< Ezekiel 15 >
1 At ang salita ng Panginoon ay dumating sa akin, na nagsasabi.
上主的話傳給我說:「
2 Anak ng tao, ano ang higit ng puno ng baging kay sa alin mang puno ng kahoy, ng sanga ng puno ng baging na nasa gitna ng mga punong kahoy sa gubat?
人子,樹林中這棵葡萄樹,到底有什麼超越其他一切樹木之處﹖
3 Makakakuha baga ng kahoy doon upang gawing anomang kayarian? o makakakuha baga roon ang mga tao ng tulos upang mapagsabitan ng anomang kasangkapan?
豈能取它的木材製造用具,或者能取出它一根枝條,在上面懸掛器具﹖
4 Narito, inihahagis sa apoy na parang panggatong; sinusupok ng apoy ang dalawang dulo niyaon, at ang gitna niyao'y nasusunog; magagamit baga sa anomang gawain?
只有投入火中焚燒;火焚燒了它的兩端,中間也在焚燒;它還能有什麼用途﹖
5 Narito, ng buo pa, hindi nagagamit sa anomang gawain: gaano pa nga kaya, pagka nasupok ng apoy, at nasunog, magagamit pa baga sa anomang gawain?
當它完整時,還不能作什麼用具,何況經火燃燒焚化之後,豈不是更不能製造什麼用具﹖
6 Kaya't ganito ang sabi ng Panginoong Dios, Kung paano ang puno ng baging sa gitna ng mga puno ng kahoy sa gubat, na aking ibinigay sa apoy na panggatong, gayon ko ibibigay ang mga nananahan sa Jerusalem.
為此,吾主上主這樣說:我怎樣把樹林中的葡萄樹投入火中焚燒,也必怎樣對待耶路撒冷的居民。
7 At aking ititingin ang aking mukha laban sa kanila: sila'y magsisilabas sa apoy, nguni't susupukin sila ng apoy; at inyong malalaman na ako ang Panginoon, pagka aking itiningin ang aking mukha laban sa kanila.
我要翻臉打擊他們:他們雖從火中逃出來,仍要為火焚燒。當我翻臉打擊他們時,他們必承認我是上主。
8 At aking sisirain ang lupain, sapagka't sila'y gumawa ng pagsalangsang, sabi ng Panginoong Dios.
因為他們背信違約,我必使那地方變為荒野──吾主上主的斷語。」