< Ezekiel 40 >

1 Nang ikadalawang pu't limang taon ng aming pagkabihag, nang pasimula ng taon, nang ikasangpung araw ng buwan, nang ikalabing apat na taon pagkatapos na ang bayan ay masaktan nang kaarawang yaon, ang kamay ng Panginoon ay sumaakin, at dinala niya ako roon.
El año vigésimo quinto de nuestro cautiverio, al principio del año, el [día] décimo del mes, 14 años después que la ciudad fue capturada, aquel mismo día la mano de Yavé vino sobre mí y me llevó allá.
2 Sa mga pangitain na mula sa Dios ay dinala niya ako sa lupain ng Israel, at inilagay ako sa totoong mataas na bundok, na kinaroroonan ng parang isang bayan sa timugan.
Él me llevó en visiones de ʼElohim a la tierra de Israel y me ubicó sobre una montaña muy alta hacia el sur sobre la cual había una estructura como de una ciudad.
3 At dinala niya ako roon; at, narito, may isang lalake na ang anyo ay parang anyo ng tanso, na may pising lino sa kaniyang kamay, at isang panukat na tambo; at siya'y natayo sa pintuang-bayan.
Me llevó allí, y vi a un varón, cuya apariencia era como el bronce, con un cordel de lino y una caña de medir en la mano. Estaba en pie junto a la puerta.
4 At sinabi ng lalake sa akin, Anak ng tao, tumingin ka ng iyong mga mata, at makinig ka ng iyong mga pakinig, at ilagak mo ang iyong puso sa lahat na aking ipakikita sa iyo; sapagka't sa haka na aking mga maipakikita sa iyo ay dinala ka rito: ipahayag mo ang lahat na iyong nakikita sa sangbahayan ni Israel.
Aquel varón me habló: Hijo de hombre, mira con tus ojos, escucha con tus oídos y fija tu mente en todo lo que te muestre, pues fuiste traído aquí para que yo te lo muestre y digas a la Casa de Israel todo lo que ves.
5 At, narito; isang kuta sa dakong labas ng bahay sa palibot, at sa kamay ng lalake ay isang panukat na tambo na may anim na siko ang haba, na tigisang siko at isang dangkal ang luwang ng bawa't isa: sa gayo'y kaniyang sinukat ang luwang ng bahay, na isang tambo; at ang taas, isang tambo.
Vi una pared alrededor por fuera de la Casa. En la mano del varón había una caña de medir de tres metros antiguos. El espesor y la altura del muro midió tres metros.
6 Nang magkagayo'y naparoon siya sa pintuang-daan, na nakaharap sa dakong silanganan, at sumampa sa mga baytang niyaon: at kaniyang sinukat ang pasukan sa pintuang-daan, isang tambo ang luwang; at ang kabilang pasukan, isang tambo ang luwang.
Después fue a la puerta que estaba dirigida hacia el oriente y subió por sus gradas. Midió las dos columnas de la puerta, cada una de tres metros de anchura.
7 At bawa't silid ng bahay ay isang tambo ang haba, at isang tambo ang luwang; at ang pagitan ng mga silid ng bantay ay limang siko; at ang pasukan sa pintuang-daan sa tabi ng portiko sa pintuang-daan sa dako ng bahay ay isang tambo.
Cada cámara tenía tres metros de longitud y de anchura, y el espacio entre las cámaras era de 2,5 metros. La entrada de la puerta junto al patio de la puerta anterior era de tres metros.
8 Kaniya rin namang sinukat ang portiko sa pintuang-daan sa dakong bahay, isang tambo.
Midió también la entrada de la puerta por dentro, tres metros.
9 Nang magkagayo'y sinukat niya ang portiko sa pintuang-daan, walong siko; at ang mga haligi niyaon, dalawang siko; at ang portiko sa pintuang-daan ay nasa dako ng bahay.
Luego midió la entrada de la puerta, cuatro metros, y sus columnas de un metro. La puerta del patio estaba por el lado de adentro.
10 At ang mga silid ng bantay ng pintuang-daan sa dakong silanganan ay tatlo sa dakong ito, at tatlo sa dakong yaon; ang tatlo ay iisang sukat: at ang mga haligi ng pintuan ay iisang sukat sa dakong ito, at sa dakong yaon.
La puerta oriental tenía tres cámaras a cada lado, las tres de la misma medida. Los patios a cada lado eran también de una medida.
11 At kaniyang sinukat ang luwang ng pasukan ng pintuang-daan, sangpung siko; at ang haba ng pintuang-daan, labing tatlong siko;
Luego midió la anchura de la entrada de la puerta, y medía cinco metros. La longitud del patio era de 6,5 metros.
12 At ang pagitan sa harap ng mga silid ng bantay, isang siko sa dakong ito, at ang isang pagitan, isang siko sa dakong yaon; at ang mga silid ng bantay, anim na siko sa dakong ito, at anim na siko sa dakong yaon;
El espacio delante de las cámaras era de medio metro por cada lado. Cada cámara tenía tres metros por cada lado.
13 At kaniyang sinukat ang pintuang-daan mula sa bubungan ng isang silid ng bantayan hanggang sa bubungan ng kabila, may luwang na dalawang pu't limang siko; pintuan sa tapat ng pintuan.
Midió la puerta desde el techo de una cámara hasta el techo de la otra, y allí había una anchura de 12,5 metros. La entrada de una cámara estaba frente a la otra.
14 Gumawa naman siya ng mga haligi ng pintuan, na anim na pung siko; at ang looban ay hanggang sa haligi, ang pintuang-daan ay sa palibot.
Midió las columnas: 30 metros, cada columna del patio y de alrededor de la puerta.
15 At mula sa harap ng pintuang-daan sa pasukan hanggang sa harap ng pinakaloob na portiko sa pintuang-daan ay limang pung siko.
Desde el frente de la puerta de la entrada hasta el frente de la entrada de la puerta interna, había 25 metros.
16 At may makikipot na dungawan sa mga silid ng bantay, at sa mga haligi ng mga yaon sa loob ng pintuang-daan sa palibot, at gayon din sa mga hubog; at ang mga dungawan ay nangasa palibot sa dakong loob; at sa bawa't haligi ay may mga puno ng palma.
Había ventanas anchas por dentro y angostas por fuera, dirigidas hacia las cámaras internas y alrededor de la puerta. Igualmente había ventanas alrededor por dentro en sus corredores. En cada columna había [decoraciones de] palmeras.
17 Nang magkagayo'y dinala niya ako sa loob ng looban sa labas; at, narito, may mga silid at may isang lapag na ginawa sa palibot ng looban: tatlong pung silid ang nasa lapag.
Luego me llevó al patio externo. Vi que había cámaras y un pavimento alrededor de todo el patio por dentro. En cada columna había [decoraciones de] palmeras.
18 At ang lapag ay nasa tabi ng mga pintuang-daan, ayon sa haba ng mga pintuang-daan, sa makatuwid baga'y ang lalong mababang lapag.
El pavimento a los lados de las puertas que estaba puesto en toda la longitud de los patios era el pavimento más bajo.
19 Nang magkagayo'y kaniyang sinukat ang luwang mula sa harap ng lalong mababang pintuang-daan hanggang sa harap ng pinakaloob na looban sa may labas, na isang daang siko, sa dakong silanganan at gayon din sa dakong hilagaan.
Luego midió la anchura desde el frente de la puerta más baja hasta el frente exterior del patio interno. Fue de 50 metros en el oriente y en el norte.
20 At ang pintuang-daan ng looban sa labas na nakaharap sa dakong hilagaan, kaniyang sinukat ang haba niyaon at ang luwang niyaon.
De la puerta del patio externo del norte midió su longitud y su anchura.
21 At ang mga silid ng bantay niyaon ay tatlo sa dakong ito at tatlo sa dakong yaon; at ang mga haligi niyaon at ang mga hubog niyaon ay ayon sa sukat ng unang pintuang-daan: ang haba niyaon ay limang pung siko, at ang luwang ay dalawang pu't limang siko.
Sus cámaras eran tres por cada lado. Sus columnas y sus arcos tenían la misma medida de la primera puerta: 25 metros de longitud y 12,5 metros de anchura.
22 At ang mga dungawan niyaon, at ang mga hubog niyaon, at ang mga puno ng palma niyaon ay ayon sa sukat ng pintuang-daan na nakaharap sa dakong silanganan; at kanilang sinampa ng pitong baytang; at ang mga hubog niyaon ay nangasa harap nila.
Sus ventanas, sus arcos y sus palmeras eran según la medida de la puerta oriental. Se subía a ella por siete gradas, delante de las cuales estaban sus arcos.
23 At may pintuang-daan sa lalong loob na looban sa tapat ng kabilang pintuang-daan, sa dakong hilagaan at gayon din sa dakong silanganan; at kaniyang sinukat mula sa pintuang-daan hanggang sa pintuang-daan na isang daang siko.
La puerta del patio interno estaba frente a la puerta dirigida hacia el norte y el oriente. Y midió 50 metros de puerta a puerta.
24 At dinala niya ako sa dakong timugan; at, narito, ang isang pintuang-daan sa dakong timugan: at kaniyang sinukat ang mga haligi niyaon, at ang mga hubog niyaon ayon sa mga sukat na ito.
Después me llevó hacia el sur, y vi una puerta dirigida hacia el sur. Midió sus patios y sus arcos según estas medidas.
25 At may mga dungawan doon at sa mga hubog niyaon sa palibot, gaya ng mga dungawang yaon: ang haba ay limang pung siko, at ang luwang ay dalawang pu't limang siko.
La puerta y sus patios tenían ventanas alrededor, como las otras ventanas. La longitud era de 25 metros y la anchura de 12,5 metros.
26 At may pitong baytang na sampahan, at ang mga hubog niyaon ay nangasa harap ng mga yaon; at may mga puno ng palma; sa dakong ito, at isa sa dakong yaon, sa mga haligi niyaon.
Tenía siete gradas para subir y arcos delante de ellas. Tenía palmeras ornamentales sobre sus columnas, una a cada lado.
27 At may pintuang-daan sa lalong loob na looban sa dakong timugan: at kaniyang sinukat mula sa pintuang-daan hanggang sa pintuang-daan sa dakong timugan na isang daang siko.
Había también una puerta hacia el sur del patio interno. Midió 50 metros de puerta a puerta hacia el sur.
28 Nang magkagayo'y dinala niya ako sa lalong loob na looban sa tabi ng pintuang-daan sa timugan: at kaniyang sinukat ang pintuang-daang timugan ayon sa mga sukat ding ito;
Luego me llevó al patio interno por la puerta del sur. Midió la puerta del sur según estas medidas.
29 At ang mga silid ng bantay niyaon, at ang mga hubog niyaon, ay ayon sa mga sukat na ito: at may mga dungawan yaon, at gayon din sa mga hubog niyaon sa palibot; may limang pung siko ang haba, at dalawang pu't limang siko ang luwang.
Sus cámaras, sus columnas y sus arcos eran según estas medidas: 25 metros de longitud, y 12,5 metros de anchura. Había ventanas y arcos alrededor.
30 At may mga hubog sa palibot, na dalawang pu't limang siko ang haba, at limang siko ang luwang.
Los arcos alrededor eran de 12,5 metros de longitud y 2,5 metros de anchura.
31 At ang mga hubog niyaon ay nangasa dako ng looban sa labas; at mga puno ng palma ang nangasa mga haligi niyaon: at ang sampahan ay may walong baytang.
Sus arcos estaban orientados hacia el patio externo con palmeras ornamentales en sus columnas. Sus gradas eran de ocho peldaños.
32 At dinala niya ako sa lalong loob na looban sa dakong silanganan; at sinukat niya ang pintuang-daan ayon sa mga sukat na ito.
Me llevó al patio interno que estaba hacia el oriente, y midió la puerta según estas medidas.
33 At ang mga silid ng bantay niyaon, at ang mga haligi niyaon, at ang mga hubog niyaon, ayon sa mga sukat na ito: at may mga dungawan sa loob at sa mga hubog niyaon sa palibot: may limang pung siko ang haba, at dalawang pu't limang siko ang luwang.
Sus cámaras, sus columnas y sus arcos eran de 25 metros de longitud y 12,5 metros de anchura. Tenía sus ventanas y sus arcos alrededor.
34 At ang mga hubog niyaon ay nangasa dako ng looban sa labas; at mga puno ng palma ang nangasa mga haligi niyaon, sa dakong ito, at sa dakong yaon: at ang sampahan ay may walong baytang.
Sus arcos estaban orientados hacia el patio externo. Las palmeras ornamentales estaban sobre sus columnas. Sus gradas eran de ocho peldaños.
35 At dinala niya ako sa pintuang-daang hilagaan: at sinukat niya ayon sa mga sukat na ito;
Me llevó luego a la puerta del norte, y midió según aquellas mismas medidas
36 Ang mga silid ng bantay niyaon, ang mga haligi niyaon, at ang mga hubog niyaon: at may mga dungawan sa loob sa palibot; ang haba ay limang pung siko, at ang luwang ay dalawang pu't limang siko.
con sus cámaras, sus columnas y patios. Sus arcos tenían ventanas alrededor de 25 metros de longitud y 12,5 metros de anchura.
37 At ang mga haligi niyaon ay nangasa dako ng looban sa labas; at mga puno ng palma ang nangasa haligi niyaon, sa dakong ito, at sa dakong yaon: at ang sampahan ay may walong baytang.
Sus columnas estaban hacia el patio externo, las palmeras ornamentales sobre las columnas a ambos lados. Sus gradas eran de ocho peldaños.
38 At isang silid na may pintuan ay nasa tabi ng mga haligi sa mga pintuang-daan; doon sila naghugas ng handog na susunugin.
Había allí una cámara y su puerta con columnas de patio. Allí lavaban el holocausto.
39 At sa portiko ng pintuang-daan ay may dalawang dulang sa dakong ito, at dalawang dulang sa dakong yaon, upang patayin doon ang handog na susunugin, at ang handog dahil sa kasalanan at ang handog dahil sa pagkakasala.
En el patio de esa puerta había dos mesas a cada lado para matar sobre ellas el holocausto, el sacrificio por el pecado y el sacrificio por la culpa.
40 At sa isang dako sa labas na gaya ng kung sasampa sa pasukan ng pintuang-daan sa dakong hilagaan ay may dalawang dulang; at sa kabilang dako, na ukol sa portiko ng pintuang-daan, ay may dalawang dulang.
En la entrada de la puerta del norte por el lado de afuera de las gradas había dos mesas, y al otro lado de la puerta, dos mesas.
41 Apat na dulang sa dakong ito, at apat na dulang sa dakong yaon sa tabi ng pintuang-daan; walong dulang ang kanilang pinagpatayan ng mga hain.
Había cuatro mesas a cada lado de la puerta, ocho mesas sobre las cuales mataban los sacrificios.
42 At may apat na dulang na ukol sa handog na susunugin, na batong tinabas, na isang siko at kalahati ang haba, at isang siko at kalahati ang luwang, at isang siko ang taas; na kanilang pinaglapagan ng mga kasangkapan na kanilang ipinagpatay sa handog na susunugin at sa hain.
Las cuatro mesas para el holocausto eran de piedra labrada de 75 centímetros de longitud y de anchura, y 50 centímetros de altura. Sobre éstas se pusieron los utensilios con los cuales se mataban el holocausto y el sacrificio.
43 At ang mga pangipit na may isang lapad ng kamay ang haba, ay natitibayan sa loob sa palibot; at nasa ibabaw ng mga dulang ang laman na alay.
Adentro había ganchos de 7,5 centímetros fijados alrededor, y sobre las mesas estaba puesta la carne de los sacrificios.
44 At sa labas ng lalong loob na pintuang-daan ay may mga silid na ukol sa mga mangaawit sa lalong loob na looban, na nasa tabi ng pintuang-daang hilagaan; at mga nakaharap sa timugan; isa sa dako ng silanganang daan na nahaharap sa dakong hilagaan.
Por fuera de la puerta interna, en el patio interno que está al lado de la puerta del norte, había cámaras para los cantores, dirigidas hacia el sur. Pero había una que estaba al lado de la puerta del oriente, dirigida hacia el norte.
45 At kaniyang sinabi sa akin, Ang silid na ito na nakaharap sa dakong timugan, ay sa mga saserdote, sa mga namamahala sa bahay;
Y me dijo: Esta cámara que está dirigida hacia el sur es para los sacerdotes que cumplen la guardia de la Casa,
46 At ang silid na nakaharap sa dakong hilagaan ay sa mga saserdote, na mga namamahala sa dambana: ang mga ito ay mga anak ni Sadoc, na sa mga anak ni Levi ay nagsilapit sa Panginoon upang magsipangasiwa sa kaniya.
pero la cámara que está dirigida hacia el norte es para los sacerdotes que deben custodiar el altar. Estos son los hijos de Sadoc, los cuales fueron llamados de entre los hijos de Leví para ministrar a YAVÉ.
47 At sinukat niya ang looban na isang daang siko ang haba, at isang daang siko ang luwang, parisukat; at ang dambana ay nasa harap ng bahay.
El patio midió 2,5 metros cuadrados. El altar estaba delante de la Casa.
48 Nang magkagayo'y dinala niya ako sa portiko ng bahay, at sinukat niya ang bawa't haligi ng portiko na limang siko sa dakong ito, at limang siko sa dakong yaon: at ang luwang ng pintuang-daan ay tatlong siko sa dakong ito, at tatlong siko sa dakong yaon.
Luego me llevó al patio de la Casa y midió cada columna del patio: 2.5 metros por cada lado. La anchura de la puerta era de 1,5 metros por cada lado.
49 Ang haba ng portiko ay dalawang pung siko, at ang luwang ay labing isang siko: kahit sa pamamagitan ng mga baytang na kanilang sinampahan: at may mga haligi, isa sa dakong ito, at isa sa dakong yaon.
La longitud del patio era de diez metros y la anchura de 5,5 metros, al cual subían por gradas. Junto a las columnas había [otras] dos columnas, una por cada lado.

< Ezekiel 40 >