< Ezra 1 >
1 Nang unang taon nga ni Ciro na hari sa Persia, upang ang salita ng Panginoon sa pamamagitan ng bibig ni Jeremias ay maganap, kinilos ng Panginoon ang diwa ni Ciro na hari sa Persia, na siya'y nagtanyag sa kaniyang buong kaharian, at isinulat din naman, na sinasabi,
波斯王塞魯士元年,耶和華為要應驗藉耶利米口所說的話,就激動波斯王塞魯士的心,使他下詔通告全國說:
2 Ganito ang sabi ni Ciro na hari sa Persia, Ibinigay sa akin ng Panginoon, ng Dios ng langit, ang lahat na kaharian sa lupa; at ibinilin niya sa akin na ipagtayo ko siya ng isang bahay sa Jerusalem, na nasa Juda.
「波斯王塞魯士如此說:『耶和華天上的上帝已將天下萬國賜給我,又囑咐我在猶大的耶路撒冷為他建造殿宇。
3 Sinoman sa inyo sa kaniyang buong bayan, sumakaniya nawa ang kaniyang Dios, at umahon siya sa Jerusalem, na nasa Juda, at itayo ang bahay ng Panginoon, ng Dios ng Israel, (siya'y Dios, ) na nasa Jerusalem.
在你們中間凡作他子民的,可以上猶大的耶路撒冷,在耶路撒冷重建耶和華-以色列上帝的殿(只有他是上帝)。願上帝與這人同在。
4 At sinomang naiwan sa alinmang dako na kaniyang pinakikipamayanan, tulungan siya ng mga lalake sa kaniyang kinaroroonan ng pilak, at ng ginto, at ng mga pag-aari, at ng mga hayop, bukod sa kusang handog sa bahay ng Dios na nasa Jerusalem.
凡剩下的人,無論寄居何處,那地的人要用金銀、財物、牲畜幫助他,另外也要為耶路撒冷上帝的殿甘心獻上禮物。』」
5 Nang magkagayo'y nagsibangon ang mga pangulo ng mga sangbahayan ng mga magulang ng Juda at Benjamin, at ang mga saserdote, at ang mga Levita, sa makatuwid baga'y lahat na ang diwa'y kinilos ng Dios na magsiahong itayo ang bahay ng Panginoon na nasa Jerusalem.
於是,猶大和便雅憫的族長、祭司、利未人,就是一切被上帝激動他心的人,都起來要上耶路撒冷去建造耶和華的殿。
6 At lahat na nangasa palibot nila ay nangagpatibay sa kanilang mga kamay ng mga sisidlang pilak, ng ginto, ng mga pag-aari, at ng mga hayop, at ng mga mahalagang bagay, bukod pa sa lahat na kusang inihandog.
他們四圍的人就拿銀器、金子、財物、牲畜、珍寶幫助他們,另外還有甘心獻的禮物。
7 Inilabas din naman ni Ciro na hari ang mga sisidlan ng bahay ng Panginoon na inilabas ni Nabucodonosor sa Jerusalem, at inilagay sa bahay ng kaniyang mga dios;
塞魯士王也將耶和華殿的器皿拿出來,這器皿是尼布甲尼撒從耶路撒冷掠來、放在自己神之廟中的。
8 Sa makatuwid baga'y yaong mga inilabas ni Ciro na hari sa Persia sa pamamagitan ng kamay ni Mitridates na tagaingat-yaman, at mga binilang kay Sesbassar, na prinsipe sa Juda.
波斯王塞魯士派庫官米提利達將這器皿拿出來,按數交給猶大的首領設巴薩。
9 At ito ang bilang ng mga yaon: tatlong pung pinggang ginto, at isang libong pinggang pilak, dalawang pu't siyam na sundang;
器皿的數目記在下面:金盤三十個,銀盤一千個,刀二十九把,
10 Tatlong pung mangkok na ginto, mga mangkok na pilak na ikalawang ayos ay apat na raan at sangpu, at ang ibang mga sisidlan ay isang libo.
金碗三十個,銀碗之次的四百一十個,別樣的器皿一千件。
11 Lahat na sisidlang ginto at pilak ay limang libo at apat na raan. Ang lahat ng mga ito ay ipinaahon ni Sesbassar, nang silang sa pagkabihag ay ipagahong mula sa Babilonia hanggang sa Jerusalem.
金銀器皿共有五千四百件。被擄的人從巴比倫上耶路撒冷的時候,設巴薩將這一切都帶上來。