< Ezekiel 14 >

1 Nang magkagayo'y lumapit sa akin ang ilan sa mga matanda sa Israel, at nangaupo sa harap ko.
Then came there unto me certain men of the elders of Israel, and sat down before me.
2 At ang salita ng Panginoon ay dumating sa akin na nagsasabi,
And the word of the Lord came unto me, saying,
3 Anak ng tao, tinaglay ng mga lalaking ito ang kanilang mga diosdiosan sa kanilang puso, at inilagay ang katitisuran ng kanilang kasamaan sa harap ng kanilang mukha: dapat bagang sanggunian nila ako?
Son of man, these men have set up their idols in their heart, and the stumbling-block of their iniquity have they placed before their faces: shall I in any wise let myself be inquired of by them?
4 Kaya't salitain mo sa kanila, at sabihin mo sa kanila, Ganito ang sabi ng Panginoong Dios, Bawa't tao sa sangbahayan ni Israel na nagtataglay ng kaniyang mga diosdiosan sa kaniyang puso, at naglalagay ng katitisuran ng kaniyang kasamaan sa harap ng kaniyang mukha, at naparoroon sa propeta; akong Panginoon ay sasagot sa kaniya roon ng ayon sa karamihan ng kaniyang mga diosdiosan;
Therefore speak with them and say unto them, Thus hath said the Lord Eternal, Whatever man it be of the house of Israel that setteth up his idols in his heart, and layeth the stumbling-block of his iniquity before his face, and cometh to the prophet: I the Lord will answer him, although he cometh with the multitude of his idols;
5 Upang aking makuha ang sangbahayan ni Israel sa kanilang sariling puso sapagka't silang lahat ay nagsilayo sa akin dahil sa kanilang mga diosdiosan.
In order that I may grasp the house of Israel by their heart, those who are separated from me through all their idols.
6 Kaya't sabihin mo sa sangbahayan ni Israel, Ganito ang sabi ng Panginoong Dios, Mangagbalik-loob kayo, at kayo'y magsitalikod sa inyong mga diosdiosan; at ihiwalay ninyo ang inyong mga mukha sa lahat ninyong kasuklamsuklam.
Therefore say unto the house of Israel, Thus hath said the Lord Eternal, Return, and cause [your heart] to turn away from your idols: and from all your abominations turn away your faces.
7 Sapagka't bawa't tao sa sangbahayan ni Israel, o sa mga taga ibang lupa na nangananahan sa Israel, na humihiwalay ng kaniyang sarili sa akin, at nagtataglay ng kaniyang mga diosdiosan sa kaniyang puso, at naglalagay ng katitisuran ng kaniyang kasamaan sa harap ng kaniyang mukha, at naparoroon sa propeta upang magusisa sa akin tungkol sa kaniyang sarili; akong Panginoon ang sasagot sa kaniya:
For whatever man it be of the house of Israel, or of the stranger that sojourneth in Israel, that separateth himself from me, and setteth up his idols in his heart, and layeth the stumbling-block of his iniquity before his face, and then cometh to the prophet to inquire through him of me: I the Lord will answer him through my word;
8 At aking ititingin ang aking mukha laban sa taong yaon, at aking gagawin siyang katigilan, na pinakatanda at pinaka kawikaan, at aking ihihiwalay siya sa gitna ng aking bayan; at inyong malalaman na ako ang Panginoon.
And I will set my face against that man, and will make him an astonishment for a sign and for proverbs, and I will cut him off from the midst of my people; and ye shall know that I am the Lord.
9 At kung ang propeta ay madaya at magsalita ng isang salita, akong Panginoon ang dumaya sa propetang yaon, at aking iuunat ang aking kamay sa kaniya, at papatayin ko siya mula sa gitna ng aking bayang Israel.
And when the prophet suffereth himself to be deceived, and he speaketh a word: I the Lord have suffered that prophet to be deceived: and I will stretch out my hand against him, and will destroy him from the midst of my people Israel.
10 At kanilang dadanasin ang kanilang kasamaan: ang kasamaan ng propeta ay magiging gaya nga ng kasamaan niya na humahanap sa kaniya;
And they shall bear their guilt: as the guilt of the inquirer is, so shall the guilt of the prophet be;
11 Upang ang sangbahayan ni Israel ay huwag nang maligaw pa sa akin, o mahawa pa man sa lahat nilang pagsalangsang; kundi upang sila'y maging aking bayan, at ako'y maging kanilang Dios, sabi ng Panginoong Dios.
In order that the house of Israel may go no more astray by not following me, and not pollute themselves any more with all their transgressions; but that they may become unto me a people, and I may be unto them a God, saith the Lord Eternal.
12 At ang salita ng Panginoon ay dumating sa akin, na nagsasabi,
And the word of the Lord came unto me, saying,
13 Anak ng tao, pagka ang isang lupain ay nagkasala laban sa akin ng pagsalangsang, at aking iniunat ang aking kamay roon, at aking binali ang tungkod ng tinapay niyaon, at nagsugo ako ng kagutom doon, at aking inihiwalay roon ang tao at hayop;
Son of man, if a land should sin against me by trespassing grievously, and I stretch out my hand against it, and break unto it the staff of bread, and send out famine against it, and cut off from it man and beast;
14 Bagaman ang tatlong lalaking ito, na si Noe, si Daniel at si Job, ay nangandoon, ang kanila lamang ililigtas ay ang kanilang sariling mga kaluluwa, sa pamamagitan ng kanilang katuwiran, sabi ng Panginoong Dios.
And if there be these three men, Noah, Daniel, and Job, in the midst of it: these through their righteousness should save but their own soul; saith the Lord Eternal.
15 Kung aking paraanin ang mga mabangis na hayop sa lupain, at kanilang sirain, at ito'y magiba na anopa't walang taong makadaan dahil sa mga hayop;
If I cause wild beasts to pass through the land, and they depopulate it, and it becometh desolate, without any one to pass through because of the beasts:
16 Bagaman ang tatlong lalaking ito ay nangandoon, buhay ako, sabi ng Panginoong Dios, hindi sila mangagliligtas ng mga anak na lalake o babae man; sila lamang ang maliligtas, nguni't ang lupain ay masisira.
These three men [if they were] in it, as I live, saith the Lord Eternal, should not save either sons or daughters: they only should be saved, but the land should be made desolate.
17 O kung ako'y magpasapit ng tabak sa lupaing yaon, at aking sabihin, Tabak, dumaan ka sa lupain; na anopa't aking ihiwalay roon ang tao at hayop;
Or, if I should bring a sword over that land, and say, The sword shall pass through the land, and I cut off from it man and beast;
18 Bagaman ang tatlong lalaking ito ay nangandoon, buhay ako, sabi ng Panginoong Dios, sila'y hindi mangagliligtas ng mga anak na lalake o babae man, kundi sila lamang ang maliligtas.
And if these three men should be in it: as I live, saith the Lord Eternal, they should not save either sons or daughters, but they alone should be saved.
19 O kung ako'y magsugo ng salot sa lupaing yaon, at aking ibugso ang aking kapusukan sa kaniya na may kabagsikan, upang ihiwalay ang tao't hayop;
Or, if I should send out the pestilence against that land, and pour out my fury over it in blood, to cut off from it man and beast;
20 Bagaman si Noe, si Daniel, at si Job, ay nangandoon, buhay ako, sabi ng Panginoong Dios, hindi sila mangagliligtas ng mga anak na lalake o babae man; ang kanila lamang ililigtas ay ang kanilang sariling kaluluwa sa pamamagitan ng kanilang katuwiran.
And if Noah, Daniel, and Job, should be in the midst of it: as I live, saith the Lord Eternal, they should not save either son or daughter; they through their righteousness should save their own soul.
21 Sapagka't ganito ang sabi ng Panginoong Dios, Gaano pa nga kaya kung aking pasapitin ang aking apat na mahigpit na kahatulan sa Jerusalem, ang tabak, at ang kagutom, at ang mabangis na hayop, at ang salot, upang ihiwalay roon ang tao at hayop?
For thus hath said the Lord Eternal, Although I send my four dreadful means of punishment over Jerusalem, the sword, and the famine, and the wild beasts, and the pestilence, to cut off from it man and beast:
22 Gayon ma'y, narito, doo'y maiiwan ang isang nalabi na ilalabas, mga anak na lalake at sangpu ng babae: narito, kanilang lalabasin kayo, at inyong makikita ang kanilang mga lakad at ang kanilang mga gawa; at kayo'y mangaaaliw tungkol sa kasamaan na aking pinasapit sa Jerusalem, tungkol sa lahat na aking pinasapit doon.
Still, behold, there are left therein some that escape who shall be carried forth, both sons and daughters; behold, they are coming forth unto you, and ye will see their way and their doings; and then will ye be comforted concerning the evil that I have brought upon Jerusalem, yea, concerning all that I have brought upon it;
23 At kanilang aaliwin kayo pagka nakikita ninyo ang kanilang lakad at ang kanilang mga gawa at inyong makikilala na hindi ko ginawang walang kadahilanan ang lahat na aking ginawa roon, sabi ng Panginoong Dios.
And they will comfort you, when ye see their way and their doings; and ye shall know that I have not done without cause all that I have executed in it, saith the Lord Eternal.

< Ezekiel 14 >