< Exodo 21 >

1 Ito nga ang mga hatol na igagawad mo sa harap nila.
А ово су закони које ћеш им поставити:
2 Kung ikaw ay bumili ng isang aliping Hebreo, ay anim na taong maglilingkod siya; at sa ikapito ay aalis siyang laya na walang sauling bayad.
Ако купиш роба Јеврејина, шест година нека ти служи, а седме нек отиде слободан без откупа.
3 Kung siya'y pumasok na magisa, ay aalis na mag-isa: kung may asawa ay aalis nga ang kaniyang asawa na kasama niya.
Ако буде дошао инокосан, нека и отиде инокосан; ако ли буде имао жену, нека иде и жена с њим.
4 Kung siya'y bigyan ng kaniyang panginoon ng asawa, at magkaanak sa kaniya ng mga lalake, o mga babae; ang asawa at ang kaniyang mga anak ay magiging sa kaniyang panginoon, at siya'y aalis na magisa.
Ако га господар његов ожени, и жена му роди синове или кћери, жена с децом својом нека буде господару његовом, а он нека отиде сам.
5 Datapuwa't kung maliwanag na sabihin ng alipin, Aking iniibig ang aking panginoon, ang aking asawa, at ang aking mga anak; ako'y hindi aalis na laya:
Ако ли роб рече тврдо: Љубим господара свог, жену своју и децу своју, нећу да идем да будем слободан,
6 Kung magkagayo'y dadalhin siya ng kaniyang panginoon sa Dios, at dadalhin siya sa pinto, o sa haligi ng pinto; at bubutasan ng kaniyang panginoon ang kaniyang tainga ng isang pangbutas; at paglilingkuran niya siya magpakailan man.
Онда нека га доведе господар његов пред судије и постави на вратима или код довратка, и онде нека му господар пробуши ухо шилом, па нека му робује довека.
7 At kung ipagbili ng isang lalake ang kaniyang anak na babae na maging alipin, ay hindi siya aalis na gaya ng pagalis ng mga aliping lalake.
Ако ко прода кћер своју да буде робиња, да не одлази као робови што одлазе.
8 Kung siya'y hindi makapagpalugod sa kaniyang panginoon, na umayaw magasawa sa kaniya, ay ipatutubos nga niya siya: walang kapangyarihang ipagbili siya sa isang taga ibang lupa, yamang siya'y nadaya.
Ако не буде по вољи господару свом, и он је не узме за жену, нека је пусти на откупе; али да нема власти продати је у туђ народ учинивши јој неверу.
9 At kung pinapag-asawa ng bumili sa kaniyang anak na lalake, ay kaniyang ipalalagay siya ng ayon sa kaugalian sa mga anak na babae.
Ако ли је заручи сину свом, да јој учини по праву које имају кћери.
10 Kung siya'y magasawa sa iba, ang kaniyang pagkain, ang kaniyang damit at ang kaniyang kapangyarihang pagkaasawa ay hindi niya babawasan.
Ако ли узме другу, да јој не умали хране ни одела ни заједнице.
11 At kung hindi niya gawin ang tatlong bagay na ito sa kaniya ay aalis nga siya na walang bayad, na walang tubos na salapi.
Ако јој ово троје не учини, онда нек отиде без откупа.
12 Ang sumakit sa isang tao, na ano pa't mamatay ay papataying walang pagsala.
Ко удари човека, те умре, да се погуби.
13 At kung hindi sinasadya ng isang tao, kundi Dios ang naghulog sa kaniyang kamay; ay lalaanan kita ng isang dako na kaniyang tatakasan.
Ако ли не буде хтео, него му га Бог даде у руке, одредићу ти место куда може побећи.
14 At kung magtangka ang sinoman sa kaniyang kapuwa, na pumatay na may daya, ay alisin mo siya sa aking dambana, upang patayin.
Ако би ко намерно устао на ближњег свог да га убије из преваре, одвуци га и од олтара мог да се погуби.
15 At ang sumakit sa kaniyang ama o sa kaniyang ina, ay papataying walang pagsala.
Ко удари оца свог или матер своју, да се погуби.
16 At ang magnakaw ng isang tao, at ipagbili, o masumpungan sa kaniyang kamay, ay papataying walang pagsala.
Ко украде човека и прода или се нађе у његовим рукама, да се погуби.
17 At ang lumait sa kaniyang ama, o sa kaniyang ina, ay papataying walang pagsala.
Ко опсује оца свог или матер своју, да се погуби.
18 At kung may magbabag, at saktan ng isa ang isa, ng bato, o ng kaniyang suntok, at hindi mamatay, kundi mahiga lamang sa banig:
Кад се сваде људи, па један удари другог каменом или песницом, али онај не умре него падне у постељу,
19 Kung makabangon uli, at makalakad sa tulong ng kaniyang tungkod, ay ligtas nga yaong sumakit sa kaniya; pagbabayaran lamang niya ang panahong nasayang, at kaniyang pagagalinging maigi.
Ако се придигне и изађе о штапу, да не буде крив онај који је ударио, само дангубу да му накнади и сву видарину да плати.
20 At kung saktan ng sinoman ang kaniyang aliping lalake o babae, ng tungkod at mamatay sa kaniyang kamay; ay parurusahan siyang walang pagsala.
Ко удари роба свог или робињу штапом тако да му умре под руком, да је крив;
21 Gayon ma'y kung tumagal ng isang araw o dalawa, ay hindi siya parurusahan: sapagka't siya'y kaniyang salapi.
Али ако преживи дан или два, да није крив, јер је његов новац.
22 At kung may magbabag, at makasakit ng isang babaing buntis, na ano pa't makunan, at gayon ma'y walang karamdamang sumunod: ay tunay na papagbabayarin siya, ayon sa iatang sa kaniya ng asawa ng babae; at siya'y magbabayad ng ayon sa ipasiya ng mga hukom.
Кад се сваде људи, па који од њих удари трудну жену тако да изађе из ње дете, али се не догоди смрт, да плати глобу колико муж женин рече, а да плати преко судија;
23 Datapuwa't kung may anomang karamdamang sumunod, magbabayad ka nga ng buhay kung buhay,
Ако ли се догоди смрт, тада ћеш узети живот за живот,
24 Mata kung mata, ngipin kung ngipin, kamay kung kamay, paa kung paa,
Око за око, зуб за зуб, руку за руку, ногу за ногу,
25 Paso kung paso, sugat kung sugat, bugbog kung bugbog.
Ужег за ужег, рану за рану, модрицу за модрицу.
26 At kung saktan ng sinoman ang mata ng kaniyang aliping lalake, o ang mata ng kaniyang aliping babae at mabulag, ay kaniyang palalayain dahil sa kaniyang mata.
Ако ко удари по оку роба свог или робињу своју, те му поквари око, да га отпусти слободног за око његово.
27 At kung kaniyang bungalan ang kaniyang aliping lalake, o babae, ay kaniyang palalayain dahil sa kaniyang ngipin.
И ако избије зуб робу свом или робињи својој, да га пусти слободног за зуб његов.
28 At kung ang isang baka ay manuwag ng isang lalake o ng isang babae, na ano pa't mamatay, ay babatuhing walang pagsala ang baka at ang kaniyang lama'y hindi kakanin; datapuwa't ang may-ari ng baka ay maliligtas.
Ако во убоде човека или жену, те умре, да се во заспе камењем и да се не једе месо од њега, а господар од вола да није крив.
29 Datapuwa't kung ang baka ay dating manunuwag sa panahong nakaraan, at naisumbong na sa may-ari at hindi niya kinulong, na ano pa't makamatay ng isang lalake, o isang babae: ay babatuhin ang baka at ang may-ari naman ay papatayin.
Али ако је во пре био бодач и господар његов знао за то па га није чувао, те убије човека или жену, во да се заспе камењем, и господар његов да се погуби.
30 Kung siya'y atangan ng katubusan ay magbibigay nga siya ng katubusan sa kaniyang buhay anomang iatang sa kaniya.
Ако му се одреди да се откупи, нека да откуп за живот свој, колико му се одреди.
31 Maging manuwag sa isang anak na lalake o babae man, ay gagawin sa kaniya ayon sa kahatulang ito.
Ако убоде сина или кћер, да му буде по истом закону.
32 Kung ang baka ay manuwag sa isang aliping lalake o babae, ay magbabayad ang may-ari ng tatlong pung siklong pilak sa kanilang panginoon, at ang baka ay babatuhin.
Ако ли роба убоде во или робињу, да да господару њиховом тридесет сикала сребра и во да се заспе камењем.
33 At kung ang sinoman ay magbubukas ng isang balon, o huhukay ng isang balon at hindi tatakpan, at ang isang baka, o ang isang asno ay mahulog sa loob,
Ако ко открије јаму или ископа јаму а не покрије, па упадне во или магарац,
34 Ay sasaulian ng may-ari ng balon; magbabayad siya ng salapi sa may-ari ng mga yaon, at ang patay na hayop ay magiging kaniya.
Да накнади господар од јаме и плати новцем господару њиховом, а што је угинуло да је његово.
35 At kung ang baka ng sinoman ay sumakit sa baka ng iba, na ano pa't mamatay; ay kanila ngang ipagbibili ang bakang buhay, at kanilang paghahatiin ang halaga niyaon; at ang patay ay paghahatiin din nila.
Ако во једног убоде вола другом, те погине, онда да продаду вола живог и новце да поделе, тако и убијеног вола да поделе.
36 O kung kilala, na ang baka ay dating manunuwag sa panahong nakaraan, at hindi kinulong ng may-ari; ay tunay ngang magbabayad siya, ng baka kung baka, at ang patay na hayop ay magiging kaniyang sarili.
Ако ли се знало да је во пре био бодач па га није чувао господар његов, да да вола за вола, а убијени нека буде њему.

< Exodo 21 >