< Ester 1 >
1 Nangyari nga, sa mga kaarawan ni Assuero, (ito ang Assuero na naghari, mula sa India hanggang sa Etiopia, sa isang daan at dalawang pu't pitong lalawigan: )
Now it came to pass in the days of Ahasuerus (this is Ahasuerus who reigned from India even to Ethiopia over a hundred and twenty-seven provinces),
2 Na sa mga kaarawang yaon, nang maupo ang haring Assuero sa luklukan ng kaniyang kaharian, na nasa Susan na bahay-hari,
that in those days, when king Ahasuerus sat on the throne of his kingdom, which was in Shushan the palace,
3 Sa ikatlong taon ng kaniyang paghahari, siya'y gumawa ng isang kapistahan sa kaniyang lahat na mga prinsipe, at mga lingkod niya; ang kapangyarihan ng Persia at Media, ang mga mahal na tao at mga prinsipe, ng mga lalawigan ay nangasa harap nga niya:
in the third year of his reign, he made a feast to all his rulers and his servants, the power of Persia and Media, the ranking men and rulers of the provinces, being before him
4 Nang kaniyang ipakita ang mga kayamanan ng kaniyang maluwalhating kaharian at ang karangalan ng kaniyang marilag na kamahalan na malaong araw, na isang daan at walong pung araw.
when he showed the riches of his glorious kingdom and the honor of his excellent majesty many days, even a hundred and eighty days.
5 At nang maganap ang mga kaarawang ito, ang hari ay nagdaos ng isang kapistahan sa buong bayan na nangasa Susan na bahay-hari sa mataas at gayon din sa mababa, na pitong araw, sa looban ng halamanan ng bahay ng hari;
And when these days were fulfilled, the king made a feast to all the people who were present in Shushan the palace, both great and small, seven days, in the court of the garden of the king's palace.
6 Na may tabing na kayong puti, verde, at bughaw, na naiipit ng mga panaling mainam na lino at ng kulay ube sa mga singsing na pilak at mga haliging marmol: na ang mga hiligan ay ginto at pilak, sa isang lapag na mapula, at maputi, at madilaw, at maitim na marmol.
There were hangings of white cloth, of green, and of blue, fastened with cords of fine linen and purple to silver rings and pillars of marble. The couches were of gold and silver, upon a pavement of red and white and yellow and black marble.
7 At sila'y nangagbigay sa kanila ng inumin sa mga sisidlang ginto, (na ang mga sisidlan ay magkakaiba, ) at saganang alak hari, ayon sa kasaganaan ng hari.
And they gave them drink in vessels of gold (the vessels being diverse one from another), and royal wine in abundance according to the bounty of the king.
8 At ang paginom ay ayon sa kautusan; walang pagpilit: sapagka't gayon ibinilin ng hari sa lahat na pinuno ng kaniyang bahay, na kanilang gawin ayon sa kalooban ng bawa't isa.
And the drinking was according to the law, none could compel. For so the king had appointed to all the officers of his house, that they should do according to every man's pleasure.
9 Si Vasthi na reina naman ay nagdaos ng kapistahan sa mga babae sa bahay-hari na ukol sa haring Assuero.
Also Vashti the queen made a feast for the women in the royal house which belonged to king Ahasuerus.
10 Nang ikapitong araw, nang masayahan ang puso ng hari sa pamamagitan ng alak, kaniyang iniutos kay Mehuman, kay Biztha, kay Harbona, kay Bigtha, at kay Abagtha, kay Zetar, at kay Carcas, na pitong kamarero na nangaglilingkod sa harapan ng haring Assuero.
On the seventh day, when the heart of the king was merry with wine, he commanded Mehuman, Biztha, Harbona, Bigtha, and Abagtha, Zethar, and Carcas, the seven chamberlains who ministered in the presence of Ahasuerus the king,
11 Na dalhin si Vasthi na reina na may putong pagkareina sa harap ng hari, upang ipakita sa mga tao at sa mga prinsipe ang kaniyang kagandahan: sapagka't siya'y may magandang anyo.
to bring Vashti the queen before the king with the royal crown to show the peoples and the rulers her beauty, for she was fair to look on.
12 Nguni't ang reinang si Vasthi ay tumanggi na pumaroon sa utos ng hari sa pamamagitan ng mga kamarero: kaya't ang hari ay lubhang naginit, at ang kaniyang galit ay nagalab sa kaniya.
But the queen Vashti refused to come at the king's commandment by the chamberlains. Therefore the king was very angry, and his fury burned in him.
13 Nang magkagayo'y sinabi ng hari sa mga pantas na nakakaalam ng mga panahon (sapagka't gayon ang paraan ng hari sa lahat na nakakaalam ng kautusan at ng kahatulan.
Then the king said to the wise men who knew the times (for so was the king's manner toward all who knew law and judgment,
14 At ang sumusunod sa kaniya ay si Carsena, si Sethar, si Admatha, si Tharsis, si Meres, si Marsena, at si Memucan, na pitong prinsipe sa Persia at Media, na nangakakita ng mukha ng hari, at nangaupong una sa kaharian,
and next to him were Carshena, Shethar, Admatha, Tarshish, Meres, Marsena, and Memucan, the seven rulers of Persia and Media who saw the king's face, and sat first in the kingdom),
15 Anong ating gagawin sa reinang si Vasthi ayon sa kautusan, sapagka't hindi niya sinunod ang bilin ng haring Assuero sa pamamagitan ng mga kamarero?
What shall we do to queen Vashti according to law, because she has not done the bidding of king Ahasuerus by the chamberlains?
16 At si Memucan ay sumagot sa harap ng hari at ng mga prinsipe: Ang reinang si Vasthi ay hindi lamang sa hari nagkasala, kundi pati sa lahat na prinsipe, at sa lahat ng mga bayan na nangasa lahat na lalawigan ng haring Assuero.
And Memucan answered before the king and the rulers, Vashti the queen has not done wrong only to the king, but also to all the rulers, and to all the peoples that are in all the provinces of king Ahasuerus.
17 Sapagka't ang gawang ito ng reina ay kakalat sa lahat ng babae, upang hamakin ang kanilang mga asawa sa harap ng kanilang mga mata, pagka nabalitaan: Ang haring Assuero ay nagpautos kay Vasthi na reina, na dalhin sa harap niya, nguni't hindi siya naparoon.
For this deed of the queen will come abroad to all women, to make their husbands contemptible in their eyes when it shall be reported, King Ahasuerus commanded Vashti the queen to be brought in before him, but she did not come.
18 At sa araw na ito ay lahat na asawa ng mga prinsipe sa Persia at Media, na nangakabalita ng gawang ito ng reina ay mangagsasabi ng gayon sa lahat na prinsipe ng hari. Na anopa't kasasanghian ng maraming pagkahamak at pagkapoot.
And this day the ladies of Persia and Media who have heard of the deed of the queen will say the like to all the king's rulers. So there will arise much contempt and wrath.
19 Kung kalulugdan ng hari, maglabas ng utos hari sa ganang hari, at isulat sa mga kautusan ng mga taga Persia at mga Medo, upang huwag mabago, na si Vasthi ay huwag nang pumaroon sa harap ng haring Assuero; at ibigay ng hari ang kaniyang kalagayang reina sa iba na maigi kay sa kaniya.
If it please the king, let there go forth a royal commandment from him, and let it be written among the laws of the Persians and the Medes, that it be not altered, that Vashti come no more before king Ahasuerus, and let the king give her royal estate to another who is better than she.
20 At pagka ang pasiya ng hari na kaniyang isasagawa ay mahahayag sa lahat niyang kaharian, (sapagka't dakila, ) lahat ng babae ay mangagbibigay sa kanilang mga asawa ng karangalan, sa mataas at gayon din sa mababa.
And when the king's decree which he shall make shall be published throughout all his kingdom (for it is great), all the wives will give to their husbands honor, both to great and small.
21 At ang sabi ay nakalugod sa hari at sa mga prinsipe; at ginawa ng hari ang ayon sa salita ni Memucan:
And the saying pleased the king and the rulers, and the king did according to the word of Memucan.
22 Sapagka't siya'y nagpadala ng mga sulat sa lahat ng mga lalawigan ng hari, sa bawa't lalawigan, ayon sa sulat noon, at sa bawa't bayan ayon sa kanilang wika, na ang bawa't lalake ay magpupuno sa kaniyang sariling bahay at mahahayag ayon sa wika ng kaniyang bayan.
For he sent letters into all the king's provinces, into every province according to the writing of it, and to every people after their language, that every man should bear rule in his own house, and should speak according to the language of his people.