< Ezra 3 >
1 At nang dumating ang ikapitong buwan, at ang mga anak ni Israel ay nangasa mga bayan, ang bayan ay nagpipisan na parang isang tao sa Jerusalem.
到了七月,時住在各城裏的以色列子民,全都一起聚集在耶路撒冷。
2 Nang magkagayo'y tumayo si Jesua na anak ni Josadec, at ang kaniyang mga kapatid na mga saserdote, at si Zorobabel na anak ni Sealthiel, at ang kaniyang mga kapatid, at itinayo ang dambana ng Dios ng Israel, upang paghandugan ng mga handog na susunugin, gaya ng nasusulat sa kautusan ni Moises, na lalake ng Dios.
約匝達克的兒子耶叔亞,和他的兄弟司祭們,以及沙耳提耳的兒子則魯巴貝耳,和他的兄弟們,於是下手修建以色列天主的祭壇,要按天主的人梅瑟在法律上所寫的,在上面奉獻全燔祭。
3 At ipinatong nila ang dambana sa tungtungan niya; sapagka't ang takot ay sumakanila dahil sa mga bayan ng mga lupain: at kanilang pinaghandugan ng mga handog na susunugin sa Panginoon, sa makatuwid baga'y ng mga handog na susunugin sa umaga't hapon.
不論本地人民恐嚇,他們仍在原重建了祭壇,向上主獻了全燔祭,即每日早晚的全燔祭;
4 At kanilang ipinagdiwang ang kapistahan ng mga balag, gaya ng nasusulat, at naghandog ng mga handog na susunugin sa araw-araw ayon sa bilang, ayon sa ayos, gaya ng katungkulang kinakailangan sa bawa't araw;
按照規定舉行了帳棚節,每天依照法定 數目奉獻全燔祭;
5 At pagkatapos ng palaging handog na susunugin, at ng mga handog sa mga bagong buwan, at ng lahat na takdang kapistahan sa Panginoon na mga itinalaga, at ng lahat na naghandog na kusa ng kusang handog sa Panginoon.
以後,獻了恆常祭,並在月朔、安息日和一切祝聖於上主的慶日,獻了全燔祭,和各人自願向上主獻的自願祭。
6 Mula sa unang araw ng ikapitong buwan, nangagpasimula sila na nangaghandog ng mga handog na susunugin sa Panginoon: nguni't ang tatagang-baon ng templo ng Panginoon ay hindi pa nalalagay.
從七月一日起,已開始向上主奉獻全燔祭,雖然上主的殿宇當時尚未奠基,
7 Sila'y nangagbigay rin naman ng salapi sa mga kantero, at sa mga anluwagi; at pagkain, at inumin, at langis, sa kanila na mga taga Sidon, at sa kanila na mga taga Tiro, upang mangagdala ng mga kahoy na sedro na mula sa Libano na paraanin sa dagat, hanggang sa Joppa ayon sa pahintulot na nangagkaroon sila kay Ciro na hari sa Persia.
卻將銀錢交給鑿匠和木匠,將食物飲料和酒,供給那些從黎巴嫩由海中將香柏木運到約培來的漆東人和提洛人,全照波斯王居魯左所准許的。
8 Nang ikalawang taon nga ng kanilang pagparoon sa bahay ng Dios sa Jerusalem, sa ikalawang buwan, nangagpasimula si Zorobabel na anak ni Sealthiel, at si Jesua na anak ni Josadec, at ang nalabi sa kanilang mga kapatid na mga saserdote at mga Levita, at silang lahat na nagsipanggaling sa Jerusalem na mula sa pagkabihag; at inihalal ang mga Levita, mula sa dalawang pung taong gulang na patanda upang magsipamahala sa gawain sa bahay ng Panginoon.
他們來到耶路撒冷天主聖宇後的第二年二月,沙耳提耳的兒子則魯巴貝耳,約匝達克的兒子耶叔亞,和其餘的弟兄司祭及肋未人,以及所有由充軍回到耶路撒冷的人,動了工,派定二十歲和二十歲以上的肋未人,監督建築上主聖宇的工程。
9 Nakatayo nga si Jesua na kasama ng kaniyang mga anak, at ng kaniyang mga kapatid, si Cadmiel at ang kaniyang mga anak, ang mga anak ni Juda, na magkakasama, upang magsipamahala sa mga manggagawa sa bahay ng Dios: ang mga anak ni Henadad, na kasama ng kanilang mga anak at ng kanilang mga kapatid na mga Levita.
耶叔亞和他的兒子們,以及他的兄弟們,卡德米耳和他的兒子們,以及曷達委雅的後裔,同心協力,監督那建築天主聖宇的工人;還有赫納達的兒子們,以及他們的兒子和弟兄肋未人。
10 At nang ilagay ng mga manggagawa ang tatagang-baon ng templo ng Panginoon, kanilang inilagay ang mga saserdote na bihis, na may mga pakakak, at ang mga Levita na mga anak ni Asaph na may mga simbalo, upang magsipuri sa Panginoon, ayon sa alituntunin ni David na hari sa Israel.
丌人們安放上主聖宇基礎時,司祭身穿禮服,拿著號筒,阿撒夫的後裔肋未人拿著鐃鈸,各自站在自己的地方,按以色列王達味制定的儀式,讚美上主,
11 At sila'y nagawitang isa't isa sa pagpuri at pagpapasalamat sa Panginoon, na nangagsasabi: Sapagka't siya'y mabuti, sapagka't ang kaniyang kaawaan ay magpakailan man sa Israel. At ang buong bayan ay humiyaw ng malakas, nang sila'y magsipuri sa Panginoon, sapagka't ang tatagang-baon ng bahay ng Panginoon ay nalagay.
彼此輪流唱歌讚美和感謝上主的詩歌:「因為衪是聖善的,因為衪對以色列的仁慈永遠常存」。同時全體人民都大歡呼,讚美上主,因為上主的聖宇已經奠基。
12 Nguni't marami sa mga saserdote, at mga Levita, at mga pangulo ng mga sangbahayan ng mga magulang, mga matanda na nangakakita ng unang bahay, ng ang tatagang-baon ng bahay na ito ay malagay sa harap ng kanilang mga mata, ay nagsiiyak ng malakas; at marami ay nagsihiyaw ng malakas dahil sa kagalakan:
許多曾在這地基上,親眼見過先前的聖殿的老司祭、老肋未人和老族長,面對這座聖殿,不禁放大哭,卻也有許多人歡喜高呼,
13 Na anopa't hindi makilala ng bayan ang kaibhan ng ingay ng hiyaw ng kagalakan sa ingay ng iyak ng bayan; sapagka't ang bayan ay humiyaw ng malakas na hiyaw, at ang ingay ay narinig sa malayo.
以致分不清是歡呼聲或是哀哭聲,因為民眾都高聲喊叫,這聲音連遠處都可以聽到。