< Ezekiel 31 >
1 At nangyari nang ikalabing isang taon, nang ikatlong buwan, nang unang araw ng buwan, na ang salita ng Panginoon ay dumating sa akin, na nagsasabi,
Potem, w jedenastym roku, w trzecim [miesiącu], pierwszego [dnia] tego miesiąca, doszło do mnie słowo PANA mówiące:
2 Anak ng tao, sabihin mo kay Faraon, na hari sa Egipto, at sa kaniyang karamihan: Sino ang iyong kawangis sa iyong kalakhan?
Synu człowieczy, mów do faraona, króla Egiptu, i do jego ludu: Do kogo jesteś podobny w swojej wielkości?
3 Narito, ang taga Asiria ay isang cedro sa Libano, na may magandang mga sanga, at may mayabong na lilim, at may mataas na kataasan; at ang kaniyang dulo ay nasa gitna ng mga mayabong na sanga.
Oto Assur [był] jak cedr na Libanie, o pięknych gałęziach i szeroko rzucającym cieniu, o wysokim wzroście, a jego wierzchołek był wśród gęstych gałęzi.
4 Kinakandili siya ng tubig, pinalalaki siya ng kalaliman: ang kaniyang mga ilog ay nagsisiagos sa palibot ng kaniyang kinatatamnan; at kaniyang pinaaagos ang kaniyang mga bangbang ng tubig sa lahat ng punong kahoy sa parang.
Wody dodały mu wzrostu i głębiny go wywyższyły, ich rzeki roztoczyły dokoła jego korzeń i puściły swoje strumienie ku wszystkim drzewom polnym.
5 Kaya't ang kaniyang kataasan ay nataas ng higit kay sa lahat na punong kahoy sa parang; at ang kaniyang mga sanga ay nagsidami, at ang kaniyang mga sanga ay nagsihaba dahil sa karamihan ng tubig, nang kaniyang pabugsuan.
Dlatego swym wzrostem przewyższył wszystkie drzewa polne i jego konary rozkrzewiły się, a dzięki obfitości wód rozszerzyły się jego gałęzie, które wypuścił.
6 Lahat ng ibon sa himpapawid ay nagsigawa ng kanilang mga pugad sa kaniyang mga sanga; at sa ilalim ng kaniyang mga sanga ay nagsipanganak ang lahat ng mga hayop sa parang; at sa kaniyang lilim ay nagsitahan ang lahat na malaking bansa.
Na jego gałęziach uwiło sobie gniazda wszelkie ptactwo niebieskie, pod jego gałęziami rodziły się wszelkie zwierzęta polne i w jego cieniu siadały wszystkie wielkie narody.
7 Ganito siya gumanda sa kaniyang kalakhan, sa kahabaan ng kaniyang mga sanga: sapagka't ang kaniyang ugat ay nasa siping ng maraming tubig.
Był piękny w swojej wielkości przez długość swoich gałęzi, gdyż jego korzeń był nad obfitymi wodami.
8 Ang mga cedro sa halamanan ng Dios hindi makapantay sa kaniya; ang mga puno ng abeto ay hindi gaya ng kaniyang mga sanga, at ang mga puno ng kastano ay hindi gaya ng kaniyang mga sanga, o may anomang punong kahoy sa halamanan ng Dios na kagaya niya sa kaniyang kagandahan.
Cedry w ogrodzie Bożym nie przewyższały go. Cyprysy nie były podobne do jego gałęzi i drzewa kasztanowe nie były podobne do jego konarów. Żadne drzewo w ogrodzie Bożym nie dorównało mu swoją pięknością.
9 Pinaganda ko siya sa karamihan ng kaniyang mga sanga, na anopa't lahat ng punong kahoy sa Eden, na nangasa halamanan ng Dios, nanaghili sa kaniya.
Ja uczyniłem go pięknym przez mnóstwo jego gałęzi. Zazdrościły mu wszystkie drzewa Edenu, które [były] w ogrodzie Bożym.
10 Kaya't ganito ang sabi ng Panginoong Dios: Sapagka't ikaw ay nataas sa kataasan, at inilagay niya ang kaniyang dulo sa gitna ng mga mayabong na sanga, at ang kaniyang puso ay nagmataas sa kaniyang pagkataas;
Dlatego tak mówi Pan BÓG: Ponieważ wysoko wyrósł, wywyższył swój wierzchołek wśród gęstych gałęzi i jego serce podniosło się z powodu jego wysokości;
11 Aking ibibigay nga siya sa kamay ng makapangyarihan sa mga bansa; walang pagsalang siya'y susugpuin: aking pinalayas siya dahil sa kaniyang kasamaan.
Wydałem go w rękę najmocniejszego z narodów, aby się z nim srogo obszedł. Odrzuciłem go z powodu jego niegodziwości.
12 At inihiwalay siya at iniwan siya, ng mga taga ibang lupa, ng kakilakilabot sa mga bansa: sa ibabaw ng mga bundok at sa lahat ng mga libis ay nangalaglag ang kaniyang mga sanga, at ang kaniyang mga sanga ay nangabali sa siping ng lahat ng mga ilog ng lupain; at bumaba ang lahat ng tao sa lupa mula sa kaniyang lilim at iniwan siya.
A cudzoziemcy, ci najsrożsi z narodów, wycięli go i porzucili. Jego gałęzie padły na górach i we wszystkich dolinach i jego konary połamały się nad wszystkimi strumieniami tej ziemi. Wszystkie ludy ziemi ustąpiły spod jego cienia i opuściły go.
13 Sa kaniyang guho ay magsisitahan ang lahat ng mga ibon sa himpapawid, at lahat ng mga hayop sa parang ay mangapapa sa kaniyang mga sanga;
Na jego powalonym [pniu] osiądzie wszelkie ptactwo niebieskie i na jego gałęziach będzie wszelki zwierz polny;
14 Upang walang magmataas sa kanilang kataasan sa lahat na punong kahoy sa siping ng tubig, o maglagay man ng kanilang dulo sa gitna ng mga mayabong na sanga, o ang kanila mang mga makapangyarihan ay magsitayo sa kanilang pagkataas, sa makatuwid baga'y yaong lahat na nagsisiinom ng tubig: sapagka't silang lahat ay nangabigay sa kamatayan, sa pinakamalalim na bahagi ng lupa, sa gitna ng mga anak ng tao, na kasama ng nagsibaba sa hukay.
Aby żadne drzewo [stojące] nad wodami nie wynosiło się z powodu swego wzrostu i nie wypuszczało swoich wierzchołków wśród gęstych gałęzi, i nie pyszniło się swoją wysokością żadne drzewo, które pije wodę. Ci wszyscy bowiem są wydani na śmierć, wrzuceni do najgłębszych stron ziemi, wśród synów ludzkich wraz z tymi, którzy zstępują do dołu.
15 Ganito ang sabi ng Panginoong Dios: Nang araw na siya'y bumaba sa Sheol ay nagpatangis ako: aking tinakpan ang kalaliman dahil sa kaniya, at pinigil ko ang mga ilog niya; at ang mga malaking ilog ay nagsitigil; at aking pinapanangis sa kaniya ang Libano, at ang lahat na punong kahoy sa parang ay nanglupaypay dahil sa kaniya. (Sheol )
Tak mówi Pan BÓG: W dniu, kiedy zstąpił do grobu, wzbudziłem lament, zamknąłem dla niego głębinę i wstrzymałem jej strumienie, i zastawiłem wielkie wody. Sprawiłem, że Liban okrył się ciemnością z jego powodu i z jego powodu wszystkie drzewa polne zemdlały. (Sheol )
16 Aking niyanig ang mga bansa sa hugong ng kaniyang pagkabuwal, nang aking ihagis siya sa Sheol na kasama ng nagsibaba sa hukay; at ang lahat na punong kahoy sa Eden, ang pili at pinakamahusay ng Libano, lahat ng nagsisiinom ng tubig ay nangaaliw sa pinakamalalim na bahagi ng lupa. (Sheol )
Na huk jego upadku zadrżały narody, gdy go wrzucałem do piekła z tymi, co do dołu zstępują. Wszystkie drzewa Edenu, najwyborniejsze i najlepsze z Libanu, które piją wodę, doznają pociechy w najgłębszych stronach ziemi. (Sheol )
17 Sila rin nama'y nagsibaba sa Sheol na kasama niya sa kanila na nangapatay ng tabak; oo, silang pinakakamay niya na nagsisitahan sa kaniyang lilim sa gitna ng mga bansa. (Sheol )
One także zstąpiły z nim do piekła, do zabitych mieczem, którzy byli jego ramieniem i którzy mieszkali w jego cieniu wśród narodów. (Sheol )
18 Sino ang gaya mong ganito sa kaluwalhatian at sa kalakhan sa gitna ng mga punong kahoy sa Eden? gayon ma'y mabababa ka na kasama ng mga punong kahoy sa Eden, sa pinakamalalim na bahagi ng lupa: ikaw ay malalagay sa gitna ng mga di tuli, na kasama nila na nangapatay ng tabak. Ito'y si Faraon at ang buo niyang karamihan, sabi ng Panginoong Dios.
Do kogo byłeś podobny chwałą i wielkością między drzewami Edenu? Oto zostaniesz zrzucony wraz z drzewami Edenu do najgłębszych stron ziemi. Będziesz leżał wśród nieobrzezanych wraz z pobitymi mieczem. To jest z faraonem i całą jego rzeszą – mówi Pan BÓG.