< Mangangaral 10 >

1 Ang mga patay na langaw ay nagpapabaho sa unguento ng manggagawa ng pabango: gayon ang munting kamangmangan ay sumisira ng karunungan at karangalan.
死苍蝇使做香的膏油发出臭气; 这样,一点愚昧也能败坏智慧和尊荣。
2 Ang puso ng pantas na tao ay nasa kaniyang kanang kamay; nguni't ang puso ng mangmang ay sa kaniyang kaliwa.
智慧人的心居右; 愚昧人的心居左。
3 Oo gayon din, pagka ang mangmang ay lumalakad sa daan, ay nawawalan siya ng bait, at kaniyang sinasabi sa bawa't isa, na siya'y isang ulol.
并且愚昧人行路显出无知, 对众人说,他是愚昧人。
4 Kung ang diwa ng pinuno ay bumangon laban sa iyo, huwag kang umalis: sapagka't ang pagpapakalumanay ay nagpapalikat ng mga malaking pagkagalit.
掌权者的心若向你发怒, 不要离开你的本位, 因为柔和能免大过。
5 May isang kasamaan, na nakita ko sa ilalim ng araw na tila kamalian na nanggagaling sa pinuno:
我见日光之下有一件祸患, 似乎出于掌权的错误,
6 Ang mangmang ay nauupo sa malaking karangalan, at ang mayaman ay nauupo sa mababang dako.
就是愚昧人立在高位; 富足人坐在低位。
7 Nakakita ako ng mga alipin na nakasakay sa mga kabayo, at ng mga pangulo na nagsisilakad sa lupa na gaya ng mga alipin.
我见过仆人骑马, 王子像仆人在地上步行。
8 Siyang humuhukay ng lungaw ay mahuhulog doon: at ang sumisira sa pader, ay kakagatin siya ng ahas.
挖陷坑的,自己必掉在其中; 拆墙垣的,必为蛇所咬。
9 Ang tumatabas ng mga bato ay masasaktan niyaon; at ang pumapalakol ng kahoy ay napapanganib doon.
凿开石头的,必受损伤; 劈开木头的,必遭危险。
10 Kung ang bakal ay pumurol, at hindi ihasa ninoman ang talim, marapat nga niyang gamitan ng lalong kalakasan: nguni't ang karunungan ay pinakikinabangang magturo.
铁器钝了,若不将刃磨快,就必多费气力; 但得智慧指教,便有益处。
11 Kung ang ahas ay kumagat bago maenkanto, wala ngang kapakinabangan sa mangeenkanto.
未行法术以先,蛇若咬人, 后行法术也是无益。
12 Ang mga salita ng bibig ng pantas ay mapagbiyaya; nguni't ang mga labi ng mangmang ay lalamon sa kaniyang sarili.
智慧人的口说出恩言; 愚昧人的嘴吞灭自己。
13 Ang pasimula ng mga salita ng kaniyang bibig ay kamangmangan: at ang wakas ng kaniyang salita ay makamandag na kaululan.
他口中的言语起头是愚昧; 他话的末尾是奸恶的狂妄。
14 Ang mangmang din naman ay nagpaparami ng mga salita: gayon ma'y hindi nalalaman ng tao kung ano ang mangyayari; at ang mangyayari pagkamatay niya, sinong makapagsasaysay sa kaniya?
愚昧人多有言语, 人却不知将来有什么事; 他身后的事谁能告诉他呢?
15 Ang gawa ng mga mangmang ay nagpapayamot sa bawa't isa sa kanila; sapagka't hindi niya nalalaman kung paanong pagparoon sa bayan.
凡愚昧人,他的劳碌使自己困乏, 因为连进城的路,他也不知道。
16 Sa aba mo, Oh lupain, kung ang iyong hari ay isang bata, at ang iyong mga pangulo ay nagsisikain sa umaga!
邦国啊,你的王若是孩童, 你的群臣早晨宴乐, 你就有祸了!
17 Mapalad ka, Oh lupain, kung ang iyong hari ay anak ng mga mahal na tao, at ang iyong mga pangulo ay nagsisikain sa kaukulang panahon, sa ikalalakas, at hindi sa paglalasing!
邦国啊,你的王若是贵胄之子, 你的群臣按时吃喝, 为要补力,不为酒醉, 你就有福了!
18 Sa katamaran ay gumuguho ang bubungan; at di sa pagkilos ng mga kamay ay tumutulo ang bahay.
因人懒惰,房顶塌下; 因人手懒,房屋滴漏。
19 Ang kapistahan ay ginagawa sa ikapagtatawa, at ang alak ay nagpapasaya sa buhay: at ang salapi ay sumasagot sa lahat ng mga bagay.
设摆筵席是为喜笑。 酒能使人快活; 钱能叫万事应心。
20 Huwag mong sumpain ang hari, huwag, huwag sa iyong pagiisip; at huwag mong sumpain ang mayaman sa iyong silid na tulugan: sapagka't isang ibon sa himpapawid ay magdadala ng tinig, at ang may mga pakpak ay magsasaysay ng bagay.
你不可咒诅君王, 也不可心怀此念; 在你卧房也不可咒诅富户。 因为空中的鸟必传扬这声音, 有翅膀的也必述说这事。

< Mangangaral 10 >