< Hosea 4 >

1 Dinggin ninyo ang salita ng Panginoon, ninyong mga anak ni Israel; sapagka't ang Panginoon ay may pakikipagkaalit sa mga mananahan sa lupain, sapagka't walang katotohanan, ni kaawaan man, ni kaalaman man tungkol sa Dios sa lupain.
Чујте реч Господњу, синови Израиљеви, јер Господ има парбу са становницима земаљским; јер нема истине ни милости ни знања за Бога у земљи;
2 Wala kundi pagsumpa at kawalan ng pagtatapat, at pagpatay, pagnanakaw, at pangangalunya; sila'y nagsisidaluhong, at nagkakabubuan ng dugo.
Заклињу се криво и лажу и убијају и краду и чине прељубу, застранише, и једна крв стиже другу.
3 Kaya't ang lupain ay tatangis, at bawa't tumatahan doon ay manglulupaypay, kasama ng mga hayop sa parang at ng mga ibon sa himpapawid; oo, ang mga isda rin naman sa dagat ay mangahuhuli.
Зато ће тужити земља, и шта год живи на њој пренемоћи ће, и звери пољске и птице небеске; и рибе ће морске помрети.
4 Gayon ma'y huwag makipaglaban ang sinoman, o sumuway man ang sinoman; sapagka't ang iyong bayan ay gaya ng nakikipaglaban sa saserdote.
Али нико да се не препире ни да кога кори, јер је народ твој као они који се препиру са свештеником.
5 At ikaw ay matitisod sa araw, at ang propeta naman ay matitisod na kasama mo sa gabi; at aking papatayin ang iyong ina.
Зато ћеш пасти дању, и с тобом ће пророк пасти ноћу, и погубићу матер твоју.
6 Ang aking bayan ay nasira dahil sa kakulangan ng kaalaman: sapagka't ikaw ay nagtakuwil ng kaalaman, akin namang itatakuwil ka, upang ikaw ay huwag maging saserdote ko: yamang iyong nilimot ang kautusan ng iyong Dios, akin namang kalilimutan ang iyong mga anak.
Изгибе мој народ, јер је без знања; кад си ти одбацио знање, и ја ћу тебе одбацити да ми не вршиш службе свештеничке; кад си заборавио Бога свог, и ја ћу заборавити синове твоје.
7 Kung paanong sila'y nagsidami, gayon sila nangagkasala laban sa akin: aking papalitan ng kahihiyan ang kanilang kaluwalhatian.
Што се више множише, то ми више грешише; славу њихову претворићу у срамоту.
8 Sila'y nagsisikain sa kasalanan ng aking bayan, at inilalagak ang kanilang puso sa kanilang kasamaan.
Од греха народа мог хране се, и лакоме се на безакоње њихово.
9 At mangyayari, na kung paano ang bayan, gayon ang saserdote, at akin silang parurusahan dahil sa kanilang mga lakad, at aking gagantihin sa kanila ang kanilang mga gawa.
Зато ће бити свештенику као народу; походићу га за путеве његове и платићу му за дела његова.
10 At sila'y magsisikain, at hindi mangabubusog; sila'y magpapatutot, at hindi dadami; sapagka't sila'y nangagwalang bahala sa Panginoon.
И они ће јести, а неће се наситити; курваће се, а неће се множити; јер престаше служити Господу.
11 Ang pagpapatutot at ang alak at bagong alak ay nagaalis ng kaalaman.
Курварство и вино и маст одузима срце.
12 Ang aking bayan ay humingi ng payo sa kanilang tungkod, at ang kanilang tungkod ay nagpapahayag sa kanila; sapagka't ang pagpapatutot ay nagligaw sa kanila, at sila'y nagpatutot, na nagsisihiwalay sa kanilang Dios.
Народ мој пита дрво своје, и палица му његова одговара; јер дух курварски заводи их да се курвају одступивши од Бога свог.
13 Sila'y nangaghahain sa mga taluktok ng mga bundok, at nangagsusunog ng kamangyan sa mga burol, sa ilalim ng mga encina at ng mga alamo at ng mga roble, sapagka't ang lilim ng mga yaon ay mabuti: kaya't ang inyong mga anak na babae ay nagpatutot, at ang inyong mga manugang na babae ay nangangalunya.
Наврх гора приносе жртве, и на хумовима каде под храстовима, тополама и брестовима, јер им је сен добар; зато се курвају кћери ваше и снахе ваше чине прељубу.
14 Hindi ko parurusahan ang inyong mga anak na babae pagka sila'y nagpatutot ni ang inyong mga manugang na babae man pagka sila'y nangangalunya; sapagka't ang mga lalake sa kanilang sarili ay nagsisiyaon kasama ng mga patutot, at sila'y nangaghahain na kasama ng mga patutot: at ang bayan na hindi nakakaalam ay nawawasak.
Нећу карати кћери ваших кад се курвају, ни снаха ваших кад чине прељубу; јер се они одвајају с курвама и приносе жртве с неваљалим женама; и народ неразумни пропашће.
15 Bagaman ikaw, Oh Israel, ay nagpapatutot, gayon ma'y huwag ipagkasala ng Juda: at huwag kayong magsiparoon sa Gilgal, ni magsisampa man kayo sa Bethaven, ni magsisumpa man, Buhay ang Panginoon.
Ако се ти курваш, Израиљу, нека не греши Јуда; и не идите у Галгал нити идите у Вет-авен, и не куните се: Тако да је жив Господ.
16 Sapagka't ang Israel ay nagpakatigas ng ulo, gaya ng isang matigas na ulo na guyang babae: ngayo'y pakakanin sila ng Panginoon na parang batang tupa sa isang malaking dako.
Јер је Израиљ упоран као упорна јуница; сада ће их пасти Господ као јагње на пространом месту.
17 Ang Ephraim ay nalalakip sa mga diosdiosan; pabayaan siya.
Јефрем се удружио с лажним боговима; остави га.
18 Ang kanilang inumin ay naging maasim; sila'y nagpapatutot na palagi; iniibig na mabuti ng kaniyang mga puno ang kahihiyan.
Пиће се њихово преврну, једнако се курвају; мило им је: дајте. Браничи су његови срамота.
19 Tinangay siya ng hangin sa kaniyang mga pakpak; at sila'y mangapapahiya dahil sa kanilang mga hain.
Ветар ће их стегнути крилима својим, и они ће се посрамити од жртава својих.

< Hosea 4 >