< Ezekiel 30 >
1 Ang salita ng Panginoon ay dumating uli sa akin, na nagsasabi,
And the word of Jehovah came unto me, saying,
2 Anak ng tao, manghula ka, at iyong sabihin, Ganito ang sabi ng Panginoong Dios: Manambitan kayo: Sa aba ng araw na yaon!
Son of man, prophesy and say, Thus saith the Lord Jehovah: Howl ye, Alas for the day!
3 Sapagka't ang kaarawan ay malapit na, sa makatuwid baga'y ang kaarawan ng Panginoon ay malapit na; magiging kaarawan ng pagaalapaap; panahon ng mga bansa.
For the day is at hand, yea, the day of Jehovah is at hand, a day of clouds; it shall be the time of the nations.
4 At isang tabak ay darating sa Egipto, at kahirapan ay sasa Etiopia, pagka ang mga patay ay mangabubuwal sa Egipto; at dadalhin nila ang kaniyang karamihan, at ang kaniyang mga patibayan ay mangawawasak.
And the sword shall come upon Egypt, and there shall be anguish in Ethiopia, when the slain shall fall in Egypt, and they shall take away her multitude, and her foundations shall be overthrown.
5 Ang Etiopia, at ang Phut, at ang Lud, at ang buong halohalong bayan, at ang Chub, at ang mga anak ng lupain na nangasa pagkakasundo, mangabubuwal na kasama nila sa pamamagitan ng tabak.
Cush, and Phut, and Lud, and all the mingled people, and Chub, and the children of the land that is in league, shall fall with them by the sword.
6 Ganito ang sabi ng Panginoon: Sila namang nagsialalay sa Egipto ay mangabubuwal; at ang kapalaluan ng kaniyang kapangyarihan ay mabababa: mula sa moog ng Seveneh ay mangabubuwal sila roon sa pamamagitan ng tabak, sabi ng Panginoong Dios.
Thus saith Jehovah: They also that uphold Egypt shall fall; and the pride of her strength shall come down: from Migdol to Syene shall they fall in her by the sword, saith the Lord Jehovah.
7 At sila'y magiging sira sa gitna ng mga lupain na sira; at ang kaniyang mga bayan ay ibibilang sa mga bayan na giba.
And they shall be desolated in the midst of the countries that are desolated, and her cities shall be in the midst of the cities that are wasted.
8 At kanilang malalaman na ako ang Panginoon, pagka ako'y nagsulsol ng apoy sa Egipto, at lahat niyang katulong ay nangalipol.
And they shall know that I [am] Jehovah, when I have set a fire in Egypt, and all her helpers shall be broken.
9 Sa araw na yaon ay magsisilabas ang mga sugo mula sa harap ko sa mga sasakyan upang takutin ang mga walang bahalang taga Etiopia; at magkakaroon ng kahirapan sa kanila gaya sa kaarawan ng Egipto; sapagka't narito, dumarating.
In that day shall messengers go forth from me in ships, to make careless Ethiopia afraid; and anguish shall come upon them, as in the day of Egypt: for behold, it cometh!
10 Ganito ang sabi ng Panginoong Dios: Akin namang paglilikatin ang karamihan ng Egipto, sa pamamagitan ni Nabucodonosor na hari sa Babilonia.
Thus saith the Lord Jehovah: I will also make the multitude of Egypt to cease by the hand of Nebuchadrezzar king of Babylon.
11 Siya at ang kaniyang bayan na kasama niya, na kakilakilabot sa mga bansa, ay ipapasok upang gibain ang lupain; at kanilang hahawakan ang kanilang mga tabak laban sa Egipto, at pupunuin ng mga patay ang lupain.
He and his people with him, the terrible of the nations, shall be brought to destroy the land; and they shall draw their swords against Egypt, and fill the land with slain.
12 At aking tutuyuin ang mga ilog, at aking ipagbibili ang lupain sa kamay ng mga masamang tao; at aking sisirain ang lupain, at lahat na nandoon, sa pamamagitan ng kamay ng mga taga ibang lupa: akong Panginoon ang nagsalita.
And I will make the rivers dry, and sell the land into the hand of the wicked; and I will make the land desolate, and all that is therein, by the hand of strangers: I Jehovah have spoken [it].
13 Ganito ang sabi ng Panginoong Dios: Akin din namang sisirain ang mga diosdiosan, at aking paglilikatin ang mga larawan sa Memphis; at hindi na magkakaroon pa ng prinsipe sa lupain ng Egipto; at ako'y maglalagay ng katakutan sa lupain ng Egipto.
Thus saith the Lord Jehovah: I will also destroy the idols, and I will cause the images to cease out of Noph; and there shall be no more a prince out of the land of Egypt; and I will put fear in the land of Egypt.
14 At aking sisirain ang Patros, at ako'y magsisilab ng apoy sa Zoan, at maglalapat ako ng mga kahatulan sa No.
And I will make Pathros desolate, and will set a fire in Zoan, and will execute judgment in No.
15 At aking ibubugso ang aking kapusukan sa Sin, na katibayan ng Egipto; at aking ihihiwalay ang karamihan ng mga taga No.
And I will pour my fury upon Sin, the stronghold of Egypt; and I will cut off the multitude of No.
16 At ako'y magsusulsol ng apoy sa Egipto: ang Sin ay malalagay sa malaking kadalamhatian, at ang No ay magigiba: at ang Memphis ay magkakaroon ng mga kaaway sa kaarawan.
And I will set a fire in Egypt: Sin shall be in great anguish, and No shall be rent asunder, and at Noph [there shall be] enemies in open day.
17 Ang mga binata sa Aven at sa Pi-beseth ay mangabubuwal sa pamamagitan ng tabak; at ang mga ito ay magsisipasok sa pagkabihag.
The young men of Aven and of Pibeseth shall fall by the sword; and these shall go into captivity.
18 Sa Tafnes nama'y magdidilim ang araw, pagka aking inalis roon ang mga atang ng Egipto, at ang kapalaluan ng kaniyang kapangyarihan ay maglilikat doon: tungkol sa kaniya, ay tatakpan siya ng alapaap, at ang kaniyang mga anak na babae ay magsisipasok sa pagkabihag.
And at Tehaphnehes the day shall be darkened, when I break there the yokes of Egypt, and the pride of her strength shall cease in her; as for her, a cloud shall cover her, and her daughters shall go into captivity.
19 Ganito maglalapat ako ng mga kahatulan sa Egipto; at kanilang malalaman na ako ang Panginoon.
Thus will I execute judgments in Egypt; and they shall know that I [am] Jehovah.
20 At nangyari nang ikalabing isang taon nang unang buwan, nang ikapitong araw ng buwan, na ang salita ng Panginoon ay dumating sa akin, na nagsasabi,
And it came to pass in the eleventh year, in the first [month], on the seventh of the month, the word of Jehovah came unto me, saying,
21 Anak ng tao, aking binali ang kamay ni Faraon na hari sa Egipto; at, narito, hindi natalian, upang lapatan ng mga gamot, na lagyan ng isang tapal upang talian, upang humawak na matibay ng tabak.
Son of man, I have broken the arm of Pharaoh king of Egypt; and behold, it shall not be bound up to apply remedies, to put a bandage to bind it, to make it strong to hold the sword.
22 Kaya't ganito ang sabi ng Panginoong Dios: Narito, ako'y laban kay Faraon na hari sa Egipto, at aking babaliin ang kaniyang mga bisig, ang malakas na bisig, at yaon na nabali; at aking palalagpakin ang tabak mula sa kaniyang kamay.
Therefore thus saith the Lord Jehovah: Behold, I am against Pharaoh king of Egypt, and will break his arms, the strong one, and that which was broken; and I will cause the sword to fall out of his hand.
23 At aking pangangalatin ang mga taga Egipto sa gitna ng mga bansa, at pananabugin ko sila sa mga lupain.
And I will scatter the Egyptians among the nations, and will disperse them through the countries.
24 At aking palalakasin ang mga bisig ng hari sa Babilonia, at ilalagay ko ang aking tabak sa kaniyang kamay; nguni't aking babaliin ang mga bisig ni Faraon, at siya'y dadaing sa harap niyaon ng mga daing ng taong nasugatan ng ikamamatay.
And I will strengthen the arms of the king of Babylon, and put my sword in his hand; and I will break Pharaoh's arms, so that he shall groan before him with the groanings of a deadly-wounded [man].
25 At aking aalalayan ang mga bisig ng hari sa Babilonia; at ang mga bisig ni Faraon ay bababa; at kanilang malalaman na ako ang Panginoon, pagka aking ilalagay ang aking tabak sa kamay ng hari sa Babilonia, at kaniyang iuunat sa lupain ng Egipto.
And I will strengthen the arms of the king of Babylon, and the arms of Pharaoh shall fall down; and they shall know that I [am] Jehovah, when I have put my sword into the hand of the king of Babylon, and he shall have stretched it out upon the land of Egypt.
26 At aking pangangalatin ang mga taga Egipto sa gitna ng mga bansa, at pananabugin ko sila sa mga lupain; at kanilang malalaman na ako ang Panginoon.
And I will scatter the Egyptians among the nations, and disperse them through the countries: and they shall know that I [am] Jehovah.