< Genesis 13 >

1 At umahon sa Timugan si Abram mula sa Egipto, siya at ang kaniyang asawa, at ang lahat ng kaniyang tinatangkilik, at si Lot na kaniyang kasama.
So Abram and Sarai left Egypt, and they took along all his possessions, and Lot went with them to the Negev [Desert].
2 At si Abram ay totoong mayaman sa hayop, sa pilak, at sa ginto.
Abram was very rich. He owned a lot of livestock, silver and gold.
3 At nagpatuloy si Abram ng kaniyang paglalakbay mula sa Timugan hanggang sa Bethel, hanggang sa dakong kinaroroonan noong una ng kaniyang tolda sa pagitan ng Bethel at ng Hai;
They continued traveling from place to place from the Negev [Desert] toward Bethel [town] to the place between Bethel and Ai where they had previously set up their tents,
4 Sa dako ng dambana na kaniyang ginawa roon nang una: at sinambitla doon ni Abram ang pangalan ng Panginoon.
and where Abram had made a stone altar and worshiped Yahweh.
5 At si Lot man na kinasama ni Abram ay may tupahan at bakahan, at mga tolda.
Lot, who was traveling with Abram, also had flocks of sheep and goats and herds of cattle, and tents.
6 At sila'y hindi makayanan ng lupain, na sila'y manahan na magkasama: sapagka't napakarami ang kanilang pag-aari, na ano pa't hindi maaring manirahang magkasama.
But they had so many animals that they could not all stay in the same area. There was not enough land to provide water and food for all their animals.
7 At nagkaroon ng pagtatalo ang mga pastor ng hayop ni Abram at ang mga pastor ng hayop ni Lot; at ang Cananeo at ang Pherezeo ay naninirahan noon sa lupain.
Furthermore, the descendants of Canaan and Perizzi were also living in that area, and the land really belonged to them. And the men who took care of Abram’s animals started quarreling with the men who took care of Lot’s animals.
8 At sinabi ni Abram kay Lot, Ipinamamanhik ko sa iyong huwag magkaroon ng pagtatalo, ikaw at ako, at ang mga pastor mo at mga pastor ko; sapagka't tayo'y magkapatid.
So Abram said to Lot, “Since we are close relatives, it is not good for us two to quarrel, or for the men who take care of your animals to quarrel with the men who take care of my animals.
9 Di ba ang buong lupain ay nasa harap mo? Humiwalay ka nga sa akin, ipinamamanhik ko sa iyo: kung ikaw ay pasa sa kaliwa, ay pasa sa kanan ako: o kung ikaw ay pasa sa kanan, ay pasa sa kaliwa ako.
There is plenty of land for both of us. So we should separate. You can choose whatever part you want [RHQ]. If you want the area over there, I will stay here. If you want the area here, I will go over there.”
10 At itiningin ni Lot ang kaniyang mga mata, at natanaw niya ang buong kapatagan ng Jordan, na pawang patubigan na magaling sa magkabikabila, kung pasa sa Zoar, bago giniba ng Panginoon ang Sodoma at Gomorra, ay gaya ng halamanan ng Panginoon, gaya ng lupain ng Egipto.
Lot looked around toward Zoar [town], and saw that there was plenty of water all over the plain near the Jordan [River]. It was like the park/garden in Eden, and like the land in Egypt. [That was before Yahweh destroyed [the cities of] Sodom and Gomorrah which were on that plain.]
11 Kaya't pinili ni Lot sa kaniya ang buong kapatagan ng Jordan; at si Lot ay naglakbay sa silanganan: at sila'y kapuwa naghiwalay.
So Lot chose the land in the plain of the Jordan [River]. He left his uncle, Abram, and moved east.
12 Tumahan si Abram sa lupain ng Canaan; at si Lot ay tumahan sa mga bayan ng kapatagan, at inilipat ang kaniyang tolda hanggang sa Sodoma.
Abram stayed in the Canaan area, and Lot started to live near the cities in the plain of the Jordan [River], and he set up his tents near Sodom [city].
13 Ang mga tao nga sa Sodoma ay masasama at mga makasalanan sa harap ng Panginoon.
[You need to know that] people who lived there were extremely wicked.
14 At sinabi ng Panginoon kay Abram, pagkatapos na makahiwalay si Lot sa kaniya, Itingin mo ngayon ang iyong mga mata, at tumanaw ka mula sa dakong iyong kinalalagyan, sa dakong hilagaan, at sa dakong timugan, at sa dakong silanganan, at sa dakong kalunuran:
After Abram and Lot separated, Yahweh said to Abram, “Look around at this whole area where you are. Look north and south, look east and west.
15 Sapagka't ang buong lupaing iyong natatanaw ay ibibigay ko sa iyo, at sa iyong binhi magpakaylan man.
I will give to you and your descendants all the land that you see; I will give it to you forever.
16 At gagawin kong parang alabok ng lupa ang iyong binhi: na ano pa't kung mabibilang ng sinoman ang alabok ng lupa ay mabibilang nga rin ang iyong binhi.
I will cause your descendants to be as numerous as particles of dust! [It will be easier] to count the particles of dust than it will be to count your descendants [HYP].
17 Magtindig ka, lakarin mo ang lupain, ang hinabahaba at niluwang-luwang niyan; sapagka't ibibigay ko sa iyo.
Walk through the land in every direction, because I am going to give it all to you.”
18 At binuhat ni Abram ang kaniyang tolda, at yumaon at tumahan sa mga punong encina ni Mamre na nasa Hebron, at siya'y nagtayo roon ng dambana sa Panginoon.
So Abram [and his men] took down their tents and moved to Hebron and started to live by the huge trees [at the town] Mamre. He placed a stone altar there to [make sacrifices to] Yahweh.

< Genesis 13 >