< Ester 10 >
1 At ang haring Assuero ay nagatang ng buwis sa lupain, at sa mga pulo ng dagat.
Pagkatapos nagpataw ng isang buwis sa lupain at sa mga lupang baybayin sa tabing-dagat si Haring Ahasueros.
2 At lahat ng mga gawa ng kaniyang kapangyarihan at ng kaniyang kakayahan, at ang lubos na kasaysayan ng kadakilaan ni Mardocheo, na ipinagtaas sa kaniya ng hari, hindi ba nangasusulat sa aklat ng mga alaala sa mga hari sa Media at Persia?
Lahat ng mga nagawa ng kanyang kapangyarihan at kalakasan, kasama ang buong kasaysayan ng kadakilaan ni Mordecai kung saan inangatan siya ng hari, nakasulat ang mga iyon sa Aklat ng mga Alaala ng mga Hari ng Media at Persia.
3 Sapagka't si Mardocheo na Judio ay pangalawa ng haring Assuero, at dakila sa gitna ng mga Judio, at kinalulugdan ng karamihan ng kaniyang mga kapatid: na humahanap ng ikabubuti ng kaniyang bayan, at nagsasalita ng kapayapaan sa kaniyang buong lahi.
Si Mordecai na Judio ay pangalawa sa antas kay Haring Ahasueros. Siya ay dakila sa gitna ng mga Judio at tanyag sa kanyang maraming kapatid na Judio, sapagkat hinahangad niya ang kapakanan ng kanyang lahi, at siya ay nagsalita para sa kapayapaan ng lahat ng kanyang lahi.