< Hosea 11 >
1 Nang bata pa ang Israel, aking minahal siya, at tinawag kong aking anak mula sa Egipto.
Quand Israël était enfant, je l’aimai, et dès l’Égypte, j’ai adressé des appels à mon fils.
2 Lalo silang tinawag ng mga propeta, ay lalo naman silang nagsihiwalay sa kanila: sila'y nangaghahain sa mga Baal, at nangagsusunug ng mga kamangyan sa mga larawang inanyuan.
On leur a adressé des appels et ils se sont détournés. Ils ont offert des sacrifices aux Baals, et de l’encens aux idoles.
3 Gayon ma'y aking tinuruan ang Ephraim na lumakad; aking kinalong sila sa aking mga bisig; nguni't hindi nila kinilala na aking pinagaling sila.
Et moi, j’apprenais à marcher à Ephraïm, je les prenais par les bras, et ils n’ont pas compris que je les soignais.
4 Akin silang pinatnubayan ng mga tali ng tao, ng mga panali ng pag-ibig; at ako'y naging sa kanila'y parang nagaalis ng paningkaw sa kanilang mga panga; at ako'y naglagay ng pagkain sa harap nila.
Je les menais avec des cordeaux d’humanité, avec des liens d’amour; j’ai été pour eux comme celui qui aurait soulevé le joug de dessus leurs mâchoires, et je me penchai vers lui et je le fis manger.
5 Sila'y hindi babalik sa lupain ng Egipto; kundi ang taga Asiria ay magiging kanilang hari, sapagka't sila'y nagsisitangging manumbalik sa akin.
Il ne retournera pas au pays d’Égypte, et Assur, lui, sera son roi, parce qu’ils n’ont pas voulu se convertir.
6 At ang tabak ay lalagak sa kanilang mga bayan, at susupukin ang kanilang mga halang, at lalamunin sila, dahil sa kanilang sariling mga payo.
L’épée sera brandie dans ses villes; elle brisera les verrous et dévorera, à cause de leurs desseins.
7 At ang aking bayan ay mahilig ng pagtalikod sa akin: bagaman kanilang tinatawag siya na nasa itaas, walang lubos na magtataas sa kaniya.
Mon peuple est décidé à se séparer de moi; on les appelle en haut, mais aucun d’eux ne lève les yeux.
8 Paanong pababayaan kita, Ephraim? paanong itatakuwil kita, Israel? paanong gagawin kitang parang Adma? paanong ilalagay kitang parang Zeboim? ang aking puso ay nabagbag sa loob ko, ang aking mga habag ay nangagalab.
Comment te délaisserais-je, Ephraïm, te livrerais-je, Israël? Comment te laisserais-je devenir comme Adama, te rendrais-je comme Séboïm? Mon cœur se retourne en moi, et toutes ensemble, mes compassions s’émeuvent.
9 Hindi ko isasagawa ang kabangisan ng aking galit, hindi ako babalik upang ipahamak ang Ephraim: sapagka't ako'y Dios, at hindi tao; ang Banal sa gitna mo; at hindi ako paroroon na may galit.
Je ne donnerai pas cours à l’ardeur de ma colère, je ne détruirai pas de nouveau Ephraïm. Car je suis Dieu, moi, et non pas homme: au milieu de toi est le Saint, et je ne viendrai pas dans ma fureur.
10 Sila'y magsisilakad ng ayon sa Panginoon, na siyang uungal, na parang leon; sapagka't siya'y uungal, at ang mga anak ay magsisidating na nanginginig na mula sa kalunuran.
Ils iront après Yahweh; comme un lion, il rugira. Quand il rugira, lui, ses fils accourront tremblants, de l’Occident.
11 Sila'y darating na nanginginig na parang ibon na mula sa Egipto, at parang kalapati na mula sa lupain ng Asiria; at aking patatahanin sila sa kanilang mga bahay, sabi ng Panginoon.
Ils accourront, tremblants comme un oiseau, de l’Égypte, et comme une colombe, du pays d’Assur; et je les ferai habiter dans leurs maisons, — oracle de Yahweh.
12 Kinukulong ako ng Ephraim ng kabulaanan sa palibot, at ng sangbahayan ni Israel sa pamamagitan ng daya; nguni't ang Juda'y nagpupuno pang kasama ng Dios, at tapat na kasama ng Banal.
Ephraïm m’a environné de mensonge, et la maison d’Israël de tromperie; Juda aussi est sans frein vis-à-vis de Dieu, et vis-à-vis du Saint, qui est fidèle.