< Ezekiel 13 >

1 At ang salita ng Panginoon ay dumating sa akin, na nagsasabi,
И бысть слово Господне ко мне глаголя:
2 Anak ng tao, manghula ka laban sa mga propeta ng Israel na nanganghuhula, at sabihin mo sa kanila na nanganghuhula ng mula sa kanilang sariling puso, Pakinggan ninyo ang salita ng Panginoon:
сыне человечь, прорцы на пророки Израилевы прорицающыя и речеши пророком прорицающым от сердца своего, и прорцы и речеши к ним: слышите слово Господне,
3 Ganito ang sabi ng Panginoong Dios, Sa aba ng mga hangal na mga propeta, na nagsisisunod sa kanilang sariling diwa, at walang nakitang anoman!
сия глаголет Адонаи Господь: люте прорицающым от сердца своего, ходящым вслед духа своего, а отнюд не видящым.
4 Oh Israel, ang iyong mga propeta ay naging parang mga zorra sa mga gibang dako.
Якоже лисицы в пустыни, (тако) пророцы твои (быша), Израилю!
5 Kayo'y hindi sumampa sa mga sira, o iginawa man ninyo ng kuta ang sangbahayan ni Israel, upang siya'y makatayo sa pakikipagbaka sa kaarawan ng Panginoon.
Не сташа на тверди и собраша стада к дому Израилеву: не восташа глаголющии в день Господень,
6 Sila'y nangakakita ng walang kabuluhan, at sinungaling na panghuhula, na nagsasabi, Sabi ng Panginoon; at hindi sila sinugo ng Panginoon; at kanilang pinaasa ang mga tao na ang salita ay magiging totoo.
видящии ложная и волхвующии суетная, глаголюще: тако глаголет Господь, Господь же не посла их, и начаша возставляти слово.
7 Hindi baga kayo nakakita ng walang kabuluhang pangitain, at hindi baga kayo nagsalita ng kasinungalingang panghuhula, sa inyong pagsasabi, Sabi ng Panginoon; yamang hindi ko sinalita?
Не ложное ли убо видение видесте и волхвования суетная рекосте? И глаголете, рече Господь: Аз же не глаголах.
8 Kaya't ganito ang sabi ng Panginoong Dios, Sapagka't kayo'y nangagsasalita ng walang kabuluhan, at nangakakita ng mga kasinungalingan, kaya't, narito, ako'y laban sa inyo, sabi ng Panginoong Dios.
Сего ради рцы: сия глаголет Адонаи Господь: понеже словеса ваша лжива и волхвования ваша суетна, того ради, се, Аз на вы, глаголет Адонаи Господь,
9 At ang aking kamay ay magiging laban sa mga propeta na nangakakakita ng walang kabuluhan, at nanganghuhula ng mga kasinungalingan: sila'y hindi mapapasa kapulungan ng aking bayan, o masusulat man sa pasulatan ng sangbahayan ni Israel, o sila man ay magsisipasok sa lupain ng Israel; at inyong malalaman na ako ang Panginoong Dios.
и простру руку Мою на пророки видящыя лжу и провещавающыя суетная: в наказании людий Моих не будут, и в писании дому Израилева не впишутся, и в землю Израилеву не внидут, и уведят, яко Аз Адонаи Господь.
10 Sapagka't, sa makatuwid baga'y sapagka't kanilang hinikayat ang aking bayan, na nangagsabi, Kapayapaan; at walang kapayapaan; at pagka ang isa ay nagtatayo ng isang kuta, narito, kanilang tinatapalan ng masamang argamasa:
Понеже прельстиша людий Моих, глаголюще: мир, мир: и не бяше мира: и сей сограждает стену, а они помазуют ю, падется.
11 Sabihin mo sa kanila na nangagtatapal ng masamang argamasa, na yao'y mababagsak: magkakaroon ng bugso ng ulan; at kayo. Oh malalaking granizo, ay babagsak; at isang unos na hangin ay titibag niyaon.
Глаголи к помазующым ю: падется, и будет туча потопляющая, и дам камение стрельное в свузы их, и падутся, и ветр воздвижущь размещет, и разсядется.
12 Narito, pagka ang kuta ay nabagsak, hindi baga sasabihin sa inyo: Saan nandoon ang tapal na inyong itinapal?
И се, падеся стена, и не рекут ли к вам: где есть помазание ваше, имже помазасте?
13 Kaya't ganito ang sabi ng Panginoong Dios, Akin ngang titibagin ng unos na hangin sa aking kapusukan; at magkakaroon ng bugso ng ulan sa aking pagkagalit, at malalaking mga granizo sa kapusukan upang tunawin.
Того ради сия глаголет Адонаи Господь: и навергу бурю разоряющую со яростию, и туча потопляющи гневом Моим будет, и камение стрельное наведу яростию во скончание:
14 Gayon ko ibabagsak ang kuta na inyong tinapalan ng masamang argamasa, at aking ilalagpak sa lupa, na anopa't ang pinagsasaligan niyaon ay malilitaw: at mababagsak, at kayo'y malilipol sa gitna niyaon; at inyong malalaman na ako ang Panginoon.
и раскопаю стену, юже помазасте, и падется, и положу ю на земли, и открыются основания ея, и падется, и скончаетеся со обличением и познаете, яко Аз Господь:
15 Ganito ko wawakasan ang aking kapusukan sa kuta, at sa nangagtapal ng masamang argamasa; at sasabihin ko sa iyo, Ang kuta ay wala na, o ang nangagtatapal man;
и скончаю ярость Мою на стене и на помазующих ю, и падет. И рекох к вам: несть стены, ни помазующих ея,
16 Sa makatuwid baga'y ang mga propeta ng Israel, na nanganghuhula tungkol sa Jerusalem, at nangakakakita ng pangitaing kapayapaan para sa bayan, at walang kapayapaan, sabi ng Panginoong Dios.
пророцы Израилевы, прорицающии на Иерусалим и видящии ему мир, и несть мира, глаголет Адонаи Господь.
17 At ikaw, anak ng tao, itingin mo ang iyong mukha laban sa mga anak na babae ng iyong bayan, na nanganghuhula ng mula sa kanilang sariling puso; at manghula ka laban sa kanila,
И ты, сыне человечь, утверди лице твое на дщери людий твоих, на прорицающыя от сердца своего, и прорцы на них,
18 At iyong sabihin, ganito ang sabi ng Panginoong Dios, Sa aba ng mga babae na nangananahi ng mga unan sa lahat ng siko, at nagsisigawa ng mga lambong na ukol sa ulo ng iba't ibang sukat upang manghuli ng mga kaluluwa! Hahanapin baga ninyo ang mga kaluluwa ng aking bayan, at mangagliligtas na buhay ng mga kaluluwa sa ganang inyong sarili?
и речеши: сия глаголет Адонаи Господь: горе сшивающым возглавийцы под всякий лакоть руки и сотворяющым покрывала над всякую главу всякаго возраста, еже развратити душы: души развратишася людий Моих, и душ снабдеваху:
19 At inyong nilapastangan ako sa gitna ng aking bayan dahil sa mga dakot na cebada, at dahil sa mga putol ng tinapay, upang ipahamak ang mga kaluluwa na hindi marapat mamatay, at upang iligtas na buhay ang mga kaluluwa na hindi marapat mabuhay, sa pamamagitan ng inyong pagbubulaan sa aking bayan na nakikinig sa mga kasinungalingan.
и осквернавляху Мя у людий Моих, горсти ради ячмене и ради укруха хлеба, еже избити душы, имже не подобаше умрети, и оживити душы, имже не подобаше жити, провещающе людем Моим, послушающым лживых провещаний.
20 Kaya't ganito ang sabi ng Panginoong Dios, Narito, ako'y laban sa inyong mga unan, na inyong ipinanghahanap ng mga kaluluwa, na paliparin sila, at aking mga lalabnutin sa inyong mga kamay; at aking pawawalan ang mga kaluluwa, sa makatuwid baga'y ang mga kaluluwa na inyong hinahanap upang paliparin.
Сего ради сия глаголет Господь: се, Аз на возглавия ваша, имиже вы развращаете душы тамо: и отторгну я от мышцей ваших, и послю душы, яже вы развращасте душы их на разсыпание,
21 Ang inyo namang mga lambong ay aking lalabnutin, at ililigtas ko ang aking bayan sa inyong kamay, at hindi na sila mangapapasa inyong kamay na mahanap; at inyong malalaman na ako ang Panginoon.
и растерзаю покрывала ваша, и отиму люди Моя от руки вашея, и ктому не будут в руках ваших на развращение, и познаете, яко Аз Господь:
22 Sapagka't sa pamamagitan ng kasinungalingan ay inyong pinighati ang puso ng matuwid, na hindi ko pinalungkot, at inyong pinalakas ang kamay ng masama, upang huwag humiwalay sa kaniyang masamang lakad, at maligtas na buhay;
понеже развращасте сердце праведнаго неправедно, Аз же не развращах его, и укреплясте руце беззаконнику, еже отнюд не обратитися ему от пути его злаго и живу быти ему,
23 Kaya't hindi na kayo mangakakakita ng walang kabuluhang pangitain o manganghuhula man ng mga panghuhula: at aking ililigtas ang aking bayan mula sa inyong kamay; at inyong malalaman na ako ang Panginoon.
сего ради не узрите лжи, и волхвования ктому не имате волхвовати: и избавлю люди Моя от рук ваших, и увесте, яко Аз Господь.

< Ezekiel 13 >