< Genesis 24 >

1 At si Abraham ay matanda na, at lipas na sa panahon: at pinagpala ng Panginoon si Abraham sa lahat ng mga bagay.
Авраам же бяше стар, заматеревший во днех: и Господь благослови Авраама во всех.
2 At sinabi ni Abraham sa kaniyang alilang katiwala, sa pinakamatanda sa kaniyang bahay na namamahala ng lahat niyang tinatangkilik: Ipinamamanhik ko sa iyo na ilagay mo ang iyong kamay sa ilalim ng aking hita:
И рече Авраам рабу своему старейшему дому своего, обладающему всеми его: положи руку твою под стегно мое,
3 At ikaw ay aking pasusumpain, alangalang sa Panginoon sa Dios ng langit at Dios ng lupa, na hindi mo papag-aasawahin ang aking anak sa mga anak ng mga Cananeo na siyang aking pinakikitahanan:
и заклену тя Господем Богом небесе и Богом земли, да не поймеши сыну моему Исааку жены от дщерей Хананейских, с нимиже аз живу в них:
4 Kundi ikaw ay paroroon sa aking lupain, at sa aking kamaganakan, at papag-aasawahin mo roon ang aking anak na si Isaac.
но токмо на землю мою, идеже родихся, пойдеши, и ко племени моему, и поймеши жену сыну моему Исааку оттуду.
5 At sinabi sa kaniya ng lingkod, Sakaling hindi iibigin ng babae na sumama sa akin sa lupaing ito: dapat ko bang ibalik ang anak mo sa lupaing pinanggalingan mo?
Рече же к нему раб: еда убо не восхощет ити жена вслед со мною на землю сию, возвращу ли сына твоего в землю, от неяже изшел еси?
6 At sinabi sa kaniya ni Abraham, Ingatan mong huwag ibalik doon ang aking anak.
Рече же к нему Авраам: внемли себе, да не возвратиши сына моего онамо.
7 Ang Panginoon, ang Dios ng langit, na kumuha sa akin sa bahay ng aking ama, at sa lupaing aking tinubuan, at sa akin ay nagsalita, at sa akin ay sumumpa, na nagsasabi, Sa iyong binhi, ibibigay ko ang lupaing ito: ay magsusugo siya ng kaniyang anghel sa unahan mo, at papag-aasawahin mo roon ang aking anak.
Господь Бог небесе и Бог земли, Иже поя мя из дому отца моего и от земли, в нейже родихся, Иже глагола мне и Иже кляся мне, глаголя: тебе дам землю сию и семени твоему, Той послет Ангела Своего пред тобою, и поймеши жену сыну моему Исааку оттуду:
8 At kung ang babae ay ayaw sumama sa iyo, ay maliligtas ka rito sa aking sumpa; huwag mo lamang pabalikin ang aking anak doon.
аще же не восхощет жена поити с тобою в землю сию, чист будеши от заклятия моего: точию сына моего не возврати тамо.
9 At inilagay ng alilang katiwala ang kaniyang kamay sa ilalim ng hita ni Abraham na kaniyang panginoon, at sumumpa sa kaniya tungkol sa bagay na ito.
И положи раб руку свою под стегно Авраама господина своего, и кляся ему о словеси сем.
10 At kumuha ang alilang katiwala ng sangpung kamelyo sa mga kamelyo ng kaniyang panginoon, at yumaon; na dala ang pinakamabuti sa lahat ng pag-aari ng kaniyang panginoon: at tumindig at napasa Mesopotamia, sa bayan ni Nachor.
И взя раб десять велблюд от велблюд господина своего, и от всех благ господина своего с собою, и востав иде в Месопотамию во град Нахоров:
11 At kaniyang pinaluhod ang mga kamelyo sa labas ng bayan, sa tabi ng balon ng tubig, ng dakong palubog na ang araw, na kapanahunan nang paglabas ng mga babae upang umigib ng tubig.
и постави велблюды вне града у кладязя воднаго под вечер, егда исходят (жены) почерпати воды,
12 At sinabi, Oh Panginoon, Dios ng aking panginoong si Abraham, ipinamamanhik ko sa iyong pagkalooban mo ako ng mabuting kapalaran ngayon, at ikaw ay magmagandang loob sa aking panginoong kay Abraham.
и рече: Господи, Боже господина моего Авраама, благоустрой предо мною днесь, и сотвори милость с господином моим Авраамом:
13 Narito, ako'y nakatayo sa tabi ng bukal ng tubig: at ang mga anak na babae ng mga tao sa bayan, ay nagsilabas upang umigib ng tubig:
се, аз стах у кладязя воднаго, дщери же живущих во граде исходят почерпати воды:
14 At mangyari nga na ang dalagang aking pagsabihan, Ibaba mo, isinasamo ko sa iyo, ang iyong banga upang ako'y uminom; at siya'y magsabi, Uminom ka, at paiinumin ko pati ng iyong mga kamelyo: maging siyang iyong itinalaga sa iyong lingkod na kay Isaac: at sa ganito ay malalaman kong nagmagandang loob ka sa aking panginoon.
и будет девица, ейже аз реку: преклони водонос твой, да пию, и речет ми: пий ты, и велблюды твоя напою, дондеже напиются: сию уготовал еси рабу Твоему Исааку: и по сему увем, яко сотворил еси милость с господином моим Авраамом.
15 At nangyari, na bago natapos ang pananalita niya, ay narito si Rebeca na ipinanganak kay Bethuel, na anak ni Milca, na asawa ni Nachor na kapatid ni Abraham na lumalabas na pasan ang kaniyang banga sa kaniyang balikat.
И бысть прежде неже скончати ему глаголющу во уме своем, и се, Ревекка исхождаше, яже родися Вафуилу, сыну Мелхи жены Нахора, брата же Авраамля, держащи водонос на рамех своих:
16 At ang babae ay may magandang anyo, dalaga, na hindi pa nasisipingan ng lalake: at lumusong sa bukal, at pinuno ang kaniyang banga, at umahon.
девица же бяше доброзрачна зело: дева бе, муж не позна ея. Сошедши же на кладязь, наполни водонос свой и взыде.
17 At tumakbong sinalubong siya ng alilang katiwala na sinabi, Makikiinom ako ng kaunting tubig sa iyong banga.
Тече же раб во сретение ей и рече: напой мя мало водою от водоноса твоего.
18 At sinabi niya, Uminom ka, panginoon ko: at nagmadaling ibinaba ang banga sa kaniyang kamay, at pinainom siya.
Сия же рече: пий, господине. И потщася, и сня водонос на мышца своя, и напои его, дондеже напися.
19 At pagkatapos na kaniyang mapainom, ay sinabi, Iyiigib ko naman ang iyong mga kamelyo, hanggang sa makainom na lahat.
И рече: и велблюдом твоим налию, дондеже вси напиются.
20 At ibinuhos na dalidali ang kaniyang banga sa inuman, at tumakbong muli sa balon upang umigib at iniigib ang lahat niyang kamelyo.
И потщася, и испраздни водонос в поило: и тече паки на кладязь почерпнути воды, и влия велблюдом всем.
21 At siya'y tinitigan ng lalake; na hindi umiimik, upang maalaman kung pinagpala ng Panginoon ang kaniyang paglalakbay o hindi.
Человек же выразумеваше ю и помолчеваше, да уразумеет, аще благоустрои Бог путь ему, или ни.
22 At nangyari, nang makainom ang mga kamelyo, na kumuha ang lalake ng isang singsing na ginto, na may kalahating siklo sa timbang, at dalawang pulsera upang ilagay sa kaniyang mga kamay, na may timbang na sangpung siklong ginto;
Бысть же егда престаша вси велблюды пиюще, взя человек усерязи златы весом по драхме и два запястия на руки ея: десять златниц вес их.
23 At sinabi, Kaninong anak ka? sabihin mo sa akin, ipinamamanhik ko sa iyo. May lugar ba sa bahay ng iyong ama na aming matutuluyan?
И вопроси ю и рече: чия еси дщерь? Повеждь ми, аще есть у отца твоего место нам витати?
24 At sinabi niya sa kaniya, Anak ako ni Bethuel, na anak ni Milca, na ipinanganak niya kay Nahor.
Она же рече ему: дщерь Вафуилева есмь (сына) Мелхина, егоже роди Нахору.
25 Sinabi rin niya sa kaniya, Mayroon din naman kaming saganang dayami at pagkain sa hayop, at dakong matutuluyan.
И рече ему: и плевы и сена много у нас, и место витати.
26 At lumuhod ang lalake at sumamba sa Panginoon.
И благословив человек, поклонися Господу
27 At siya'y nagsabi, Purihin ang Panginoon, ang Dios ng aking panginoong si Abraham, na hindi inilayo ang kaniyang habag at ang kaniyang pagtatapat, sa aking panginoon: tungkol sa akin, ay pinatnugutan ako ng Panginoon sa daan hanggang sa bahay ng mga kapatid ng aking panginoon.
и рече: благословен Господь Бог господина моего Авраама, Иже не остави правды Своея и истины от господина моего: и мене благоустрои Господь в дом брата господина моего.
28 At tumakbo ang dalaga at isinaysay sa sangbahayan ng kaniyang ina ang ayon sa mga salitang ito.
И текши девица в дом матере своея, поведа по глаголом сим.
29 At mayroon si Rebeca na isang kapatid na nagngangalang Laban: at tinakbo ni Laban ang lalake sa labas, sa bukal.
Ревекце же бяше брат, емуже имя Лаван: и тече Лаван к человеку вон на кладязь.
30 At nangyari, pagkakita ng singsing, at ng mga pulsera sa mga kamay ng kaniyang kapatid, at pagkarinig ng mga salita ni Rebeca na kaniyang kapatid, na sinasabi, Gayon sinalita sa akin ng lalake; na naparoon siya sa lalake; at narito, ito'y nakatayo sa siping ng mga kamelyo, sa bukal.
И бысть егда виде усерязи, и запястия на руку сестры своея, и егда слыша словеса Ревекки сестры своея, глаголющия: сице глагола мне человек: и прииде к человеку, стоящу ему у велблюд у кладязя,
31 At sinabi niya, Pumasok ka, pinagpala ng Panginoon; bakit ka nakatayo sa labas? sapagka't inihanda ko ang bahay, at ang dako ng mga kamelyo.
и рече ему: гряди, вниди благословенный от Господа, почто стоиши вне? Аз же уготовах храмину и место велблюдом.
32 At pumasok ang lalake sa bahay, at kinalagan ang mga kamelyo; at binigyan ni Laban ng dayami at pagkain ang mga kamelyo, at ng tubig upang ipaghugas ng kaniyang mga paa, at ng mga paa ng mga taong kasama niya.
И вниде человек в дом, и разседла велблюды, и даде плевы и сено велблюдом, и воду умыти нозе его, и ноги мужем, иже бяху с ним:
33 At siya'y hinainan nila ng pagkain: datapuwa't kaniyang sinabi, Hindi ako kakain hanggang hindi ko nasasabi ang aking sadya. At sinabi ni Laban, Magsalita ka.
и предложи им хлебы ясти, и рече: не ям, дондеже возглаголю словеса моя. И рече: глаголи.
34 At kaniyang sinabi, Alilang katiwala ako ni Abraham.
И рече: раб Авраамль есмь аз:
35 At pinagpalang mainam ng Panginoon ang aking panginoon; at siya'y naging dakila: at siya'y binigyan ng kawan at bakahan, at ng pilak at ng ginto, at ng mga aliping lalake, at babae, at ng mga kamelyo, at ng mga asno.
Господь же благослови господина моего зело, и возвысися: и даде ему овцы и телцы, сребро и злато, рабы и рабыни, и велблюды и ослы:
36 At si Sara na asawa ng aking panginoon, ay nagkaanak ng lalake sa aking panginoon, nang siya'y matanda na: at siyang pinagbigyan ni Abraham ng kaniyang lahat na inaari.
и роди Сарра, жена господина моего, сына единаго господину моему, состаревшемуся ему, и даде ему елика имяше:
37 At pinapanumpa ako ng aking panginoon, na sinasabi, Huwag mong papag-aasawahin ang aking anak sa mga anak na babae ng mga Cananeo na siyang lupaing aking tinatahanan:
и закля мя господин мой, глаголя: не поймеши жены сыну моему от дщерей Хананейских, в нихже аз обитаю в земли их:
38 Kundi paroroon ka sa bahay ng aking ama at sa aking kamaganakan, at papag-aasawahin mo roon ang aking anak.
но в дом отца моего пойдеши, и в племя мое, и поймеши жену сыну моему оттуду:
39 At sinabi ko sa aking panginoon, Sakaling hindi iibigin ng babaing sumama sa akin.
рех же (аз) господину моему: а егда не восхощет жена со мною ити?
40 At kaniyang sinabi sa akin, Ang Panginoon na sa harap niya'y lumalakad ako, ay susuguin niyang kasama mo ang kaniyang anghel, at kaniyang pagpapalain ang iyong lakad, at papag-aasawahin mo ang aking anak sa aking kamaganakan, at sa angkan ng aking ama:
И рече ми: Господь Бог, Емуже благоугодих пред ним, он послет Ангела Своего с тобою и благоустроит путь твой, и поймеши жену сыну моему от племене моего и от дому отца моего:
41 Kung magkagayo'y makakakawala ka sa aking sumpa, pagka ikaw ay dumating sa aking kamaganakan; at kung hindi nila ibigay sa iyo, ay makakakawala ka sa aking sumpa.
тогда будеши чист от заклинания моего: егда бо дойдеши в племя мое, и не дадят ти, и будеши чист от заклинания моего:
42 At dumating ako ng araw na ito, sa bukal, at aking sinabi, Oh Panginoon, na Dios ng aking panginoong si Abraham, kung ngayo'y pinagpapala mo ang aking lakad na nilalakad ko:
и пришед днесь на кладязь, рекох: Господи, Боже господина моего Авраама, аще Ты благоустрояеши путь мой, в оньже ныне аз иду:
43 Narito, nakatayo ako sa tabi ng bukal ng tubig; at mangyari, na ang dalagang lumabas na umigib na aking pagsasabihan, Makikiinom ako sa iyo ng kaunting tubig sa iyong banga;
се, аз стах у кладязя воднаго, и дщери граждан исходят почерпати воды: и будет девица, ейже аще аз реку: напой мя от водоноса твоего мало водою:
44 At siya'y magsasabi sa akin, Uminom ka, at iyigib ko pati ng iyong mga kamelyo: ay siyang maging babaing itinalaga ng Panginoon sa anak ng aking panginoon.
и речет ми: и ты пий, и велблюдом твоим влию: сия (будет) жена, юже уготова Господь рабу Своему Исааку: и по сему уразумею, яко сотворил еси милость господину моему Аврааму.
45 At bago ko nasalita sa sarili, narito si Rebeca, na lumalabas na pasan ang kaniyang banga sa kaniyang balikat; at lumusong sa bukal at umigib: at aking sinabi sa kaniya, Makikiinom ako sa iyo.
И бысть прежде неже скончати мне глаголющу во уме своем, абие Ревекка исхождаше держащи водонос на раму, и сниде на кладязь, и почерпе воды: и рекох ей: напой мя.
46 At dalidali niyang ibinaba ang kaniyang banga sa kaniyang balikat, at nagsabi, Uminom ka, at paiinumin ko pati ng iyong mga kamelyo: sa gayo'y uminom ako, at pinainom niya pati ng mga kamelyo,
И потщавшися сня водонос с себе на мышцу свою и рече: пий ты, и велблюды твоя напою. И напихся, и велблюды моя напои.
47 At siya'y aking tinanong, at aking sinabi, Kaninong anak ka? at kaniyang sinabi, Anak ako ni Bethuel, na anak ni Nachor, na ipinanganak sa kaniya ni Milca: at inilagay ko ang hikaw sa kaniyang ilong, at ang mga pulsera sa kaniyang mga kamay.
И вопросих ю и рекох: чия еси дщерь? Повеждь ми. Она же рече: дщерь Вафуилева есмь сына Нахорова, егоже роди ему Мелха. И дах ей усерязи, и запястия на руце ея,
48 At aking iniyukod ang aking ulo, at sumamba ako sa Panginoon at pumuri sa Panginoon, na Dios ng aking panginoong si Abraham, na pumatnubay sa akin sa daang matuwid upang kunin ang anak ng kapatid ng aking panginoon, para sa kaniyang anak.
и благоволив поклонихся Господу: и благослових Господа Бога господина моего Авраама, Иже благоустрои мя на пути истины пояти дщерь брата господина моего сыну его:
49 At ngayon, kung inyong mamagandahing loob at mamatapatin sa aking panginoon ay sabihin ninyo sa akin: at kung hindi, ay sabihin din ninyo sa akin; upang pumihit ako sa kanan o sa kaliwa.
аще убо сотворите вы милость и правду к господину моему: аще же ни, поведите ми: да обращуся или на десно, или на лево.
50 Nang magkagayo'y sumagot si Laban at si Bethuel, at sinabi, Sa Panginoon nagmumula ito: kami ay hindi makapagsasabi sa iyo ng masama o ng mabuti.
Отвещавша же Лаван и Вафуил, рекоста: от Господа прииде дело сие: не возможем ти противу рещи зло или благо:
51 Narito, si Rebeca ay nasa harap mo, dalhin mo, at yumaon ka, at siya'y maging asawa ng anak ng iyong panginoon, na gaya ng sinalita ng Panginoon.
се, Ревекка пред тобою: поемь ю, иди: и да будет жена сыну господина твоего, якоже глагола Господь.
52 At nangyari, na pagkarinig ng alilang katiwala ni Abraham ng kaniyang mga salita, ay nagpatirapa sa lupa sa harap ng Panginoon.
Бысть же егда услыша раб Авраамль словеса сия, поклонися до земли Господу.
53 At naglabas ang alilang katiwala ng mga hiyas na pilak at mga hiyas na ginto, at mga damit, at mga ibinigay kay Rebeca: nagbigay rin siya ng mga mahalagang bagay sa kaniyang kapatid na lalake at sa kaniyang ina.
И изнес раб сосуды златы и сребряны и ризы, даде Ревекце: и дары даде брату ея и матери ея.
54 At nangagsikain at nangagsiinom siya at ang mga taong kasama niya, at doon nagparaan ng magdamag, at sila'y nagsibangon ng umaga at kaniyang sinabi, Suguin ninyo ako sa aking panginoon.
И ядоша и пиша и той и мужие, иже бяху с ним, и почиша. И востав заутра, рече: отпустите мя, да отиду к господину моему.
55 At sinabi ng kaniyang kapatid na lalake, at ng kaniyang ina, Matira ang dalaga sa aming ilang araw, sangpung araw man lamang; pagkatapos ay paroroon siya.
Реша же братия ея и мати: да пребудет девица с нами яко десять дний, и посем пойдет.
56 At sinabi niya sa kanila, Huwag ninyo akong pigilin, yamang pinagpala ng Panginoon ang aking lakad; papagpaalamin na ninyo ako, upang ako'y umuwi sa aking panginoon.
Он же рече к ним: не держите мя, Господь бо благоустрои путь мой во мне: отпустите мя, да иду к господину моему.
57 At kanilang sinabi, Tatawagin namin ang dalaga at uusisain namin sa kaniyang bibig.
Они же реша: призовем девицу и вопросим ея изоуст.
58 At kanila ngang tinawag si Rebeca, at kanilang sinabi sa kaniya, Sasama ka ba sa lalaking ito? At sinabi niya, Sasama ako.
И призваша Ревекку и реша ей: пойдеши ли с человеком сим? Она же рече: пойду.
59 At kanilang pinapagpaalam si Rebeca na kanilang kapatid, at ang kaniyang yaya, at ang alilang katiwala ni Abraham, at ang kaniyang mga tao.
И отпустиша Ревекку сестру свою, и имения ея, и раба Авраамля, и иже с ним быша.
60 At kanilang binasbasan si Rebeca, at sinabi nila sa kaniya, Kapatid namin, maging ina ka nawa ng yutayuta, at kamtin ng iyong binhi ang pintuang-bayan niyaong mga napopoot sa kanila.
И благословиша Ревекку и реша ей: сестра наша еси, буди в тысящы тем, и да наследит семя твое грады супостат.
61 At tumindig si Rebeca, at ang kaniyang mga abay, at nangagsisakay sa mga kamelyo, at nangagsisunod sa lalake; at dinala ng alilang katiwala si Rebeca at yumaon.
Воставши же Ревекка и рабыни ея, вседоша на велблюды и поидоша с человеком. И поим раб Ревекку, отиде.
62 At si Isaac ay nanggaling sa daang Beer-lahai-roi; sapagka't siya'y natira sa lupaing Timugan.
Исаак же прехождаше сквозе пустыню у кладязя Видения: сам же живяше на земли на полудне.
63 At lumabas si Isaac sa parang upang magmunimuni ng dakong hapon: at kaniyang itiningin ang kaniyang mga mata, at kaniyang nakita, at, narito, may dumarating na mga kamelyo.
И изыде Исаак поглумитися на поле к вечеру, и воззрев очима своима, виде велблюды идущыя.
64 Itiningin naman ni Rebeca ang kaniyang mga mata at nang makita niya si Isaac, ay bumaba sa kamelyo.
И воззревши Ревекка очима своима, виде Исаака: и изскочи с велблюда.
65 At sinabi ni Rebeca sa alilang katiwala, Sino yaong taong naglalakad sa parang na sumasalubong sa atin? At sinabi ng alilang katiwala, Yaon ang aking panginoon: at kinuha niya ang kaniyang lambong, at siya'y nagtakip.
И рече рабу: кто есть человек оный, иже идет по полю во сретение нам? Рече же раб: сей есть господин мой. Она же вземши ризу летнюю, облечеся.
66 At isinaysay ng alilang katiwala kay Isaac ang lahat ng kaniyang ginawa.
И поведа раб Исааку вся словеса, яже сотвори.
67 At dinala siya ni Isaac sa tolda ni Sara na kaniyang ina, at ipinagsama si Rebeca, at naging kaniyang asawa: at kaniya namang sininta: at naaliw si Isaac, pagkamatay ng kaniyang ina.
Вниде же Исаак в дом матере своея, и поя Ревекку, и бысть ему жена: и возлюби ю, и утешися Исаак по Сарре матери своей.

< Genesis 24 >