< Exodo 32 >

1 At nang makita ng bayan na nagluluwat si Moises ng pagpanaog sa bundok, ay nagpipisan ang bayan kay Aaron, at nagsabi sa kaniya, Tumindig ka at igawa mo kami ng mga dios na mangunguna sa amin; sapagka't tungkol sa Moises na ito, na lalaking nagsampa sa amin mula sa lupain ng Egipto, ay hindi namin maalaman kung anong nangyari sa kaniya.
And, when the people saw that Moses delayed to come down out of the mount, the people gathered themselves together unto Aaron, and said unto him—Up, make for us gods, who shall go before us, for, as for this Moses—the man who brought us up out of the land of Egypt, we know not what hath befallen him.
2 At sinabi ni Aaron sa kanila, Alisin ninyo ang mga hikaw na ginto, na nasa tainga ng inyo-inyong asawa, ng inyong mga anak na lalake, at babae, at dalhin ninyo sa akin.
And Aaron said unto them, Break off the rings of gold, which are in the ears of your wives, of your sons and of your daughters, —and bring them unto me.
3 At inalis ng buong bayan ang mga hikaw na ginto na nangasa kanilang mga tainga, at dinala kay Aaron.
And all the people of themselves brake off the rings of gold which were in their ears, and brought them unto Aaron.
4 At kaniyang tinanggap sa kanilang kamay, at niyari sa pamamagitan ng isang buril, at ginawang isang guyang binubo, at kanilang sinabi, Ang mga ito ang maging iyong mga dios, Oh Israel, na nagsampa sa iyo mula sa lupain ng Egipto.
And he received [the gold] at their hand, and fashioned it with a graving tool, and made it a molten calf, and they said—These, are thy gods, O Israel, who brought thee up, out of the land of Egypt.
5 At nang makita ito ni Aaron, ay nagtayo siya ng isang dambana sa harapan niyaon: at itinanyag ni Aaron at sinabi, Bukas ay pista sa Panginoon.
And when Aaron saw it, he built an altar before it. And Aaron made proclamation, and said, A festival to Yahweh, to-morrow!
6 At sila'y bumangong maaga nang kinabukasan, at naghandog ng mga handog na susunugin, at nagdala ng mga handog tungkol sa kapayapaan; at ang bayan ay umupong kumain at uminom, at tumindig upang magkatuwa.
So they rose up early, on the morrow, and offered ascending-sacrifices, and brought near peace-offerings, and the people sat down, to eat and to drink, and then rose up—to make sport!
7 At sinalita ng Panginoon kay Moises, Yumaon ka, bumaba ka, sapagka't ang iyong bayan, na iyong isinampa mula sa lupain ng Egipto ay nangagsisama:
Then spake Yahweh unto Moses—Go get thee down, for thy people whom thou hast brought up out of the land of Egypt have corrupted themselves.
8 Sila'y humiwalay na madali sa daan na aking iniutos sa kanila: sila'y gumawa ng isang guyang binubo, at kanilang sinamba, at kanilang hinainan, at kanilang sinabi, Ang mga ito'y iyong maging mga dios, Oh Israel, na nagsampa sa iyo mula sa lupain ng Egipto.
They have turned aside quickly out of the way which I commanded them, they have made for themselves—a molten calf, and have bowed themselves down thereto and have sacrificed thereto, and have said. These, are thy gods, O Israel, who have brought thee up out of the land of Egypt.
9 At sinabi ng Panginoon kay Moises, Aking nakita ang bayang ito, at, narito, isang bayang may matigas na ulo;
So then Yahweh said unto Moses, —I have looked on this people, and lo! a stiff-necked people, it is.
10 Ngayo'y bayaan mo nga ako upang ang aking pagiinit ay magalab laban sa kanila, at upang aking lipulin sila: at ikaw ay aking gagawing dakilang bansa.
Now, therefore, let me alone, that mine anger may kindle upon them and that I may consume them, and may make of thee a great nation.
11 At dumalangin si Moises sa Panginoon niyang Dios, at sinabi, Panginoon, bakit ang iyong pagiinit ay pinapagaalab mo laban sa iyong bayan, na iyong inilabas sa lupain ng Egipto sa pamamagitan ng dakilang kapangyarihan at ng makapangyarihang kamay?
And Moses besought the face of Yahweh his God, —and said—Wherefore, O Yahweh, should thine anger kindle upon thy people, whom thou hast brought forth out of the land of Egypt with great might and with a firm hand?
12 Bakit sasalitain ng mga Egipcio, na sasabihin, Dahil sa kasamaan, inilabas sila upang patayin sila sa mga bundok, at upang lipulin sila sa balat ng lupa? Iurong mo ang iyong mabangis na pagiinit, at pagsisihan mo ang kasamaang ito laban sa iyong bayan.
Wherefore should the Egyptians speak saying—For mischief, hath he taken them forth to slay them among the mountains, and to make an end of them from off the face of the ground? Turn thou from the kindling of thine anger, and be grieved over the calamity to thy people,
13 Alalahanin mo si Abraham, si Isaac, at si Israel na iyong mga lingkod, na silang iyong mga sinumpaan sa iyong sarili, at mga pinagsabihan, Aking pararamihin ang inyong binhi na gaya ng mga bituin sa langit, at lahat ng lupaing ito na aking sinalita ay aking ibibigay sa inyong binhi, at kanilang mamanahin magpakailan man.
Have remembrance of Abraham, of Isaac and of Israel thy servants to whom thou didst swear by thyself, and didst speak unto them saying, I will multiply your seed, as the stars of the heavens, —and, all this land of which I have spoken, will I give to your seed, and they shall inherit it to times age-abiding.
14 At pinagsisihan ng Panginoon ang kasamaan na kaniyang sinabing kaniyang gagawin sa kaniyang bayan.
So then Yahweh was grieved, —over the calamity—which he had spoken of inflicting on his people.
15 At si Moises ay pumihit, at bumaba sa bundok, na dala ang dalawang tapyas ng patotoo sa kaniyang kamay; mga tapyas na may sulat sa dalawang mukha niyaon; sa isang mukha at sa kabilang mukha ay may sulat.
And Moses turned and went down out of the mount, with the two tables of testimony in his hand, —tables written upon on both sides of them, on this and on that, were they written.
16 At ang mga tapyas ay gawa ng Dios, at ang sulat ay sulat ng Dios, na nakaukit sa mga tapyas.
Now as for, the tables, the work of God, they were, —and, as for the writing, the writing of God, it was, graven upon the tables.
17 At ng marinig ni Josue ang ingay ng bayan na humihiyaw, ay sinabi kay Moises, May ingay ng pagbabaka sa kampamento.
And Joshua heard the noise of the people as they shouted, —so he said unto Moses—The noise of war, in the camp!
18 At kaniyang sinabi, Hindi ingay ng pagtatagumpay, o ingay man ng pagkatalo, kundi ingay ng mga umaawit ang aking naririnig.
But he said—Not the noise of the cry of heroism, nor yet the noise of the cry of defeat, —the noise of alternate song, do I hear.
19 At nangyari paglapit niya sa kampamento, na kaniyang nakita ang guya at ang sayawan; at ang galit ni Moises ay naginit at kaniyang inihagis ang mga tapyas na nasa kaniyang mga kamay at nangasira sa paanan ng bundok.
And it came to pass when he drew near unto the camp, and saw the calf, and the dancings, that the anger of Moses kindled, and he cast out of his hands the tables, and brake them in pieces at the foot of the mountain.
20 At kaniyang kinuha ang guya na kanilang ginawa, at sinunog ng apoy, at giniling hanggang sa naging alabok, at isinaboy sa ibabaw ng tubig, at ipinainom sa mga anak ni Israel.
Then took he the calf which they had made and burned it in the fire, and ground it till it became powder, and strewed it on the face of the waters, and made the sons of Israel drink.
21 At sinabi ni Moises kay Aaron, Anong ginawa ng bayang ito sa iyo, na dinalhan mo sila ng isang malaking sala?
And Moses said unto Aaron, What had this people done to thee, —that thou shouldst have brought upon them a great sin?
22 At sinabi ni Aaron, Huwag maginit ang galit ng aking panginoon: iyong kilala ang bayan, na sila'y mahilig sa kasamaan.
And Aaron said, Let not the anger of my lord kindle, —thou thyself, knowest the people, that ready for mischief, they are.
23 Sapagka't kanilang sinabi sa akin, Igawa mo kami ng mga dios na mangunguna sa amin: sapagka't tungkol sa Moises na ito, na lalaking nagsampa sa amin mula sa lupain ng Egipto ay hindi namin maalaman kung anong nangyari sa kaniya.
So they said to me—Make for us gods, who shall go before us, —for, as for this, Moses—the man who brought us up out of the land of Egypt, we know not what hath befallen him.
24 At aking sinabi sa kanila, Sinomang may ginto, ay magalis; na anopa't kanilang ibinigay sa akin: at aking inihagis sa apoy at lumabas ang guyang ito.
And I said to them—Whosoever hath gold let them break it off, So they gave it to me, —and I cast it into the fire, and there came out—this calf.
25 At nang makita ni Moises na ang bayan ay nakakawala; sapagka't pinabayaan ni Aarong makawala ng maging isang kabiruan sa gitna ng kanilang mga kaaway:
And Moses saw the people, that unbridled, they were, —for Aaron had given them the rein, for a whispering, among their enemies.
26 Ay tumayo nga si Moises sa pintuang-daan ng kampamento, at nagsabi, Sinomang sa Panginoon ang kiling ay lumapit sa akin. At lahat ng mga anak ni Levi ay nagpipisan sa kaniya.
So Moses took his stand in the gate of the camp, and said—Who is for Yahweh? …To me! Then gathered unto him all the sons of Levi,
27 At sinabi niya sa kanila, Ganito ang sabi ng Panginoon, ng Dios ng Israel: Ipatong ng bawa't lalake ang kaniyang tabak sa kaniyang hita, at yumaon kayong paroo't parito sa mga pintuang-daan, sa buong kampamento, at patayin ng bawa't lalake ang kaniyang kapatid na lalake, at ng bawa't lalake ang kaniyang kasama, at ng bawa't lalake ang kaniyang kapuwa.
And he said to them—Thus, saith Yahweh, God of Israel, Put ye every man his sword upon his thigh, —pass through and return from gate to gate in the camp, and slay ye every man his brother and every man his friend and every man his neighbour.
28 At ginawa ng mga anak ni Levi ang ayon sa salita ni Moises: at nabuwal sa bayan ng araw na yaon, ang may tatlong libong katao.
So the sons of Levi did, according to the word of Moses, —and there fell from among the people on that day, about three thousand men.
29 At sinabi ni Moises, Italaga ninyo ang inyong sarili ngayon sa Panginoon, oo, bawa't lalake laban sa kaniyang anak na lalake, at laban sa kaniyang kapatid na lalake, upang kaniyang ipagkaloob sa inyo ang pagpapala sa araw na ito.
And Moses said—Install yourselves to-day, unto Yahweh, yea every man for his son and for his brother, —so will he bestow upon you to-day, a blessing.
30 At nangyari ng kinabukasan, na sinabi ni Moises sa bayan, Kayo'y nagkasala ng malaking kasalanan: at ngayo'y sasampahin ko ang Panginoon; marahil ay aking matutubos ang inyong kasalanan.
And it came to pass, on the morrow, that Moses said unto the people, Ye, have sinned a great sin, —Now, therefore, I must go up unto Yahweh, Peradventure, I may make a propitiatory-covering for your sin.
31 At bumalik si Moises sa Panginoon, at nagsabi, Oh, ang bayang ito'y nagkasala ng malaking kasalanan, at gumawa sila ng mga dios na ginto.
So Moses returned unto Yahweh, and said, —Oh now, this people hath sinned a great sin, and they have made for themselves—gods of gold.
32 Gayon ma'y ngayon, kung iyong ipatatawad ang kanilang kasalanan; at kung hindi, ay alisin mo ako, isinasamo ko sa iyo, sa iyong aklat na sinulat mo.
Now, therefore, if thou wilt forgive their sin, …but if not, blot me I pray thee out of thy book, which thou hast written,
33 At sinabi ng Panginoon kay Moises, Ang magkasala laban sa akin ay siya kong aalisin sa aking aklat.
And Yahweh said unto Moses, —Him who hath sinned against me, must I blot out of my book.
34 At ngayo'y yumaon ka, iyong patnubayan ang bayan sa dakong aking sinalita sa iyo: narito, ang aking anghel ay magpapauna sa iyo: gayon ma'y sa araw na aking dalawin sila ay aking dadalawin ang kanilang kasalanang ipinagkasala nila.
Now, therefore, go lead the people to the place of which I spake to thee, lo! my messenger, shall go before thee, —But, in the day when I do visit, then will I visit upon them their sin.
35 At sinaktan nga ng Panginoon ang bayan, sapagka't kanilang ginawa ang guya na ginawa ni Aaron.
And Yahweh plagued the people, —for what they had done with the calf, which Aaron made.

< Exodo 32 >