilang mga parang.
Against YHWH they dealt treacherously, For they have begotten strange sons, Now a month consumes them [with] their portions.
8 Hipan ninyo ang korneta sa Gabaa, at ang pakakak sa Rama: kayo'y magsitugtog ng hudyat sa Beth-aven; sa likuran mo, Oh Benjamin.
Blow a horn in Gibeah, a trumpet in Ramah, Shout, O Beth-Aven, after you, O Benjamin.
9 Ang Ephraim ay magiging kasiraan sa kaarawan ng pagsaway: sa gitna ng mga lipi ng Israel ay aking ipinakilala ang tunay na mangyayari.
Ephraim is for a desolation in a day of reproof, I have made known a sure thing among the tribes of Israel.
10 Ang mga prinsipe sa Juda ay gaya ng nagsisibago ng lindero: aking ibubuhos ang aking galit sa kanila na parang tubig.
Princes of Judah have been as those removing a border, I pour out My wrath as water on them.
11 Ang Ephraim ay napighati, siya'y nadikdik sa kahatulan; sapagka't siya'y nasisiyahang lumakad ng ayon sa utos ng tao.
Ephraim is oppressed, broken in judgment, When he pleased he went after the command.
12 Kaya't ako'y sa Ephraim na parang tanga, at sa sangbahayan ni Juda na parang kabulukan.
And I [am] as a moth to Ephraim, And as a rotten thing to the house of Judah.
13 Nang makita ng Ephraim ang kaniyang sakit, at nang makita ni Juda ang kaniyang sugat, naparoon nga ang Ephraim sa Asiria, at nagsugo sa haring Jareb: nguni't hindi niya mapagagaling kayo, ni kaniyang mapagagaling man kayo sa inyong sugat.
And Ephraim sees his sickness, and Judah his wound, And Ephraim goes to Asshur, And sends to a warlike king, And he is not able to give healing to you, Nor does he remove a scar from you.
14 Sapagka't ako'y magiging parang leon sa Ephraim, at parang isang batang leon sa sangbahayan ni Juda, Ako, sa makatuwid baga'y ako, ay aagaw at aalis; ako'y magaalis, at walang magliligtas.
For I [am] as a lion to Ephraim, And as a young lion to the house of Judah, I tear and go, I carry away, and there is no deliverer.
15 Ako'y yayaon at babalik sa aking dako, hanggang sa kanilang kilalanin ang pagkakasala, at hanapin ang aking mukha: sa kanilang pagdadalamhati ay hahanapin nila akong mainam.
I go—I return to My place, Until they are desolate, and have sought My face. In their distress they seek Me speedily!”