< Exodo 25 >

1 At ang Panginoon ay nagsalita kay Moises, na sinasabi,
主はモーセに言われた、
2 Salitain mo sa mga anak ni Israel, na sila'y magdala sa akin ng isang handog: ang bawa't tao na maganyak ang puso sa kagandahang loob ay kukunan ninyo ng handog sa akin.
「イスラエルの人々に告げて、わたしのためにささげ物を携えてこさせなさい。すべて、心から喜んでする者から、わたしにささげる物を受け取りなさい。
3 At ito ang handog na inyong kukunin sa kanila; ginto, at pilak, at tanso;
あなたがたが彼らから受け取るべきささげ物はこれである。すなわち金、銀、青銅、
4 At kayong bughaw, kulay-ube, at pula, at lino at balahibo ng kambing;
青糸、紫糸、緋糸、亜麻の撚糸、やぎの毛糸、
5 At mga balat ng lalaking tupa na tinina sa pula, at mga balat ng poka, at kahoy na akasia;
あかね染の雄羊の皮、じゅごんの皮、アカシヤ材、
6 Langis sa ilawan, mga espesia sa langis na pangpahid, at sa mabangong pangsuob;
ともし油、注ぎ油と香ばしい薫香のための香料、
7 Mga batong onix, at mga batong pangkalupkop sa efod, at sa pektoral.
縞めのう、エポデと胸当にはめる宝石。
8 At kanilang igawa ako ng isang santuario; upang ako'y makatahan sa gitna nila.
また、彼らにわたしのために聖所を造らせなさい。わたしが彼らのうちに住むためである。
9 Ayon sa lahat ng aking ipinakita sa iyo, sa anyo ng tabernakulo at sa anyo ng lahat ng kasangkapan niyaon ay gayon ninyo gagawin.
すべてあなたに示す幕屋の型および、そのもろもろの器の型に従って、これを造らなければならない。
10 At sila'y gagawa ng isang kaban na kahoy na akasia: na may dalawang siko't kalahati ang haba niyaon, at may isang siko't kalahati ang luwang niyaon, at may isang siko't kalahati ang taas niyaon.
彼らはアカシヤ材で箱を造らなければならない。長さは二キュビト半、幅は一キュビト半、高さは一キュビト半。
11 At iyong babalutin ng taganas na ginto; sa loob at sa labas ay iyong babalutin, at igagawa mo sa ibabaw ng isang kornisa sa palibot.
あなたは純金でこれをおおわなければならない。すなわち内外ともにこれをおおい、その上の周囲に金の飾り縁を造らなければならない。
12 At ipagbububo mo ng apat na argolyang ginto, at ipaglalagay mo sa apat na paa niyaon, at dalawang argolya ang mapapasa isang tagiliran niyaon, at dalawang argolya sa kabilang tagiliran niyaon.
また金の環四つを鋳て、その四すみに取り付けなければならない。すなわち二つの環をこちら側に、二つの環をあちら側に付けなければならない。
13 At gagawa ka ng mga pingga na kahoy na akasia at iyong babalutin ng ginto.
またアカシヤ材のさおを造り、金でこれをおおわなければならない。
14 At iyong isusuot ang mga pingga sa loob ng mga argolya, sa mga tagiliran ng kaban, upang mabuhat ang kaban.
そしてそのさおを箱の側面の環に通し、それで箱をかつがなければならない。
15 Ang mga pingga ay masusuot sa loob ng mga argolya ng kaban: hindi aalisin doon.
さおは箱の環に差して置き、それを抜き放してはならない。
16 At iyong isisilid sa kaban ang mga kinalalagdaan ng patotoo na aking ibibigay sa iyo.
そしてその箱に、わたしがあなたに与えるあかしの板を納めなければならない。
17 At gagawa ka ng isang luklukan ng awa, na taganas na ginto: na may dalawang siko't kalahati ang haba niyaon, at may isang siko't kalahati ang luwang niyaon.
また純金の贖罪所を造らなければならない。長さは二キュビト半、幅は一キュビト半。
18 At gagawa ka ng dalawang querubing ginto; na yari sa pamukpok iyong gagawin, sa dalawang dulo ng luklukan ng awa.
また二つの金のケルビムを造らなければならない。これを打物造りとし、贖罪所の両端に置かなければならない。
19 At gawin mo ang isang querubin sa isang dulo, at ang isang querubin sa kabilang dulo: kaputol ng luklukan ng awa, gagawin mo ang mga querubin sa dalawang dulo niyaon.
一つのケルブをこの端に、一つのケルブをかの端に造り、ケルビムを贖罪所の一部としてその両端に造らなければならない。
20 At ibubuka ng mga querubin ang kanilang pakpak na paitaas, na nilililiman ang luklukan ng awa, ng kanilang mga pakpak, na ang kanilang mukha ay nagkakaharap, sa dakong luklukan ng awa ihaharap ang mga mukha ng mga querubin.
ケルビムは翼を高く伸べ、その翼をもって贖罪所をおおい、顔は互にむかい合い、ケルビムの顔は贖罪所にむかわなければならない。
21 At iyong ilalagay ang luklukan ng awa sa ibabaw ng kaban; at sa loob ng kaban, ay iyong ilalagay ang mga kinalalagdaan ng patotoo, na aking ibibigay sa iyo.
あなたは贖罪所を箱の上に置き、箱の中にはわたしが授けるあかしの板を納めなければならない。
22 At diya'y makikipagkita ako sa iyo, at makikipanayam sa iyo mula sa ibabaw ng luklukan ng awa, sa gitna ng dalawang querubin na nangasa ibabaw ng kaban ng patotoo, tungkol sa lahat ng mga bagay na ibibigay ko sa iyong utos sa mga anak ni Israel.
その所でわたしはあなたに会い、贖罪所の上から、あかしの箱の上にある二つのケルビムの間から、イスラエルの人々のために、わたしが命じようとするもろもろの事を、あなたに語るであろう。
23 At gagawa ka ng isang dulang na kahoy na akasia: na may dalawang siko ang haba niyaon, at isang siko ang luwang niyaon, at isang siko't kalahati ang taas niyaon.
あなたはまたアカシヤ材の机を造らなければならない。長さは二キュビト、幅は一キュビト、高さは一キュビト半。
24 At iyong babalutin ng taganas na ginto, at igagawa mo ng isang kornisang ginto sa palibot.
純金でこれをおおい、周囲に金の飾り縁を造り、
25 At igagawa mo ng isang gilid na may isang palad ng kamay ang luwang sa palibot, at igagawa mo ng isang kornisang ginto ang palibot ng gilid niyaon.
またその周囲に手幅の棧を造り、その棧の周囲に金の飾り縁を造らなければならない。
26 At igagawa mo ng apat na argolyang ginto, at ilalagay mo ang mga argolya sa apat na sulok na ukol sa apat na paa niyaon.
また、そのために金の環四つを造り、その四つの足のすみ四か所にその環を取り付けなければならない。
27 Malalapit sa gilid ang mga argolya, sa daraanan ng mga pingga, upang madala ang dulang.
環は棧のわきに付けて、机をかつぐさおを入れる所としなければならない。
28 At gagawin mo ang mga pingga na kahoy na akasia, at iyong babalutin ng ginto, upang ang dulang ay madala ng mga yaon.
またアカシヤ材のさおを造り、金でこれをおおい、それをもって、机をかつがなければならない。
29 At gagawa ka ng mga pinggan niyaon, at ng mga kutsara niyaon, at ng mga kopa niyaon, at ng mga tasa niyaon na pagbubuhusan; na iyong gagawing taganas na ginto.
また、その皿、乳香を盛る杯および灌祭を注ぐための瓶と鉢を造り、これらは純金で造らなければならない。
30 At ilalagay mo sa dulang ang tinapay na handog sa harap ko na palagi.
そして机の上には供えのパンを置いて、常にわたしの前にあるようにしなければならない。
31 At gagawa ka ng isang kandelerong taganas na ginto: yari sa pamukpok gagawin mo ang kandelero, ang tuntungan niyaon, at ang haligi niyaon; ang mga kopa niyaon, ang mga globito niyaon at ang mga bulaklak niyaon ay mga kaputol:
また純金の燭台を造らなければならない。燭台は打物造りとし、その台、幹、萼、節、花を一つに連ならせなければならない。
32 At magkakaroon ng anim na sangang lumalabas sa mga tagiliran niyaon; tatlong sanga ng kandelero'y sa isang tagiliran niyaon, at ang tatlong sanga ng kandelero ay sa kabilang tagiliran niyaon:
また六つの枝をそのわきから出させ、燭台の三つの枝をこの側から、燭台の三つの枝をかの側から出させなければならない。
33 At magkakaroon ng tatlong kopang anyong bulaklak ng almendro sa isang sanga, isang globito at isang bulaklak; at tatlong kopang anyong bulaklak ng almendro sa kabilang sanga, isang globito at isang bulaklak; at gayon sa anim na sangang lumalabas sa kandelero.
あめんどうの花の形をした三つの萼が、それぞれ節と花をもって一つの枝にあり、また、あめんどうの花の形をした三つの萼が、それぞれ節と花をもってほかの枝にあるようにし、燭台から出る六つの枝を、みなそのようにしなければならない。
34 At sa haligi ng kandelero'y magkakaroon ng apat na kopang anyong bulaklak ng almendro, sangpu ng mga globito niyaon, at ng mga bulaklak niyaon:
また、燭台の幹には、あめんどうの花の形をした四つの萼を付け、その萼にはそれぞれ節と花をもたせなさい。
35 At magkakaroon ng isang globito sa ilalim ng dalawa sa mga sanga, at isang globito sa ilalim ng kabilang dalawa sa mga sanga na kaputol niyaon, at isang globito sa ilalim ng dalawang sangang nalalabi ayon sa anim na sanga na lumalabas sa kandelero.
すなわち二つの枝の下に一つの節を取り付け、次の二つの枝の下に一つの節を取り付け、更に次の二つの枝の下に一つの節を取り付け、燭台の幹から出る六つの枝に、みなそのようにしなければならない。
36 Ang magiging mga globito at mga sanga niyaon ay kaputol: kabuoan niyaon ay isa lamang putol na yari sa pamukpok, na taganas na ginto.
それらの節と枝を一つに連ね、ことごとく純金の打物造りにしなければならない。
37 At igagawa mo ng kaniyang mga ilawan, na pito: at kanilang sisindihan ang mga ilawan niyaon, upang lumiwanag sa dakong tapat ng kandelero.
また、それのともしび皿を七つ造り、そのともしび皿に火をともして、その前方を照させなければならない。
38 At ang magiging mga gunting at mga pinggan niyaon ay taganas na ginto.
その芯切りばさみと、芯取り皿は純金で造らなければならない。
39 Isang talentong taganas na ginto gagawin, sangpu ng lahat ng kasangkapang ito.
すなわち純金一タラントで燭台と、これらのもろもろの器とが造られなければならない。
40 At ingatan mo, na iyong gawin ayon sa anyo ng mga yaon na ipinakita sa iyo sa bundok.
そしてあなたが山で示された型に従い、注意してこれを造らなければならない。

< Exodo 25 >