< Genesis 44 >
1 At kaniyang iniutos sa katiwala ng kaniyang bahay, na sinasabi, Punuin mo ng mga pagkain ang mga bayong ng mga lalaking ito, kung gaano ang kanilang madadala: at ilagay mo ang salapi ng bawa't isa sa labi ng kanikaniyang bayong.
Joseph ordered his household supervisor, “Fill the men's sacks with as much grain as they can hold and put each man's money at the top of his sack.
2 At ilagay mo ang aking saro, ang sarong pilak, sa labi ng bayong ng bunso, at ang salapi ng kaniyang trigo. At ginawa niya ang ayon sa salita na sinalita ni Jose.
Then put my special silver cup at the top of the sack of the youngest, along with the money for his grain.” He did as Joseph told him.
3 At pagliliwanag ng kinaumagahan, ay pinapagpaalam ang mga lalake, sila at ang kanilang mga asno.
At sunrise they were sent on their way with their donkeys.
4 Nang sila'y mangakalabas na sa bayan, at hindi pa sila nalalayo, ay sinabi ni Jose sa katiwala ng kaniyang bahay, Bumangon ka habulin mo ang mga lalake; at pagka sila'y iyong inabutan, ay sabihin mo sa kanila, Bakit iginanti ninyo ay kasamaan sa kabutihan?
They had hardly left the city when Joseph told his household supervisor, “Go after those men, and when you catch up with them, ask them, ‘Why have you paid back good with evil by stealing my master's silver cup?
5 Hindi ba ang sarong ito ang iniinuman ng aking panginoon, at tunay na kaniyang ipinanghuhula? Kayo'y gumawa ng masama sa paggawa ng ganiyan.
This is the cup he personally drinks from, and which he uses for divination. What you've done is really evil!’”
6 At kaniyang inabutan sila, at kaniyang sinalita sa kanila ang mga ito.
When he caught up with them, he told them what Joseph had said.
7 At kanilang sinabi sa kaniya, Bakit sinalita ng aking panginoon ang mga salitang ito? Huwag itulot ng Dios na gumawa ang iyong mga lingkod ng ganiyang bagay.
“My lord, what are you saying?” they replied. “We your servants wouldn't do anything like that!
8 Narito, ang salapi na aming nasumpungan sa labi ng aming mga bayong ay aming isinauli sa iyo mula sa lupain ng Canaan: paano ngang kami ay magnanakaw sa bahay ng iyong panginoon ng pilak o ginto?
Remember that we brought back the money we found at the top of our sacks when we returned from Canaan. Why would we steal silver or gold from your master's house?
9 Yaong kasumpungan sa iyong mga lingkod, ay mamatay, at pati kami ay magiging alipin ng aming panginoon.
If any one of us is found with it, he shall die, and all of us will become your slaves.”
10 At kaniyang sinabi, Mangyari nga ang ayon sa inyong mga salita; yaong kasumpungan ay magiging aking alipin; at kayo'y mawawalan ng sala.
“Whatever you say,” the man replied, “but only the one found with it will become my slave since the rest of you will be free of any blame.”
11 Nang magkagayo'y nagmadali sila, at ibinaba ng bawa't isa ang kaniyang bayong sa lupa, at binuksan ng bawa't isa ang kaniyang bayong.
They all unloaded their sacks and put them on the ground. They each opened their own sacks.
12 At kaniyang sinaliksik, na pinasimulan sa panganay at niwakasan sa bunso; at nasumpungan ang saro sa bayong ni Benjamin.
The household supervisor searched the sacks, beginning with the oldest and working his way down to the youngest. The cup was found in Benjamin's sack.
13 Nang magkagayo'y kanilang hinapak ang kanilang mga suot, at pinasanan ng bawa't isa ang kaniyang asno, at nagsibalik sa bayan.
The brothers tore their clothes in grief. Then they loaded their sacks back on their donkeys and headed back to the city.
14 At si Juda at ang kaniyang mga kapatid ay dumating sa bahay ni Jose at siya'y nandoon pa, at sila'y nangagpatirapa sa lupa sa harap niya.
Joseph was still at home when Judah and his brothers arrived, and they fell to the ground before him.
15 At sinabi sa kanila ni Jose, Anong gawa itong inyong ginawa? Hindi ba ninyo nalalaman na ang isang tao na gaya ko ay tunay na makahuhula?
“Why did you do this?” Joseph asked. “Don't you know a man like me can find out things through divination?”
16 At sinabi ni Juda: Anong aming sasabihin sa aming panginoon? anong aming sasalitain? o paanong kami ay magpapatotoo? Inilitaw ng Dios ang kasamaan ng iyong mga lingkod: narito, kami ay alipin ng aming panginoon, kami sampu niyaong kinasumpungan ng saro.
“My lord, what can we say?” Judah replied. “How can we explain this to you? In what way can we prove our innocence? God has exposed the guilt of your servants. My lord, we are your slaves—all of us, including the one who was found with the cup.”
17 At kaniyang sinabi, Huwag nawang itulot ng Dios na ako'y gumawa ng ganiyan; ang taong kinasumpungan ng saro, ay siyang magiging aking alipin; datapuwa't tungkol sa inyo ay pumaroon kayong payapa sa inyong ama.
“I wouldn't do anything like that!” Joseph replied. “Only the man who was found with the cup will become my slave. The rest of you are free to return to your father.”
18 Nang magkagayo'y lumapit si Juda sa kaniya, at nagsabi, Oh panginoon ko, ipinamamanhik ko sa iyo na papagsalitain ang iyong lingkod, ng isang salita sa mga pakinig ng aking panginoon, at huwag nawang magalab ang iyong loob laban sa iyong lingkod; sapagka't ikaw ay parang si Faraon.
Judah came closer and said to him, “If you please, my lord, let your servant just say a word. Please don't become angry with your servant, even though you are as powerful as Pharaoh himself.
19 Tinanong ng aking panginoon ang kaniyang mga lingkod, na sinasabi; Kayo ba'y mayroong ama o kapatid?
My lord, previously you asked us, ‘Do you have a father or a brother?’
20 At aming sinabi sa aking panginoon, Kami ay may ama, isang matanda, at isang anak sa kaniyang katandaan, isang munting bata at ang kaniyang kapatid ay namatay, at siya lamang ang naiwan ng kaniyang ina, at minamahal siya ng kaniyang ama.
We told you, my lord, ‘We have an elderly father, and a younger brother, born when our father was already old. The boy's brother is dead. He is the only one of his mother's children left, and his father loves him dearly.’
21 At sinabi mo sa iyong mga lingkod, Dalhin ninyo rito sa akin, upang mamasdan ko siya ng aking mga mata.
Then you ordered us, ‘Bring him here to me so I can see him.’
22 At aming sinabi sa aking panginoon, Hindi maiiwan ng bata ang kaniyang ama: sapagka't kung iiwan niya ang kaniyang ama, ay mamamatay ang ama niya.
We told you, ‘The boy can't leave his father; if he did, his father would die.’
23 At iyong sinabi sa iyong mga lingkod, Hindi na ninyo makikita ang aking mukha, malibang inyong ipagsamang bumaba ang inyong kapatid na bunso.
But you told us, ‘If your youngest brother doesn't come with you, you won't see me again.’
24 At nangyari nang panhikin namin ang inyong lingkod na aking ama, ay aming isinaysay sa kaniya ang mga salita ng aking panginoon.
So when we went back to your servant, our father, we explained to him everything you had told us.
25 At sinabi ng aming ama, Pumaroon kayo uli, ibili ninyo tayo ng kaunting pagkain.
However, later on, our father told us, ‘Go back and buy some more food.’
26 At aming sinabi, Hindi kami makabababa: kung ang aming bunsong kapatid ay kasama namin ay bababa nga kami: sapagka't hindi namin makikita ang mukha ng lalaking yaon, malibang ang aming bunsong kapatid ay kasama namin.
But we said, ‘There's no way we can go back unless Benjamin our youngest brother goes with us, because we won't be able to see the man if Benjamin isn't with us.’
27 At sinabi ng iyong lingkod na aming ama sa amin, Inyong talastas na ang aking asawa ay nagkaanak sa akin ng dalawang lalake:
Then my father said to us, ‘You realize that my wife had two sons for me.
28 At ang isa'y umalis sa akin, at aking sinabi, Tunay na siya'y nalapa; at hindi ko siya nakita mula noon.
One is no more, ripped to pieces no doubt, for I've never seen him since.
29 At kung inyong kunin pa ang isang ito sa akin, at may mangyaring sakuna sa kaniya, ay inyong ibababa ang aking uban sa Sheol na may kapanglawan. (Sheol )
If you take this one away from me too, and something bad happens to him, you'll send this old man to his grave in grief.’ (Sheol )
30 Ngayon nga'y kung ako'y dumating sa iyong lingkod na aking ama, at ang bata ay hindi namin kasama; sapagka't ang kaniyang buhay ay natatali sa buhay ng batang iyan;
So if the boy isn't with us when I go back to my father, whose life depends on the life of the boy,
31 Ay mangyayari nga na pagka kaniyang nakitang ang bata ay di namin kasama, na mamamatay siya: at ibababa sa Sheol na may kapanglawan ng iyong mga lingkod ang mga uban ng iyong lingkod na aming ama. (Sheol )
as soon as he sees the boy isn't there he'll die, and we will really send this old man, our father, to his grave in grief. (Sheol )
32 Sapagka't ang iyong lingkod ang siyang nanagot sa bata sa aking ama, na nagsasabi: Kung hindi ko siya dalhin sa iyo, ay papasanin ko nga ang kasalanan sa aking ama magpakailan man.
In fact I gave myself as the guarantee for the boy to my father. I told him, ‘If I don't bring him back to you, then I will always carry the blame!’
33 Ngayon nga, ay ipahintulot mo na ang iyong lingkod, aking isinasamo sa iyo, ay maiwan na kahalili ng bata na pinakaalipin ng aking panginoon; at iyong ipahintulot na ang bata ay umahong kasama ng kaniyang mga kapatid.
So please let me stay here as my lord's slave instead of the boy. Let him go back home with his brothers.
34 Sapagka't paanong paroroon ako sa aking ama, at ang bata'y di ko kasama? Baka aking makita pa ang sakunang sasapit sa aking ama.
For how could I ever go back to my father if the boy wasn't with me? I couldn't stand seeing the anguish that would cause my father.”