< Ezekiel 23 >
1 Ang salita ng Panginoon ay dumating uli sa akin na nagsasabi:
I stało się słowo Pańskie do mnie, mówiąc:
2 Anak ng tao, may dalawang babae, na mga anak na babae ng isang ina:
Synu człowieczy! były dwie niewiasty, córki jednej matki;
3 At sila'y nagpatutot sa Egipto; sila'y nagpatutot sa kanilang kadalagahan: doo'y nangahigpit ang kanilang mga dibdib, at doo'y nangahipo ang mga suso ng kanilang pagkadalaga.
Te nierząd płodziły w Egipcie, w młodości swojej nierząd płodziły; tam są omacane piersi ich, i tam są zgniecione piersi panieństwa ich.
4 At ang mga pangalan nila ay Ohola ang matanda, at Oholiba ang kapatid niya: at sila'y naging akin at nanganak ng mga lalake at babae. At tungkol sa kanilang mga pangalan, Samaria ay Ohola, at Jerusalem ay Oholiba.
Imiona ich te są: Większej Ahola, a siostry jej Aholiba. Teć były moje, i zrodziły synów i córki; imiona, mówię, ich są, Samaryja Ahola, a Jeruzalem Aholiba.
5 At si Ohola ay nagpatutot nang siya'y akin; at siya'y suminta sa mga mangingibig sa kaniya, sa mga taga Asiria na kaniyang mga kalapit bayan.
Ale Ahola płodziła wszeteczeństwo przy mnie, a nierządu pilnowała z miłośnikami swojemi, z Assyryjkczykami bliskimi,
6 Na nananamit ng kulay asul, ang mga tagapamahala at ang mga pinuno, silang lahat na binatang makisig, mga mangangabayo na nangakasakay sa mga kabayo.
Którzy byli obleczeni w hijacynt, z książętami, i panami, i ze wszystkimi młodzieńcami udatnymi, i z jezdnymi jeżdżącymi na koniach;
7 At ipinagkaloob niya sa kanila ang kaniyang pakikiapid, sa mga pinaka piling lalake sa Asiria sa kanilang lahat; at sa sino man na inibig niya, sa lahat nilang diosdiosan, ay nadumhan siya.
Udała się, mówię, na wszeteczeństwo swoje z nimi, ze wszystkimi najprzedniejszymi synami Assyryjskimi, i ze wszystkimi, za którymi miłością pałała, a splugawiała się wszystkiemi plugawemi bałwanami ich.
8 Ni hindi man niya iniwan ang kaniyang mga pagpapatutot mula sa mga kaarawan ng Egipto, sapagka't sa kaniyang kadalagahan, sila'y sumisiping sa kaniya, at nangahipo nila ang mga suso ng kaniyang pagkadalaga; at kanilang ibinuhos ang kanilang pagpapatutot sa kaniya.
A tak wszeteczeństw swoich egipskich nie zaniechała: bo z nią sypiali w młodości jej, a oni omacali piersi panieństwa jej, i wylali wszeteczeństwo swe na nią.
9 Kaya't ibinigay ko siya sa kamay ng mga mangingibig sa kaniya, sa kamay ng mga taga Asiria, na siya niyang mga inibig.
Dlatego podałem ją w rękę zalotników jej, w rękę synów Assyryjskich, za którymi miłością pałała.
10 Ang mga ito ang nangaglitaw ng kaniyang kahubaran; kinuha nila ang kaniyang mga anak na lalake at babae; at siya'y pinatay nila ng tabak: at siya'y naging kakutyaan sa mga babae; sapagka't sila'y naglapat ng mga kahatulan sa kaniya.
Oni odkryli nagość jej, synów jej i córki jej zabrali, a samę mieczem zabili; i stała się osławioną między niewiastami, gdy sądy wykonali przy niej.
11 At nakita ito ng kaniyang kapatid na si Oholiba, gayon ma'y siya'y higit na napahamak sa kaniyang pagibig kay sa kaniya, at sa kaniyang mga pagpapatutot na higit kay sa mga pagpapatutot ng kaniyang kapatid.
To widząc siostra jej Aholiba, bardziej się niż ona zapaliła miłością, a wszeteczeństwo jej większe było niżeli siostry jej.
12 Siya'y umibig sa mga taga Asiria, sa mga tagapamahala at mga pinuno, sa kaniyang mga kalapit bayan, na nararamtan ng mga pinakamahusay, sa mga nangangabayo na nakasakay sa mga kabayo, silang lahat ay mga binatang makisig.
Za synami Assyryjskimi pałała miłością, za książętami, i panami bliskimi, ubranymi w szaty kosztowne, za jezdnymi jeżdżącymi na koniach, i za wszystkimi młodzieńcami urodziwymi.
13 At aking nakita na siya'y nadumhan; na sila kapuwa ay nagisang daan.
I widziałem, że się splugawiła, a iż jednaka droga obu była.
14 At kaniyang pinalago ang kaniyang mga pagpapatutot; sapagka't siya'y nakakita ng mga lalaking nakalarawan sa mga panig, na mga larawan ng mga Caldeo na nakalarawan ng bermillon,
Ale ta jeszcze to przydała do wszeteczeństw swoich, że widząc mężów wymalowanych na ścianie, obrazy Chaldejczyków malowane farbami,
15 Na nangabibigkisan sa kanilang mga balakang, na mga may lumilipad na turbante sa kanilang mga ulo, silang lahat ay parang mga prinsipe ayon sa wangis ng mga taga Babilonia sa Caldea, na lupain na kanilang kinapanganakan.
Opasane pasami na biodrach ich, i kołpaki farbowane na gowach ich, a że wszyscy na wejrzeniu byli jako hetmani, podobni synom Babilońskim, w ziemi Chaldejskiej zrodzonym;
16 At pagkakita niya sa kanila ay inibig niya agad sila, at nagsugo ng mga sugo sa kanila sa Caldea.
I pałała miłością ku nim, ujrzawszy ich oczyma swemi, a wyprawiła posłów do nich do ziemi Chaldejskiej.
17 At sinipingan siya ng mga taga Babilonia sa higaan ng pagibig, at kanilang dinumhan siya ng kanilang pagpapatutot, at siya'y nahawa sa kanila, at ang kaniyang kalooban ay tinabangan sa kanila.
Tedy weszli do niej synowie Babilońscy do komory nierządu, i zmazali ją wszeteczeństwem swojem; a gdy się splugawiła z nimi, odstąpiła dusza jej od nich.
18 Sa gayo'y inilitaw niya ang kaniyang mga pagpapatutot, at inilitaw niya ang kaniyang kahubaran: nang magkagayo'y tinabangan ang aking kalooban sa kaniya, na gaya ng pagkatabang ng aking kalooban sa kaniyang kapatid.
I gdy odkryła wszeteczeństwa swe, odkryła i nagość swoję; odstąpiła dusza moja od niej, jako była odstąpiła dusza moja od siostry jej.
19 Gayon ma'y kaniyang pinarami ang kaniyang mga pakikiapid, na inalaala ang mga kaarawan ng kaniyang kadalagahan, na kaniyang ipinagpatutot sa lupain ng Egipto,
Bo rozmnożyła wszeteczeństwa swoje, wspominając na dni młodości swojej, których nierządu patrzyła w ziemi Egipskiej.
20 At siya'y umibig sa mga nagsisiagulo sa kaniya, na ang laman ay parang laman ng mga asno, at ang lumalabas sa kanila ay parang lumalabas sa mga kabayo.
I pałała miłością przeciwko nierządnikom ich, których ciała są jako ciała osłów, a przyrodzenie ich jako przyrodzenie końskie.
21 Ganito mo inalaala ang kahalayan ng iyong kadalagahan, sa pagkahipo ng iyong mga suso ng mga taga Egipto dahil sa mga suso ng iyong kadalagahan.
A takeś się zaś nawróciła do sprośności młodości twojej, gdy macali Egipczanie piersi twoje dla piersi młodości twojej.
22 Kaya, Oh Oholiba, ganito ang sabi ng Panginoong Dios; Narito, aking ibabangon ang mga mangingibig sa iyo laban sa iyo, na siyang pinagsawaan ng iyong kalooban, at aking dadalhin sila laban sa iyo sa lahat ng dako:
Przetoż, o Aholibo! tak mówi panujący Pan: Oto ja pobudzę zalotników twoich przeciwko tobie, tych, od których odstąpiła dusza twoja, i przywiodę ich na cię zewsząd;
23 Ang mga taga Babilonia at lahat ng Caldeo, ang Pekod, at ang Soa, at ang Coa, at lahat ng taga Asiria na kasama nila; na mga binatang makisig, mga tagapamahala at mga pinuno silang lahat, mga prinsipe, at mga lalaking bantog, silang lahat ay nagsisisakay sa mga kabayo.
Synów Babilońskich, i wszystkich Chaldejczyków z Pekot, i z Soby, i z Kohy, i wszystkich synów Assyryjskich z nimi, młodzieńców udatnych, książąt i panów wszystkich, hetmanów i ludzi zacnych, wszystkich jeżdżących na koniach;
24 At sila'y magsisiparitong laban sa iyo na ma'y mga almas, mga karo, at mga kariton, at may kapulungan ng mga tao; sila'y magsisilagay laban sa iyo sa palibot na may longki, at kalasag at turbante; at aking ipauubaya ang kahatulan sa kanila, at sila'y magsisihatol sa iyo ayon sa kanilang mga kahatulan.
I przyjadą przeciwko tobie na wozach żelaznych, i na rydwanach, i na karach, a to z zgrają narodów, z tarczami, i z pancerzami, i z przyłbicami, położą się przeciwko tobie zewsząd; i dam im prawo, aby cię sądzili według praw swoich.
25 At aking ilalagak ang aking paninibugho laban sa iyo, at sila'y magsisigawa sa iyo sa kapusukan; kanilang pipingusin ang iyong ilong at ang iyong mga tainga; at ang nalabi sa iyo ay mabubuwal sa pamamagitan ng tabak: kanilang kukunin ang iyong mga anak na lalake at babae; at ang nalabi sa iyo ay susupukin sa apoy,
I wyleję gorliwość moję na cię, i obejdą się z tobą zapalczywie, nos twój i uszy twoje oberżną, a ostatek twój od miecza polegnie; oni synów twoich i córki twoje pojmają, a ostatek twój ogniem pożarty będzie;
26 Kanila rin namang huhubaran ka ng iyong mga suot, at dadalhin ang iyong mga magandang hiyas.
I zewloką cię z szat twoich, a pobiorą strój ozdoby twojej.
27 Ganito ko patitigilin sa iyo ang iyong kahalayan, at ang iyong pagpapatutot na dinala mula sa lupain ng Egipto: na anopa't hindi mo ididilat ang iyong mga mata sa kanila, o aalalahanin mo pa man ang Egipto kailan man.
A tak uczynię koniec sprośności twojej przy tobie, i wszeteczeństwu twemu, któreś przyniosła z ziemi Egipskiej, a nie podniesiesz oczów twych do nich, ani na Egipt nie wspomnisz więcej.
28 Sapagka't ganito ang sabi ng Panginoong Dios, Narito, ibibigay kita sa kamay ng mga ipinagtatanim mo, sa kamay ng mga pinagsawaan ng iyong kalooban;
Bo tak mówi panujący Pan: Oto cię Ja podaję w ręce tych, których masz w nienawiści, w ręce tych, od których odstąpiła dusza twoja;
29 At hahatulan ka nila na may pagtatanim, at aalisin ang lahat ng iyong kayamanan, at iiwan kang hubad at hubo: at ang sala mong pagpapatutot ay malilitaw, ang iyong kahalayan at gayon din ang iyong mga pagpapatutot.
I obejdą się z tobą według nienawiści, i zabiorą wszystkę pracę twoję, a zostawią cię nagą i obnażoną, i będzie jawna nagość wszeteczeństw twoich, i sprośności twojej, i nierządów twoich.
30 Ang mga bagay na ito ay gagawin sa iyo, sapagka't ikaw ay nagpatutot sa mga bansa, at sapagka't ikaw ay nadumhan sa kanilang mga diosdiosan.
Toć się stanie przeto, żeś nierząd płodziła naśladując pogan, przeto, żeś się zmazała plugawemi bałwanami ich;
31 Ikaw ay lumakad sa lakad ng iyong kapatid; kaya't ibibigay ko ang kaniyang saro sa iyong kamay.
Chodziłaś drogą siostry swej, dlatego dam kubek jej w rękę twoję.
32 Ganito ang sabi ng Panginoong Dios: Ikaw ay iinom sa saro ng iyong kapatid, na malalim at malaki: ikaw ay tatawanan na pinakatuya at pinaka kadustaan; maraming laman.
Tak mówi panujący Pan: Kubek siostry twojej głęboki i szeroki pić będziesz, spory będzie; pośmiech także i igrzysko będą mieli z ciebie.
33 Ikaw ay lubhang malalasing at mamamanglaw, sa pamamagitan ng sarong katigilan at kapahamakan, sa pamamagitan ng saro ng iyong kapatid na Samaria.
Pijaństwem i boleścią napełniona będziesz, kubkiem spustoszenia i smutku, kubkiem siostry swej Samaryi!
34 Iyo ngang iinumin at tutunggain, at iyong hahaluin ang labo niyaon, at sasaktan ang iyong dibdib; sapagka't aking sinalita, sabi ng Panginoong Dios.
I wypijesz go i wysączysz, potem go pokruszysz, a piersi swe poobrywasz; bom Ja rzekł, mówi panujący Pan.
35 Kaya't ganito ang sabi ng Panginoong Dios: Sapagka't ako'y iyong nilimot, at tinalikdan mo ako, taglayin mo nga rin ang iyong kahalayan at ang iyong mga pakikiapid.
Dlatego tak mówi panujący Pan: Ponieważeś zapomniała na mię, a zarzuciłaś mię za tył swój, i ty też ponoś niecnotę, swoję, i wszeteczeństwa swoje.
36 Sinabi ng Panginoon sa akin bukod dito: Anak ng tao: hahatulan mo baga si Ohola at si Oholiba? ipakilala mo sa kanila ang kanilang mga kasuklamsuklam.
I rzekł Pan do mnie: Synu człowieczy! izali się będziesz zastawiał za Aholę albo za Aholibę? Oznajmij im raczej obrzydliwości ich:
37 Sapagka't sila'y nagkasala ng pangangalunya, at dugo ay nasa kanilang mga kamay; at sa kanilang mga diosdiosan ay nagsisamba; at kanila namang pinaraan sa apoy upang masupok ang kanilang mga anak, na kanilang ipinanganak sa akin.
Że cudzołożyły, a krew jest na rękach ich, i z plugawemi bałwanami swemi cudzołożyły; nadto i synów swych, których mi narodziły, przez ogień przeporowadzały im na pożarcie.
38 Bukod dito'y ginawa nila ito sa akin: kanilang nilapastangan ang aking santuario sa araw ding yaon, at nilapastangan ang aking mga sabbath.
Więc i to mi uczyniły, że świątnicę moję splugawiły dnia onego, a sabaty moje pogwałciły.
39 Sapagka't nang kanilang patayin ang kanilang mga anak para sa kanilang mga diosdiosan, nagsiparoon nga sila nang araw ding yaon sa aking santuario upang lapastanganin; at, narito, ganito ang kanilang ginawa sa gitna ng aking bahay.
Bo gdy ofiarowały synów swych plugawym bałwanom swoich, wchodziły do świątnicy mojej onegoż dnia, aby ją zmazały; oto takci czyniły w pośrodku domu mego.
40 At bukod dito ay inyong ipinasundo ang mga taong nangagmumula sa malayo, na siyang mga ipinasundo sa sugo, at, narito, sila'y nagsisidating; na siyang dahil ng iyong ipinaligo, at ipinagkulay mo ng iyong mga mata, at pinaggayakan mo ng mga gayak;
Nadto posyłały też do mężów, aby przyszli z daleka; którzy zaraz przychodzili, kiedy poseł do nich wysłany był. Tymeś kwoli się ty umywała, farbowałaś twarz swoję, i zdobiłaś się ochędóstwem swojem.
41 At naupo ka sa isang mainam na higaan, na may dulang na nakahanda sa harap niyaon, na siya mong pinaglapagan ng aking kamangyan at aking langis.
Siadałaś na łożu zacnem, przed którym był stół przygotowany, na któremeś i kadzeniw moje i olejek mój pokładała.
42 At ang tinig ng pulutong na tiwasay ay nasa kaniya: at nadala na kasama ng mga lalake sa mga karaniwan ang mga manglalasing na mula sa ilang; at sila'y nangaglagay ng mga pulsera sa mga kamay nila, at mga magandang putong sa kanilang mga ulo.
A gdy głos onego mnóstwa ucichł, tedy i do mężów ludu pospolitego posyłały, których przywodzono ożartych z puszczy, i kładli manele na ręce ich, i korony ozdobne ne ręce ich.
43 Nang magkagayo'y sinabi ko sa kaniya na tumanda sa mga pangangalunya, Ngayon mangakikiapid pa sila sa kaniya, at siya sa kanila.
A chociażem przymawiał onej cudzołożnicy zastarzałej, a iż oni raz z jedną, raz z drugą nierząd płodzą,
44 At sinipingan nila siya, na parang sumiping sa isang patutot: gayon nila sinipingan si Ohola at si Oholiba, na malibog na mga babae.
I że każdy z nich wchodzi do niej, jako wchodzą do niewiasty wszetecznej: przecie jednak wchodzili do Aholi i do Aholiby, niewiast niecnotliwych.
45 At mga matuwid na tao ang hahatol sa kanila ng kahatulan sa mangangalunya, at ng kahatulan sa mga babae na nagbubo ng dugo; sapagka't sila'y mangangalunya, at dugo ang nasa kanilang mga kamay.
Przetoż sprawiedliwi mężowie, ci je osądzą sądem cudzołożnic, i sądem wylewających krew, przeto, że cudzołożyły, a krew jest na rękach ich.
46 Sapagka't ganito ang sabi ng Panginoong Dios, Ako'y magsasampa ng isang kapulungan laban sa kanila, at ibibigay ko sila upang ligaliging paroo't parito at samsaman.
Bo tak mówi panujący Pan: Przywiodę na nie wojsko, a poddam je na potłukanie i na łup;
47 At babatuhin sila ng kapulungan, ng mga bato, at tatagain sila ng kanilang mga tabak; papatayin nila ang kanilang mga anak na lalake at babae, at susunugin ng apoy ang kanilang mga bahay.
I ukamionuje je ono zgromadzenie kamieniem, i rozsieką je mieczami swemi, synów ich i córki ich pobiją, a domy ich ogniem spalą.
48 Ganito ko patitigilin ang kahalayan sa lupain, upang ang lahat na babae ay maturuan na huwag magsigawa ng ayon sa inyong mga kahalayan.
A tak uprzątnę sprośność z tej ziemi, i będą się tem karać wszystkie niewiasty, a nie uczynią według niecnoty waszej.
49 At gagantihin nila ang inyong kahalayan sa inyo, at inyong dadanasin ang mga kasalanan tungkol sa inyong mga diosdiosan, at inyong malalaman na ako ang Panginoong Dios.
Bo włożona będzie na was niecnota wasza, a grzechy plugawych bałwanów waszych poniesiecie, i poznacie, żem Ja panujący Pan.