< Ezra 7 >
1 Pagkatapos nga ng mga bagay na ito, sa paghahari ni Artajerjes na hari sa Persia, si Ezra na anak ni Seraias, na anak ni Azarias, na anak ni Hilcias,
Now after these things, in the reign of Artaxerxes king of Persia, Ezra the son of Seraiah, the son of Azariah, the son of Hilkiah,
2 Na anak ni Sallum, na anak ni Sadoc, na anak ni Achitob,
the son of Shallum, the son of Zadok, the son of Ahitub,
3 Na anak ni Amarias, na anak ni Azarias, na anak ni Meraioth,
the son of Amariah, the son of Azariah, the son of Meraioth,
4 Na anak ni Zeraias, na anak ni Uzzi, na anak ni Bucci,
the son of Zerahiah, the son of Uzzi, the son of Bukki,
5 Na anak ni Abisue, na anak ni Phinees, na anak ni Eleazar, na anak ni Aaron, na pangulong saserdote:
the son of Abishua, the son of Phinehas, the son of Eleazar, the son of Aaron the chief priest—
6 Ang Ezra na ito ay yumaon mula sa Babilonia. At siya'y kalihim na bihasa sa kautusan ni Moises, na ibinigay ng Panginoon, ng Dios ng Israel: at tinulutan siya ng hari sa lahat niyang kahilingan, ayon sa kamay ng Panginoon niyang Dios na sumasa kaniya.
this Ezra went up from Babylon. He was a skilled scribe in the law of Moses, which the LORD, the God of Israel, had given; and the king granted him all his request, according to the LORD his God’s hand on him.
7 At nakiahon sa Jerusalem ang ilan sa mga anak ni Israel, at sa mga saserdote, at sa mga Levita, at sa mga mangaawit, at sa mga tagatanod-pinto, at sa mga Nethineo, sa ikapitong taon ni Artajerjes na hari.
Some of the children of Israel, including some of the priests, the Levites, the singers, the gatekeepers, and the temple servants went up to Jerusalem in the seventh year of Artaxerxes the king.
8 At siya'y naparoon sa Jerusalem sa ikalimang buwan, na sa ikapitong taon ng hari.
He came to Jerusalem in the fifth month, which was in the seventh year of the king.
9 Sapagka't sa unang araw ng unang buwan ay nagpasimula siyang umahon mula sa Babilonia, at sa unang araw ng ikalimang buwan ay dumating siya sa Jerusalem, ayon sa mabuting kamay ng kaniyang Dios na sumasa kaniya.
For on the first day of the first month he began to go up from Babylon; and on the first day of the fifth month he came to Jerusalem, according to the good hand of his God on him.
10 Sapagka't inilagak ni Ezra ang kaniyang puso na hanapin ang kautusan ng Panginoon, at upang gawin, at upang magturo sa Israel ng mga palatuntunan at mga kahatulan.
For Ezra had set his heart to seek the LORD’s law, and to do it, and to teach statutes and ordinances in Israel.
11 Ito nga ang salin ng sulat na ibinigay ng haring Artajerjes kay Ezra na saserdote, na kalihim, na kalihim sa mga salita ng mga utos ng Panginoon, at ng kaniyang mga palatuntunan sa Israel.
Now this is the copy of the letter that King Artaxerxes gave to Ezra the priest, the scribe, even the scribe of the words of the LORD’s commandments, and of his statutes to Israel:
12 Si Artajerjes, na hari ng mga hari, kay Ezra na saserdote, na kalihim sa kautusan ng Dios ng langit, na sakdal at iba pa.
Artaxerxes, king of kings, To Ezra the priest, the scribe of the law of the perfect God of heaven. Now
13 Ako'y gumagawa ng pasiya, na silang lahat na sa bayan ng Israel, at ang kanilang mga saserdote at ang mga Levita, sa aking kaharian, na nagakala ng kanilang sariling kusang kalooban na nagsiparoon sa Jerusalem, ay magsisama sa iyo.
I make a decree that all those of the people of Israel and their priests and the Levites in my realm, who intend of their own free will to go to Jerusalem, go with you.
14 Yamang ikaw ay sinugo sa ganang hari at ng kaniyang pitong kasangguni, upang magusisa tungkol sa Juda at Jerusalem, ayon sa kautusan ng iyong Dios na nasa iyong kamay;
Because you are sent by the king and his seven counsellors to enquire concerning Judah and Jerusalem, according to the law of your God which is in your hand,
15 At dalhin ang pilak at ginto na inihandog na kusa ng hari at ng kaniyang mga kasangguni sa Dios ng Israel, na ang tahanan ay nasa Jerusalem.
and to carry the silver and gold, which the king and his counsellors have freely offered to the God of Israel, whose habitation is in Jerusalem,
16 At ang lahat na pilak at ginto na iyong masusumpungan sa buong lalawigan ng Babilonia, pati ng kusang handog ng bayan, at ng mga saserdote, na mga naghahandog na kusa sa bahay ng kanilang Dios na nasa Jerusalem;
and all the silver and gold that you will find in all the province of Babylon, with the free will offering of the people and of the priests, offering willingly for the house of their God which is in Jerusalem.
17 Kaya't ibibili mo ng buong sikap ang salaping ito ng mga toro, mga lalaking tupa, mga kordero, pati ng mga handog na harina at ng mga handog na inumin ng mga yaon, at iyong ihahandog sa ibabaw ng dambana ng bahay ng inyong Dios na nasa Jerusalem.
Therefore you shall with all diligence buy with this money bulls, rams, and lambs with their meal offerings and their drink offerings, and shall offer them on the altar of the house of your God which is in Jerusalem.
18 At anomang akalain mong mabuti at ng iyong mga kapatid na gawin sa labis sa pilak at ginto, gawin ninyo ayon sa kalooban ng inyong Dios.
Whatever seems good to you and to your brothers to do with the rest of the silver and the gold, do that according to the will of your God.
19 At ang mga sisidlang nabigay sa iyo na ukol sa paglilingkod sa bahay ng iyong Dios, ibigay mo sa harap ng Dios sa Jerusalem.
The vessels that are given to you for the service of the house of your God, deliver before the God of Jerusalem.
20 At anomang kakailanganin pa sa bahay ng iyong Dios, na ipagkakailangan mong ibigay, ibigay mo na mula sa bahay ng kayamanan ng hari.
Whatever more will be needed for the house of your God, which you may have occasion to give, give it out of the king’s treasure house.
21 At ako, akong si Artajerjes na hari, nagpasiya sa lahat na mga tagaingat-yaman na nasa dako roon ng Ilog, na anomang hingin sa inyo ni Ezra na saserdote, na kalihim sa kautusan ng Dios ng langit, ibigay ng buong sikap,
I, even I, Artaxerxes the king, make a decree to all the treasurers who are beyond the River, that whatever Ezra the priest, the scribe of the law of the God of heaven, requires of you, it shall be done with all diligence,
22 Hanggang isang daang talentong pilak, at hanggang isang daang takal ng trigo, at isang daang bath ng alak at isang daang bath ng langis, at asin na walang tasa.
up to one hundred talents of silver, and to one hundred cors of wheat, and to one hundred baths of wine, and to one hundred baths of oil, and salt without prescribing how much.
23 Anomang iniutos ng Dios ng langit, gawing lubos sa bahay ng Dios ng langit; sapagka't bakit magkakaroon ng poot ng Dios laban sa kaharian ng hari at ng kaniyang mga anak?
Whatever is commanded by the God of heaven, let it be done exactly for the house of the God of heaven; for why should there be wrath against the realm of the king and his sons?
24 Pinatototohanan din naman namin sa inyo, na tungkol sa sinoman sa mga saserdote at mga Levita, mga mangaawit, mga tagatanod-pinto, mga Nethineo, o mga lingkod sa bahay na ito ng Dios, ay hindi marapat na lapatan sila ng buwis, kabayaran, o upa.
Also we inform you that it shall not be lawful to impose tribute, custom, or toll on any of the priests, Levites, singers, gatekeepers, temple servants, or labourers of this house of God.
25 At ikaw, Ezra, ayon sa karunungan ng iyong Dios na nasa iyong kamay, maghalal ka ng mga magistrado, at mga hukom, na makakahatol sa buong bayan na nasa dako roon ng Ilog, niyaong lahat na nakatatalos ng mga kautusan ng iyong Dios; at turuan ninyo yaong hindi nakakaalam.
You, Ezra, according to the wisdom of your God that is in your hand, appoint magistrates and judges who may judge all the people who are beyond the River, who all know the laws of your God; and teach him who doesn’t know them.
26 At sinomang hindi tumupad ng kautusan ng iyong Dios, at ng kautusan ng hari, gawin sa kaniya ang kahatulan ng buong sikap, maging sa kamatayan, o sa pagtatapon o sa pagsamsam ng mga pag-aari, o sa pagkabilanggo.
Whoever will not do the law of your God and the law of the king, let judgement be executed on him with all diligence, whether it is to death, or to banishment, or to confiscation of goods, or to imprisonment.
27 Purihin ang Panginoon, ang Dios ng ating mga magulang, na naglagak ng ganyang mga bagay na gaya nito sa puso ng hari, na pagandahin ang bahay ng Panginoon na nasa Jerusalem:
Blessed be the LORD, the God of our fathers, who has put such a thing as this in the king’s heart, to beautify the LORD’s house which is in Jerusalem;
28 At nagdulot sa akin ng kahabagan sa harap ng hari, at ng kaniyang mga kasangguni, at sa harap ng lahat na may kayang prinsipe ng hari. At ako'y tumibay ayon sa kamay ng Panginoon kong Dios na sumasa akin, at ako'y nagpisan mula sa Israel ng mga pangulong lalake upang magsiahong kasama ko.
and has extended loving kindness to me before the king and his counsellors, and before all the king’s mighty princes. I was strengthened according to the LORD my God’s hand on me, and I gathered together chief men out of Israel to go up with me.