< Mangangaral 9 >
1 Sapagka't lahat ng ito ay inilagak ko sa aking puso, upang siyasatin ang lahat ng ito; na ang matuwid, at ang pantas, at ang kanilang mga gawa, ay nangasa kamay ng Dios: maging pagibig o pagtatanim hindi nalalaman ng tao; lahat ay nangasa harap nila.
Doista sve ovo složih u srce svoje da bih rasvijetlio sve to, kako su pravedni i mudri i djela njihova u ruci Božijoj, a èovjek ne zna ni ljubavi ni mržnje od svega što je pred njim.
2 Lahat ng mga bagay ay nagsisidating na parapara sa lahat: may isang pangyayari sa matuwid at sa masama; sa mabuti, at sa malinis, at sa marumi; sa kaniyang naghahain at sa kaniyang hindi naghahain: kung paano ang mabuti, gayon ang makasalanan; at ang sumusumpa, gaya ng natatakot sa sumpa.
Sve biva svjema jednako: pravedniku biva kao bezbožniku, dobromu i èistomu kao neèistomu, onome koji prinosi žrtvu kao onome koji ne prinosi, kako dobromu tako grješniku, onome koji se kune kao onome koji se boji zakletve.
3 Ito'y isang kasamaan sa lahat na nalikha sa ilalim ng araw, na may isang pangyayari sa lahat: oo, gayon din, ang puso ng mga anak ng mga tao ay puspos ng kasamaan, at kaululan ang nasa kanilang puso habang sila'y nangabubuhay, at pagkatapos niyaon ay napatutungo sa pagkamatay.
A to je najgore od svega što biva pod suncem što svjema jednako biva, te je i srce ljudsko puno zla, i ludost im je u srcu dok su živi, a potom umiru.
4 Sapagka't sa kaniya, na napisan sa lahat na may buhay ay may pagasa: sapagka't ang buhay na aso ay maigi kay sa patay na leon.
Jer ko æe biti izabran? U živijeh svijeh ima nadanja; i psu živu bolje je nego mrtvu lavu.
5 Sapagka't nalalaman ng mga buhay, na sila'y mangamamatay: nguni't hindi nalalaman ng patay ang anomang bagay ni mayroon pa man silang kagantihan; sapagka't ang alaala sa kanila ay nakalimutan.
Jer živi znaju da æe umrijeti, a mrtvi ne znaju ništa niti im ima plate, jer im se spomen zaboravio.
6 Maging ang kanilang pagibig, gaya ng kanilang pagtatanim at ng kanilang pananaghili ay nawala ngayon; na wala man silang anomang bahagi pa na magpakailan man sa anomang bagay na nagawa sa ilalim ng araw.
I ljubavi njihove i mržnje njihove i zavisti njihove nestalo je, i više nemaju dijela nigda ni u èemu što biva pod suncem.
7 Yumaon ka ng iyong lakad, kumain ka ng iyong tinapay na may kagalakan, at uminom ka ng iyong alak na may masayang puso; sapagka't tinanggap na ng Dios ang iyong mga gawa.
Hajde, jedi hljeb svoj s radošæu, i vesela srca pij vino svoje, jer su mila Bogu djela tvoja.
8 Maging maputing lagi ang iyong mga suot; at huwag magkulang ng unguento ang iyong ulo.
Svagda neka su ti haljine bijele, i ulja na glavi tvojoj da se ne premièe.
9 Ikaw ay mabuhay na masaya na kalakip ng asawa na iyong iniibig sa lahat ng mga kaarawan ng buhay ng iyong walang kabuluhan, na kaniyang ibinigay sa iyo sa ilalim ng araw, lahat ng mga kaarawan ng iyong walang kabuluhan: sapagka't iyan ang iyong bahagi sa buhay, at sa iyong gawa na iyong ginagawa sa ilalim ng araw.
Uživaj život sa ženom koju ljubiš svega vijeka svojega taštega, koji ti je dat pod suncem za sve vrijeme taštine tvoje, jer ti je to dio u životu i od truda tvojega kojim se trudiš pod suncem.
10 Anomang masumpungang gawain ng iyong kamay, gawin mo ng iyong kapangyarihan; sapagka't walang gawa, ni katha man, ni kaalaman man, ni karunungan man, sa Sheol, na iyong pinaparunan. (Sheol )
Sve što ti doðe na ruku da èiniš, èini po moguænosti svojoj, jer nema rada ni mišljenja ni znanja ni mudrosti u grobu u koji ideš. (Sheol )
11 Ako'y bumalik, at nakita ko sa ilalim ng araw, na ang paguunahan ay hindi sa mga matulin, ni ang pagbabaka man ay sa mga malakas, ni sa mga pantas man ang tinapay, ni ang mga kayamanan man ay sa mga taong naguunawa, ni ang kaloob man ay sa taong matalino; kundi ang panahon at kapalaran ay mangyayari sa kanilang lahat.
Opet vidjeh pod suncem da nije do brzijeh trka, ni rat do hrabrijeh, ni hljeb do mudrijeh, ni bogatstvo do razumnijeh, ni dobra volja do vještijeh, nego da sve stoji do vremena i zgode.
12 Sapagka't hindi rin nalalaman ng tao ang kaniyang kapanahunan: kung paano ang mga isda na nahuhuli sa masamang lambat, at kung paano ang mga ibon na nahuhuli sa bitag, gayon ang mga anak ng mga tao, ay nasisilo sa masamang kapanahunan, pagka biglang nahuhulog sa kanila.
Jer èovjek ne zna vremena svojega, nego kao što se ribe hvataju mrežom nesreænom i kao što se ptice hvataju pruglom, tako se hvataju sinovi èovjeèiji u zao èas, kad navali na njih iznenada.
13 Nakita ko rin ang karunungan sa ilalim ng araw, sa ganitong anyo, at naging tila dakila sa akin:
Vidjeh i ovu mudrost pod suncem, koja mi se uèini velika:
14 Nagkaroon ng maliit na bayan, at iilan ang tao sa loob niyaon; at may dumating na dakilang hari laban doon, at kumubkob, at nagtayo ng mga malaking tanggulan laban doon:
Bijaše malen grad i u njemu malo ljudi; i doðe na nj velik car, i opkoli ga i naèini oko njega velike opkope.
15 May nasumpungan nga roong isang dukhang pantas na lalake, at iniligtas niya ng kaniyang karunungan ang bayan; gayon ma'y walang umalaala sa dukhang lalaking yaon.
A naðe se u njemu siromah èovjek mudar, koji izbavi grad mudrošæu svojom, a niko se ne sjeæaše toga siromaha èovjeka.
16 Nang magkagayo'y sinabi ko, Karunungan ay maigi kay sa kalakasan: gayon ma'y karunungan ng dukhang taong yaon ay hinamak, at ang kaniyang mga salita ay hindi dinidinig.
Tada ja rekoh: bolja je mudrost nego snaga, ako se i ne maraše za mudrost onoga siromaha i rijeèi se njegove ne slušahu.
17 Ang mga salita ng pantas na sinalitang marahan ay narinig na higit kay sa hiyaw ng nagpupuno sa mga mangmang.
Rijeèi mudrijeh ljudi valja s mirom slušati više nego viku onoga koji zapovijeda meðu ludima.
18 Karunungan ay maigi kay sa mga sandata sa pakikipagdigma: nguni't ang isang makasalanan ay sumisira ng maraming mabuti.
Bolja je mudrost nego oružje ubojito; ali jedan grješnik kvari mnogo dobra.