< Exodo 31 >

1 At ang Panginoon ay nagsalita kay Moises, na sinasabi,
Nagsalita si Yahweh kay Moises,
2 Tingnan mo aking tinawag sa pangalan si Bezaleel na anak ni Uri, na anak ni Hur, sa lipi ni Juda:
“Tingnan mo, tinawag ko sa pangalan si Bezalel anak na lalaki ni Uri na anak na lalaki ni Hur, mula sa lipi ni Juda.
3 At aking pinuspos siya ng Espiritu ng Dios, sa karunungan at pagkakilala, at kaalaman, at sa lahat ng sarisaring gawain,
Pinuno ko si Bezalel ng aking Espiritu, para bigyan siya ng karunungan, pang-unawa, at kaalaman, para sa lahat ng uri ng gawain,
4 Upang kumatha ng mga gawang kaayaaya, upang gumawa sa ginto, at sa pilak, at sa tanso,
para gumawa ng pang-sining na mga disenyo at para sa paggawa sa ginto, pilak, at tanso;
5 At upang umukit ng mga batong pangkalupkop, upang gumawa ng mga nililok na kahoy, at upang gumawa sa lahat na sarisaring gawain.
para rin sa pagputol at paglagay ng mga bato at para sa pang-ukit ng kahoy-para gawin ang lahat ng uri ng gawain.
6 At ako, narito, aking inihalal na kasama niya si Aholiab, na anak ni Ahisamac sa lipi ni Dan; at sa puso ng lahat na maalam na puso, ay aking isinilid ang karunungan, upang magawa nila ang lahat ng aking iniutos sa iyo:
Bukod sa kaniya, hinirang ko si Oholiab anak na lalaki ni Ahisamach, mula sa lipi ni Dan. Nilagyan ko ng kasanayan ang mga puso ng mga matalinong tao kaya magagawa nila ang lahat ng pag-uutos ko sa iyo. Kabilang dito
7 Ang tabernakulo ng kapisanan at ang kaban ng patotoo, at ang luklukan ng awa na nasa ibabaw niyaon, at ang lahat ng kasangkapan ng Tolda:
ang tolda ng pagpupulong, ang kaban ng tipan ng kautusan, ang takip ng luklukan ng awa na nasa kaban, at ang lahat na kasangkapan ng tolda-
8 At ang dulang at ang mga sisidlan niyaon at ang kandelerong dalisay, sangpu ng lahat na mga sisidlan; at ang dambana ng kamangyan;
ang mesa at ang mga kagamitan nito, ang purong ilawan kasama ang mga kagamitan nito, ang altar ng incenso,
9 At ang dambana ng handog na susunugin sangpu ng lahat ng mga sisidlan niyaon, at ang hugasan at ang tungtungan niyaon;
ang altar para sa mga sinunog na handog kasama ang lahat ng kasangkapan nito, at ang malaking palanggana kasama ang paanan nito.
10 At ang mga kasuutang mabuting yari, at ang mga banal na kasuutan na pangsuot kay Aarong saserdote, at ang mga kasuutan sa kaniyang mga anak, upang mangasiwa sa katungkulang saserdote;
Kabilang din dito ang hinabing pinong pananamit, ang mga banal na pananamit para kay Aaron ang pari at sa kaniyang mga anak na lalaki, na nakalaan para sa akin kaya sila ay maglilingkod bilang mga pari.
11 At ang langis na pangpahid, at ang kamangyan na mabangong mga kamangyan na itataan sa dakong banal: ayon sa lahat na iniutos ko sa iyo ay kanilang gagawin.
Kabilang din ang langis na pangpahid at ang mabangong insenso para sa banal na lugar. Gagawin ng mga manggagawang ito ang lahat ng bagay na aking inutos sa iyo.”
12 At ang Panginoo'y nagsalita kay Moises, na sinasabi,
Nagsalita si Yahweh kay Moises,
13 Salitain mo rin sa mga anak ni Israel, na iyong sabihin, Katotohanang ipangingilin ninyo ang aking mga sabbath; sapagka't isang tanda sa akin at sa inyo sa buong panahon ng inyong mga lahi, upang inyong makilala na ako ang Panginoon na nagpapabanal sa inyo.
“Sabihin mo sa mga Israelita: 'Dapat ninyong panatilihing tiyak ang mga Araw ng Pamamahinga ni Yahweh, dahil ito ang magiging tanda sa pagitan niya at sa inyo sa buong salinlahi ng iyong bayan kaya malalaman ninyo na siya ay si Yahweh, siyang nagtakda sa iyo para sa kaniya.
14 Inyong ipangingilin ang sabbath nga; sapagka't yao'y pangilin sa inyo: bawa't lumapastangan ay walang pagsalang papatayin: sapagka't sinomang gumawa ng anomang gawa sa araw na yaon, ay ihihiwalay ang taong yaon sa kaniyang bayan.
Kaya dapat ninyong panatiliin ang Araw ng Pamamahinga, para dapat ninyong ituring ito bilang banal, na nakalaan para sa kaniya. Bawat isa na dumungis dito ay dapat talagang mamatay. Kung sinuman ang gumagawa sa Araw ng Pamamahinga, ang taong iyan ay tiyak na dapat putulin mula sa kaniyang bayan.
15 Anim na araw na gagawin ang gawain; datapuwa't ang ikapitong araw ay sabbath na takdang kapahingahan, pangilin sa Panginoon: sinomang gumawa ng anomang gawa sa araw ng sabbath, ay walang pagsalang papatayin.
Ang gawain ay natapos ng anim na araw, pero ang ikapitong araw ay magiging isang Araw ng Pamamahinga ng ganap na pamamahinga, banal, nakalaan para sa karangalan ni Yahweh. Sinuman ang gumagawa ng kahit anong gawain sa Araw ng Pamamahinga ay dapat siguraduhing malagay sa kamatayan.
16 Kaya't ang mga anak ni Israel ay mangingilin ng sabbath, na tutuparin ang sabbath sa buong panahon ng kanilang mga lahi, na pinakapalaging tipan.
Kaya ang mga Israelita ay dapat panatilihin ang Araw ng Pamamahinga. Dapat nilang suriin ito saanman sa salinlahi ng kanilang bayan bilang isang palagiang batas.
17 Ito'y isang tanda sa akin at sa mga anak ni Israel magpakailan man: sapagka't sa anim na araw ay ginawa ng Panginoon ang langit at lupa, at sa ikapitong araw, ay nagpahinga at naginhawahan.
Ang Araw ng Pamamahinga ay laging magiging isang tanda sa pagitan ni Yahweh at ng mga Israelita, dahil sa anim na araw na ginawa ni Yahweh ang langit at lupa, at sa ikapitong araw siya ay nagpahinga at naginhawaan.”'
18 At kaniyang ibinigay kay Moises, pagkatapos na makipagsalitaan sa kaniya sa ibabaw ng bundok ng Sinai, ang dalawang tapyas ng patotoo, na mga tapyas na bato, na sinulatan ng daliri ng Dios.
Nang matapos makipag-usap ni Yahweh kay Moises sa bundok ng Sinai, binigyan niya siya ng dalawang tipak ng bato ng tipan ng mga kautusan, gawa sa bato, nakasulat sa pamamagitan ng kaniyang sariling kamay.

< Exodo 31 >