< Ezekiel 42 >
1 Nang magkagayo'y dinala niya ako sa looban sa labas ng bahay, sa daan na dakong hilagaan: at dinala niya ako sa silid na nasa tapat ng bukod na dako, at siyang nasa tapat ng bahay sa dakong hilagaan.
그가 나를 데리고 밖으로 나가 북편 뜰로 가서 두 방에 이르니 그 두 방의 하나는 골방 앞 뜰을 향하였고 하나는 북편 건물을 향하였는데
2 Sa harapan ng isang daang siko ang haba, ay nandoon ang pintuang hilagaan, at ang luwang ay limang pung siko.
그 방들의 자리의 장이 일백 척이요 광이 오십 척이며 그 문은 북을 향하였고
3 Sa tapat ng dalawang pung siko na ukol sa lalong loob na looban, at sa tapat ng lapag na ukol sa looban sa labas ng bahay, ay galeria sa tapat ng galeria na tatlong grado.
그 방 삼층에 툇마루들이 있는데 한 방의 툇마루는 이십 척 되는 안 뜰과 마주 대하였고 한 방의 툇마루는 바깥 뜰 박석 깔린 곳과 마주 대하였으며
4 At sa harap ng mga silid ay may isang lakaran na sangpung siko ang luwang sa loob, isang daanang may isang siko; at ang mga pintuan ay sa dakong hilagaan.
그 두 방 사이에 통한 길이 있어 광이 십 척이요 장이 일백 척이며 그 문들은 북을 향하였으며
5 Ang lalong mataas ngang silid ay siyang lalong maikli; sapagka't ang mga galeria ay kumukuha sa mga ito, ng higit kay sa lalong mababa at sa pinaka gitna sa bahay.
그 상층의 방은 제일 좁으니 이는 툇마루를 인하여 하층과 중층보다 상층이 더 줄어짐이라
6 Sapagka't tatlong grado, at walang mga haligi na gaya ng mga haligi ng mga looban: kaya't ang pinakamataas ay lalong munti kay sa pinakamababa at kay sa pinaka gitna mula sa lupa.
그 방이 삼층이라도 뜰의 기둥 같은 기둥이 없으므로 그 상층이 하층과 중층보다 더욱 좁아짐이더라
7 At ang pader na nasa labas sa tabi ng mga silid, sa dako ng looban sa labas ng bahay sa harap ng mga silid, ang haba niyao'y limang pung siko.
그 한 방의 바깥 담 곧 뜰의 담과 마주 대한 담의 장이 오십 척이니
8 Sapagka't ang haba ng mga silid na nasa looban sa labas ay limang pung siko: at, narito, ang harapan ng templo ay may isang daang siko.
바깥 뜰로 향한 방의 장이 오십 척임이며 성전 앞을 향한 방은 일백 척이며
9 At nasa ilalim ng mga silid na ito ang pasukan sa dakong silanganan, sa pagpasok na mula sa looban sa labas.
이 방들 아래에 동편에서 들어가는 통행구가 있으니 곧 바깥 뜰에서 들어가는 통행구더라
10 Sa kakapalan ng pader ng looban sa dakong silanganan, sa harap ng bukod na dako, at sa harap ng bahay, may mga silid.
남편 골방 뜰 맞은편과 남편 건물 맞은편에도 방 둘이 있는데
11 At ang daan sa harap ng mga yaon ay gaya ng anyo ng daan sa mga silid na nangasa dakong hilagaan; ayon sa haba ay gayon ang luwang: ang lahat ng labasan ng mga yaon ay ayon sa mga anyo ng mga yaon, at ayon sa mga pintuan ng mga yaon.
그 두 방 사이에 길이 있고 그 방들의 모양은 북편 방 같고 그 장광도 같으며 그 출입구와 문도 그와 같으며
12 At ayon sa mga pintuan ng mga silid na nangasa dakong timugan ay may isang pintuan sa bukana ng daan, sa daang tuwid na patuloy sa pader sa dakong silanganan, sa papasok sa mga yaon.
남편 방에 출입하는 문이 있는데 담 동편 길머리에 있더라
13 Nang magkagayo'y sinabi niya sa akin, Ang silid na hilagaan at ang silid na timugan na nasa harap ng bukod na dako, mga itinalagang silid, na pagkakanan ng mga kabanalbanalang bagay ng mga saserdote na malapit sa Panginoon: doon nila ilalapag ang mga kabanalbanalang bagay, at ang handog na harina, at ang handog dahil sa kasalanan, at ang handog dahil sa pagkakasala; sapagka't ang dako ay banal.
그가 내게 이르되 좌우 골방 뜰 앞 곧 북편 남편에 있는 방들은 거룩한 방이라 여호와를 가까이 하는 제사장들이 지성물을 거기서 먹을 것이며 지성물 곧 소제와 속죄제와 속건제의 제물을 거기 둘 것이며 이는 거룩한 곳이라
14 Pagka ang mga saserdote ay nagsisipasok, hindi nga sila magsisilabas sa banal na dako na papasok sa looban sa labas, kundi doon nila ilalapag ang kanilang mga kasuutan na kanilang ipinangangasiwa; sapagka't mga banal: at sila'y mangagsusuot ng mga ibang kasuutan, at magsisilapit sa ukol sa bayan.
제사장의 의복은 거룩하므로 제사장이 성소에 들어갔다가 나올 때에 바로 바깥 뜰로 가지 못하고 수종드는 그 의복을 그 방에 두고 다른 옷을 입고 백성의 뜰로 나갈 것이니라 하더라
15 Nang matapos nga niyang masukat ang lalong loob ng bahay, inilabas niya ako sa daan ng pintuang-daan na nakaharap sa dakong silanganan, at sinukat sa palibot.
그가 안에 있는 전 척량하기를 마친 후에 나를 데리고 동향한 문길로 나가서 사면 담을 척량하는데
16 Sinukat niya sa dakong silanganan ng panukat na tambo, na limang daang tambo, ng panukat na tambo sa palibot.
그가 척량하는 장대 곧 그 장대로 동편을 척량하니 오백 척이요
17 Sinukat niya sa dakong hilagaan, na limang daang tambo ng panukat na tambo sa palibot.
그 장대로 북편을 척량하니 오백 척이요
18 Sinukat niya sa dakong timugan, na limang daang tambo ng panukat na tambo.
그 장대로 남편을 척량하니 오백 척이요
19 Siya'y pumihit sa dakong kalunuran, at sinukat ng limang daang tambo ng panukat na tambo.
서편으로 돌이켜 그 장대로 척량하니 오백 척이라
20 Sinukat niya sa apat na sulok: may pader sa palibot, ang haba'y limang daan, at ang luwang ay limang daan, upang igawa ng pagkakahiwalay ang banal at ang karaniwan.
그가 이와 같이 그 사방을 척량하니 그 사방 담 안 마당의 장과 광이 오백 척씩이라 그 담은 거룩한 것과 속된 것을 구별하는 것이더라