< Ezra 6 >

1 Nang magkagayo'y si Dario, na hari ay gumawa ng pasiya, at ang pagsaliksik ay isinagawa sa bahay ng mga aklat, na kinalalagyan ng mga kayamanan sa Babilonia.
Ekkor Dárius király megparancsolá, hogy nézzenek utána a könyvek tárházában, hol a kincseket tartják vala Babiloniában.
2 At nasumpungan sa Achmetta, sa bahay-hari na nasa lalawigan ng Media, ang isang ikid, at doo'y nasusulat ang ganito na pinakaalaala.
És találtaték Akhméta várában, a mely Média tartományában van, egy tekercs, melyre emlékezetül ez vala írva:
3 Nang unang taon ni Ciro na hari, si Ciro na hari ay gumawa ng pasiya: Tungkol sa bahay ng Dios sa Jerusalem, ipahintulot na matayo ang bahay, ang dako na kanilang pinaghahandugan ng mga hain, at ipahintulot na malagay na matibay ang mga tatagang-baon; ang taas niyao'y anim na pung siko, at ang luwang niyao'y anim na pung siko,
„Czírus király első esztendejében, Czírus király parancsolatot adott Isten házára nézve, mely Jeruzsálemben van, hogy e ház építtessék meg, oly helyül, hol áldozatokat áldoznak; s alapzati felemeltetvén, magassága hatvan sing, szélessége is hatvan sing legyen.
4 Na may tatlong hanay na mga malaking bato, at isang hanay ng bagong kahoy: at ang magugugol ay ibigay na mula sa bahay ng hari:
A nagy kövek rétege három s a fa rétege legyen egy, a költség pedig a király házából adassék.
5 At ang ginto at pilak na mga sisidlan din naman ng bahay ng Dios na inilabas ni Nabucodonosor sa templo na nasa Jerusalem, at nangadala sa Babilonia, masauli, at ipasok uli sa templo na nasa Jerusalem, bawa't isa'y sa kanikaniyang dako, at iyong ipaglalagay sa bahay ng Dios.
Sőt az Isten házának arany és ezüst edényeit is, a melyeket Nabukodonozor hozott vala el a jeruzsálemi templomból s vitt vala Babilóniába, adják vissza, hogy jussanak el azok a jeruzsálemi templomba, helyökre, s te helyezd el azokat az Isten házába.”
6 Ngayon nga, Tatnai, na tagapamahala sa dako roon ng Ilog, Setharboznai, at ang inyong mga kasama na mga Apharsachita, na nasa dako roon ng Ilog, magsilayo kayo mula riyan:
Mostan azért Tattenai folyóvizen túli helytartó, Sethar-bóznai és társaik, és az Afarsakeusok, a kik a folyóvizen túl laknak, távol legyetek onnan!
7 Pabayaan ninyo ang gawain sa bahay na ito ng Dios; ipahintulot ninyo na itayo ng tagapamahala ng mga Judio at ng mga matanda ng mga Judio ang bahay na ito ng Dios sa kaniyang dako.
Hagyjátok, hadd épüljön meg Istennek ama háza! A zsidók helytartója és a zsidók vénei építsék meg Isten ama templomát a maga helyén!
8 Bukod dito'y gumagawa ako ng pasiya kung ano ang inyong gagawin sa mga matandang ito ng mga Judio sa pagtatayo ng bahay na ito ng Dios: na sa mga pag-aari ng hari, sa makatuwid baga'y sa buwis sa dako roon ng Ilog, ang mga magugugol ay ibigay ng buong sikap sa mga taong ito upang huwag mangagluwat.
És megparancsolom azt is, hogy mit cselekedjetek a zsidók ama véneivel, hogy megépítsék Isten ama házát; tudniillik a király folyóvizen túl való adójának kincseiből pontosan költség adassék ama férfiaknak, és pedig félbeszakítás nélkül,
9 At ang kanilang kakailanganin, mga guyang toro, at gayon din ang mga tupa, at mga kordero, na ukol sa mga handog na susunugin para sa Dios ng langit; trigo, asin, alak, at langis, ayon sa salita ng mga saserdote na nangasa Jerusalem, ibigay sa kanila araw-araw na walang pagsala.
És a mik szükségesek, tulkok, kosok, bárányok, égőáldozatra a menny Istenének, búza, só, bor, és olaj, a jeruzsálemi papok szava szerint adassanak nékik naponként és pedig mulasztás nélkül,
10 Upang sila'y makapaghandog ng mga hain na pinaka masarap na amoy sa Dios ng langit, at idalangin ang buhay ng hari at ng kaniyang mga anak.
Hogy vihessenek jó illatú áldozatot a menny Istenének, és könyörögjenek a királynak és fiainak életéért.
11 Ako nama'y gumawa ng pasiya, na sinomang bumago ng salitang ito, hugutan ng isang sikang ang kaniyang bahay at itaas siya, at mabitin doon; at ang kaniyang bahay ay maging tipunan ng dumi dahil dito:
És megparancsolom azt is, hogy valaki e rendelést megszegi, annak házából szakíttassék ki egy gerenda s felállíttatván szegeztessék reá, háza pedig szemétdombbá tétessék e miatt.
12 At lipulin ng Dios na nagpatahan ng kaniyang pangalan doon ang lahat ng mga hari at mga bayan, na maguunat ng kanilang kamay na baguhin, upang gibain ang bahay na ito ng Dios na nasa Jerusalem. Akong si Dario ang gumawa ng pasiya: isagawa ng buong sikap.
Az Isten pedig, a ki nevének ott szerze lakást, megrontson minden királyt és népet, a ki felemelendi kezét, hogy megszegje e rendelést, hogy elpusztítsa Istennek ama házát, mely Jeruzsálemben van. Én, Dárius parancsoltam, pontosan megtörténjék.
13 Nang magkagayo'y si Tatnai na tagapamahala sa dako roon ng Ilog, si Sethar-boznai, at ang kanilang mga kasama, dahil sa iniutos ni Dario na hari, ay gumawa ng buong sikap.
Akkor Tattenai folyóvizen túli helytartó, Sethar-bóznai és társaik, miután Dárius ily rendelést küldött, ahhoz képest cselekedének pontosan.
14 At ang mga matanda ng mga Judio ay nangagtayo at nangapasulong, ayon sa hula ni Haggeo na propeta at ni Zacarias na anak ni Iddo. At kanilang itinayo at niyari, ayon sa utos ng Dios ng Israel, at ayon sa pasiya ni Ciro at ni Dario, at ni Artajerjes na hari sa Persia.
És a zsidók vénei építének és jó szerencsések valának Aggeus próféta és Zakariás, Iddó fia prófétálása folytán, és megépítették és elvégezték Izráel Istenének akaratjából, és Czírus, Dárius és Artaxerxes, persiai királyok parancsolatjából.
15 At ang bahay na ito ay nayari nang ikatlong araw ng buwan ng Adar, nang ikaanim na taon ng paghahari ni Dario na hari.
Bevégezteték pedig e ház az Adár hó harmadik napjáig, mely Dárius király országlásának hatodik esztendejében vala.
16 At ang mga anak ni Israel, ang mga saserdote, at ang mga Levita, at ang mga nalabi sa mga anak sa pagkabihag, ay nangagdiwang ng pagtatalaga ng bahay na ito ng Dios na may kagalakan.
És megtarták Izráel fiai, a papok, a Léviták és a fogságból visszajött többiek Isten házának felszentelését örömmel.
17 At sila'y nangaghandog sa pagtatalaga ng bahay na ito ng Dios ng isang daang baka, dalawang daang lalaking tupa, apat na raang kordero; at ang pinakahandog dahil sa kasalanan na ukol sa buong Israel, ay labing dalawang lalaking kambing, ayon sa bilang ng mga lipi ng Israel.
Vivének pedig Isten házának felszentelésénél áldozatul száz bikát, kétszáz kost, négyszáz bárányt és tizenkét kecskebakot bűnért való áldozatra egész Izráelért, Izráel nemzetségeinek száma szerint.
18 At kanilang inilagay ang mga saserdote sa kanilang mga bahagi, at ang mga Levita sa kanilang mga paghahalihalili, sa paglilingkod sa Dios na nasa Jerusalem; gaya ng nasusulat sa aklat ni Moises.
És rendelék a papokat az ő osztályaik és a Lévitákat az ő rendjeik szerint Istennek szolgálatára Jeruzsálemben, Mózes könyvének rendelése szerint,
19 At ang mga anak sa pagkabihag ay nangagdiwang ng pascua nang ikalabing apat ng unang buwan.
És megtarták a rabságból visszajöttek a páskhát az első hó tizennegyedik napján;
20 Sapagka't ang mga saserdote at ang mga Levita ay nangagpakalinis na magkakasama; silang lahat ay malilinis: at kanilang pinatay ang kordero ng paskua na ukol sa lahat ng mga anak sa pagkabihag, at sa kanilang mga kapatid na mga saserdote, at sa kanilang sarili.
Mert megtisztultak vala a papok és Léviták: egyetemben mindnyájan tiszták valának, és megölék a húsvéti bárányt mindazokért, a kik a rabságból megjöttek, és atyjokfiaiért a papokért és önmagokért;
21 At ang mga anak ni Israel, na nangagbalik uli na mula sa pagkabihag, at yaong lahat na sa kanila'y nagsihiwalay sa karumihan ng mga bansa ng lupain, upang hanapin ang Panginoon, ang Dios ng Israel, ay nagsikain.
És megevék azt Izráel fiai, a kik a rabságból visszajöttek vala, és mindazok, a kik elkülönítették vala magokat a föld népeinek tisztátalanságától s hozzájok állottak vala, hogy keressék az Urat, Izráel Istenét.
22 At nangagdiwang ng kapistahan ng tinapay na walang lebadura na pitong araw na may kagalakan: sapagka't pinapagkatuwa sila ng Panginoon at nanumbalik ang puso ng hari sa Asiria sa kanila, upang palakasin ang kanilang mga kamay sa gawain sa bahay ng Dios, ng Dios ng Israel.
És azután megtarták a kovásztalan kenyerek ünnepét hét napon örömmel, mert megvidámította vala őket az Úr, hozzájok hajtván az Assiriabeli király szívét, hogy erősítse kezöket az Istennek, Izráel Istenének háza építésében.

< Ezra 6 >