< Ezra 4 >
1 Nang mabalitaan nga ng mga kaaway ng Juda at Benjamin na ang mga anak sa pagkabihag ay nangagtatayo ng templo na ukol sa Panginoon, sa Dios ng Israel;
The enemies of Judah and Benjamin heard that the exiles were building a Temple to the Lord, the God of Israel.
2 Nagsilapit nga sila kay Zorobabel, at sa mga pangulo ng mga sangbahayan ng mga magulang, at nangagsabi sa kanila, Papagtayuin ninyo kami na kasama ninyo: sapagka't aming hinahanap ang inyong Dios, na gaya ng inyong ginagawa; at kami ay nangaghahain sa kaniya mula ng mga kaarawan ni Esar-haddon na hari sa Asiria, na nagahon sa amin dito.
They came to Zerubbabel and the family leaders and said, “Please let us help you with the building work, for we worship your God like you do. In fact we have been sacrificing to him since the time of Esarhaddon king of Assyria, who brought us here.”
3 Nguni't si Zorobabel, at si Jesua, at ang nalabi sa mga pangulo ng mga sangbahayan ng mga magulang ng Israel, ay nangagsabi sa kanila, Kayo'y walang ipakikialam sa amin sa pagtatayo ng isang bahay na ukol sa aming Dios; kundi kami rin na magkakasama ay aming ipagtatayo ang Panginoon, ang Dios ng Israel, gaya ng iniutos sa amin ni Ciro na hari sa Persia,
But Zerubbabel, Jeshua, and the family leaders of Israel replied, “You can't share with us in building a Temple for our God. Only we can build it for the Lord, the God of Israel. This is what Cyrus the king of Persia has ordered us to do.”
4 Nang magkagayo'y pinahina ng bayan ng lupain ang mga kamay ng bayan ng Juda, at binagabag sila sa pagtatayo.
Then the local people set out to intimidate the people of Judah and make them too scared to go on building.
5 At umupa ng mga tagapayo laban sa kanila, upang iurong ang kanilang akala, sa lahat ng kaarawan ni Ciro na hari sa Persia, hanggang sa paghahari ni Dario na hari sa Persia.
They bribed officials to oppose them and to obstruct their plans. This continued during the whole reign of Cyrus king of Persia up until the reign of Darius king of Persia.
6 At sa paghahari ni Assuero, sa pasimula ng kaniyang paghahari, nagsisulat sila ng isang sakdal laban sa mga taga Juda at Jerusalem.
When Ahasuerus became king the local people sent him a written accusation against the people of Judah and Jerusalem.
7 At sa mga kaarawan ni Artajerjes, nagsisulat si Bislam, si Mitridates, si Tabeel at ang nalabi sa kaniyang mga kasama kay Artajerjes na hari sa Persia; at ang pagkasulat ng sulat ay nasusulat ng sulat Siria, at ang laman niyaon ay wikang Siria.
During the time of Artaxerxes, king of Persia, Bishlam, Mithredath, Tabeel, and their fellow officers wrote a letter to Artaxerxes. The letter was written in Aramaic and translated from Aramaic.
8 Si Rehum na kasangguni at si Simsai na kalihim, sumulat ng isang sulat laban sa Jerusalem kay Artajerjes na hari ng ganitong paraan:
Rehum the officer in command and Shimshai the scribe wrote a letter to King Artaxerxes condemning Jerusalem stating,
9 Nang magkagayo'y nagsisulat si Rehum na tagapayo at si Simsai na kalihim, at ang nalabi sa kanilang mga kasama; ang mga Dinaita, at ang mga Apharsacita, ang mga Tharphelita, ang mga Apharsita, ang mga Archevita, ang mga Babilonio, ang mga Susanchita, ang mga Dehaita, ang mga Elamita.
This comes from Rehum the officer in command, Shimshai the scribe, and fellow officers: the judges and officials and those in charge of Persia, Erech and Babylon, the Elamites of Susa,
10 At ang nalabi sa mga bansa na itinawid ng dakila at marangal na si Asnappar, at inilagay sa bayan ng Samaria, at sa nalabi sa lupain, na nasa dako roon ng Ilog, at sa iba pa.
and the rest of the people whom the great and noble Ashurbanipal deported and resettled in the towns of Samaria and other places west of the Euphrates.
11 Ito ang salin ng sulat na kanilang ipinadala kay Artajerjes na hari: Ang iyong mga lingkod na mga lalake sa dako roon ng Ilog, at iba pa.
The following is a copy of the letter they sent to him. To King Artaxerxes, from your servants, men beyond the River Euphrates:
12 Talastasin ng hari, na ang mga Judio na nagsiahong galing sa iyo ay nagsiparoon sa amin sa Jerusalem; kanilang itinatayo ang mapanghimagsik at masamang bayan, at nayari ang mga kuta, at isinauli ang mga tatagang-baon.
Your Majesty should be informed that the Jews who came from you to us have returned to Jerusalem. They are rebuilding that rebellious and wicked city, completing repairs to the walls, and mending its foundations.
13 Talastasin ngayon ng hari, na, kung ang bayang ito ay matayo, at ang mga kuta ay mayari, sila'y hindi mangagbabayad ng buwis, kabayaran, o upa, at sa wakas ay ikapapahamak ng mga hari.
Your Majesty should realize that if this city is rebuilt and its walls repaired, they will not pay tax, tribute, or fees, and the king's revenue will suffer.
14 Sapagka't aming kinakain nga ang asin ng bahay-hari, at hindi marapat sa amin na aming makita ang ikasisirang puri ng hari, kaya't kami ay nangagsugo at nangagpatotoo sa hari;
Now because we are in the king's service and it is not right for us to see Your Majesty disrespected, we are sending this letter so that you can be informed,
15 Upang ang pagsaliksik ay maisagawa sa aklat ng mga alaala ng iyong mga magulang: sa gayo'y iyong masusumpungan sa aklat ng mga alaala, at malalaman na ang bayang ito ay mapanghimagsik na bayan, at mapangpahamak sa mga hari at mga lalawigan, at sila'y nagsipanghimagsik doon nang unang panahon: na siyang ikinagiba ng bayang ito.
and order a search of the royal archives. You will discover in these records that this is a rebellious city, damaging to kings and countries, having often risen up in revolt in the past. That is what led to this city being destroyed.
16 Aming pinatototohanan sa hari, na, kung ang bayang ito ay matayo, at ang mga kuta ay mayari, ay hindi ka magkakaroon ng bahagi sa dako roon ng Ilog sa kadahilanang ito.
We wish to inform Your Majesty that if this city is rebuilt and the walls completed, you will lose this province west of the Euphrates.
17 Nang magkagayo'y nagpadala ang hari ng kasagutan kay Rehum na kasangguni, at kay Simsai na kalihim, at sa mga nalabi sa kanilang mga kasama na nagsisitahan sa Samaria, at sa nalabi sa lupain sa dako roon ng Ilog: Kapayapaan, at iba pa.
The king replied as follows: “To Rehum the commander, Shimshai the scribe, and fellow officers living in Samaria and in other areas west of the Euphrates: Greetings.
18 Ang sulat na inyong ipinadala sa amin, ay nabasa na maliwanag sa harap ko.
The letter you sent to us has been translated and read to me.
19 At ako'y nagpasiya, at ang pagsaliksik ay naisagawa at nasumpungan na ang bayang ito nang una ay gumawa ng panghihimagsik laban sa mga hari, at ang panghihimagsik at pagbabanta ay nagawa roon.
I ordered a search to be conducted. It was discovered that this city has often risen up in revolt against kings in the past, frequently promoting insurrection and rebellion.
20 Nagkaroon naman doon ng mga may kayang hari sa Jerusalem, na nagpuno sa buong lupain sa dako roon ng Ilog; at buwis, kabayaran, at upa, ay nabayad sa kanila.
Powerful kings have ruled over Jerusalem and throughout the whole area west of the Euphrates, and they received tax, tribute, and fees.
21 Magpasiya kayo ngayon na inyong patigilin ang mga taong ito, at upang ang bayang ito ay huwag matayo, hanggang sa ang pasiya ay magawa ko.
Issue an immediate order for these men to stop work. This city is not to be rebuilt until I authorize it.
22 At kayo'y mangagingat na huwag kayong magpabaya dito: bakit ang pagkapahamak ay mangyayari sa ikapapahamak ng mga hari?
See that you do not neglect this matter. Why should this problem be allowed to grow and damage royal interests?”
23 Nang mabasa nga ang salin ng sulat ng haring Artajerjes sa harap ni Rehum, at ni Simsai na kalihim, at ng kanilang mga kasama, sila'y nangagmadaling nagsiparoon sa Jerusalem sa mga Judio, at pinatigil nila sa pamamagitan ng lakas at kapangyarihan.
As soon as this letter from King Artaxerxes was read to Rehum, Shimshai the scribe, and their fellow officers, they rushed to the Jews in Jerusalem and used their power to forcibly make them stop work.
24 Nang magkagayo'y natigil ang gawa sa bahay ng Dios na nasa Jerusalem; at natigil hanggang sa ikalawang taon ng paghahari ni Dario, na hari sa Persia.
Consequently work on God's Temple in Jerusalem came to a halt. The stoppage continued until the second year of the reign of King Darius of Persia.