< Deuteronomio 28 >
1 At mangyayaring kung iyong didingging masikap ang tinig ng Panginoon mong Dios, upang isagawa ang lahat niyang utos na aking iniuutos sa iyo sa araw na ito, ay itataas ka ng Panginoon mong Dios sa lahat ng mga bansa sa lupa:
In kun yi biyayya da maganar Ubangiji Allahnku, kuka kuma lura, kuka bi dukan umarnan da na ba ku a yau, Ubangiji Allahnku zai sa ku bisa dukan al’ummai a duniya.
2 At ang lahat ng pagpapalang ito ay darating sa iyo at aabot sa iyo, kung iyong didinggin ang tinig ng Panginoon mong Dios.
Dukan waɗannan albarku za su sauko muku, su zama naku, in kuka yi biyayya ga Ubangiji Allahnku.
3 Magiging mapalad ka sa bayan, at magiging mapalad ka sa parang.
Za ku zama masu albarka a cikin birni, za ku kuma zama masu albarka har a ƙauye.
4 Magiging mapalad ang bunga ng iyong katawan, at ang bunga ng iyong lupa, at ang bunga ng iyong mga hayop, ang karagdagan sa iyong bakahan at ang mga anak ng iyong kawan.
’Ya’yanku za su zama masu albarka, haka ma hatsin gonakinku da kuma’ya’yan dabbobinku, wato,’ya’yan shanu da’yan tumakinku.
5 Magiging mapalad ang iyong buslo at ang iyong palayok.
Za a albarkaci kwandonku da kwanon kwaɓan kullunku.
6 Magiging mapalad ka sa iyong pagpasok, at magiging mapalad ka sa iyong paglabas.
Za ku zama masu albarka sa’ad da kuka shiga, za ku kuma zama masu albarka sa’ad da kuka fita.
7 Pasasaktan ng Panginoon sa harap mo ang iyong mga kaaway na nagbabangon laban sa iyo: sila'y lalabas laban sa iyo sa isang daan at tatakas sa harap mo sa pitong daan.
A gabanku, Ubangiji zai sa ku fatattaki abokan gāban da za su taso suna gāba da ku. Ta hanya guda za su auka muku, amma ta hanyoyi bakwai za su gudu daga gabanku.
8 Igagawad sa iyo ng Panginoon ang kaniyang pagpapala sa iyong mga kamalig, at sa lahat ng pagpatungan mo ng iyong kamay at pagpapalain ka niya sa lupain na ibinibigay sa iyo ng Panginoon mong Dios.
Ubangiji zai aika da albarka a rumbunanku da kuma a bisa kome da kuka sa hannunku a kai. Ubangiji Allahnku zai albarkace ku a ƙasar da yake ba ku.
9 Itatatag ka ng Panginoon na isang banal na bayan sa kaniya, gaya ng kaniyang isinumpa sa iyo; kung iyong gaganapin ang mga utos ng Panginoon mong Dios, at lalakad ka sa kaniyang mga daan.
Ubangiji zai kafa ku kamar mutanensa masu tsarki, kamar yadda ya yi alkawari da rantsuwa, in kun kiyaye umarnan Ubangiji Allahnku, kuka kuma yi tafiya a hanyoyinsa.
10 At makikita ng lahat ng mga bayan sa lupa, na ikaw ay tinawag sa pamamagitan ng pangalan ng Panginoon at sila'y matatakot sa iyo.
Sa’an nan dukan mutane a duniya za su ga cewa ana kiranku da sunan Ubangiji, za su kuwa ji tsoronku.
11 At ikaw ay pasasaganain ng Panginoon, sa ikabubuti mo, sa bunga ng iyong katawan, at sa bunga ng iyong mga hayop, at sa bunga ng iyong lupa, sa lupain na isinumpa ng Panginoon sa iyong mga magulang upang ibigay sa iyo.
Ubangiji zai azurta ku sosai, a’ya’yan cikinku, a’ya’yan dabbobinku da kuma a hatsin gonarku, a cikin ƙasar da ya rantse wa kakanninku zai ba ku.
12 Bubuksan ng Panginoon sa iyo ang kaniyang mabuting kayamanan, ang langit, upang ibigay ang ulan sa iyong lupain sa kapanahunan, at upang pagpalain ang buong gawa ng iyong kamay; at ikaw ay magpapahiram sa maraming bansa, at ikaw ay hindi hihiram.
Ubangiji zai buɗe sammai, wurin ajiyarsa mai yalwa, don yă aika da ruwan sama a gonarku a lokacinsa, yă kuma albarkaci dukan aikin hannuwanku. Za ku ba wa al’ummai masu yawa rance, amma ba za ku karɓa bashi daga wurin wani ba.
13 At gagawin ka ng Panginoon na ulo at hindi buntot, at ikaw ay magiging sa ibabaw lamang, at hindi ka mapapasailalim; kung iyong didinggin ang mga utos ng Panginoon mong Dios, na aking iniuutos sa iyo sa araw na ito, na iyong sundin at gawin;
Ubangiji zai sa ku zama kai, ba wutsiya ba. In kun mai da hankali ga umarnan Ubangiji Allahnku da nake ba ku a wannan rana, kuka kuma lura, kuka bi su, kullum za ku kasance a bisa, ba a ƙasa ba.
14 At huwag kang lilihis sa anoman sa mga salita na aking iniuutos sa inyo sa araw na ito, sa kanan o sa kaliwa, upang sumunod sa ibang mga dios na paglilingkuran sila.
Kada ku kauce zuwa dama ko zuwa hagu daga umarnan da na ba ku a yau, har ku bi waɗansu alloli kuna yin musu sujada.
15 Nguni't mangyayari, na kung hindi mo didinggin ang tinig ng Panginoon mong Dios, na isasagawa ang lahat ng kaniyang mga utos at ang kaniyang palatuntunan na aking iniuutos sa iyo sa araw na ito, na ang lahat ng sumpang ito ay darating sa iyo at aabot sa iyo.
Amma fa, in ba ku yi biyayya ga Ubangiji Allahnku ba, ba ku kuma lura kun bi dukan umarnansa da ƙa’idodin da nake ba ku a yau ba, dukan la’anan nan za su zo a bisanku, su kuma same ku.
16 Susumpain ka sa bayan, at susumpain ka sa parang.
Za ku zama la’anannu a birni da kuma a ƙauye.
17 Susumpain ang iyong buslo at ang iyong palayok.
Za a la’anta kwandonku da kwanon kwaɓan kullunku.
18 Susumpain ang bunga ng iyong katawan, at ang bunga ng iyong lupa, ang karagdagan ng iyong bakahan at ang mga anak ng iyong kawan.
Za a la’anta’ya’yan cikinku, haka ma hatsin gonarku, da’ya’yan shanunku da’yan tumakinku.
19 Susumpain ka sa iyong pagpasok, at susumpain ka sa iyong paglabas.
Za a la’anta ku sa’ad da kuka shiga da sa’ad da kuka fita.
20 Ibubugso ng Panginoon sa iyo ang sumpa, ang kalituhan, at ang saway, sa lahat ng pagpapatungan ng iyong kamay na iyong gagawin, hanggang sa ikaw ay mabuwal, at hanggang sa ikaw ay malipol na madali; dahil sa kasamaan ng iyong mga gawa, na sa gayo'y pinabayaan mo ako.
Ubangiji zai aiko muku da la’ana, da ruɗewa, da damuwa cikin dukan abin da za ku yi, har ya hallaka ku, ku lalace da sauri saboda mugayen ayyukanku, domin kuma kuka rabu da ni.
21 Ikakapit sa iyo ng Panginoon ang salot hanggang sa maubos ka sa lupa, na iyong pinapasok upang ariin.
Ubangiji zai aiko muku da annoba wadda za tă manne muku, tă cinye ku cikin ƙasar da za ku shiga, ku mallake ta.
22 Sasalutin ka ng Panginoon ng sakit na tuyo, at ng lagnat, at ng pamamaga, at ng nagaapoy na init, at ng tabak, at ng salot ng hangin, at ng sakit sa pagani; at kanilang hahabulin ka hanggang sa ikaw ay malipol.
Ubangiji zai buga ku da cuta mai lalacewa, da zazzaɓi, da ƙuna, da zafin rana, da fāri, da burtuntuna, da fumfuna, waɗanda za su azabtar da ku sai kun hallaka.
23 At ang iyong langit na nasa itaas ng iyong ulo, ay magiging tanso, at ang lupa na nasa ilalim mo ay magiging bakal.
Girgijen da yake bisanku zai zama tagulla, ƙasar da take ƙarƙashinku za tă zama ƙarfe.
24 Ang ipauulan ng Panginoon sa iyong lupa ay abo at alabok; mula sa langit ay bababa sa iyo, hanggang sa ikaw ay magiba.
Ubangiji zai juye ruwan saman ƙasarku yă zama ƙura da gari; zai sauko daga gizagizai har sai kun hallaka.
25 Pasasaktan ka ng Panginoon sa harap ng iyong mga kaaway; ikaw ay lalabas sa isang daan laban sa kanila, at tatakas sa pitong daan sa harap nila: at ikaw ay papagpaparoo't parituhin sa lahat ng mga kaharian sa lupa.
Ubangiji zai sa a rinjaye ku a gaban abokan gābanku. Ta hanya guda za ku auka musu, amma ta hanyoyi bakwai za ku gudu daga gabansu. Za ku zama abin ƙi ga dukan mulkokin duniya.
26 At ang iyong bangkay ay magiging pagkain sa lahat ng mga ibon sa himpapawid, at sa mga hayop sa lupa; at walang taong bubugaw sa kanila.
Gawawwakinku za su zama abincin dukan tsuntsayen sarari da namun duniya, ba kuwa wanda zai kore su.
27 Sasalutin ka ng Panginoon ng bukol sa Egipto, at ng mga grano, at ng kati, at ng galis, na hindi mapagagaling.
Ubangiji zai buge ku da maruran Masar, da ƙazuwa, da kuma ƙaiƙayi waɗanda ba za su warke ba
28 Sasaktan ka ng Panginoon ng pagkaulol, at ng pagkabulag, at ng pagkagulat ng puso;
Ubangiji zai buge ku da hauka, makanta, da rikicewar hankali.
29 At ikaw ay magaapuhap sa katanghaliang tapat na gaya ng bulag na nagaapuhap sa kadiliman, at hindi ka giginhawa sa iyong mga lakad: at ikaw ay mapipighati at sasamsaman kailan man, at walang taong magliligtas sa iyo.
Da tsakar rana za ku riƙa lallubawa kamar makaho. Za ku zama marasa nasara a cikin kome da kuka yi; kowace rana za a zalunce ku, a kuma yi muku ƙwace, ba tare da wani ya cece ku ba.
30 Ikaw ay magaasawa, at ibang lalake ang sisiping sa kaniya: ikaw ay magtatayo ng isang bahay, at hindi mo tatahanan: ikaw ay maguubasan, at hindi mo mapapakinabangan ang bunga niyaon.
Za ku yi tashin yarinya, amma wani ne zai ɗauke ta yă kwana da ita. Za ku gina gida amma wani ne zai zauna a ciki. Za ku shuka inabi, amma ba za ku ma fara jin daɗin’ya’yansa ba.
31 Ang iyong baka ay papatayin sa harap ng iyong mga mata, at hindi mo makakain yaon; ang iyong asno ay aagawin sa harap ng iyong mukha, at hindi na masasauli sa iyo: ang iyong tupa ay mabibigay sa iyong mga kaaway, at walang magliligtas sa iyo.
Za a yanka sanku a idanunku, amma ba za ko ci wani abu a cikinsa ba. Za a ƙwace jakinku ƙiri-ƙiri, amma ba za a mayar muku da shi ba. Za a ba da tumakinku ga abokan gābanku, kuma ba kowa da zai cece su.
32 Ang iyong mga anak na lalake at babae ay magbibigay sa ibang bayan; at ang iyong mga mata ay titingin, at mangangalay ng paghihintay sa kanila sa buong araw: at ang iyong kamay ay walang magagawa.
Za a ba da’ya’yanku maza da mata ga wata al’umma, za ku kuma yi ta zuba idanunku kuna neman su kullayaumi, amma a banza, domin ba ku da ikon yin kome.
33 Ang bunga ng iyong lupa, at lahat ng iyong gawa ay kakanin ng bansang di mo nakikilala; at ikaw ay mapipighati at magigipit na palagi:
Mutanen da ba ku sani ba za su ci kayan gonarku da amfanin wahalarku, za a yi ta cucinku, ana kuma danne ku kullum.
34 Na anopa't ikaw ay mauulol dahil sa makikita ng paningin ng iyong mga mata.
Abubuwan da za ku gani za su sa ku yi hauka.
35 Sasaktan ka ng Panginoon sa mga tuhod at sa mga hita, ng isang masamang bukol na hindi mo mapagagaling, mula sa talampakan ng iyong paa hanggang sa bao ng iyong ulo.
Ubangiji zai buge gwiwoyinku da ƙafafunku da marurai masu zafi da ba za a iya warkar da su ba, za su yaɗu daga tafin ƙafafu zuwa bisa kanku.
36 Dadalhin ka ng Panginoon, at ang iyong haring ilalagay mo sa iyo, sa isang bansang hindi mo nakilala, ninyo ng iyong mga magulang at doo'y maglilingkod ka sa ibang mga dios, na kahoy at bato.
Ubangiji zai kore ku, ku da sarkin da kuka naɗa a bisanku zuwa al’ummar da ku, ko kakanninku ba su sani ba. A can za ku yi wa waɗansu alloli sujada, allolin itace da na dutse.
37 At ikaw ay magiging isang kamanghaan, isang kawikaan, at isang kabiruan sa lahat ng bayang pagdadalhan sa iyo ng Panginoon.
Za ku zama abin ƙi, abin dariya, da kuma abin habaici ga dukan al’ummai inda Ubangiji zai kore ku zuwa.
38 Kukuha ka ng maraming binhi sa bukid, at kaunti ang iyong titipunin; sapagka't uubusin ng balang.
Za ku shuka iri da yawa a gona, amma za ku girbe kaɗan, domin fāra za su cinye su.
39 Ikaw ay maguubasan at iyong aalagaan, nguni't ni hindi ka iinom ng alak, ni mamimitas ng ubas; sapagka't kakanin yaon ng uod.
Za ku shuka inabi ku kuma yi musu banƙasa, amma ba za ku sha ruwan inabin ba, domin tsutsotsi za su cinye su.
40 Magkakaroon ka ng mga puno ng olibo sa lahat ng iyong mga hangganan, nguni't hindi ka magpapahid ng langis; sapagka't ang iyong olibo ay malalagasan ng buko.
Za ku kasance da itatuwan zaitun ko’ina a ƙasarku, amma ba za ku yi amfani da mansu ba, domin’ya’yan zaitun za su kakkaɓe.
41 Ikaw ay magkakaanak ng mga lalake at mga babae, nguni't sila'y hindi magiging iyo; sapagka't sila'y yayaon sa pagkabihag.
Za ku haifi’ya’ya maza da mata, amma za su zama naku ba, domin za a kai su bauta.
42 Lahat ng iyong puno ng kahoy at bunga ng iyong lupa ay aariin ng balang.
Tarin fāra za su mamaye dukan itatuwanku da kuma hatsin gonarku.
43 Ang taga ibang lupa na nasa gitna mo ay tataas ng higit at higit sa iyo, at ikaw ay pababa ng pababa ng pababa.
Baƙin da suke tare da ku, za su yi ta ƙaruwa, ku kuwa za ku yi ta komawa baya-baya.
44 Siya'y magpapahiram sa iyo, at ikaw ay hindi makapagpapahiram sa kaniya: siya'y magiging ulo, at ikaw ay magiging buntot.
Za su ba ku bashi, amma ba za ku ba su bashi ba. Za su zama kai, ku kuwa za ku zama wutsiya.
45 At lahat ng mga sumpang ito ay darating sa iyo at hahabulin ka, at aabutan ka, hanggang sa magiba ka; sapagka't hindi mo dininig ang tinig ng Panginoon mong Dios, upang tuparin ang kaniyang mga utos at ang kaniyang mga palatuntunan na kaniyang iniutos sa iyo:
Dukan waɗannan la’anoni za su sauko a kanku. Za su bi ku, su same ku, sai an hallaka ku, domin ba ku yi biyayya ga Ubangiji Allahnku, kuka kuma kiyaye umarnai da ƙa’idodin da ya ba ku ba.
46 At ang mga yao'y magiging isang tanda at isang kababalaghan sa iyo, at sa iyong lahi magpakailan man:
Za su zama alamu da al’ajabi gare ku da kuma zuriyarku har abada.
47 Sapagka't hindi ka naglingkod sa Panginoon mong Dios na may kagalakan, at may kasayahan ng puso, dahil sa kasaganaan ng lahat ng mga bagay:
Gama ba ku bauta wa Ubangiji Allahnku da farin ciki da kuma murna a lokacin wadata ba,
48 Kaya't maglilingkod ka sa iyong mga kaaway na susuguin ng Panginoon laban sa iyo, na may gutom, at uhaw, at kahubaran, at sa kakulangan ng lahat ng mga bagay: at lalagyan ka niya ng isang pamatok na bakal sa iyong leeg hanggang sa maibuwal ka niya.
saboda haka a cikin yunwa da ƙishirwa, cikin tsiraici da mugun talauci, za ku bauta wa abokan gāban da Ubangiji ya aiko muku. Zai sa karkiyar ƙarfe a wuyanku har sai ya hallaka ku ƙaf.
49 Magdadala ang Panginoon ng isang bansang laban sa iyo mula sa malayo, mula sa katapusan ng lupa, na gaya ng lumilipad ang aguila; isang bansang ang wika'y hindi mo nababatid;
Ubangiji zai kawo al’umma daga nesa, daga iyakar duniya, ta sauko a kanku kamar gaggafa, al’ummar da ba ku san yarenta ba,
50 Bansang mukhang mabangis, na hindi igagalang ang pagkatao ng matanda, ni magpapakundangan sa bata:
al’umma mai zafin hali wadda ba ta ba wa tsofaffi girma, kuma ba ta tausayin yara.
51 At kaniyang kakanin ang anak ng iyong hayop at ang bunga ng iyong lupa, hanggang sa maibuwal ka; na wala ring matitira sa iyong trigo, alak, o langis, ng karagdagan ng iyong bakahan, o ng anak ng iyong kawan, hanggang sa ikaw ay maipalipol.
Za su cinye’ya’yan dabbobinku da hatsin gonarku sai an hallaka ku. Ba za su rage ko ƙwayar hatsi, ko sabon ruwan inabi, ko mai ba, ba kuwa za a bar’yan tumakinku ba, sai an lalatar da ku.
52 At kaniyang kukubkubin ka sa lahat ng iyong mga pintuang-daan, hanggang sa ang iyong mataas at nakababakod na kuta ay malagpak, na siyang iyong inaasahan, sa iyong buong lupain; at kaniyang kukubkubin ka sa lahat ng iyong mga pintuang-bayan sa iyong buong lupain, na ibinibigay sa iyo ng Panginoon mong Dios.
Za su kuwa kewaye ku a dukan garuruwanku, har sai katangarku masu tsayi wadda kuke dogara gare su, sun fāɗi ko’ina a ƙasar da Ubangiji Allahnku yake ba ku.
53 At kakain ka ng bunga ng iyong sariling katawan, ng laman ng iyong mga anak na lalake at babae, na ibinigay sa iyo ng Panginoon mong Dios, sa pagkakubkob at sa kagipitan, na igigipit sa iyo ng iyong mga kaaway.
Saboda wahalar da abokan gābanku za su gasa muku a lokacin kwanto, za ku ci’ya’yan cikinku, naman’ya’yanku maza da mata waɗanda Ubangiji Allahnku ya ba ku.
54 Ang lalaking mahabagin sa gitna mo, at totoong maramdamin, ay magiging masama ang kaniyang mata sa kaniyang kapatid, at sa asawa ng kaniyang sinapupunan, at sa labis sa kaniyang mga anak na ititira:
Kai, har da mutumin da ya fi hankali da kuma kirki a cikinku, ba zai ji tausayi ɗan’uwansa, ko matar da yake ƙauna, ko’ya’yansa da suka ragu ba,
55 Na anopa't hindi niya ibibigay sa kaninoman sa kanila ang laman ng kaniyang mga anak na kaniyang kakanin, sapagka't walang natira sa kaniya, sa pagkubkob at sa kagipitan na igigipit sa iyo ng iyong mga kaaway sa lahat ng iyong mga pintuang-bayan.
ba kuwa zai ba waninsu wani naman’ya’yansa da yake ci ba. Gama dukan abin da ya rage masa ke nan saboda wahalar da abokan gābanku za su gasa muku a lokacin da ake kwanton wa dukan biranenku.
56 Ang mahabagin at maramdaming babae sa gitna mo, na hindi pa natitikmang itungtong ang talampakan ng kaniyang paa sa lupa dahil sa kahinhinan at pagkamahabagin, ay magiging masama ang kaniyang mata sa asawa ng kaniyang sinapupunan, at sa kaniyang anak na lalake, at babae;
Mace mafi hankali da kuma kirki a cikinku, kai, mafi hankali da kirki da ba ta ma karambanin taɓa ƙasa da tafin ƙafarta, za tă hana wa mijinta da take ƙauna, da kuma ɗanta, ko’yarta abinci.
57 At sa kaniyang sanggol na lumalabas sa pagitan ng kaniyang mga paa at sa kaniyang mga anak na kaniyang ipanganganak; sapagka't kaniyang kakanin ng lihim sila dahil sa kakulangan ng lahat ng mga bagay, sa pagkubkob at sa kagipitan, na igigipit sa iyo ng iyong mga kaaway sa iyong mga pintuang-bayan.
A ɓoye za tă ci mahaifar da take biyo bayan ta haihu, da’ya’yan da za tă haifa, saboda ba ta da wani abinci lokacin da abokan gābanku za su kewaye garuruwanku da yaƙi mai tsanani.
58 Kung hindi mo isasagawa ang lahat ng mga salita ng kautusang ito na nasusulat sa aklat na ito, upang ikaw ay matakot dito sa maluwalhati at kakilakilabot na pangalang, Ang Panginoon Mong Dios.
In ba ku lura kuka bi dukan kalmomi wannan doka, waɗanda an rubuta a wannan littafi ba, ba ku kuma girmama wannan suna mai ɗaukaka da kuma mai banrazana na Ubangiji Allahnku ba,
59 Kung magkagayo'y gagawin ng Panginoon na kamanghamangha ang salot sa iyo, at ang salot sa iyong binhi, malaking salot, at totoong malaon, at kakilakilabot na sakit, at totoong malaon.
Ubangiji zai aika da annoba masu zafi a kanku da zuriyarku, masifu masu zafi waɗanda za su daɗe, da mugayen cututtuka waɗanda ba sa kawuwa.
60 At kaniyang pararatingin uli sa iyo ang lahat ng mga sakit sa Egipto, na iyong kinatakutan at kakapit sa iyo.
Zai kawo muku dukan cututtukan Masar da kuke tsoro, za su kuwa manne muku.
61 Bawa't sakit din naman, at bawa't salot, na hindi nasusulat sa aklat ng kautusang ito'y pararatingin nga sa iyo ng Panginoon, hanggang sa ikaw ay maibuwal.
Ubangiji kuma zai kawo muku kowane irin ciwo da masifar da ba a rubuta a cikin wannan Littafin Doka ba, har sai an hallaka ku.
62 At kayo'y malalabing kaunti sa bilang, pagkatapos na kayo'y naging gaya ng mga bituin sa langit sa karamihan; sapagka't hindi ninyo dininig ang tinig ng Panginoon mong Dios.
Ku da kuke da yawa kamar taurari a sarari za ku ragu ku zama kaɗan, domin ba ku yi biyayya ga Ubangiji Allahnku ba.
63 At mangyayari, na kung paanong ang Panginoon ay nagagalak sa inyo na gawin kayong mabuti at paramihin kayo: ay gayon magagalak ang Panginoon sa inyo na ipalipol kayo, at ibuwal kayo; at kayo'y palalayasin sa lupa na inyong pinapasok upang ariin.
Kamar yadda ya gamshi Ubangiji ya sa kuka yi arziki kuka kuma ƙaru, haka zai gamshe shi yă lalatar yă kuma hallaka ku. Za a tumɓuke ku daga ƙasar da kuke shiga ku mallaka.
64 At pangangalatin ka ng Panginoon sa lahat ng mga bayan, mula sa isang dulo ng lupa hanggang sa kabilang dulo ng lupa; at doo'y maglilingkod ka sa ibang mga dios, na hindi mo nakilala, ninyo ng inyong mga magulang, sa makatuwid baga'y sa mga dios na kahoy at bato.
Sa’an nan Ubangiji zai watsar da ku cikin dukan al’ummai, daga wannan bangon duniya zuwa wancan. A can za ku bauta waɗansu alloli, allolin itace da na dutse, waɗanda ko ku, ko kakanninku, ba ku sani ba.
65 At sa gitna ng mga bansang ito ay hindi ka makakasumpong ng ginhawa, at mawawalan ng kapahingahan ang talampakan ng iyong paa: kundi bibigyan ka ng Panginoon doon ng sikdo ng puso, at pangangalumata, at panglalambot ng kaluluwa:
A cikin waɗancan al’ummai ba za ku sami hutu ba, ba wurin hutu wa tafin ƙafanku. A can Ubangiji zai sa fargaba a zuciyarku, yă sa idanunku su lalace, ranku zai yi suwu.
66 At ang iyong buhay ay mabibitin sa pagaalinglangan sa harap mo; at ikaw ay matatakot gabi't araw, at mawawalan ng katiwalaan ang iyong buhay.
Za ku yi zama cikin damuwa kullum, cike da tsoro, dare da rana, ba tabbacin abin da zai faru da ranku.
67 Sa kinaumagaha'y iyong sasabihin, Kahi manawari ay gumabi na! at sa kinagabiha'y iyong sasabihin, Kahi manawari ay umumaga na! dahil sa takot ng iyong puso na iyong ikatatakot, at dahil sa paningin ng iyong mga mata na iyong ikakikita.
Da safe za ku ce, “Da ma yamma ne!” Da yamma kuma ku ce, “Da ma safiya ce!” Saboda tsoron da ya cika zukatanku da kuma abubuwan da idanunku za su gani.
68 At pababalikin ka ng Panginoon sa Egipto sa pamamagitan ng sasakyan, sa daan na aking sinabi sa iyo, Hindi mo na uli makikita; at doo'y pabibili kayo sa inyong mga kaaway na pinaka aliping lalake, at babae, at walang taong bibili sa inyo.
Ubangiji zai komar da ku cikin jiragen ruwa zuwa Masar, tafiyar da na ce kada ku ƙara yi. A can za ku ba da kanku don sayarwa ga abokan gābanku a matsayin bayi maza da mata, amma ba wanda zai saye ku.