< Deuteronomio 32 >
1 Makinig kayo, mga langit, at ako'y magsasalita, At pakinggan ng lupa ang mga salita ng aking bibig.
Heaven, listen as I speak; Earth, hear what I'm saying.
2 Ang aking aral ay papatak na parang ulan; Ang aking salita ay bababa na parang hamog; Gaya ng ambon sa malambot na damo, At gaya ng mahinang ambon sa gugulayin:
May my teaching fall gently like the rain; may my words drop lightly like the dew, like soft rain on new grass, like spring showers on growing plants.
3 Sapagka't aking ihahayag ang pangalan ng Panginoon: Dakilain ninyo ang ating Dios.
I will praise the Lord's character. Tell everyone how great he is!
4 Siya ang Bato, ang kaniyang gawa ay sakdal; Sapagka't lahat niyang daan ay kahatulan: Isang Dios na tapat at walang kasamaan, Matuwid at banal siya.
He is the Rock. Everything he does is perfect, for all his ways are right. He is the trustworthy God who is never unjust; he is fair and honest.
5 Sila'y nagpakasama, sila'y hindi kaniyang mga anak, itong kanilang kapintasan; Mga tampalasan at likong lahi.
His children have acted immorally towards him; so they are no longer his children because of their sinful stains. They are a perverse and corrupt people.
6 Ganyan ba ninyo ginaganti ang Panginoon, O mangmang na bayan at hindi pantas? Hindi ba siya ang iyong ama na tumangkilik sa iyo? Kaniyang nilalang ka, at itinatag ka.
Is this any way to repay the Lord, you foolish, stupid people? Isn't he your Father who created you? Isn't he the one who turned you into a nation and made you strong?
7 Alalahanin mo ang mga araw ng una, Isipin mo ang mga taon ng lahi't lahi: Itanong mo sa iyong ama at kaniyang ibabalita sa iyo; Sa iyong mga matanda, at kanilang sasaysayin sa iyo.
Remember the olden days; think about times long ago. God and ask your father, and he will explain them to you. Talk to your elders, and they will let you know.
8 Nang ibigay ng Kataastaasan sa mga bansa ang kanilang mana, Nang kaniyang ihiwalay ang mga anak ng tao, Kaniyang inilagay ang mga hangganan ng mga bayan Ayon sa bilang ng mga anak ni Israel.
The Most High gave the nations their lands when he divided the human race; he fixed their borders depending on their gods.
9 Sapagka't ang bahagi ng Panginoon ay ang kaniyang bayan; Si Jacob ang bahaging mana niya.
But the Lord's people are his, Israel is his chosen one.
10 Kaniyang nasumpungan sa isang ilang sa lupain, At sa kapanglawan ng isang umuungal na ilang; Kaniyang kinanlungan sa palibot, kaniyang nilingap, Kaniyang iningatang parang salamin ng kaniyang mata:
He found you in a desert land, in a desolate wasteland of whirlwinds. He protected you; he cared for you; he looked after you as the one he loved the most.
11 Parang aguila na kumikilos ng kaniyang pugad, Na yumuyungyong sa kaniyang mga inakay, Kaniyang ibinubuka ang kaniyang mga pakpak, kaniyang kinukuha, Kaniyang dinadala sa ibabaw ng kaniyang mga pakpak:
Like an eagle watching over its nest, hovering over its chicks, he spread his wings and picked you up and carried you along.
12 Ang Panginoon na magisa ang pumatnubay sa kaniya, At walang ibang dios na kasama siya.
The Lord was the only one who led you; no foreign god was with him.
13 Ipinaari sa kaniya ang matataas na dako ng lupa, At siya'y kumain ng tubo sa bukid; At kaniyang pinahitit ng pulot na mula sa bato, At ng langis na mula sa batong pinkian;
The Lord gave you the high country to rule, and fed you with the crops of the field to eat. He sustained you with honey from the rock and olive oil from the flinty crag,
14 Ng mantika ng baka, at gatas ng tupa, Na may taba ng mga kordero, At ng mga tupang lalake sa Basan, at mga kambing, Na may taba ng mga butil ng trigo; At sa katas ng ubas ay uminom ka ng alak.
with yogurt from the herd and milk from the flock, with the fat of lambs, with rams from Bashan, and goats, along with the best wheat. You drank the wine made from the best grapes.
15 Nguni't tumaba si Jeshurun, at tumutol: Ikaw ay tumataba, ikaw ay lumalapad, ikaw ay naging makinis: Nang magkagayo'y kaniyang pinabayaan ang Dios na lumalang sa kaniya, At niwalang kabuluhan ang Bato na kaniyang kaligtasan.
But Israel, you grew fat and rebelled—fat, overweight, and bloated with food. You abandoned the God who made you and despised the Rock of your salvation.
16 Siya'y kinilos nila sa paninibugho sa ibang mga dios, Sa pamamagitan ng mga karumaldumal, minungkahi nila siya sa kagalitan.
You made the Lord jealous by worshiping foreign gods; you made him angry with such disgusting practices.
17 Kanilang inihain sa mga demonio, na hindi Dios, Sa mga dios na hindi nila nakilala, Sa mga bagong dios, na kalilitaw pa lamang, Na hindi kinatakutan ng inyong mga magulang.
You offered sacrifices to demons instead of God, to gods you didn't know anything about, to brand-new gods that your forefathers didn't worship.
18 Sa Batong nanganak sa iyo, ay nagwalang bahala ka, At iyong kinalimutan ang Dios na lumalang sa iyo.
You dismissed the Rock who fathered you; you forgot the God who gave birth to you.
19 At nakita ng Panginoon, at kinayamutan sila, Dahil sa pamumungkahi ng kaniyang mga anak na lalake at babae.
The Lord rejected them when he saw this; his sons and daughters made him angry.
20 At kaniyang sinabi, Aking ikukubli ang aking mukha sa kanila, Aking titingnan kung anong mangyayari sa kanilang wakas; Sapagka't sila'y isang napakasamang lahi, Na mga anak na walang pagtatapat.
He said: “I will turn away from them. Then I'll see what happens to them! They are a perverse people, unfaithful children.
21 Kinilos nila ako sa paninibugho doon sa hindi Dios; Kanilang minungkahi ako sa galit sa kanilang mga walang kabuluhan: At akin silang kikilusin sa paninibugho sa mga hindi bayan: Aking ipamumungkahi sila sa galit, sa pamamagitan ng isang mangmang na bansa.
They have made me jealous by worshiping things that are not God; they have made me angry with their useless idols. So I will make them jealous using a people that aren't really a nation; I will make them angry using ignorant foreigners.
22 Sapagka't may apoy na nagalab sa aking galit, At nagniningas hanggang sa Sheol, At lalamunin ang lupa sangpu ng tubo nito, At paniningasan ng apoy ang mga tungtungan ng mga bundok. (Sheol )
My anger has been set on fire, burning down to the depths of the grave, destroying the earth and all it produces, even setting fire to the foundations of the mountains. (Sheol )
23 Aking dadaganan sila ng mga kasamaan; Aking gugugulin ang aking busog sa kanila:
I will pile disasters on them; I will use up my arrows shooting at them.
24 Sila'y mangapupugnaw sa gutom, at lalamunin ng maningas na init, At ng mapait na pagkalipol; At ang mga ngipin ng mga hayop ay susunugin ko sa kanila, Sangpu ng kamandag ng nangagsisiusad sa alabok.
They will waste away from hunger, destroyed by disease and poisonous plague. I will send wild animals to bite them with their teeth, the fangs of snakes that slide along the ground.
25 Sa labas ay pipighatiin ng tabak. At sa mga silid ay kakilabutan; Malilipol kapuwa ang binata at dalaga, Ang sanggol sangpu ng lalaking may uban.
Outside in the streets the sword kills their children, inside their homes, they die from fright; young men and young women, children and old people.
26 Aking sinabi, Aking pangangalatin sila sa malayo, Aking papaglilikatin sa mga tao ang alaala sa kanila;
I would have told them I was going to cut them to pieces and wipe out even the memory of them;
27 Kundi aking kinatatakutan ang mungkahi ng kaaway; Baka ang kanilang mga kalaban ay humatol ng mali, Baka kanilang sabihin, Ang aming kamay ay tanghal, At hindi ginawa ng Panginoon ang lahat ng ito.
but I didn't want to hear their conquerors jeering, their enemies misunderstanding what had happened and saying, ‘We won all by ourselves, the Lord didn't have anything to do with it.’
28 Sapagka't sila'y bansang salat sa payo, At walang kaalaman sa kanila.
Israel is a nation that doesn't think straight; none of them understand anything.
29 Oh kung sila'y mga pantas, na kanilang tinalastas ito, Kung nababatid nila ang kanilang wakas!
How I wish they were wise, so they could understand it; they would recognize what was going to happen to them.
30 Kung paanong hahabulin ng isa ang isang libo, At ang dalawa'y magpapatakas sa sangpung libo, Malibang ipagbili sila ng kanilang Bato, At ibigay sila ng Panginoon?
How on earth could one man chase after a thousand, or two make ten thousand run away, unless their Rock of protection had sold them, unless the Lord had surrendered them?
31 Sapagka't ang kanilang bato ay hindi gaya ng ating Bato, Kahit ang ating mga kaaway man ang maging mga hukom.
The rock they rely on is not like our Rock, as even our enemies admit.
32 Sapagka't ang kanilang puno ng ubas ay mga puno ng ubas sa Sodoma, At sa mga parang ng Gomorra: Ang kanilang ubas ay ubas ng apdo, Ang kanilang mga buwig ay mapait:
But their vine comes from the vine of Sodom, from the fields of Gomorrah. Their grapes are poisonous; they are bitter bunches.
33 Ang kanilang alak ay kamandag ng mga dragon, At mabagsik na kamandag ng mga ahas.
Their wine is the poison of serpents, deadly snake venom.
34 Di ba ito'y natatago sa akin, Na natatatakan sa aking mga kayamanan?
I've stored this all up; it's sealed in my vaults.
35 Ang panghihiganti ay akin, at gayon din ang gantingpala, Sa panahon na madudulas ang kanilang mga paa: Sapagka't ang araw ng kanilang pagdadalita ay nalalapit, At ang mga bagay na darating sa kanila ay mangagmamadali.
I make sure justice is done, I will repay. The time is coming when they will fall, their day of disaster is approaching, their doom will soon arrive.”
36 Sapagka't hahatulan ng Panginoon ang kaniyang bayan, At magsisisi dahil sa kaniyang mga lingkod; Pagka kaniyang nakitang ang kanilang kapangyarihan ay nawala, At wala ng natitira na natatakpan o naiwan.
The Lord is going to vindicate his people; he will be merciful to his servants when he sees that they have no strength left, and that everyone is gone, whether slave or free.
37 At kaniyang sasabihin, Saan nandoon ang kanilang mga dios, Ang bato na siya nilang pinanganlungan;
He'll ask, “What happened to your gods, the rock where your went for protection?
38 Yaong mga kumakain ng taba ng kanilang mga hain, At umiinom ng alak ng kanilang inuming handog? Bumangon sila at tumulong sa inyo, At sila'y maging pagkupkop sa inyo.
Who ate the fat of your sacrifices and drank the wine of your drink offerings? Have them come and help you; have them come and protect you!
39 Tingnan ninyo ngayon, na ako, sa makatuwid baga'y ako nga, At walang dios sa akin: Ako'y pumapatay, at ako'y bumubuhay; Ako'y ang sumusugat, at ako'y ang nagpapagaling: At walang makaliligtas sa aking kamay.
Listen! I am the only God! There is no other God except me! I bring death, and I give life; I wound, and I heal. No one can be rescued from my power.
40 Sapagka't aking itinataas ang aking kamay sa langit, At aking sinasabi, Buhay ako magpakailan man,
I hold up my hand to heaven and solemnly declare on my eternal life,
41 Kung aking ihahasa ang aking makintab na tabak, At ang aking kamay ay hahawak ng kahatulan; Aking ibibigay ang aking panghihiganti sa aking mga kaaway, At aking gagantihan yaong nangapopoot sa akin.
when I sharpen my shining sword and pick it up to execute judgment, I will repay my enemies and punish those who hate me as they deserve.
42 At aking lalanguin ng dugo ang aking tunod, At ang aking tabak ay sasakmal ng laman; Sa dugo ng patay at ng mga bihag, Mula sa ulo ng mga pangulo ng kaaway.
My arrows will become drunk with blood, as my sword eats flesh; the blood of those who are killed and captured, the heads of the enemy's leaders.”
43 Mangagalak kayo, O mga bansa, na kasama ng kaniyang bayan; Sapagka't ipanghihiganti ang dugo ng kaniyang mga lingkod, At manghihiganti sa kaniyang mga kaalit, At patatawarin ang kaniyang lupain, ang kaniyang bayan.
Celebrate with him! Let all God's angels worship him! Celebrate, foreigners, with his people; because he will pay back those who killed his children. He will punish his enemies, and repay those who hate him; he will purify his land and his people.
44 At si Moises ay naparoon at sinalita ang lahat ng mga salita ng awit na ito sa pakinig ng bayan, siya, at si Josue na anak ni Nun.
Then Moses came with Joshua son of Nun and recited all the words of this song for the people to hear.
45 At tinapos ni Moises na salitain ang lahat ng mga salitang ito sa buong Israel:
After Moses finished reciting the whole song to all the Israelites,
46 At kaniyang sinabi sa kanila, Ilagak ninyo ang inyong puso sa lahat ng mga salita na aking pinatototohanan sa inyo sa araw na ito, na inyong iuutos sa inyong mga anak upang isagawa ang lahat ng mga salita ng kautusang ito.
he told them, “Think about all these words I've declared to you today, so you can order your children to follow carefully everything in this law.
47 Sapagka't ito'y hindi hamak na bagay sa inyo; sapagka't inyong kabuhayan, at sa bagay na ito ay inyong palalaunin ang inyong ipinagtatawid ng Jordan upang ariin.
Don't treat these words as trivial because they are your life, and by them you will have long lives in the country that you will own after crossing the Jordan.”
48 At sinalita ng Panginoon kay Moises nang araw ding yaon, na sinasabi,
That same day the Lord told Moses,
49 Sumampa ka sa bundok na ito ng Abarim, sa bundok ng Nebo na nasa lupain ng Moab, na nasa tapat ng Jerico; at masdan mo ang lupain ng Canaan, na aking ibinibigay sa mga anak ni Israel, na pinakaari:
“Climb up into the Abarim mountains to Mount Nebo, in the land of Moab opposite Jericho, and look over the country of Canaan, which I am giving to the Israelites for them to own.
50 At mamatay ka sa bundok na iyong sinasampa, at malakip ka sa iyong bayan, gaya ni Aaron na iyong kapatid na namatay sa bundok ng Hor, at nalakip sa kaniyang bayan:
There on the mountain you've climbed, you will die and join your people in death, in the same way your brother Aaron died on Mount Hor and joined his people.
51 Sapagka't kayo'y sumalansang laban sa akin sa gitna ng mga anak ni Israel sa tubig ng Meriba ng Cades, sa ilang ng Zin; sapagka't hindi ninyo ako inaring banal sa gitna ng mga anak ni Israel.
For there at the waters of Meribah-kadesh in the Desert of Zin, you both were unfaithful to me. You misrepresented me to the Israelites when you didn't treat me as holy in their presence.
52 Sapagka't iyong matatanaw ang lupain sa harap mo; nguni't doo'y hindi ka makapapasok, sa lupain na aking ibinibigay sa mga anak ni Israel.
Though you will see the country that I am giving the Israelites from a distance, you won't enter it.”