< Mangangaral 12 >

1 Alalahanin mo rin naman ang Maylalang sa iyo sa mga kaarawan ng iyong kabataan, bago dumating ang mga masamang araw, at ang mga taon ay lumapit, pagka iyong sasabihin, Wala akong kaluguran sa mga yaon;
Али опомињи се Творца свог у младости својој пре него дођу дани зли и приспеју године, за које ћеш рећи: Нису ми миле;
2 Bago ang araw, at ang liwanag, at ang buwan, at ang mga bituin ay magdilim, at ang mga alapaap ay magsibalik pagkatapos ng ulan.
Пре него помркне сунце и видело и месец и звезде, и опет дођу облаци иза дажда,
3 Sa kaarawan na ang mga tagapagingat ng bahay ay manganginginig, at ang mga malakas na lalake ay mapapayukod, at ang mga manggigiling ay mangaglilikat sapagka't sila'y kaunti, at yaong nagsisidungaw sa mga dungawan ay mangasisilaw,
Кад ће дрхтати стражари кућни и погнути се јунаци, и стати млинарице, што их је мало, и потамнети који гледају кроз прозоре,
4 At ang mga pintuan ay sasarhan sa mga lansangan; pagka ang tunog ng giling ay humina, at ang isa'y babangon sa tinig ng ibon, at lahat ng mga anak na babae ng tugtugin ay mabababa;
И кад ће се затворити врата с улице, и ослабити звека од млевења, и кад ће се устајати на птичији глас и престати све певачице,
5 Oo, sila'y mangatatakot sa mataas, at ang mga kakilabutan ay mapapasa daan; at ang puno ng almendro ay mamumulaklak; at ang balang ay magiging pasan, at ang pita ay manglulupaypay: sapagka't ang tao ay pumapanaw sa kaniyang malaong tahanan, at ang mga tagapanangis ay nagsisigala sa mga lansangan:
И високог места кад ће се бојати и страшити се на путу, кад ће бадем уцветати и скакавац отежати и жеља проћи, јер човек иде у кућу своју вечну, и покајнице ће ходити по улицама;
6 Bago ang panaling pilak ay mapatid, o ang mangkok na ginto ay mabasag, o ang banga ay mabasag sa bukal, o ang gulong ay masira sa balon;
Пре него се прекине уже сребрно, чаша се златна разбије и распе се ведро на извору и сломи се точак на студенцу,
7 At ang alabok ay mauuwi sa lupa gaya ng una, at ang diwa ay mababalik sa Dios na nagbigay sa kaniya.
И врати се прах у земљу, како је био, а дух се врати Богу, који га је дао.
8 Walang kabuluhan ng mga walang kabuluhan, sabi ng Mangangaral; lahat ay walang kabuluhan.
Таштина над таштинама, вели проповедник, све је таштина.
9 At bukod dito, sapagka't ang Mangangaral ay pantas, ay nagpatuloy siya ng pagtuturo ng kaalaman sa bayan; oo, siya'y nagaral, at sumiyasat, at umayos ng maraming kawikaan.
А не само мудар беше проповедник, него још и народ учаше мудрости, и мотрећи и истражујући сложи много прича.
10 Humanap ang Mangangaral ng mga nakalulugod na salita, at ng nasusulat na matuwid, na mga salita ng katotohanan.
Стараше се проповедник да нађе угодне речи, и написа шта је право, речи истине.
11 Ang mga salita ng pantas ay gaya ng mga tulis; at gaya ng mga pako na nakakapit na mabuti, ang mga salita ng mga pangulo ng mga kapulungan, na nabigay mula sa isang pastor.
Речи су мудрих људи као жалци и као клини ударени; речи оних који их сложише дао је један пастир.
12 At bukod dito, anak ko, maaralan ka: tungkol sa paggawa ng maraming aklat ay walang wakas; at ang maraming pagaaral ay kapaguran ng katawan.
И тако, сине мој, чувај се оног што је преко овог, јер нема краја састављању многих књига, и много читање умор је телу.
13 Ito ang wakas ng bagay; lahat ay narinig: ikaw ay matakot sa Dios, at sundin mo ang kaniyang mga utos; sapagka't ito ang buong katungkulan ng tao.
Главно је свему што си чуо: Бога се бој, и заповести Његове држи, јер то је све човеку.
14 Sapagka't dadalhin ng Dios ang bawa't gawa sa kahatulan, pati ng bawa't kubling bagay, maging ito'y mabuti o maging ito'y masama.
Јер ће свако дело Бог изнети на суд и сваку тајну, била добра или зла.

< Mangangaral 12 >