< Exodo 15 >
1 Nang magkagayo'y inawit ni Moises at ng mga anak ni Israel ang awit na ito sa Panginoon, at sinalita, na sinasabi, Ako'y aawit sa Panginoon, sapagka't siya'y nagtagumpay ng kaluwaluwalhati: Ang kabayo at ang sakay niyaon ay kaniyang ibinulusok sa dagat.
Akkor énekelte Mózes és Izrael fiai ezt az éneket az Örökkévalónak és szóltak, mondván: Hadd énekelek az Örökkévalónak, mert fenségesen fenséges volt, lovat és lovasát a tengerbe döntötte.
2 Ang Panginoon ay aking lakas at awit, At siya'y naging aking kaligtasan: Ito'y aking Dios, at siya'y aking pupurihin. Dios ng aking ama, at siya'y aking tatanghalin.
Erősségem és énekem Isten, ő lett nekem segedelmem. Ez az én Istenem, őt dicsőítem atyám Istene, őt magasztalom.
3 Ang Panginoo'y isang mangdidigma: Panginoon ang kaniyang pangalan.
Az Örökkévaló, a harc ura, Örökkévaló a neve!
4 Ang mga karro ni Faraon at ang kaniyang hukbo ay ibinulusok niya sa dagat; At ang kaniyang mga piling kapitan ay ipinaglulubog sa Dagat na Mapula.
Fáraó szekereit és seregét a tengerbe vetette és válogatott vitézei elmerültek a nádastengerben.
5 Ang mga kalaliman ang tumatabon sa kanila: Sila'y lumubog sa mga kalaliman, na parang isang bato.
A mélységek borítják őket, leszálltak a habokba, mint a kő.
6 Ang iyong kanan, Oh Panginoon, ay maluwalhati sa kapangyarihan. Ang iyong kanan, Oh Panginoon, ay dumudurog ng kaaway.
Jobbod, Örökkévaló! dicső erőben; jobbod, Örökkévaló! összezúzza az ellent.
7 At sa kalakhan ng iyong karilagan ay ibinubuwal mo yaong bumabangon laban sa iyo: Iyong ipinakikita ang iyong pagiinit, at nililipol silang parang dayami.
Fenséged nagyságával lerontod támadóidat, kibocsátod haragodat és megemészti őket, mint a tarlót.
8 At sa hihip ng iyong ilong ay natitipon ang tubig, Ang mga agos ay nagsilagay na parang isang bunton; Ang mga kalaliman ay namuo sa gitna ng dagat.
Orrod leheletétől feltorlódtak a vizek, megálltak mint a fal a hullámok, megmerevedtek a mélységek a tenger szívében.
9 Sinabi ng kaaway, Aking hahabulin, aking aabutan, magbabahagi ako ng samsam, Ang aking nasa ay masisiyahan sa kanila; Aking bubunutin ang aking tabak, lilipulin sila ng aking kamay.
Szólt az ellen: Üldözöm, elérem, zsákmányt osztok, betelik velük lelkem; kirántom kardom, kiirtja őt kezem!
10 Ikaw ay nagpahihip ng iyong hangin, at tinabunan sila ng dagat. Sila'y lumubog na parang tingga sa makapangyarihang tubig.
Fújtál leheleteddel: elborította őt a tenger; elsüllyedtek, mint az ólom a hatalmas vizekben.
11 Sinong gaya mo, Oh Panginoon, sa mga dios? Sinong gaya mo, maluwalhati sa kabanalan, Nakasisindak sa pagpuri, na gumagawa ng mga kababalaghan?
Ki olyan, mint te, a hatalmasak között, Örökkévaló! Ki olyan, mint te, dicső a szentségben, félelmetes dicsőségű csodatevő.
12 Iyong iniunat ang iyong kanang kamay, Nilamon sila ng lupa.
Kinyújtottad jobbodat: elnyelte őt a föld.
13 Iyong pinapatnubayan sa iyong awa ang bayan na iyong tinubos: Sa iyong kalakasan ay iyong inihahatid sila sa banal mong tahanan.
Kegyelmeddel vezetted a népet, melyet megváltottál, hatalmaddal szentséged lakába.
14 Narinig ng mga bayan; at sila'y nanginig: Mga sakit ang kumapit sa mga taga Filistia.
Népek hallották és reszkettek, remegés fogta el Pelesesz lakóit.
15 Nang magkagayo'y natulig ang mga pangulo sa Edom; Sa matatapang sa Moab, ay panginginig ang sumasakanila: Lahat ng taga Canaan ay nauubos.
Akkor megrémültek Edóm törzsfői, Móab hatalmasait elfogta a rettegés, elcsüggedtek Kanaán lakói mind.
16 Sindak at gulat ang suma-sakanila; Sa kadakilaan ng iyong bisig ay nagiging walang kibo sila na parang bato; Hanggang sa ang iyong bayan ay makaraan, Oh Panginoon, Hanggang sa makaraan ang bayang ito na iyong kinamtan.
Rájuk borult félelem és rettegés, karod nagyságától elnémultak, mint a kő; míg átvonul a te néped, Örökkévaló! míg átvonul a nép, melyet szereztél.
17 Sila'y iyong papapasukin, at sila'y iyong itatayo sa bundok na iyong pamana, Sa dako, Oh Panginoon, na iyong ginawa sa iyo, upang iyong tahanan, Sa santuario, Oh Panginoon, na itinatag ng iyong mga kamay.
Elviszed és ülteted birtokod hegyére, a helyre, melyet lakóhelyednek alkottál, Örökkévaló! a szentélybe, Uram; melyet kezeid készítettek.
18 Ang Panginoon ay maghahari magpakailan man.
Az Örökkévaló uralkodik mindörökké!
19 Sapagka't ang mga kabayo ni Faraon, ay nagsipasok pati ng kaniyang mga karro at pati ng kaniyang mga nangangabayo sa dagat, at pinapanumbalik ng Panginoon ang tubig ng dagat sa kanila; datapuwa't lumakad ang mga anak ni Israel sa tuyong lupa sa gitna ng dagat.
Mert bement Fáraó lova szekerével és lovasaival a tengerbe, és az Örökkévaló visszahozta rájuk a tenger vizét; Izrael fiai pedig átmentek a szárazon a tenger közepében.
20 At si Miriam na propetisa na kapatid ni Aaron, ay tumangan ng isang pandereta sa kaniyang kamay; at sumunod ang lahat ng mga babae sa kaniya, na may mga pandereta at nagsayawan.
És vette Mirjám, a prófétanő, Áron nővére a dobot kezébe, és kimentek mind a nők utána dobokkal és körtánccal.
21 At sila'y sinagot ni Miriam, Umawit kayo sa Panginoon, sapagka't siya'y nagtagumpay ng kaluwaluwalhati; Ang kabayo at ang sakay niyaon ay ibinulusok niya sa dagat.
És Mirjám elkezdte nekik: Énekeljetek az Örökkévalónak, mert fenségesen fenséges volt, lovat és lovasát a tengerbe döntötte.
22 At pinatnubayan ni Moises ang Israel mula sa Dagat na Mapula, at sila'y lumabas sa ilang ng Shur; at sila'y lumakad na tatlong araw sa ilang, at hindi nakasumpong ng tubig.
És elindította Mózes Izraelt a nádastengertől és mentek Súr pusztájába; mentek három napig a pusztában és nem találtak vizet.
23 At nang sila'y dumating sa Mara, ay hindi sila makainom ng tubig sa Mara, sapagka't mapait: kaya't ang pangalang itinawag ay Mara.
Elérkeztek Móróba, de nem tudtak vizet inni Móróból, mert keserű volt az, azért nevezték el Mórónak (keserű).
24 At inupasala ng bayan si Moises, na sinasabi, Anong aming iinumin?
És zúgolódott a nép Mózes ellen, mondván: Mit igyunk?
25 At siya'y dumaing sa Panginoon; at pinapagkitaan siya ng Panginoon ng isang puno ng kahoy, at inihagis niya sa tubig, at ang tubig ay tumabang. Doon inatangan niya ng palatuntunan, at ng tagubilin at doon sila sinubok niya;
Ő pedig kiáltott az Örökkévalóhoz és az Örökkévaló mutatott neki egy fát; ő beledobta a vízbe és édes lett a víz. Ott adott neki törvényt és jogot, és ott megkísértette őt.
26 At sinabi, Kung iyong didinggin ng buong sikap ang tinig ng Panginoon mong Dios, at iyong gagawin ang matuwid sa kaniyang mga mata, at iyong didinggin ang kaniyang mga utos, at iyong gaganapin ang lahat niyang mga palatuntunan ay wala akong ilalagay na karamdaman sa iyo, na gaya ng inilagay ko sa mga Egipcio: sapagka't ako ang Panginoon na nagpapagaling sa iyo.
És mondta: Ha hallgatni fogsz az Örökkévaló, a te Istened szavára és azt, ami helyes az ő szemeiben teszed, figyelsz parancsolataira, megőrzöd mind a törvényeit: mindama betegséget, melyet Egyiptomra bocsátottam, nem fogom rád bocsátani, mert én vagyok az Örökkévaló, a te gyógyítód.
27 At sila'y dumating sa Elim, na doo'y mayroong labingdalawang bukal ng tubig, at pitongpung puno ng palma; at sila'y humantong doon sa tabi ng mga tubig.
És elérkeztek Élimbe, ott pedig volt tizenkét vízforrás és hetven pálma; és táboroztak ott a víz mellett.