< Genesis 47 >

1 Nang magkagayo'y pumasok si Jose at isinaysay kay Faraon, at sinabi, Ang aking ama, at ang aking mga kapatid, at ang kanilang mga kawan, at ang kanilang mga bakahan, at ang lahat nilang tinatangkilik, ay dumating na mula sa lupain ng Canaan; at, narito, sila'y nasa lupain ng Gosen.
Konsa, Joseph te antre pou pale ak Farawon. Li te di: “Papa m avèk frè m yo, bann mouton yo, twoupo yo, avèk tout sa yo posede, te sòti nan peyi Canaan an. Epi gade byen, yo nan peyi Gosen.”
2 At sa kaniyang mga kapatid ay nagsama siya ng limang lalake, at mga iniharap niya kay Faraon.
Li te pran senk mesye pami frè li yo, e li te prezante yo bay Farawon.
3 At sinabi ni Faraon sa kaniyang mga kapatid, Ano ang inyong hanapbuhay? At kanilang sinabi kay Faraon, Ang iyong mga lingkod ay mga pastor, kami at gayon din ang aming mga magulang.
Alò, Farawon te di a frè li yo: “Ki metye nou?” Epi yo te di a Farawon: “Sèvitè nou se bèje, ni nou menm, ni zansèt nou yo.”
4 At kanilang sinabi kay Faraon, Upang makipamayan sa bayang ito ay naparito kami; sapagka't walang makain ang mga kawan ng iyong mga lingkod; dahil sa ang kagutom ay mahigpit sa lupain ng Canaan: ngayon nga, ay isinasamo namin sa iyo, na pahintulutan mo na ang iyong mga lingkod ay tumahan sa lupain ng Gosen.
Yo te di a Farawon: “Nou te vini pou rete tankou etranje nan peyi a, paske nanpwen patiraj pou bann mouton yo paske gwo grangou a rèd nan peyi Canaan. Alò pou sa, souple, kite sèvitè nou yo viv nan peyi Gosen an.”
5 At sinalita ni Faraon kay Jose, na sinasabi, Ang iyong ama at ang iyong mga kapatid ay naparito sa iyo:
Konsa, Farawon te di a Joseph: “Papa ou avèk frè ou yo te vin kote ou.
6 Ang lupain ng Egipto ay nasa harap mo; sa pinakamabuti sa lupain ay patirahin mo ang iyong ama at ang iyong mga kapatid; sa lupain ng Gosen patirahin mo sila: at kung may nakikilala kang mga matalinong lalake sa kanila, ay papamahalain mo sa aking hayop.
Peyi Égypte la devan ou, plase papa ou avèk frè ou yo nan pi bon pòsyon tè a, kite yo viv nan peyi Gosen an. Epi si ou konnen moun ak kapasite pami yo, alò, fè yo responsab bèt mwen yo.”
7 At ipinasok ni Jose si Jacob na kaniyang ama, at itinayo niya sa harap ni Faraon, at binasbasan ni Jacob si Faraon.
Epi Joseph te mennen papa li, Jacob. Li te prezante li bay Farawon, epi Jacob te beni Farawon.
8 At sinabi ni Faraon kay Jacob, Ilan ang mga araw ng mga taon ng iyong buhay?
Farawon te di a Jacob: “Konbyen ane ou gen tan viv?”
9 At sinabi ni Jacob kay Faraon, Ang mga araw ng mga taon ng aking pakikipamayan ay isang daan at tatlong pung taon; kaunti at masasama ang mga naging araw ng mga taon ng aking buhay, at hindi umabot sa mga araw ng mga taon ng buhay ng aking mga magulang sa mga araw ng kanilang pakikipamayan.
Konsa, Jacob te di a Farawon: “Lane lavi m yo sou latè se san-trant. Pa anpil, e degoutan se te ane lavi m yo. Ni yo pa menm fòs avèk lane ke zansèt mwen yo te viv pandan jou lavi pa yo.”
10 At binasbasan ni Jacob si Faraon at umalis sa harapan ni Faraon.
Konsa, Jacob te beni Farawon, e li te sòti nan prezans li.
11 At itinatag ni Jose ang kaniyang ama, at ang kaniyang mga kapatid, at sila'y binigyan ng pag-aari sa lupain ng Egipto, sa pinakamabuti sa lupain, sa lupain ng Rameses, gaya ng iniutos ni Faraon.
Epi Joseph te pozisyone papa li, ak frè li yo e li te bay yo yon teren an Égypte, nan pi bon pati nan peyi a, kote Ramsès la, tankou Farawon te kòmande a.
12 At pinakain ni Jose ng tinapay ang kaniyang ama, at ang kaniyang mga kapatid, at ang buong sangbahayan ng kaniyang ama, ayon sa kanikaniyang sangbahayan.
Joseph te founi papa li ak frè li yo, avèk tout lakay li avèk manje, selon fòs kantite pitit pa yo.
13 At walang tinapay sa buong lupain; sapagka't ang kagutom ay totoong malala, na ano pa't ang lupain ng Egipto, at ang lupain ng Canaan ay nanglulupaypay dahil sa kagutom.
Koulye a, pa t gen manje nan tout peyi a, akoz gwo grangou a te tèlman rèd, ke peyi Égypte la ak peyi Canaan an te febli nèt akoz gwo grangou a.
14 At tinipon ni Jose ang lahat ng salapi na nasumpungan sa lupain ng Egipto, at sa lupain ng Canaan, dahil sa trigong kanilang binibili: at ipinasok ni Jose ang salapi sa bahay ni Faraon.
Joseph te ranmase tout lajan ki te twouve nan peyi Égypte la, ak nan peyi Canaan pou sereyal ke yo te achte a, e Joseph te pote lajan an lakay Farawon.
15 At nang ang salapi ay maubos na lahat sa lupain ng Egipto, at sa lupain ng Canaan, ay naparoon kay Jose ang lahat ng mga Egipcio, at nagsabi; Bigyan mo kami ng tinapay: sapagka't bakit kami mamamatay sa iyong harap? dahil sa ang aming salapi ay naubos.
Lè tout lajan an te fin depanse nan tout peyi Égypte la, ak tout peyi Canaan an, tout Ejipsyen yo te vin vè Joseph, e te di li: “Bannou manje, paske pou ki rezon nou ta dwe mouri nan prezans ou? Paske lajan nou fini.”
16 At sinabi ni Jose, Ibigay ninyo ang inyong mga hayop; at bibigyan ko kayo dahil sa inyong mga hayop; kung naubos na ang salapi.
Alò, Joseph te di: “Bay bèt nou yo, e mwen va bannou manje pou bèt yo, paske kòb nou gen tan fini.”
17 At kanilang dinala ang kanilang mga hayop kay Jose, at binigyan sila ni Jose ng tinapay na pinakapalit sa mga kabayo, at sa mga kawan, at sa mga bakahan, at sa mga asno; at kaniyang pinakain sila ng tinapay na pinakapalit sa kanilang lahat na hayop sa taong yaon.
Epi yo te mennen bèt yo kote Joseph, Joseph te bay yo manje an echanj ak cheval ak bann mouton, twoupo ak bourik. Konsa, li te bay yo manje an echanj ak tout bèt pa yo nan ane sa a.
18 At nang matapos ang taong yaon ay naparoon sila sa kaniya ng ikalawang taon, at kanilang sinabi sa kaniya: Hindi namin ililihim sa aming panginoon, na kung paanong ang aming salapi ay naubos, at ang mga kawan ng hayop ay sa aking panginoon; wala nang naiiwan sa paningin ng aking panginoon kundi ang aming katawan at ang aming mga lupa.
Lè ane sa a te fini, yo te vin kote li nan lane pwochèn, e te di li: “Nou p ap kache a mèt nou ke lajan nou fin depanse, e tout twoupo bèt yo se pou mèt nou. Nanpwen anyen ki rete pou mèt la, sof ke kò nou, ak tè nou yo.
19 Bakit nga kami mamamatay sa harap ng iyong mga mata, kami at ang aming lupa? bilhin mo ng tinapay kami at ang aming lupa at kami at ang aming lupa ay paaalipin kay Faraon: at bigyan mo kami ng binhi, upang kami ay mabuhay, at huwag mamatay, at ang lupa ay huwag masira.
Poukisa nou ta mouri devan zye ou, ni nou menm, ni tè nou yo? Achte nou menm avèk tè nou yo, e nou va vin esklav a Farawon. Epi bannou semans pou nou ka viv, pou nou pa mouri, e pou tè a pa rete vid.”
20 Sa ganito'y binili ni Jose ang buong lupain ng Egipto para kay Faraon; sapagka't ipinagbili ng bawa't isa sa mga Egipcio ang kaniyang bukid, dahil sa ang kagutom ay totoong mahigpit sa kanila: at ang lupain ay naging kay Faraon.
Alò, Joseph te achte tout tè an Égypte yo pou Farawon, e chak Ejipsyen te vann tè li, akoz ke gwo grangou a te rèd sou yo. Konsa, tè a te vin pou Farawon.
21 At tungkol sa mga tao ay kanilang ibinago sila sa mga bayan mula sa isang dulo ng hanganan ng Egipto hanggang sa kabilang dulo,
Epi pou pèp la, li te deplase yo pou antre nan vil yo, sòti nan yon pwen fwontyè Égypte la, jis rive nan lòt la.
22 Ang lupa lamang ng mga saserdote ang hindi niya nabili: sapagka't ang mga saserdote'y may bahagi kay Faraon, at kanilang kinakain ang kanilang bahagi na ibinibigay sa kanila ni Faraon; kaya hindi nila ipinagbili ang kanilang lupa.
Se sèl tè prèt yo ke li pa t achte, paske prèt yo te gen yon bous ki te sòti sou Farawon, e yo te viv sou bous ke Farawon te bay yo a. Akoz sa, yo pa t vann tè pa yo a.
23 Nang magkagayo'y sinabi ni Jose sa bayan: Narito, aking binili kayo ng araw na ito, at ang inyong lupa'y para kay Faraon: narito, ito ang ipangbibinhi ninyo, at inyong hahasikan ang lupa.
Epi Joseph te di a pèp la: “Veye byen, jodi a mwen te achte nou menm avèk tè nou yo pou Farawon. Men semans lan se pou nou, e nou kapab simen nan tè a.
24 At mangyayari sa pag-aani ay inyong ibibigay ang ikalimang bahagi kay Faraon, at ang apat na bahagi ay sa inyo, sa binhi sa bukid at sa inyong pagkain, at sa inyong mga kasangbahay, at pinakapagkain sa inyong mga bata.
Nan rekòlt la, nou va bay yon senkyèm a Farawon, e kat senkyèm nan ap rete pou nou pou simen nan tè a pou manje pou nou menm avèk sa ki lakay nou yo, ak pou pitit nou yo.”
25 At kanilang sinabi, Iyong iniligtas ang aming buhay: makasumpong nawa kami ng biyaya sa paningin ng aking panginoon, at kami ay maging mga alipin ni Faraon.
Epi yo te di: “Ou gen tan sove lavi nou! Kite nou twouve favè nan zye a mèt nou, e nou va vin esklav Farawon.”
26 At ginawang kautusan ni Jose sa lupain ng Egipto sa araw na ito, na mapapasa kay Faraon ang ikalimang bahagi, liban lamang ang lupa ng mga saserdote na hindi naging kay Faraon.
Joseph te fè yon règleman selon peyi Égypte la ki valab jis rive jou sa a ke Farawon te gen dwa a yon senkyèm nan. Sèl tè a prèt yo ki pa t vin pou Farawon.
27 At si Israel ay tumahan sa lupain ng Egipto, sa lupain ng Gosen; at sila'y nagkaroon ng mga pag-aari roon, at pawang sagana at totoong dumami.
Alò, Israël te viv nan peyi Égypte la, nan Gosen. Yo te gen tèren ladann, yo te vin trè pwodiktif, e yo te peple anpil.
28 At si Jacob ay tumira sa lupain ng Egipto na labing pitong taon; kaya't ang mga araw ni Jacob, ang mga taon ng kaniyang buhay, ay isang daan at apat na pu't pitong taon.
Jacob te viv nan peyi Égypte pandan disèt ane'. Pou sa, fòs lavi li te san-karant-sèt ane.
29 At ang panahon ay lumalapit na dapat nang mamatay si Israel: at kaniyang tinawag ang kaniyang anak na si Jose, at sinabi niya sa kaniya, Kung ngayo'y nakasumpong ako ng biyaya sa iyong paningin, ay ilagay mo, isinasamo ko sa iyo, ang iyong kamay sa ilalim ng aking hita, at pagpakitaan mo ako ng kaawaan at katotohanan; isinasamo ko sa iyong huwag mo akong ilibing sa Egipto:
Lè pou Israël mouri an t ap pwoche. Li te rele fis li, Joseph, e te di li: “Souple, si mwen te twouve favè nan zye ou, koulye a plase men ou anba fant janm mwen, e aji avèk mwen nan bòn fwa ak tandrès. Souple, pa antere mwen an Égypte,
30 Kundi pagtulog kong kasama ng aking mga magulang ay dadalhin mo ako mula sa Egipto, at ililibing mo ako sa kanilang libingan. At kaniyang sinabi, Aking gagawin ang gaya ng iyong sabi.
men lè m kouche avèk zansèt mwen yo, nou va pote mwen deyò de Égypte, pou antere mwen nan plas antèman a yo menm nan.” Epi Joseph te di: “M ap fè jan ou di m nan.”
31 At kaniyang sinabi, Sumumpa ka sa akin: at sumumpa siya sa kaniya. At yumukod si Israel sa ulunan ng higaan.
Konsa, li te di: “Sèmante ban mwen.” Epi li te sèmante ba li. Epi Israël te bese pou adore nan tèt kabann nan.

< Genesis 47 >