< Hosea 13 >

1 Nang magsalita ang Ephraim, ay nagkaroon ng panginginig; siya'y nagpapakalaki sa kaniyang sarili sa Israel; nguni't nang siya'y magkasala tungkol kay Baal ay namatay siya.
زمانی چنین بود که هرگاه افرایم سخن می‌گفت، مردم از ترس می‌لرزیدند، چون او در اسرائیل قبیله‌ای مهم بود. ولی اکنون مردم افرایم با پرستش بعل محکوم به فنا شده است.
2 At ngayo'y nangagkasala sila ng higit at higit, at nagsigawa sila ng mga larawang binubo sa kanilang pilak, mga diosdiosan na ayon sa kanilang unawa, lahat ng yaon ay gawa ng manggagawa: sinasabi nila tungkol sa mga yaon; Magsihalik sa mga guya ang mga tao na nangaghahain.
قوم بیش از پیش نافرمانی می‌کنند. نقره‌های خود را آب می‌کنند تا آن را در قالب ریخته برای خود بتهایی بسازند بتهایی که حاصل فکر و دست انسان است. می‌گویند: «برای این بتها قربانی کنید! بتهای گوساله شکل را ببوسید!»
3 Kaya't sila'y magiging parang ulap sa umaga, at parang hamog na nawawalang maaga, na gaya ng dayami na tinatangay ng ipoipo mula sa giikan, at parang usok na lumalabas sa Chimenea:
این قوم مثل مه و شبنم صبحگاهی به‌زودی از بین خواهند رفت و مثل کاه در برابر باد و مثل دودی که از دودکش خارج می‌شود زایل خواهند شد.
4 Gayon ma'y ako ang Panginoon mong Dios mula sa lupain ng Egipto; at wala kang makikilalang Dios kundi ako, at liban sa akin ay walang tagapagligtas.
خداوند می‌فرماید: «تنها من خدا هستم و از زمانی که شما را از مصر بیرون آورده‌ام خداوند شما بوده‌ام. غیر از من خدای دیگری نیست و نجا‌ت‌دهندۀ دیگری وجود ندارد.
5 Nakilala kita sa ilang, sa lupain ng malaking katuyuan.
در بیابان، در آن سرزمین خشک و سوزان، از شما مواظبت نمودم؛
6 Ayon sa pastulan sa kanila, gayon sila nangabusog; sila'y nangabusog, at ang kanilang puso ay nagmalaki: kaya't kinalimutan nila ako.
ولی پس از اینکه خوردید و سیر شدید، مغرور شده، مرا فراموش کردید.
7 Kaya't ako'y magiging parang leon sa kanila; parang leopardo na ako'y magbabantay sa tabi ng daan;
بنابراین، مثل شیر به شما حمله می‌کنم و مانند پلنگی، در کنار راه در کمین شما خواهم نشست.
8 Aking sasalubungin sila na gaya ng oso na ninakawan ng kaniyang mga anak, at aking babakahin ang lamak ng kanilang puso; at doo'y lalamunin ko sila ng gaya ng leon; lalapain sila ng mabangis na hayop.
مثل ماده خرسی که بچه‌هایش را از او گرفته باشند، شما را تکه‌تکه خواهم کرد؛ و مانند شیری شما را خواهم بلعید، و چون حیوانی وحشی شما را خواهم درید.
9 Siyang iyong kapahamakan Oh Israel, na ikaw ay laban sa akin, laban sa iyong katulong.
«ای اسرائیل، هلاک خواهی شد، آن هم توسط من که تنها یاور تو هستم.
10 Saan nandoon ngayon ang iyong hari upang mailigtas ka niya sa lahat ng iyong bayan? at ang iyong mga hukom, na iyong pinagsasabihan, Bigyan mo ako ng hari at mga prinsipe?
کجا هستند پادشاه و رهبرانی که برای خود خواستی؟ آیا آنها می‌توانند تو را نجات دهند؟
11 Aking binigyan ka ng hari sa aking kagalitan, at inalis ko siya sa aking poot.
در خشم خود پادشاهی به تو دادم و در غضبم او را گرفتم.
12 Ang kasamaan ng Ephraim ay nababalot; ang kaniyang kasalanan ay nabubunton.
«گناهان اسرائیل ثبت شده و آمادهٔ مجازات است.
13 Ang mga kapanglawan ng nagdaramdam na babae ay dadanasin niya: siya'y hindi pantas na anak; sapagka't panahon na hindi sana siya marapat maghirap sa pagwawaksi ng mga yaon.
با وجود این، فرصتی برای زنده ماندن او هست. اما او مانند بچه لجوجی است که نمی‌خواهد از رحم مادرش بیرون بیاید!
14 Aking tutubusin sila mula sa kapangyarihan ng Sheol; aking tutubusin sila mula sa kamatayan. Oh kamatayan, saan nandoon ang iyong mga salot? Oh Sheol, saan nandoon ang iyong kasiraan? pagsisisi ay malilingid sa aking mga mata. (Sheol h7585)
آیا او را از چنگال گور برهانم؟ آیا از مرگ نجاتش بدهم؟ ای مرگ، بلاهای تو کجاست؟ و ای گور هلاکت تو کجاست؟ من دیگر بر این قوم رحم نخواهم کرد. (Sheol h7585)
15 Bagaman siya'y mabunga sa kaniyang mga kapatid, isang hanging silanganan ay darating, ang hinga ng Panginoon ay umiilanglang mula sa ilang; at ang kaniyang tipunan ng tubig ay magiging tuyo, at ang kaniyang bukal ay matutuyo: kaniyang sasamsamin ang kayamanan ng lahat na maligayang kasangkapan.
هر چند افرایم در میان برادرانش ثمربخش بود، ولی من باد شرقی را از بیابان به شدت بر او می‌وزانم تا تمام چشمه‌ها و چاههای او خشک شود و ثروتش به تاراج رود.
16 Tataglayin ng Samaria ang kaniyang sala; sapagka't siya'y nanghimagsik laban sa kaniyang Dios: sila'y mangabubuwal sa pamamagitan ng tabak; ang kanilang mga sanggol ay pagluluraylurayin at ang kanilang mga nagdadalang tao ay paluluwain ang bituka.
سامره باید سزای گناهانش را ببیند، چون بر ضد خدای خود برخاسته است. مردمش به دست سپاهیان مهاجم کشته خواهند شد، بچه‌هایش به زمین کوبیده شده، از بین خواهند رفت و شکم زنان حامله‌اش با شمشیر پاره خواهد شد.»

< Hosea 13 >