< Deuteronomio 33 >

1 At ito ang basbas na ibinasbas ni Moises, tao ng Dios, sa mga anak ni Israel bago siya namatay.
Yei ne nhyira a Onyankopɔn onipa Mose de hyiraa Israelfoɔ no ansa na ɔrewu:
2 At kaniyang sinabi, Ang Panginoo'y nanggaling sa Sinai, At bumangon mula sa Seir na patungo sa kanila; Siya'y lumiwanag mula sa bundok ng Paran, At siya'y nanggaling sa laksa-laksa ng mga banal: Sa kaniyang kanan, ay may hawak na isang mahigpit na kautusan sa kanila.
Ɔkaa sɛ, “Awurade firi Sinai ba bɛpuee yɛn so firii Seir; ɔhran firii Paran bepɔ so. Ɔde akronkronfoɔ pii ba firii anafoɔ fam ne mmepɔ nsianeɛ so.
3 Oo't kaniyang iniibig ang bayan: Lahat ng kaniyang mga banal ay nasa iyong kamay: At sila'y umupo sa iyong paanan; Na bawa't isa'y tatanggap ng iyong mga salita.
Nokorɛ mu, wo wodɔ wo nnipa no, akronkronfoɔ nyinaa wɔ wo nsam. Wɔkoto wo nan ase, na wɔnya nkyerɛkyerɛ firi wo hɔ;
4 Si Moises ay nagutos sa atin ng isang kautusan, Na mana sa kapisanan ng Jacob.
mmara a Mose de maa yɛn no: Yakob nkurɔfoɔ agyapadeɛ.
5 At siya'y hari sa Jeshurun, Nang magkatipon ang mga pangulo ng bayan, Sangpu ng lahat ng mga lipi ni Israel.
Awurade yɛɛ ɔhene wɔ Yeshurun ɛberɛ a nnipa no ntuanofoɔ hyiaa Israel mmusuakuo no.
6 Mabuhay nawa ang Ruben, at huwag mamatay; Gayon ma'y kumaunti nawa ang kaniyang mga tao.
“Ma Ruben nya nkwa. Mma nʼase ntɔre. Na ne mmarima nso, mma wɔn so nhwan.”
7 At ito ang basbas sa Juda; at kaniyang sinabi, Dinggin mo, Panginoon, ang tinig ng Juda, At padatnin mo sa kaniyang bayan: Sukat na sa kaniya ang kaniyang mga kamay; At ikaw ay maging tulong laban sa kaniyang mga kaalit.
Asɛm a Mose ka faa Yuda abusuakuo ho nie: “Tie Ao Awurade, tie Yuda sufrɛ fa no brɛ ne nkurɔfoɔ. Ɔde nʼankasa ahoɔden bɔ ne ho ban. Yɛ ne ɔboafoɔ na tia nʼatamfoɔ!”
8 At tungkol sa Levi ay kaniyang sinabi, Ang iyong Thummim at ang iyong Urim ay sumaiyong banal, Na siyang iyong sinubok sa Massa, Na siya mong kinatunggali sa tubig ng Meriba;
Asɛm a Mose ka faa Lewi abusuakuo ho nie: “Ao Awurade, wode ade kronkron ama wʼasomfoɔ nokwafoɔ Lewifoɔ. Wosɔɔ wɔn hwɛɛ wɔ Masa wone wɔn koeɛ wɔ Meriba asuo ho.
9 Na siyang nagsabi tungkol sa kaniyang ama, at tungkol sa kaniyang ina, Hindi ko siya nakita; Ni kinilala niya ang kaniyang mga kapatid, Ni kinilala niya ang kaniyang sariling mga anak; Sapagka't kanilang sinunod ang iyong salita, At ginaganap ang iyong tipan.
Lewifoɔ tiee wʼasɛm bɔɔ wʼapam no ho ban. Wɔdii wo nokorɛ sene sɛdeɛ wɔdii wɔn awofoɔ, wɔn abusuafoɔ ne wɔn mma nokorɛ.
10 Sila'y magtuturo sa Jacob ng iyong mga kahatulan, At ng iyong mga kautusan, sa Israel; Sila'y maglalagay ng kamangyan sa harap mo, At ng buong handog na susunugin sa ibabaw ng iyong dambana.
Afei, ma wɔnkyerɛ Yakob wo mmara no. Ma wɔmfa wo nkyerɛkyerɛ no mma Israelfoɔ. Wɔde aduhwam bɛba wʼanim Abɛbɔ ɔhyeɛ afɔdeɛ wɔ afɔrebukyia so.
11 Basbasan mo, Panginoon, ang kaniyang tinatangkilik, At tanggapin mo ang gawa ng kaniyang mga kamay; Saktan mo ang mga balakang niyaong nagsisibangon laban sa kaniya, At niyaong nangapopoot sa kaniya, upang sila'y huwag bumangon uli.
Hyira Lewifoɔ, Ao Awurade na ma wɔn nnwuma nyinaa nsɔ wʼani. Bubu wɔn atamfoɔ nnwonku; bɔ wɔn atamfoɔ hwe fam a wɔnsɔre bio.”
12 Tungkol sa Benjamin, ay kaniyang sinabi, Ang minamahal ng Panginoon ay tatahang ligtas sa siping niya; Siya'y kakanlungan niya buong araw, At siya'y mananahan sa pagitan ng kaniyang mga balikat.
Asɛm a Mose ka faa Benyamin abusuakuo ho nie: “Awurade dɔ Benyamin nkurɔfoɔ na wɔnya banbɔ wɔ ne mu. Ɔtwa wɔn ho hyia ɛberɛ biara na ɔbɔ wɔn ho ban firi ɔhaw biara mu.”
13 At tungkol sa Jose ay kaniyang sinabi, Pagpalain nawa ng Panginoon ang kaniyang lupain, Sa mga mahalagang bagay ng langit, sa hamog, At sa kalaliman na nasa ilalim niya,
Asɛm a Mose ka faa Yosef mmusuakuo ho nie: “Awurade nhyira wɔn nsase; ɔmfa ne bosuo pa a ɛfiri sorosoro ne nsuo a ɛfiri asase ase pɛɛ no,
14 At sa mga mahalagang bagay na pinatubo ng araw, At sa mga mahalagang bagay na pinatubo ng buwan,
ne nnepa a ɛnyini wɔ owia mu ne adonneɛ a ɛba ɔbosome biara mu;
15 At sa pinakamarikit na mga bagay ng matandang bundok, At sa mga mahalagang bagay ng mga burol na walang hanggan,
ne nnɔbaeɛ pa a ɛfiri tete mmepɔ mu ne deɛ abu so wɔ nkokoɔ a ɛtim hɔ daa mu
16 At sa mga mahalagang bagay ng lupa at ng kapunuan niyaon, At ang mabuting kalooban niyaong tumahan sa mababang punong kahoy: Sumaulo nawa ni Jose ang kapalaran, At sa tuktok ng ulo niya na hiwalay sa kaniyang mga kapatid.
ne akyɛdeɛ amapa dodoɔ a ɛfiri asase mu, ne adom a ɛfiri deɛ ɔpuee wɔ ogya a ɛrederɛ no mu. Saa nhyira yi nyinaa mmra Yosef so nhyɛ no ahenkyɛ wɔ ne nuanom mu.
17 Ang panganay ng kaniyang baka, na may kamahalan; At ang mga sungay niyaon ay parang mga sungay ng mabangis na toro: Siya niyang ipantutulak sa mga bayan, lahat sa kanila, kahit na nasa mga hangganan ng lupa: At sila ang laksa-laksa ng Ephraim, At sila ang libolibo ng Manases.
Yosef wɔ ahoɔden ne tumi sɛ nantwie ba. Nʼahoɔden te sɛ ɔtrɔm mmɛn. Ɔde bɛwowɔ akyirikyiri aman, apamo wɔn akɔ asase ano. Yei ne me nhyira a mede rema Efraim bebrebe ne Manase mpempem no.”
18 At tungkol sa Zabulon ay kaniyang sinabi, Magalak ka, Zabulon, sa iyong paglabas; At ikaw, Issachar, sa iyong mga tolda.
Asɛm a Mose ka faa Sebulon ne Isakar mmusuakuo ho nie: “Sebulon asefoɔ, monnya nkɔsoɔ wɔ mo akwantuo biara mu. Isakar asefoɔ, monnya nkɔsoɔ wɔ mo fie ntomadan mu.
19 Kanilang tatawagin ang mga bayan sa bundok; Doo'y maghahandog sila ng mga hain ng katuwiran: Sapagka't kanilang hihititin ang mga kasaganaan ng mga dagat, At ang natatagong kayamanan sa buhanginan.
Wɔfrɛ nnipa no kɔ bepɔ no so kɔbɔ afɔdeɛ a ɛdi mu wɔ hɔ. Wɔnya mfasoɔ firi ɛpo mu nnepa ne ademudeɛ a ahinta wɔ anwea mu.”
20 At tungkol sa Gad, ay kaniyang sinabi, Pagpalain yaong magpalaki sa Gad: Siya'y tumatahan parang isang leona, At dudurog ng bisig, sangpu ng bao ng ulo.
Asɛm a Mose ka faa Gad abusuakuo ho nie: “Nhyira nka obi a ɔtrɛ Gad mantam mu! Gad ayɛ krado sɛ gyata a ɔrebɛtu abasa anaa wate etire.
21 At kaniyang inagap ang unang bahagi para sa kaniya, Sapagka't doon natago ang bahagi ng gumagawa ng kautusan; At siya'y pumaroong kasama ng mga pangulo ng bayan, Kaniyang isinagawa ang katuwiran ng Panginoon, At ang kaniyang mga kahatulan sa Israel.
Gad nkurɔfoɔ gyee asase pa no maa wɔn ho; ɔkannifoɔ kyɛfa na wɔde maa wɔn. Ɛberɛ a nkurɔfoɔ no mpanimfoɔ hyiaeɛ no, wɔde Awurade atɛntenenee yɛɛ adwuma, na wɔdii mmara a wɔde maa Israelfoɔ no so.”
22 At tungkol sa Dan ay kaniyang sinabi, Ang Dan ay anak ng leon, Na lumukso mula sa Basan.
Asɛm a Mose ka faa Dan abusuakuo ho nie: “Dan yɛ gyata ba a ɔrehurihuri firi Basan.”
23 At tungkol sa Nephtali ay kaniyang sinabi, Oh Nephtali, busog ng lingap, At puspos ng pagpapala ng Panginoon: Ariin mo ang kalunuran at ang timugan.
Asɛm a Mose ka faa Naftali abusuakuo ho nie: “Ao Naftali, wowɔ adom bebree na Awurade nhyira ayɛ wo ma; atɔeɛ fam ne anafoɔ fam bɛyɛ wo kyɛfa.”
24 At tungkol sa Aser ay kaniyang sinabi, Pagpalain nawa sa mga anak ang Aser, Mahalin nawa siya ng kaniyang mga kapatid, At ilubog ang kaniyang paa sa langis.
Asɛm a Mose ka faa Aser abusuakuo ho nie: “Aser nnya animuonyam wɔ ne nuanom anim; ne nuanom mfa anidie mma no; wɔmfa ngo nsra ne nan ho.
25 Ang iyong mga halang ay magiging bakal at tanso; At kung paano ang iyong mga kaarawan ay magkagayon nawa ang iyong lakas.
Wʼapono ho nkyerewa nyɛ dadeɛ ne kɔbere mfrafraeɛ; Awurade mmɔ wo ho ban wo nkwa nna nyinaa.
26 Walang gaya ng Dios, Oh Jeshurun, Na sumasakay sa langit dahil sa pagtulong sa iyo, At sa himpapawid dahil sa kaniyang karangalan.
“Onyankopɔn biara nni hɔ sɛ Yeshurun Onyankopɔn; Ɔnam ɔsorosoro bɛboa wo, ɔde ne tumi nante omununkum mu.
27 Ang walang hanggang Dios ay iyong dakong tahanan, At sa ibaba'y ang walang hanggang mga bisig: At kaniyang itinutulak sa harap mo ang kaaway, At sinabi, Lansagin mo.
Onyankopɔn a ɔwɔ hɔ daa yɛ wo dwanekɔbea; nʼabasa a ɛwɔ hɔ daa no kura wo. Ɔbɛpam wʼatamfoɔ afiri wʼanim; Ɔno na ɔteaam sɛ, ‘Sɛe wɔn!’
28 At ang Israel ay tumatahang tiwala, Ang bukal ng Jacob na nagiisa, Sa isang lupain ng trigo at alak; Oo't, ang kaniyang mga langit ay nagbababa ng hamog.
Enti, Israel bɛtena ase asomdwoeɛ mu; Yakob a wanya nkɔsoɔ bɛnya banbɔ wɔ asase a aduane ne nsã wɔ so, na ɔsoro tɔ bosuo gu so.
29 Maginhawa ka, Oh Israel: Sino ang gaya mo, bayang iniligtas ng Panginoon, Ng kalasag na iyong tulong, At siyang tabak ng iyong karangalan! At ang iyong mga kaaway ay susuko sa iyo: At ikaw ay tutungtong sa kanilang mga matataas na dako.
Nhyira nka mo, Ao Israel! Hwan na ɔte sɛ mo, nnipa a Awurade agye mo nkwa. Ɔyɛ mo akokyɛm ne mo ɔboafoɔ ne mo nkonimdie akofena! Mo atamfoɔ bɛkoto mo anim, na moatiatia wɔn so.”

< Deuteronomio 33 >