< Deuteronomio 7 >

1 Pagka ipapasok ka ng Panginoon mong Dios sa lupain na iyong pinaroroonan upang ariin, at palalayasin ang maraming bansa sa harap mo, ang Hetheo, at ang Gergeseo at ang Amorrheo, at ang Cananeo, at ang Pherezeo, at ang Heveo, at ang Jebuseo, na pitong bansang lalong malalaki at mga lalong makapangyarihan kay sa iyo;
Кад те Господ Бог твој уведе у земљу у коју идеш да је наследиш, и отера испред тебе народе многе, Хетеје и Гергесеје и Амореје и Хананеје и Ферезеје и Јевеје и Јевусеје, седам народа већих и јачих од тебе,
2 At pagka sila'y ibibigay sa harap mo ng Panginoon mong Dios, at iyong sasaktan sila; ay lubos mo ngang lilipulin sila; huwag kang makikipagtipan sa kanila, ni huwag mong pagpakitaan ng kaawaan sila:
И преда их Господ Бог твој теби, и ти их разбијеш, потри их, не хватај с њима вере, нити се смилуј на њих;
3 Ni magaasawa sa kanila; ang iyong anak na babae ay huwag mong papag-aasawahin sa kaniyang anak na lalake, ni ang kaniyang anak na babae, ay huwag mong papag-aasawahin sa iyong anak na lalake.
Нити се пријатељи с њима; кћери своје не дај за сина њиховог, нити кћери њихове узимај за сина свог.
4 Sapagka't kaniyang ihihiwalay ang iyong anak na lalake sa pagsunod sa akin, upang sila'y maglingkod sa ibang mga dios: sa gayo'y magaalab ang galit ng Panginoon laban sa iyo, at kaniyang lilipulin kang madali.
Јер би отпадила сина твог од мене, и служио би боговима другим, те би се разгневио Господ на вас и потро вас брзо.
5 Kundi ganito ang inyong gagawin sa kanila; inyong igigiba ang kanilang mga dambana, at inyong pagpuputolputulin ang kanilang mga haligi na pinakaalaala at inyong ibubuwal ang kanilang mga Asera, at inyong susunugin sa apoy ang kanilang mga larawang inanyuan.
Него им ово учините: олтаре њихове раскопајте, и ликове њихове поломите, лугове њихове исеците, и резане богове њихове огњем спалите.
6 Sapagka't ikaw ay isang banal na bayan sa Panginoon mong Dios; pinili ka ng Panginoon mong Dios upang maging bayan sa kaniyang sariling pag-aari, na higit sa lahat ng mga bayan na nasa ibabaw ng balat ng lupa.
Јер си ти народ свет Господу Богу свом, тебе је изабрао Господ Бог твој да му будеш народ особит мимо све народе на земљи.
7 Hindi kayo inibig ng Panginoon, ni pinili kayo ng dahil sa kayo'y marami sa bilang kay sa alin mang bayan; sapagka't kayo ang pinakamaliit sa lahat ng mga bayan:
Не зато што би вас било више него других народа прихвати вас Господ и изабра вас; јер вас беше мање него иког другог народа;
8 Kundi dahil sa inibig kayo ng Panginoon, at dahil sa kaniyang tinupad ang sumpa na kaniyang isinumpa sa inyong mga magulang, ay inilabas kayo ng Panginoon sa pamamagitan ng makapangyarihang kamay at tinubos kayo sa bahay ng pagkaalipin, mula sa kamay ni Faraon na hari sa Egipto.
Него што вас Господ милује и што држи заклетву којом се заклео оцима вашим, зато вас је Господ извео руком крепком и избавио вас из куће ропске, из руке Фараона, цара мисирског.
9 Talastasin mo nga, na ang Panginoon ninyong Dios, ay siyang Dios: ang tapat na Dios, na nag-iingat ng tipan at naggagawad ng kagandahang-loob sa mga umiibig sa kaniya, at tumutupad ng kaniyang mga utos, hanggang sa isang libong salin ng lahi;
И тако знај да је Господ Бог твој Бог, Бог веран, који држи завет свој и милост своју до хиљаду кољена онима који Га љубе и држе заповести Његове,
10 At pinanghihigantihan sa kanilang mukha, ang mga napopoot sa kaniya, upang lipulin: siya'y hindi magpapaliban doon sa napopoot sa kaniya, kaniyang panghihigantihan sa kaniya ring mukha.
И плаћа онима који мрзе на њ, свакоме истребљујући га, и не одгађа ономе који мрзи на њ, плаћа свакоме.
11 Iyo ngang iingatan ang utos, at ang mga palatuntunan, at ang mga kahatulan, na aking iniutos sa iyo sa araw na ito, na iyong ganapin.
Зато држи заповести и уредбе и законе, које ти данас ја заповедам, да их твориш.
12 At mangyayari, na sapagka't iyong dininig ang mga kahatulang ito, at iyong tinutupad at iyong ginaganap, ay tutuparin sa iyo ng Panginoon mong Dios ang tipan, at igagawad ang kagandahang-loob, na kaniyang isinumpa sa iyong mga magulang:
И ако ове законе узаслушате и уздржите и устворите и Господ ће Бог држати теби завет и милост, за коју се заклео оцима твојим;
13 At kaniyang iibigin ka, at pagpapalain ka, at padadamihin ka: kaniya rin namang pagpapalain ang bunga ng iyong katawan, at ang bunga ng iyong lupa, ang iyong trigo, at ang iyong alak, at ang iyong langis, ang karagdagan ng iyong mga bakahan, at ang mga guya ng iyong kawan sa lupain na kaniyang isinumpa sa iyong mga magulang, upang ibigay sa iyo.
И миловаће те и благословиће те и умножиће те; благословиће плод утробе твоје и плод земље твоје, жито твоје и вино твоје и уље твоје, плод говеда твојих и стада оваца твојих у земљи за коју се заклео оцима твојим да ће ти је дати.
14 Magiging mapalad ka kay sa lahat ng mga bayan: walang magiging baog na babae o lalake sa inyo o sa inyong mga hayop.
Бићеш благословен мимо све народе: неће бити у теби ни мушког ни женског неплодног, ни међу стоком твојом.
15 At ilalayo sa iyo ng Panginoon ang lahat ng sakit: at wala siyang ihuhulog sa inyo sa masamang sakit sa Egipto, na iyong nalalaman, kundi ihuhulog niya sa lahat ng nangapopoot sa iyo.
И уклониће од тебе Господ сваку болест, од љутих зала мисирских која знаш неће ниједно пустити на тебе, него ће пустити на оне који мрзе на те.
16 At iyong lilipulin ang lahat ng mga bayan na ibibigay sa iyo ng Panginoon mong Dios; ang iyong mata ay huwag mahahabag sa kanila; ni huwag kang maglilingkod sa kanilang mga dios; sapagka't magiging isang silo sa iyo.
И истреби све народе које ти Господ Бог твој преда, нека их не пожали око твоје, и немој служити боговима њиховим, јер би ти то била замка.
17 Kung iyong sasabihin sa iyong puso, Ang mga bansang ito ay higit kay sa akin; paanong aking makakamtan sila?
Ако би рекао у срцу свом: Већи су ови народи од мене, како их могу изгнати?
18 Huwag kang matatakot sa kanila; iyong aalalahaning mabuti ang ginawa ng Panginoon mong Dios kay Faraon, at sa buong Egipto.
Не бој их се; памти добро шта је учинио Господ Бог твој с Фараоном и са свим Мисирцима,
19 Ang mga dakilang tukso na nakita ng iyong mga mata, at ang mga tanda, at ang mga kababalaghan, at ang makapangyarihang kamay, at ang unat na bisig, na ipinaglabas sa iyo ng Panginoon mong Dios: ay gayon ang gagawin ng Panginoon mong Dios sa lahat ng mga bayan na iyong kinatatakutan.
Велика кушања, која видеше очи твоје, и знаке и чудеса и руку крепку и мишицу подигнуту, којом те изведе Господ Бог твој; онако ће учинити Господ Бог твој са свим народима од којих би се уплашио.
20 Bukod dito'y susuguin sa kanila ng Panginoon mong Dios ang malaking putakti hanggang sa ang nangaiiwan, at nangagtatago ay mamatay sa harap mo.
И стршљене ће послати Господ Бог твој на њих докле не изгину који би остали и сакрили се од тебе.
21 Huwag kang masisindak sa kanila; sapagka't ang Panginoon mong Dios ay nasa gitna mo, dakilang Dios at kakilakilabot.
Не плаши се од њих, јер је Господ Бог твој усред тебе, Бог велики и страшни.
22 At itataboy na untiunti ng Panginoon mong Dios ang mga bansang yaon sa harap mo: hindi mo malilipol silang paminsan, baka ang mga hayop sa parang ay kumapal sa iyo.
Господ ће Бог твој мало по мало потрти те народе испред тебе; нећеш их моћи одједанпут истребити, да се не би умножило на тебе зверје пољско.
23 Kundi ibibigay sila ng Panginoon mong Dios sa harap mo, at pagtataglayin sila ng isang malaking kalituhan hanggang sa sila'y mangalipol.
Али ће их предати Господ Бог твој теби, и затираће их затирањем великим докле се не затру.
24 At kaniyang ibibigay ang kanilang mga hari sa iyong kamay, at iyong papawiin ang kanilang pangalan sa silong ng langit: walang lalaking makatatayo doon sa harap mo, hanggang sa iyong malipol sila.
И предаће цареве њихове у твоје руке да затреш име њихово под небом, неће се ниједан одржати пред тобом, докле их не потреш.
25 Ang mga larawang inanyuan na kanilang mga dios ay iyong susunugin sa apoy: huwag mong iimbutin ang pilak o ang ginto na nasa mga yaon, ni huwag mong kukunin para sa iyo, baka sa iyo'y maging silo: sapagka't ito'y isang karumaldumal sa Panginoon mong Dios.
Резане богове њихове спали огњем, немој да се полакомиш на сребро или злато што је на њима и да га узмеш, да ти не буде замка, јер је гадно пред Господом Богом твојим.
26 At huwag kang magpapasok ng karumaldumal sa iyong bahay, at baka ikaw ay maging itinalaga na gaya niyaon: iyong lubos na kapopootan at iyong lubos na kasusuklaman, sapagka't itinalagang bagay.
И немој да унесеш гада у дом свој, да не будеш проклет као и он, него се гади на њ и грози се од њега, јер је проклето.

< Deuteronomio 7 >