< Hosea 1 >
1 Ang salita ng Panginoon na dumating kay Oseas na anak ni Beeri, nang mga kaarawan ni Uzias, ni Jotam, ni Ahaz, at ni Ezechias, na mga hari sa Juda, at nang mga kaarawan ni Jeroboam na anak ni Joas, na hari sa Israel.
The word of the Lord that came unto Hosea the son of Beeri, in the days of 'Uzziyah, Jotham, Achaz, [and] Hezekiah, the kings of Judah, and in the days of Jerobo'am the son of Joash the king of Israel.
2 Nang unang magsalita ang Panginoon sa pamamagitan ni Oseas, sinabi ng Panginoon kay Oseas, Yumaon ka, magasawa ka sa isang patutot at mga anak sa patutot; sapagka't ang lupain ay gumagawa ng malaking pagpapatutot, na humihiwalay sa Panginoon.
The beginning of the word of the Lord by Hosea was, that the Lord said to Hosea, Go, take unto thee a wife of prostitution and children of prostitution; for the [inhabitants of the] land go far astray, departing from the Lord.
3 Sa gayo'y yumaon siya, at kinuha niya si Gomer na anak ni Diblaim; at siya'y naglihi, at nanganak sa kaniya ng isang lalake.
So he went and took Gomer the daughter of Diblayim, and she conceived and bore him a son.
4 At sinabi ng Panginoon sa kaniya, Tawagin mo ang kaniyang pangalang Jezreel; sapagka't sangdali pa at aking igaganti ang dugo ng Jezreel sa sangbahayan ni Jehu, at aking papaglilikatin ang kaharian ng sangbahayan ni Israel.
And the Lord said unto him, Call his name Yizre'el; for but yet a little while, when I will visit the blood of Yizre'el upon the house of Jehu, and I will cause to cease the kingdom of the house of Israel.
5 At mangyayari sa araw na yaon, na aking babaliin ang busog ng Israel sa libis ng Jezreel.
And it shall come to pass on that day, that I will break the bow of Israel in the valley of Yizre'el.
6 At siya'y naglihi uli, at nanganak ng isang babae. At sinabi ng Panginoon sa kaniya, Tawagin mo ang kaniyang pangalang Lo-ruhama; sapagka't hindi na ako magdadalang habag sa sangbahayan ni Israel, na sa anoman ay hindi ko patatawarin sila.
And she conceived again, and bore a daughter: and he said unto him, Call her name Lo-ruchamah [[Not finding mercy]]; for I will not farther have any more mercy upon the house of Israel; but I will give them their full recompense.
7 Nguni't ako'y maaawa sa sangbahayan ni Juda, at ililigtas ko sila sa pamamagitan ng Panginoon nilang Dios, at hindi ko ililigtas sila sa pamamagitan ng busog, o sa pamamagitan man ng tabak, o sa pamamagitan man ng pagbabaka, o sa pamamagitan man ng mga kabayo, o sa pamamagitan man ng mga mangangabayo.
But upon the house of Judah will I have mercy, and I will save them through the Lord their God, and I will not save them by the bow, or by the sword, or by battle, by horses, or by horsemen.
8 Nang maihiwalay nga niya sa suso ni Lo-ruhama, siya'y naglihi, at nanganak ng isang lalake.
Now when she had weaned Lo-ruchamah, she conceived, and bore a son.
9 At sinabi ng Panginoon, Tawagin mo ang kaniyang pangalang Loammi; sapagka't kayo'y hindi aking bayan, at ako'y hindi magiging inyong Dios.
Then said he, Call his name Lo-'ammi [[Not my people]]; for ye are not my people, and I will indeed not be unto you [a God].
10 Gayon ma'y ang bilang ng mga anak ni Israel ay magiging parang buhangin sa dagat na hindi matatakal, o mabibilang man; at mangyayari, na sa dakong pagsabihan sa kanila, Kayo'y hindi aking bayan, sasabihin sa kanila, Kayo'y mga anak ng buhay na Dios.
Yet shall the number of the children of Israel [once] be like the sand of the sea, which cannot be measured nor numbered; and it shall come to pass, that instead that people say of them, Ye are not my people [[Lo-'ammi]], shall they call them, The sons of the living God.
11 At ang mga anak ni Juda, at ang mga anak ni Israel ay mapipisan, at sila'y mangaghahalal sa kanilang sarili ng isang pangulo, at sila'y magsisisampa mula sa lupain; sapagka't magiging dakila ang kaarawan ng Jezreel.
Then shall the children of Judah and the children of Israel be gathered together, and they will appoint for themselves one head, and they shall go up out of the land, for great shall be the day of Yizre'el.