< Ezekiel 12 >
1 Ang salita rin ng Panginoon ay dumating sa akin, na nagsasabi,
És lőn az Úrnak szava énhozzám, mondván:
2 Anak ng tao, ikaw ay tumatahan sa gitna ng mapanghimagsik na sangbahayan, na may mga mata na maititingin, at hindi nagsisitingin, na may mga pakinig na maipakikinig, at hindi nangakikinig; sapagka't sila'y isang mapanghimagsik na sangbahayan.
Embernek fia! pártos ház közepette lakol, kiknek szemeik vannak a látásra, de nem látnak, füleik vannak a hallásra, de nem hallanak, mert ők pártos ház.
3 Kaya't ikaw na anak ng tao, maghanda ka ng daladalahan sa paglipat, at ikaw ay lumipat sa araw sa kanilang paningin; at ikaw ay lumipat mula sa iyong dako hanggang sa ibang dako sa kanilang paningin: baka sakaling sila'y magbulay, bagaman sila'y mapanghimagsik na sangbahayan.
És te, embernek fia, készíts magadnak vándorútra való eszközöket, és vándorolj ki nappal szemeik előtt, és vándorolj ki helyedről más helyre szemök láttára; talán meglátják! mert ők pártos ház.
4 At iyong ilalabas ang iyong daladalahan sa araw sa kanilang paningin, na parang daladalahan sa paglipat; at ikaw ay lalabas sa hapon sa kanilang paningin, na gaya ng kung ang mga tao ay nangapasasa pagkatapon.
És vidd ki eszközeidet, úgy, mint vándorútra való eszközöket, nappal szemök láttára, te pedig menj ki estve szemök láttára, úgy a hogy a vándorok szoktak.
5 Bumutas ka sa pader sa kanilang paningin, at iyong ilabas doon.
Szemök láttára lyukaszd át a falat, és azon át vidd ki.
6 Sa kanilang paningin ay iyong papasanin sa iyong balikat, at ilalabas sa pagdilim; iyong tatakpan ang iyong mukha, upang huwag mong makita ang lupa: sapagka't inilagay kita na pinakatanda sa sangbahayan ni Israel.
Szemök láttára emeld válladra, a sötétben vidd ki, orczádat fedd be, hogy ne lásd a földet, mert csodajelül rendeltelek az Izráel házának.
7 At aking ginawang gayon na gaya ng iniutos sa akin: aking inilabas ang aking daladalahan sa araw, na gaya ng daladalahan sa paglipat, at sa hapon ay bumutas ako ng aking kamay sa pader; aking inilabas sa dilim, at pinasan ko sa aking balikat sa kanilang paningin.
Úgy cselekedtem azért, a mint parancsolva vala nékem; eszközeimet kihordám nappal, mint vándorútra való eszközöket, és este átlyukasztám a falat kezemmel; a sötétben kivivém, vállamra emelém szemök láttára.
8 At nang kinaumagahan ay dumating ang salita ng Panginoon sa akin, na nagsasabi,
És lőn az Úr beszéde én hozzám reggel, mondván:
9 Anak ng tao, hindi baga ang sangbahayan ni Israel na mapanghimagsik na sangbahayan, ay nagsabi sa iyo, Anong ginagawa mo?
Embernek fia! Nem mondta-é néked Izráel háza, ez a pártos ház: mit cselekszel?
10 Sabihin mo sa kanila, Ganito ang sabi ng Panginoong Dios, Ang hulang ito ay tungkol sa prinsipe sa Jerusalem, at sa buong sangbahayan ni Israel na kinalalakipan nila.
Mondjad nékik: Így szól az Úr Isten: a fejedelemnek szól ez a próféczia, ki Jeruzsálemben van, és Izráel egész házának, a mely ott lakozik.
11 Sabihin mo, Ako'y inyong tanda: kung ano ang aking ginawa, gayon ang gagawin sa kanila: sila'y mapapasa pagkatapon, sa pagkabihag.
Mondjad: Én csodajeletek vagyok; a mint én cselekedtem, úgy történik velök: fogságba, rabságra mennek.
12 At ang prinsipe na nasa gitna nila ay magpapasan sa kaniyang balikat sa pagdilim, at lalabas: sila'y magsisibutas sa pader upang ilabas doon: siya'y magtatakip ng kaniyang mukha, sapagka't hindi niya makikita ang lupa ng kaniyang mga mata.
És a fejedelem, ki közöttök van, vállát megrakván a sötétben, kimegyen; a falat átlyukasztják, hogy így vigyék ki őt, orczáit befedi, hogy ne lássa szemeivel épen ő a földet.
13 Ang akin namang panilo ay aking ilaladlad sa kaniya, at siya'y mahuhuli sa aking silo; at aking dadalhin siya sa Babilonia sa lupain ng mga Caldeo; gayon ma'y hindi niya makikita, bagaman siya'y mamamatay roon.
És kiterjesztem hálómat ellene, és megfogatik varsámban, és elviszem őt Bábelbe a Káldeusok földére, de azt nem fogja látni, és ott fog meghalni.
14 At aking pangangalatin sa bawa't dako ang lahat na nangasa palibot niya na nagsisitulong sa kaniya, at ang lahat niyang mga pulutong; at aking huhugutin ang tabak sa likuran nila.
És mindeneket, kik körülte vannak az ő segítségére, és minden seregeit szélnek szórom mindenfelé, és kardot vonok utánok.
15 At kanilang malalaman na ako ang Panginoon, pagka sila'y aking pinanabog sa gitna ng mga bansa, at aking pinangalat sa mga lupain.
És megtudják, hogy én vagyok az Úr, mikor eloszlatom őket a pogányok közé, és szétszórom őket a tartományokba.
16 Nguni't magiiwan ako ng kaunting lalake sa kanila, na maiiwan ng tabak, ng kagutom, at ng salot, upang kanilang maipahayag ang lahat na kanilang kasuklamsuklam sa gitna ng mga bansa na kanilang pinaroroonan; at kanilang malalaman na ako ang Panginoon.
De meghagyok közülök kevés férfiakat a fegyvertől, éhségtől s döghaláltól, hogy elbeszéljék minden útálatosságukat a pogányok közt, a kik közé mennek, s hogy megtudják, hogy én vagyok az Úr.
17 Bukod dito'y ang salita ng Panginoon ay dumating sa akin, na nagsasabi,
És lőn az Úr beszéde hozzám, mondván:
18 Anak ng tao, kanin mo ang iyong tinapay na may panginginig, at inumin mo ang iyong tubig na may pangangatal at may pagkatakot;
Embernek fia! kenyeredet rettegéssel egyed, és vizedet reszketéssel és félelemmel igyad.
19 At sabihin mo sa bayan ng lupain, Ganito ang sabi ng Panginoong Dios tungkol sa mga nananahan sa Jerusalem, at sa lupain ng Israel. Sila'y magsisikain ng kanilang tinapay na may pagkatakot, at nanglulupaypay na iinom ng tubig, upang ang kaniyang lupain ay masira na mawawalan ng lahat na nandoon, dahil sa pangdadahas nilang lahat na nagsisitahan doon.
És szólj a föld népének: Ezt mondja az Úr Isten Jeruzsálem lakóiról, Izráel földjéről: kenyeröket félelemmel eszik és vizöket ájulással iszszák, hogy pusztaságra vetkőzzék földje bőségéből minden lakói álnoksága miatt.
20 At ang mga bayan na tinatahanan ay mawawasak, at ang lupain ay masisira; at inyong malalaman na ako ang Panginoon.
És a lakott városok elpusztulnak s a föld pusztaság lesz és megtudjátok, hogy én vagyok az Úr.
21 At ang salita ng Panginoon ay dumating sa akin, na nagsasabi,
És lőn az Úr beszéde hozzám, mondván:
22 Anak ng tao, ano ang kawikaang ito na sinasambit ninyo sa lupain ng Israel, na sinasabi, Ang mga kaarawan ay tumatagal, at ang bawa't pangitain ay nabubulaanan?
Embernek fia! micsoda közmondástok van néktek Izráel földjén? hogy azt mondják: a napok csak haladnak, ám semmivé lesz minden látás.
23 Saysayin mo nga sa kanila, Ganito ang sabi ng Panginoong Dios, Aking papaglilikatin ang kawikaang ito, at hindi na sasambitin pang parang kawikaan sa Israel; kundi sabihin mo nga sa kanila, Ang mga kaarawan ay malapit na, at ang pagtupad ng lahat na pangitain.
Ezokért mondd nékik: Ezt mondja az Úr Isten: Megszüntetem e közmondást és nem mondogatják azt többé Izráelben, sőt inkább mondd nékik: elközelgettek a napok, és minden látás teljesül.
24 Sapagka't hindi na magkakaroon pa ng walang kabuluhang pangitain o ng di tunay na panghuhula sa loob ng sangbahayan ni Israel.
Mert nem lesz többé semmi hiábavaló látás és hizelgő jövendölgetés Izráel házának közepette.
25 Sapagka't ako ang Panginoon: ako'y magsasalita, at ang salita na aking sasalitain ay matutupad: hindi na magluluwat pa: sapagka't sa inyong mga kaarawan, Oh mapanghimagsik na sangbahayan, aking sasalitain ang salita, at aking tutuparin, sabi ng Panginoong Dios.
Mert én szólok, az Úr; s a mely szót szólok, meglészen, nem halad tovább. Mert a ti napjaitokban, pártos ház, szólok egy szót és megcselekszem, ezt mondja az Úr Isten!
26 Muling ang salita ng Panginoon ay dumating sa akin, na nagsasabi,
És lőn az Úr beszéde hozzám, mondván:
27 Anak ng tao, narito, silang nasa sangbahayan ni Israel ay nagsasabi, Ang pangitain na kaniyang nakikita ay sa malaong mga araw na darating, at nanghuhula ng mga panahong malayo.
Embernek fia! ímé, Izráel háza ezt mondja: A látás, melyet ez lát, sok napra való, és messze időkre prófétál ő.
28 Kaya't sabihin mo sa kanila, Ganito ang sabi ng Panginoong Dios, Wala nang magluluwat pa sa aking mga salita, kundi ang salita na aking sasalitain ay matutupad, sabi ng Panginoon.
Ezokért mondjad nékik: Így szól az Úr Isten: Nem halad tovább semmi én beszédem; a mit szólok, az a szó meglészen, ezt mondja az Úr Isten.